Chapter 16

2295 Words
Reign's POV "Ang sabihin mo,gusto kana rin ni Cedric.Halata naman eh!" Naka ngiting sabi ni Christine habang ginagamot ang sugat ko. Pansamatala muna kaming nagpunta sa head quarter namin upang gamutin ang iilang sugat ko sa braso at hita. "Paano naman halata? Daig pa nga namin aso't-pusa kung mag-away." "Feeling ko lang pala." Binasa ng alcohol ang bulak pagkatapos ay ipinahid ito sa aking tuhod. "Ouch!" "Kailangan 'yan para gumaling kaagad.Mabuti 'yan lang nakuha mo sa mga lokong iyon.Paano pala kung ginahasa ka nila?" "Subukan nila." Pananakot ko. "Gusto mo?" Seryosong tanong ni Leah. Inirapan ko. Sino ba gugustuhin ma-rape? Ang tali-talino 'di nag-iisip. "Ikaw naman hindi mabiro eh noh?" "Umayos ka nga. Ang sakit ng buo kong katawan." "Mas maganda kung wag ka muna pumasok bukas kahit sa trabaho mo." Si  Thania naman. "Hindi naman pupuwede 'yon." Natanaw ko sa di kalayuan itong si Tina ,ang lalim ng iniisip. "Anong problema ng isang 'yon?" Lahat naman sila ay tumingin sa tinitignan ko. "Ah! Hindi ka pa ba sanay? Tahimik lang talaga 'yan. Minsan lang magsalita pero lagi naman negative ang sinasabi. Mabuti pa nga at tahimik nalang." Sagot naman ni Des. "Iyan ang nakakatakot na kalaban." Makahulugan kong sabi.Lahat sila ay tumingin. Wala lang ,nasabi ko lang. Lahat naman kasi ng tahimik na tao kung titignan mo tahimik pero minsan sila pa ang nag bubunga ng kasalanan at away. Hindi naman kasi kami close nitong si Cristina kaya 'di ko pa alam kung ano ba ang ugali nito sa ilan namin kasama. "Matanong nga kita Reign. Alam na ba ng magulang mo tungkol dito?" Usisa sakin ni Tin2x ( Christine) "Hindi ko pa masabi.Alam ko na rin ang sasabihin nila.'Tumigil kana dyan ,wala kang mapapala dyan sa gulong hatid." Matamlay kong sabi. "May pera naman kamo kayo, dahil nga dyan kaya nakakabili ka nang gamot ng Tatay mo 'di ba? Tsaka bumili kana kaya ng kotse?" Sabi pa ni  Roselle. "Tsaka nalang.Gamot ni Tatay ang mahalaga sa'kin ngayon at ang kakainin namin.Hindi naman habang-buhay may pera kaming hawak,kaya yung kalahati kada buwan inilalagay ko sa bangko." "Mautak." Lahad ni Leah "Matipid lang,Hindi mo gaya mo sunod sa layaw ang gusto." Sabi nito kay Leah. "Hoy! Roselle..." Sabi niya. "Ano Leah?" Pagtataray nito. Nagtatawanan kami habang ang dalawa ay naglalaban nang tingin. "Maiba tayo." Si Des. "Ano balak natin? No more Lucifer Kingdom na ba?" Lahat sila ay tumingin sakin. "Tulad ng sinabi nila.Kaya natin 'yan.Umiwas nalang tayo sa gulo." "Hindi ko masasabi." Satsat ni Tina ( Christina ) "Oo nga Reign. Sana'y kami sa away at gulo eh.Mamaya nga lang may reresbakin kami." Saad ni Leah. "Ah oo nga. Sama ka ba? Para makilala mo na rin kung sino 'yong Ex-boyfriend ni Leah." Nakakalokong tumingin si Thania kay Leah. "Ex-boyfriend is Ex-boyfriend." Pagkokorek ko. "Ginugulo lang ako ng Girlfriend niya.Bibigyan ko lang ng isang sapak.Nang gigigil ako sa itsura eh." "Sabihin mo,hindi lang matanggap ng iyong sarili na panget ang ipinalit sayo." "Okay lang ipagpalit ka sa iba pero 'yong ipagpalit ka sa mas panget sayo? Nakaka insulto iyon." Banat ko. "Baka mas magaling." Sabi naman ni Des. "Magaling?" Umismid si Leah. "Baka ipaalala ko sakanya kung paano siya umungol kapag nag-seSex kami." Sabay sabay silang nag whoooooo... Nakakadiri naman mga pinag- uusapan nila. Diretsahan eh! "Daig ng malandi ang maganda!" Nasabi ko nalang. "Baka nga mas malandi sa s*x iyong pinalit sayo.Kaya walang kwenta ang ganda mo.Tama ! Tama nga." Tila