"Layuan mo na siya,pareho kayong masasaktan kung ipagpapatuloy mo iyang nararamdaman mo para sa kanya."
"Wag ka ngang issue Roselle." Tatawa-tawa ko pa sabi.
"Hindi ako issue rito Cedric. Kayong dalawa.Alam mo naman na bawal kami mapalapit sa lalake.Hangga't maaari bawal kami ma-inlove sa mga gaya nyo. Siya mismo ang gumawa nun. May care ako dahil mabait sakin si Reign.Umamin ka ,gusto mo na ba ang leader namin?" Hindi ako makapag salita. Wala akong masabi sa ganitong kabilis na tanong.
"Ewan ko sayo." Yun lang sabi ko.
"Ewan means 'YES'. Atin atin nalang itong nalaman ko pero sikapin mo sanang mawala kaagad iyang nararamdaman mo para sa kanya. Isipin mo na kapag naging kayo maaaring mawala sa pwesto si Reign at ikaw naman hindi matatahimik ang puso na baka anong oras maaari mapahamak si Reign sa kamay ng mga kaaway. Masyado komplekado ang sitwasyon nyong dalawa kaya be professional."
Tulala niya kong iniwan. Wala na kong ibang na gawa kung hindi pagtawanan ang sarili. Bakit hindi man lang ako umangal? Bakit hindi ko pinag tanggol ang sarili sa mga paratang niya? Totoo nga ba yung sinabi niyang gusto ko si Reign? Nakakatawa. Bakit ko naman siya magugustuhan? Hmm .. Kung sa bagay , matagal ko rin na isip yan simula nang halikan ko siya noon. Baka nga selos lang itong nararamdaman ko sabi ni Zayn.Nagselos ako noon dahil magkasama sila kaya muntik ko na siyang halayin kahit wala pa kong alam pagdating sa ganoong bagay. Ahhhh... in love nga ako! In love ako kay Reign!
"Masama ba pakiramdam mo?" Tanong sakin ng mga kasama ko habang kumakain sa canteen.
"Wala lang talaga akong gana." Sabi ko.
"Bakit nga? Ngayon ka lang nagka ganyan. Kapag may sakit ka aasahan namin nasa bahay kana." Siwalat naman ni Frankie.
"Wala lang 'to. Iniisip ko lang ang dami namin gagawing projects." Mahina ko pa rin sagot. Magsasalita sana itong si Erdem nang maunahan siya ni Calvin.
"Ang leader ng Viper!" Sa Sigaw ni Calvin tila nag ingay ang Drum na nasa puso ko. Habang palapit siya nang palapit mas umiigting hindi ako makahinga. Napa singhap ako ng magsalita siya sa mismong harapan ko ngunit hindi naman sa akin ang buong atensyon niya.
"Hindi ka pa ba tapos?" Tumingin kaming lahat kay Joseph. "Ikaw ang partner ko. Kailangan natin matapos kaagad ito para maka pasok pa ko sa trabaho ko."
"Ah. Eto tapos na!" Tumayo si Joseph. "Actually ,habang kumakain ako ginagawa ko na ang susunod nating ire-report. Sinipag ako kaya ginawa ko na."
"Wow! Talaga? Thank you ah? Bawi ako kapag hindi ako nagmamadali. Tara na?" Nagkatitigan sila ngunit saglit lang dahil may tumikhim. Sabay silang tumingin sa katabi kong si Zayn.
"Umabsent ka muna ngayon Joseph." Utos niya.
"Ha? Bakit?" Nagtatakang tanong nito.
"Dalhin mo sa clinic si Cedric. Kanina pa masama ang pakiramdam."
"Oh? Akala ko ba okay lang naman siya?" Patuloy pa rin ni Joseph sa kakatanong.
"Masama pakiramdam ko." Bulaslas ko naman.
"Pero kailangan ako ngayon sa grupo namin. Hindi kami makaka pasa kung isa sa amin ay wala sa presentation." Padabog akong tumayo."Kina Calvin at Frankie ka nalang magpa-sama. Sorry talaga."
