Reign's POV
"Makikipag-usap daw ang Lucifer sa atin mamayang gabi. Pwede ba kayo?" Tanong sa'min ni Roselle.
"Tungkol saan ang pag-uusapan?" Usisa ni Thania.
"Tungkol ito marahil sa away nila ni Joseph." Bara ko.
"Anong kinalaman natin doon? Para silang mga bata." Reklamo ni Christina.
"Baka involved tayo." Bulaslas naman ni Desirie.llLahat naman sila ay tumingin sa akin.
"Saan daw ba ang meeting place natin? Baka humabol nalang ako dahil may pasok pa ko mamaya." Pag-iiba ko ng usapan.
"Itetext ko na lang sayo." Mahinang tugon ni Leah.
"Daanan na lang kita." Pakiusap naman ni Christine.
"Ikaw bahala." Pinasok ko ang gamit sa bag. "Mag-iingat kayo sa pag-uwi." Paalam ko ng sumakay sa motor.
"Sandali." Awat ni Leah.
"Wag mo gamitin 'yan." Tumayo ito at may kinuha malapit sa preno. "See? May pumutol nang preno mo." Seryoso pa rin niyang sabi samin lahat.
"Oh my ghad!" Hiyaw ni Leah.
"Wala ka nang gagamitin?" Usisa ni Roselle.
"Maglalakad nalang ako. Nilalakad ko naman ito dati papuntang trabaho."
"Gabi na." Pag-aalala ni Christine sabay tingin sa langit. "Tsaka ,mahirap na baka mapahamak ka." Sakin na muli ang tingin.
"Salamat sa pag-aalala ,wala naman sigurong mangyayari masama sakin.Routine ko na 'to noong wala akong motor."
"Ihahatid nalang kita." Alok ni Thania.
"Itutulak ko nalang ito.Sayang din para mapagawa ko ito sa pagawaan ng motor.Katabi lang naman yun nang trabaho ko." Sabi ko pa.
"Baka malate ka."
"Salamat Thania,pero kaya ko naman eh.Sanay ang mga paa kong bumilis kapag ganitong male-late na ko."
"Eh sige." Kinuha ang libro.
"May isang subject pa kami kaya 'di ka namin mahahatid sa gate ha."
"No problem."
"Mauna na kami sayo Reign. Mag-iingat ka.Dadaanan ka nalang ni Christine later." Tumango ako pagka paalala ni Roselle.
Unti-onti silang nawala sa paningin ko. Sinubukan kong buksan ang makina ngunit kahit anong pilit kong i-preno ay hindi gumagana.No choice kundi ang maglakad habang hila ito. Malayo rin talaga ang trabaho ko sa University. Nahiya lang akong sumagot sa mga offer nila dahil may mga klase pa ito. Baka ako pa magiging dahilan ng pagka-late nila sa klase.
Habang binabaybay ko ang lansangan,kung saan dalawa lamang ang ilaw sa poste. May parteng madilim kaya pahirapan sakin kung may makakasalubong akong tao. Dinahan-dahan ko ang paglakad habang alalay ang motor. Ayoko dumating sa point na may mabangga ako ngunit huli na nang ma-realise kong may tao akong nabangga ng motor.
"Ops! Sorry!" Sigaw ko. Narinig ko lang umismid ito. "Pasensiya na." Ulit ko pa.
At dahil natatamaan ako ng sinag nang liwanag sa mukha. Umatras ako ng bahagya dahil umusad siya sakin.
"Gabing-gabi na wah? Sino kasama mo?" Boses ng lalake.
"Hindi pa naman malalim ang gabi. Uhm.. Pasensiya na wah?" Nakita ko ang kanyang mukha na naka ngisi. Hindi siya pamilyar saakin ngunit may iilan lalake rin lumabas mula sa dilim. Meron sa mga gilid ko. Kahit sa likod ay meron. Ano ba 'to? Gangster din kaya sila? Ang dami nila. Pawang mga masasama ang tingin sakin.
"Boss. Ano ba ginagawa kapag may nagawang mali?" Satsat ng lalake sa gilid ko.
"Bugbugin?"
"Hindi lang dapat bugbog!"
"Mukhang masarap naman siya. Bakit kaya 'di nalang natin galawin?"
"Kakayanin kaya niya? Bente tayo ,iisa lang siya."