naka ngising sabi ni Roselle. "Malalaman natin kung mailalabas ang landi niya kapag nagkaharap kami." Ngumiti nalang ako sabay sabi. "Kung nakamove on kana hindi mo papatulan ang girlfriend niya ngayon." "Nakamove-on na ko." Depensa niya. "May gusto lang akong patunayan sa lalakeng 'yon." Nagtaasan ang kilay namin. "Sasama ako." Sabi ko pa. "Tama para makita mo kung ano itsura ng bruhang 'yon!" "Ano ba mangyayari 'ron?" "Away ,gulo , basagan ng mukha." Gigil niyang tugon. "Hala siya." "Bakit?Duwag ka ba Reign?" Satsat nitong si Tina. "Hindi duwag si Reign 'di ba?" Pagtatanggol sakin ni Thania. Mabuti pa tumahimik nalang nga itong si Tina. Duwag? Ba't ako maduduwag? Ako pa ba? Hindi nga ako lumaking basagulera pero kaya kong pumatay kung kina-kailangan. Leah's POV Nasaan kaya ang babaeng 'yon? Na duwag yata. Puro lang pala siya salita. Kung ganon lang pala itsura gusto ni Grans ede sana nagpa panget nalang ako. Tinuloy ko lang sana magpuyat at hindi maligo. Hustisya naman! Habang ako alagang-alaga sa sarili tapos sa mabantot lang pala siya mauuwi. Nakaka insulto kaya. Umakyat kami sa second floor ng isang lumang gusali. Dito kami magkikita ng babaeng bakulaw na 'yon. Naka handa na rin ang mga bato at baseball bat ko. Humanda siya sakin. Sisiguraduhin kong mabubura nang tuluyan ang mukha niya. "Ayan na yata sila." Sabi sakin ni Thania. Siya muna ang pinasama ko habang ang ilan kong kasama ay nasa paligid lang. "Ang landi maglakad." Sabi ko. Habang palapit sila samin. "Hey girl! How was you are day?" Tangina ! Ano raw? May ARE ba talaga 'yon? "Girl? Ew! Anong how was you are day? Nag-aral ka ba? Muntanga lang ah?" Satsat ko. Tumawa ito ng nakaka inis. "Bobo ka ba?" Kingina mong babae ka! Ako pa tinanong mo ah! "Ba't ikaw maganda ka ba?" Nagtawanan ang mga kasama niyang babae nasa anim ito. "Of course, I'm beauty inside or out." Muntik pa ko masuka at the same time matawa dahil sa English carabao niya! "Nasa Pilipinas tayo ba't hindi mo subukan mag-tagalog nang hindi nakakahiya sa mga kasama mo." Narinig kong tumawa ng mahina si Thania. "Eh ano ba pakialam mo! Buhay ko 'to! At tsaka ,bakit ba hindi kapa rin makamove on kay Grans? Nasa akin na siya." "Fvck! Saksak mo dyan sa ngala-ngala mo! Pinagsasabi mo? May gusto lang akong patunayan sayo at dyan sa mga kasama mo!" "What?"  Inirapan ko nga.May pa-what-what pang nalalaman. "Maganda ako , sexy ,mayaman ,matalino at Higit sa lahat ----magaling." Pagmamalaki ko. "Talaga? Oo nga,Nandiyan na nga sayo ang lahat pero nakanino ba si Grans? Nasa akin 'di ba? Hindi lahat ng lalake hanap 'yong perpektong babae." Pagtataray sakin.Tumawa ang mga kasama niya maging si Thania ay hindi napigilan tumawa.Tinignan ko lang siya ng masama kaya huminto sa ginawang pagtawa. "Oo nga eh.Hindi humanap ng perpekto si Grans.Look your face ,parang hindi mawari kung anong hulma.Maging 'yang pag-eenglish mo? Hindi ka ba nahihiya? Salita ka ng salita hindi mo iniintindi kung tama ba o mali." "What ever!" Nak's tumama! "Hindi ako nagpunta rito para makipag-usap sa mga walang kwentang bagay." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay may bumato sa'min ng malaking bato.Mabuti at walang tinamaan sa'min. "Tara na para matapos na itong away na 'to!" Sigaw niya. Doon nagsimulang lumabas ang maraming babae at lalake sa dilim. Kingina! Hindi ko inaasahang mas marami sila sa'min.Lumabas na rin sina Reign at mga kasama ko. "Para patas at makita natin kung sino mas magaling.Walang gagamit ng mga armas. Sapak ,tadyak ,sabunot lang ang pwede gawin.Kapag nakita natin marami ng bumagsak tsaka tayo sisingit." Lintek na babaeng ito. Ang dami pa Arte.Pwede naman sumabay kami ng rambulan sa kanila. Unang nanuntok ang mga kasama ng babaeng bakulaw ,pero walang wala naman sila sa mga kasama ko. Isang suntok nga lang sa sikmura bumubuwal na.Sarap lang panuorin ng babaeng bakulaw na naiinis habang pinapanuod bumabagsak ang mga kasama. Ang sarap din tumawa habang paubos ng paubos ang mga kalaban.May ilan ay tumatakbo dahil sa tindi nang kanilang natatamo.Sumenyas ako kay Roselle,dahil nang hihina si Reign.Sabi ko naman kasi na wag siyang makisali dahil may mga ilan pa itong sugat at pasa. Inilayo niya si Reign, tapos kami na ngayon ni Babaeng Bakulaw ang maghaharap. "Hi Girl! Ready?" Gumitna kami habang ang mga kasama namin ay manunuod na. Hinila ko ang kanyang buhok na tingin ko amoy baby oil. As in, matagal nang nakalagay sa buhok niya.Halatang 'di naliligo. Kainis! Hinatak din niya ang buhok ko.Parang ang daya? Ang bango-bango ng hairdo ko habang sa kanya amoy nagmamantika! Ahhhh... Para matapos na ito,hindi ko na rin maamoy ang baho niya.Ginawa ko ang uppercut! Ayoooon! Yayaaaaaay! Bagsak! Sigawan ang Viper Berus. Dinuraan ko ang walang malay niyang katawan."Wala ka palang binatbat. Isang uppercut lang pala ang katapat. Pwe!" Cedric's POV Ang ganda ng umaga ko. Lalo ngayon,nakikita ko siyang naglalakad papasok sa University.Malamang, hindi pa rin niya pinapagawa ang motor. Huminto ako sa tapat nito. "Hoy ! Good morning!" Tumingin lamang ngunit hindi huminto sa paglalakad. "Hoy Reign! Bakit ayaw mo ipagawa motor mo! Akala ko ba malaki ang nakukuha mong pera sa mga Viper Berus ha?" Patuloy lamang siya sa paglakad habang ako ay mabagal nagdra-drive. "Hoooy!" Malakas kong tawag. "Bakit ba?" Muntik pa ko masubsob ng ihinto ko ang kotse. "Sumakay kana." Alok ko. "Ayoko." Tanggi nito at muling naglakad. "Bakit kasi naglalakad ka? Ipagawa mo nga 'yong motor mo o 'di kaya bumili ka ng kotse hindi yong naglalakad ka papasok sa university." "Problema mo ba 'yon? Hindi naman ikaw ang nahihirapan maglakad 'di ba?" Inirapan ako patuloy pa rin sa paglalakad. "Ang init na kaya." "Akala ko ba wala ng pakialamanan? Bakit ang kulit mo.Ang aga-aga sinisira mo araw ko." Ratrat sakin. "Ang arte mo.Concern lang naman ako.Bahala ka dyan mabilad sa araw !" Biglang paharurot ko ng kotse. Reign's POV Buwisit na 'yon! Mabuti nalang umalis kaagad ang Hambog na gangster. Sinisira lagi niya ang araw ko. Eh ano ba pakialam niya kung mabilad ako at maglakad? Nagpapa-awa ba ko? Kaasar ah? Until now,ang sakit pa rin ng katawan ko.Nabugbog na nga ako tapos nakipag-away pa kami sa babaeng bakulaw daw sabi ni Leah.Madaling araw ako nakauwi ng bahay dahil sa head quarter ako pinatulog.Dinahilan ko nalang kina Mama at Papa'ng  pumasok ako sa trabaho kahit hindi naman. Nakukuha ko tuloy mag sinungaling sa mga magulang ko simula nang mapasok ako sa Viper Berus.Hindi ko naman ginusto 'yon eh kaya lang kailangan dahil sigurado magagalit sila sa akin kapag nalaman sumali ako sa ganitong samahan. "Hoy babae! Sumakay kana!" "Ay kingina! Ano ba?!" Akala ko ba umalis na siya? Bumalik pa talaga! "Ohh nagmumura kana naman. Isang ulit pa hahalikan kita." Huminto ako,habang siya naman ay nasa loob ng kotse. Inirapan ko nalang bago nagpatuloy sa paglakad. Sinasabayan niya ang paglalakad ko. "Galing daw kayo kagabi sa rambol,bakit sumama kapa?" "Ano ba pakialam mo." Mahina kong sabi. "Bakit sumama kapa