"Sabi mo sakin dati noong nag uumpisa ka palang. Walang makaka hadlang sayo sa oras na kailangan kita? Bakit ngayon may nararamdaman ako hindi mo ko mapagbigyan? Ayoko sa kanila. Ang gusto ko ikaw Joseph ang sasama sakin sa Clinic." Mariin kong utos habang papalayo sa kanilang pwesto.
"Alam mo wala kana ngang puso ,wala ka pa rin utak! Saan ka nabubuhay sa mga planeta? Hindi mo ba na isip nag-aaral nang mabuti si Seph para lang maka pasa tapos aarte ka dyan. Ang dami ng kaibigan mo oh... Kay Joseph mo pa na pili. Hindi mo na isip-----"
"SHUT UP!!" bulyaw ko. Lahat nang kaibigan ko at maging siya ay nanatiling tahimik.
"Walang sinoman ang maaari tumanggi sa mga utos ko. Kahit na sila! Kahit si Joseph o kahit ikaw pa!" Napa singhap ako nang lumapit sa akin si Zen alalang alala sa akin.
"What happened?" Tanong niya.
"Lumayas ka nga diyan sa harapan ko kung ayaw mong sayo ko maitapon ang inis ko sa kanila!"
"Pero---"
"Nauunawaan mo naman siguro na ayoko sa lahat iyong makikisawsaw sa usapan at gulo na ginagawa ko." Gigil ko siyang hinawakan sa magkabilang balikat. Ngayon ko lang din siyang nakitang takot na takot.
"Tama na 'yan Cedric!" Awat ni Peps. Ngunit hindi ako nakinig.
"Cedric tama na!" Si Zayn na mismo ang humila kay Zen palayo sa akin. Sinamaan ko nang tingin si Joseph.
"Sumunod ka. Kundi kakalimutan kong miyembro kapa nang L-kingdom." Dahan-dahan akong lumayo. Naglakad hanggang sa marating ko ang clinic.
"Nurse paki asikaso nga si Young Master!" Hindi nga niya ako binigo at sumunod siya. Nagmamadaling lumapit sakin ang nurse at ginawa ang lahat upang malaan kung saan masakit sa akin. Sa totoo lang ,hindi niya mahahanap ang sakit dahil nasa dibdib ko nang gagaling ang dulot nang sakit na nadarama ko ngayon.
Nagseselos ako , dahil malapit sila sa isa't-isa. Mas pipiliin pa niyang sumama sa Reign na yun kung hindi ko pa binantaan. Nagsisisi ako , dahil.hindi ko man lang maipakita ang tunay kong nararamdaman para sa kanya. Masyado pa ba maaga para malaman kung Pag-ibig na ito? Paano ko ba malalaman kung patungo na ito sa isang seryosong nararamdaman?
"Hindi ko naman intensyon iwan ka Cedric." Siwalat ni Joseph sakin habang naka higa ako.
"Tawagan mo ang driver ko. Gusto ko nang umuwi."
"Tinawagan ko na. Cedric. Young Master. Kausapin mo naman ako."
"Wala na dapat tayong pag-usapan. Sumunod ka 'di ba? Ibig sabihin nito tumutupad kapa rin sa mga pangako mo."
Nawala nalang ang kibo niya hanggang sa maihatid ako sa bahay. Ang mommy sobrang alalang-alala. Gusto ko siyang pagtawanan dahil kung kailan nagbibiro lang ako sa nararamdaman ko tsaka siya magiging Over Acting. Sana pala totoo nalang na may sakit ako para totoong may care siya sa akin.
"Young master nasa ibaba pa rin po si Master Joseph." Sabi ng katiwala namin si Cresencia.
"Pauwiin mo na."
"Hindi raw po siya aalis hanggat hindi pa kayo maayos." Bumuntong hininga ako.
"Paakyatin mo siya. Pag lbalik mo rito may dala kana dapat ng Ice cubes."
"Masusunod po Young Master." Mabilis siyang nawala sa harapan ko at siyang dating kaagad ni Joseph. Pumasok siya sa kwarto ko habang naka ngisi sa akin.
"Maayos kana ba?"
"Hindi pa." Nakasimangot kong sagot.
"Young Master. Wag mo na nga isipin yun. Okay pa naman tayo. Hindi na sira ang pagka kaibigan natin."
"Sa tingin mo?" Maangas kong turan.
"Oo."
"Sa tingin mo hindi malaking isyu sa akin na sumasama ka sa Reign na iyun!"
"May masama ba? Classmate kami sa isang sub. Natural magkakasama kami at partner pa."
"Mag hanap kana nang ibang partner o kaya sa Section nalang namin ni Zayn ka pumasok."
"Hindi naman maaari yun. Magka iba tayo ng kurso."
"Ako o ang kurso?" Pananakot ko na naman.
"Ano bang nangyayari sayo? Kung dati silang ang pinag-iinitan mo nang ulo ,ngayon bakit pati kami ng mga Lucifer Kingdom dinadamay mo?"
"Lumayo kana sa kanya!"
"Kanino ba!" Nakataas na rin ang boses niya.
"Kay Reign Annie! Lumayo kana sa kanya! Hindi siya magandang kasama!"
"Paano mo na sabi? Matagal na kami nagka-sama at ngayon lang naging close kaya bakit ko siya iiwasan?"
"Dahil ayoko dumating sa puntong mahulog ang loob mo sa kanya!!" Nagmamadaling pumasok si Cresencia upang ilagay ang ice cubes sa side table at mabilis din umalis.
"Ano ba sinasabi mo?" Iritable niyang tanong.
"Aamin ka ba o hindi?" Hamon ko sakanya na ngayon ay hindi mapakali."Joseph Levado tinatanong kita!"
"Wala! Wala akong sasabihin o aaminin dahil mali yang iniisip mo!. Pinaghihinalaan mo lang ako!" Binato ko sa kanya ang ice cubes ngunit naka ilag ito at doon sa TV tumama. Dinig ko ang pagka inis niya habang hindi mapakali pinaglalaruan ang susi nang kanyang kotse.
"Gusto mo siya?" Huli ko sa kanya."Nagsisinungaling kapa! Ramdam ko dahil pareho tayo nang nararamdaman!" Nakatayo ako habang hawak siya sa kanyang kwelyo.
"A-ano?? Gusto mo rin si Reign." Naglalaban ang baba't-itaas ng aking ngipin
"Akala ko ordinaryo siyang babae pero mali pala ako. Nagustuhan ko siya dahil sa kakaiba niyang katauhan. Di ba mali?! Maling gustuhin natin siya dahil sa huli siya rin ang mapapahamak!" Itinulak niya pagkatapos inayos ang kwelyo.
"Iyon ba ang prinoproblema mo? Madali lang, kaya ko siyang ipagtanggol. Ikaw? Kaya mo ba isuko ang pagiging makapangyarihan mo para lang sa tulad ni Reign? Nakikita kong tutok ka sa pag-aaral. Mawawala rin yan. Wala yang nararamdaman mo sa nararamdaman ko dahil simula't-sapol gusto ko na siya. Ako ang gumagawa ng paraan para hindi nyo siya mapansin. Ginagawa ko noon ang lahat dahil hindi ko siya kayang ipagtanggol dahil pareho kayong mahalaga sa akin!" Sinikmuraan at sinuntok sa mukha. Iyan lang ang nakuha niya sa mga kamay ko.
"Gusto mo pala siya hindi ka man lang umamin. Hinintay mo pa mahulog ako sa tulad niya."
"Dahil malakas ang kompyansa kong hindi ka magmamahal sa isang tulad niya. Simpleng babae lang si Reign. Mahirap at binubully habang ikaw ay tanyag at kinikilala ng karamihan. Ang isang Cedric Kasilag ay inaasahan kong hindi basta-basta na huhulog sa mga ordinary girl."
"Lamayas ka!" Sigaw ko.
"Ayusin natin 'to."
"Ayusin? May pag-asa pa ba? Matutulad lang tayo sa nangyari samin nila PEPs at Zen. Masisira rin tayo at mawawala ang tiwala."
"Kaya ko naman lumayo kay Reign."
"Kasasabi mo lang di ba gusto mo siya at di mo kayang mawala siya?"
"Sinabi ko nga na gusto ko siya pero wala akong sinabing hindi ko kayang mawala siya."
"Pero ganoon na rin ang pagkakaintindihan ko Joseph."
"Aalis na ko. Kung ayaw mo maging maayos tayo. Lalayo muna ako sa L-kingdom baka makapag isip isip ka ng maayos." Dinampot niya ang susi sa tiles bago ako iwan mag isa.
Hindi man siya umamin ngunit nalaman ko na ang totoo. Gusto niya si Reign. Sino pa ba sa L-kingdom ang may gusto sa kanya? Paano ko pa ba maipawawalang bisa ang rules ko kung may isang tao nang naka abang sa kanya.
"Bakit!?" Nagulat tanong ni Erdem.
"Dahil may gusto siya kay Reign!" Galit kong sagot. Lahat sila nagkatinginan. "Wag nyo sabihin kayo rin ay may gusto sa kanya. Binabalaan ko na kayo! Wag si Reign. Bawal sa atin ang magkaroon ng girlfriend dahil alam nyo naman di ba ang magiging dulot nito."
"Ngunit paano si Joseph? Aalis na ba siya sa L-kingdom?" Pag-aalala ni Calvin.
"Pagbibigyan ko siya. Baka maaari pang mag bago. Ikaw Calvin ,Axel , Frankie , Peps , Erdem at Zayn. Huwag kayong gagawa ng alam nyong ikagagalit ko. Kung maaari iwasan nyong huwag mapalapit sa mga babae. Makikipag usap muli tayo sa mga Viper Berus, Hindi na tayo makikipag kaisa sa kanilang mga plano."
"Paano ang usapan nyo ni Marnelie? Hind ba't nakiusap siyang TULUNGAN natin ang Viper dahil may mga ibang gangster din gustong pumatay sa kanila?" Halong pag-aalala ni PEPs. Muling sumagi sa isipan ko ang huling pag-uusap namin ni Marnelie bago ito umalis na hindi nagpaalam pa.
Flashback
"May pakiusap lang sana ako. Bago may hiranging bagong pinuno nang Viper Berus maaari 'bang makipag kaisa ka sakanila? Aalis ako sapagkat may tatapusin lang akong usapan ngunit babalik din kaagad. May mga gangster gusto kaming saktan at patayin. Sangkot ang Viper dito dahil may isang grupong idinawit ang VP sa kanilang away. Makikipag usap ako sa mas nakakataas sa kanila pero hindi pa rin ako nakaka sigurong ligtas ang mga kasama ko kapag umalis na ko. Maaari bang ikaw mismo ang mag alaga sa Viper kahit may iba nang hahawak sa pamamalakad?"
"Masusunod. Kaya lang, sino ba ang mga Gangster na yun? Bakit idinawit kayo sa gulong hindi nyo naman kinasangkutan?"
"Kapatid ko ang may dahilan nang lahat na ito. Sasabihin ko sayo ang lahat-lahat kapag na lutas ko na ang problema. May huli sana akong pakiusap."
"Ano yun?"
"Maging mabait ka sa magiging bagong pinuno ng Viper Berus. Maaari ba?"
"Alam mo naman na si Roselle lang ang nakaka usap ko sa mga miyembro mo."
"Hindi maaari si Roselle ang pahawakin ko ng Viper dahil sinasanay ko siya sa ibang katungkulan."
"Bahala na. Basta hindi sakit sa ulo ang magiging bagong pinuno ng Viper Berus."
"Maaasahan ka talaga. Tatanggapin ko nang malaking utang na loob itong gagawin mo alang-alang sa aking Viper Berus."
End of Flashback