"Manahimik nga kayo!?" Sigaw ng lalake na bangga ko. "Ano bang nangyari sa motor mo at bakit 'di mo sakyan?"
"Nasira ang preno." Mahina kong sagot.
"Ganoon ba? Ayos ba ginawa ko?" Sabi ng nasa likuran ko.
"Ikaw? Ikaw ang gumawa nito?" Nilingon ko ang nagsalita tapos tsaka ako umikot upang makita silang lahat. "Sino ba kayo? Kilala nyo ba ko? Bakit nyo ginawa yun?" Naguguluhan kong tanong. May sumipa sa motor ko kaya naman bumuwal ito. Pagkaraan ay may apat na lalakeng humawak sa mga braso ko. Ang hihigpit ng hawak halos di ako maka galaw sa kinatatayuan ko.
"Nakaharap ko rin ang babae naging dahilan kung bakit ako nag-alala nang husto." Makahulugang siwalat ng nasa harapan ko. Magsasalita sana ako ngunit dumilim ang buong paligid. May isinuklob sila sa aking ulo na itim na tela.
Christine's POV
Malalim na ang gabi ngunit wala pa rin akong nakikitang lumalabas sa shop na pinagtra-trabuhan ni Reign. Two hours ago tumawag sakin si Roselle ,sunduin ko raw si Reign dahil magkasama na sila nang Lkingdom. Dalawang oras lang naman akong nag hintay dito. Pumasok ako sa loob dahil wala na rin ganong bumibili.
"Miss? Pwede ba palabasin nyo si Reign? May pupuntahan lang kami." Nagulat ito sa aking pagsulpot.
"Si Annie? pero hindi naman siya pumasok." Sagot nito.
"Hindi? Paanong hindi? Eh sabi niya sa'min papasok siya at susunduin ko siya."
"Sorry,pero wala talaga siya rito. Tinatawagan ko nga siya dahil wala akong kasama ngayon pero hindi naman niya sinasagot ang tawag ko." Tumingin muna ako sa buong store.
"Alam mo ba kung saan siya nakatira?" Tila nag iisip ito kung sasagot ito. "Wag kang mag-alala. Kaibigan nya ko. Ako nga pala si Christine."
"Uhm sige.Isusulat ko ang address nila." Kumuha ng papel at ballpen. "Heto po.Kung nasa bahay siya pakisabi na nag-aalala ako.Hindi naman kasi yun panay absent at kung aabsent naman magsasabi yun."
"Salamat.Makakarating sa kanya." Lumabas na ko sa shop at pumasok ng kotse. Kabisado ko naman ang lugar na ito kaya hindi naging mahirap sakin ang pag hahanap. Nakarating ako sa isang apartment. Nagsisilbing liwanag lamang ang ilaw sa labas ng bahay. Natanaw ko kaagad ang motor ni Reign. Mas malala ang sira nito kumpara kanina nung naghiwalay kami.
"Tao po! Tao po!" Pag katok ko ng Ikalawang beses may bumukas ng pintuan. Isang matandang lalake ang bumungad sakin. Halos payat at halata rin galing sa sakit.
"Magandang gabi po. Nandiyan po ba ngayon si Reign?" Magalang kong usisa sa matanda.
"Ah si Annie?" Tumingin sa loob ng bahay. "Mahal ,may naghahanap kay Annie. Pumarine ka nga." Lingon ulit sakin. "Yung asawa ko na lang ang kausapin mo. Pasok ka."
"Ah sige po. Pasensiya na rin kung naka abala pa ko sa pag tulog nyo." Paumanhin ko habang pumapasok sa loob ng bahay. Maliit lamang ito at kaonti lang din ang kasangkapan. May isang kwarto naman ito ngunit hindi rin malaki.
"Ah ano bang kailangan mo sa anak namin?" Usisa sakin ng matandang babae.
"Magandang gabi po." Sumenyas siya maupo ako sa kanilang upuan. "Salamat po. Uhm. Kaibigan po ako ni Reign."
"Ah ni Annie. Ang alam ko ay wala siyang kaibigan bukod kina Nicole at Shien?"
"Bagong kaibigan niya po ako. Ah nasaan po pala siya? May usapan kasi kami ngayon na magkikita." Sinisilip ko ang buong paligid.
"Nasa kwarto nagpapahinga na."
"Bakit po hindi siya pumasok?"
"Umuwi siyang puno ng pasa at sugat sa katawan.Nag-alala kami nang husto.Nakita ng asawa kong wala nang preno ang motor niya.Marahil ay na aksidente siya.Ayaw naman kumibo nung naka-uwi rito kanina."
"Ho?!" Gusto ko sana magsalita pa ngunit mukhang mag aalala lang ng husto ang mga magulang niya.
"Gusto mo ba makausap? Baka sakaling sayo magsabi."
"Pwede po?" Usisa ko. Tumango ito at lumapit sa pintuan nang kwarto.
"Annie. Annie ,gising kapa ba? Nandito yung kaibigan mo." Tumingin sakin. "Ano ulit pangalan mo?"
"Christine po."
"Si Christine. Papasukin ko ba?" Matapos nun ay bumukas ang pinto pero walang lumabas mula sa loob.
"Pumasok kana." Utos sakin
"Salamat po." Pumasok na ko. Maliit nga ang kwartong ito. May iilan din gamit ngunit halatang luma rin. May isang papag doon at naka higa si Reign.
"Pasensiya kana Christine kung pinaghintay kita sa Shop namin." Naka talikod itong nagsasalita.
"Ano ba nangyari sayo?" Usisa ko. Bumangon siya. May mga pasa ito sa mukha at katawan. Maging mga sugat sa labi at noo.
"Napagtripan ako eh." Malungkot niyang sagot habang hawak ang labi. "Badtrip nga eh! Mabuti may hinala mga magulang kong aksidente lang yun hindi rambol."
"Rambol? Bakit? Saan?"
"Kanina bago sana ako pumasok sa trabaho. "
"Bakit ka naman napa rambol? Anong dahilan?"
"Aksidente kasing may na bangga akong tao. Hindi ko inaasahan ang dami pala nila."
"Ilan?"
"Bente?" Di pa siya sigurado sa sagot.
"Benteng tao ang bumugbog sayo???" Nanlaki mga mata ko.
"Hindi naman. Sigurado nasa sampu lang nakibubog."
"Kahit na. Nakilala mo ba kung sino ang mga bumugbog sayo? Reresbakin namin!"
"Wag na. Hindi ko rin naman kilala kung sino sila." Naka yuko niyang sabi.
"Pero... Kita mo naman ng nangyari sayo. Halos mawalan ka na yata nang lakas eh. Yun lang ba ang ginawa nila sayo?" Nag aalala kong tanong.
"Oo."
"Tatawagan ko na ba sina Roselle hindi ka makakapunta?" Kinuha ko ang cellphone.
"Tuloy pa rin tayo." Kinuha niya ang cellphone.
"Oo nga pala. Naka usap ko yung kasama mo sa trabaho. Nag-aalala siya kung bakit hindi ka pumasok. Magsabi ka nalang kung ano dahilan mo." Paalala ko
"Salamat.".
"Magpahinga ka nalang dyan. Kami na bahala makipag usap sa Lucifer Kingdom." Ipinasok ko ang cellphone sa bulsa. Nag tama ang mga mata namin bago ito humugot nang napaka lalim bago ibuga.
Cedric's POV
Napaka tagal naman yata nang Viper Berus na yun. Ayoko sa lahat yung pinag hihintay.
"Nandiyan na ang Viper." Bulong ni Axel sakin. Pumasok sina Roselle , Thania , Leah , Des.
"Bakit ngayon lang kayo?" Matapang kong tanong.
"Wala pa ba sina Christine at Reign?" Usisa ni Tina.
"Magtatanong ba ko kung nandito na?"
"Hmp. Tawagan mo nga yung dalawang iyon!" Inutusan niya si Thania habang inis na naka tingin sakin. "Ano ba pag-uusapan ha?"
"Atat ba? Hintayin muna natin ang pinuno nyo." Inirapan ako ni Tina.
Saglit tumahimik ang paligid. May dinayal si Thania at inabot kay Roselle. Lumayo nang bahagya ito. Pagkatapos ay tumingin sakin.
"Hinihintay lang niya si Reign sa shop baka papunta na rin yun." Sabi ni Roselle.
"Anong oras na wah?" Iritable tanong ni Erdem.
"Hintayin na natin." Sabi naman ni Frankie.
"Hindi tayo mag sisimula." Dugtong ko. Ilang minuto may text na natanggap si Thania ngunit sila lamang ni Roselle ang nag usap. Hindi ko maunawaan ang usapan nila pero tumitingin sa akin.
"Tawagan mo ulit." Utos ni Roselle dito.
"Hindi na sinasagot." Siyang lapit ni Thania.
"Magsimula na tayo. Mukhang hindi na makakarating ang dalawa." Umayos ako nang upo.
"Bakit naman?" Tanong ko.
"May nangyari kasing....."
"Sorry! Late kami!" Sigaw ni Christine. Bigla tuloy na excite ang puso ko dahil makikita ko muli si Reign. Akay ni Christine si Reign habang pumapasok at palapit sa mga kasama.
"Anong nangyari sa kanya?" Bulong sakin ni PEPs. Sinundan ko nang galaw ang dalawa. May kinuha silang bangko upang upuan ni Reign.
"Sorry may konting aberyang nangyari." Sabi pa ni Christine.
"Ano ba nangyari?" Usisa ni Zayn habang ako naman ay pinagmamasdan si Reign. Marami itong pasa at sugat sa katawan ,maging sa mukha.
"Napa rambol eh."
Suminghap ako bago ibuga ng malakas."Kung napa rambol bakit siya lang ang may sugat?" Usisa ko kay Christine..
"Hindi niya ko kasama nung oras na yun. May naka salubong lang siyang mga kalalakihan bago pumasok sana sa trabaho kaya lang ayon! Napagtulungan."
Dumadampi pa si Reign sa mukha bago tumingin sakin ng masamang tingin. Inirapan pa ko bago inayos ang buhok.
"Bakit naman kasi nakipag away ka? Hindi mo naman pala kaya!" Sigaw ko
"Kasalanan ko pa? Hindi ko naman alam na inabangan ako ng mga gagong yon!" Bulyaw sakin. Tumingin sa kanya si Christine.
"Akala ko ba aksidente lang yon?"
"Kaya nga ,pero kilala nila ako eh. Buwisit! Mabuti nalang natatandaan ko ang mukha nang leader nila. Kung magkikita kami muli makikilala ko siya." Gigil niyang sabi.
"Mga ilan ba sila?" Seryoso tanong ni Zayn dito.
"Bente." Muling napa ayos ako nang upo. Lumapit sakin si Zayn at bumulong.
"Great Hello." Nag mura ako ng ilang beses kaya lahat sila ay tumingin sakin.
"Kaya tama lang talaga itong meeting natin." Sabi ko pa."Total ayan naman at may saktan sainyo. Wag nalang natin hintayin may mga susunod pa sainyo."
"Ano ba nasa punto mo?" Usisa ni Roselle.
"Nakikipag kalas kami sainyo Viper Berus."
"Ano??!!" Sigaw ni Roselle. Habang si Reign ay gulat na gulat."Ano na naman ba pumasok sa utak mo Cedric!?"
"Tungkol lang naman ito sa pagka kaibigan namin. Alam nyo rin namang bawal samin ang may nalalapit na babae."
"Kahit samin din naman ah?" Sabat ni Leah.
"Pero ang point ko. Makikipag kalas kami dahil may isang myembro akong nagkaka gusto sa myembro nyo." Nagkatinginan ang lahat sunod sa akin.
"At ayaw ko nga mangyari na ... Isa nga sainyo mapagbuntungan nang galit ng aming kalaban. Look, sa nangyari kay Reign ,sa palagay nyo ba nagkataon lang yon? Sabi nga niya at parang kilala siya. Malamang ,nalaman nilang may gusto sa kanya si Joseph kaya sinundan siya ng mga ito." Patay! Nadulas ako.
"Gu-gusto ni Joseph si Reign?" Nautal tanong ni Des. "Kaya pala wala rito si Joseph. Ano ba ibig sabihin nito? Inalis nyo na siya?"
"Hindi pa naman. Kung papayag kayong makipag kalas samin , baka pwede pa siyang maka balik."
Tumayo si Reign. "Ganoon? Sige. Kaya naman ng Viper kahit wala kayo." Lumapit sakin si Zayn at si Roselle kay Reign.
"Pag-usapan nyo ito nang mabuti." Sabi ni Zayn.
"Wala na kong magagawa. Kargo ko pa kung may isa na naman sa kanila ang mapahamak dahil sa mga kalaban natin."
"Okay! Game! Kanya kanya na tayo ah? Wala nang lalapit sa Viper Berus na Lucifer kingdom. Panahon na rin siguro kung magkalimutan na tayong lahat. Mas mainam nga itong solo ko ang pamamalakad kaysa kasama ka." Kahit hirap siyang kumilos ay nagawa niyang lumabas. Pinigilan ko ang Berus na sundan dahil ako ang susunod dito.
"Sandali nga lang." Sabi ko huminto naman pero hindi pa rin lumilingon.
"Bakit ganoon na lang kadali sayo na makipag kalas samin?"
"Bakit ikaw? Bakit ganoon nalang din kadali para sayo ang lahat! Cedric , ilan beses mo ba kong hinalikan?! Ano ba yung mga halik na yon! Wala lang ba sayo ang lahat?" Ngumiti ako dahil sa itsura niyang galit na galit.
"Wag mo kong ngingiti ngitian dyan!" Dugtong niyang muli.
"Yung halik na iyon? Wala! Wala lang iyon! Akala ko ba kilala mo na ko? Dapat alam mo rin kung hanggang saan ka dapat maniniwala sa mga ginagawa ko. Iyong halik kamo? WALA LANG YUN. TRIP LANG TALAGA KITANG INISIN." namanhid ang pisngi ko sa malutong na sampal sakin. Ilang beses nga niya ko nasasaktan na hindi ako naging handa? Fvck!**
"Ang kapal nang mukha mo! Nakuha mo pa mang trip at ako pa napili mo! Ano ba akala mo sakin na katulad lang ako nang mga nahahalikan mong babae. Sasabay lang sa agos!" Nawalan ako ng kibo.
"Cedric , first kiss kita! Hindi lang first kundi second pa nga eh! "
"So?"
"So?" Gigil niyang tinapakan ang paa ko. Fvck!** ang liit niyang babae pero tindi niyang manakit! "Wag mo kong ma-SO so ha?!."
"Ano bang problema roon? Halik lang naman ah! Kung maka react ka parang kinuha ko ang Virginity mo!" Muling tinapakan nito ang paa ko. Mas masakit ito. SOOOOBRAAAAA.
"KASI KAYONG MGA LALAKE WALANG VIRGINITY TAMA BA KO?" Dilat na dilat ang mata nito habang hawak ang kwelyo na naka tingkayad.
"Buwisit!!!!" Bulyaw ko bago siyang itulak palayo sa akin.
"Nakaka ilan ka na wah?! Wala pang babae ang gumagawa sakin nun! Bukod tanging ikaw palang!"
"Ede mabuti. Nang maalala mo ko ngayong wala nang Viper Berus sa buhay nyo."
"Mabuti nga ba?" Tila nahihiya kong sabi habang naka tingin sa malayo.
"Pinagsasabi mo dyan ha!" Pinagsisipa ako ngunit mabilis akong nakaka iwas sa sipa niya. Nahuli ko ang paa nito, hinila ko hanggang sa mahawakan ang kanyang binti. Mas hinila ko pang muli upang makalapit sakin at dumikit ang hita niya sa bewang ko. Punong-puno nang mura ang pinakalawan niya habang nagpupumiglas kumawala sakin.
"Tangina mo Cedric! Bitawan mo ko!" Pulang-pula sa galit.
"Bakit ko gagawin 'yon?"
"Hina hamon mo ba talaga ako?" Naniningkit ang kanyang mata.
"Kung papalag ka ba?"
"Tangina moo------" isang halik na naman ang ginawa ko upang hindi siya makapag mura pa.
"Isang mura ,isang halik." Mag- mumura pa sana."Ohh ,mukhang gusto mo pa yatang mahalikan." Tumawa ako ng malakas.
"Anong ginagawa nyo?" Boses ng mga kasama namin. Sa takot kong mahuli kami sa pwestong yun ay itinulak ko siya.
"Aaaaraaaay! Hayop ka talaga Cedric." Naka upo ngayon sa sahig. Itinayo sya ng mga kasama niya.
"Para kayong mga bata." Naka crossed armed na sabi ni Cristina.
"May mga bata ba kayong nakitang nag hahalikan?" Tatawa-tawang sabi ni Roselle.
"Roselle...."