alam mo naman halos sugat at pasa kana." "Who care's?" "Wag mo isipin kinukulit kita pero kanina lang kasi may nakita ako dyan sa daraanan mo puro mga asong gala.Naku! Mukhang ang dami nga nila eh." Lintek! "Tinatakot mo ba ko?" Kasi kung ' oo' takot talaga ako sa aso. "Hindi.Concern lang. Gusto mo ba mahabol ng mga aso? Gusto mo ba ma-ulol sa mga kagat nila?" "Mga ilan ba?" Nakatanaw ako malayo tila nag-aalala na baka totoo nga ang sinasabi sa'kin. "Ahhhh---- mga nasa anim yata." "Mabilis naman akong tumakbo." Dahilan ko. "Okay bahala ka. Ang arte mo talaga. Alam mo bang marami may gustong maisakay ko rito sa kotse ko,at bukod tanging ikaw lang ang tumatanggi." Pagmamalaki niya. "Oh ede,pasakayin mo sila.Total naman gusto nila. Hindi ko naman kasi gusto sumakay dyan sa kotse mo habang kasama ka." "Ano kaya 'yon? Paano 'yon? Sasakay ka rito tapos ako lalabas. Sino magdra-drive?" Sira-ulo nito isang 'to ah? "Umalis kana nga. Wag kana mamilit kung ayaw. Kung kanina kapa naman siguro umalis baka nasa University kana at ako nangangalahati sa paglalakad." "Ayaw mo talaga?" "Ayaw!" "Isa!" "Manahimik ka." Tuloy ako sa paglalakad ngunit hindi ko na siya tinitignan. "Dalawa!" Manigas ka diyan Cedric! "Tatlo!" "Kahit umabot kapa nang 100 count's hindi ako sasakay sa kotse mo." "Pinapahiya mo talaga ako." Mariin niyang sabi. As in nasa likuran ko na siya ngayon. Bago ako humarap ibinuhat niya kong itsurang sakong bigas. "Ano ba! Bitawaaan mo koo! Isa Cedric!" Hinampas ko ang likuran niya ngunit tinapik nito ang puwitan ko."Buwisit ka! Ang bastos mo wah! Bitawan mo ko. Sisigaw ako rito!!!" Gigil kong bulyaw sakanya. Tanging tawa lamang ang ginagawa niya. "Cedric! Ibaba mo ko!" Bukas ang pinto ng driver side tsaka ako inihagis doon. "Ouch! Ang balakang koooo!" Binalingan ko siya ng masamang tingin. "Ang arte mo. Gusto mo pa dinadaan kapa sa dahas bago mapa-amo." Sabi sakin habang patungo kami ng University. Haplos ko pa rin ang balakang ko. "Oh bakit masakit ba?" Ulit nito. "Nagtanong kapa." Inirapan ko. "Ikaw kasi." "Ako pa sinisi mo! Ako na nga nasaktan dito eh!" Mangiyak-ngiyak kong sabi. "Malayo 'yan sa bituka Reign. Hindi lang 'yan ang mararanasan mo habang patagal ka ng patagal sa pagiging gangster." Seryoso itong nagmamaneho. Kumirot tuloy ang sugat sa ilong ko. Ang sakit! "Anoooo baaaa!!!" Biglang preno kasi ang gagu! May hinahanap siya sa likuran ng kotse. "Humarap ka sakin." Seryoso niyang utos. "Ano na naman ba balak mo!" "Balak? Balak kitang gahasain." Pinandilatan ako ng mata. Sinapok ko nga sa ulo ang gagung hambog! "Umayos ka ah!" Inis kong wika. "Humarap kana lang kasi!" Humarap naman ako. "Bakit hindi mo nilagyan ng band aid yang ilong mo? Mukha ka tuloy clown." Sabay tawa habang nilalagyan ng band aid ang ilong ko. "Ouch! Dahan-dahan naman!" Reklamo ko. Mas diniinan nito. Kaya napamura ako sa sakit. "Sige mura pa! Ang pagka kakilala ko sayo hindi ka nagmumura." "Sayo lang naman ako ganito eh." Haplos ko ang ilong. "Ayieeee ... Kikiligin na ba ko? Sa'kin ka lang ganyan? Ang sweet mo naman magmahal." Umarte itong kinikilig. "Buwisit! Tigilan mo nga ko Cedric ,hindi bagay." "Bagay tayo." "Lubayan mo ko.Naka shabu ka yata eh! Ipapa-tokhang kita kay Pres.Duterte!" "Handa ako magpa-huli basta ba kasama kita sa kulungan." Nag shine ang mga mata at ngipin nito pagkatapos magsalita. Ano bang tinira nitong Hambog na gangster'ng 'to? Hindi ko kinakaya ang ginagawa niya. Baliw yata!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD