REIGN'S POINT OF VIEW TAHIMIK kong pinagmamasdan yung hawak ko. Humiga ako at binuksan ang Cellphone na kanina pa nagtutunungan dahil sa Tawag at Text. Una kong binuksan yung mensahe ni Zayn. "Hindi ka raw pumasok, na saan ka ba?" Binuksan ko message nila Peps at Erdem. "Makipag kita ka sa'min. Pitong araw kana hindi nagpaparamdam. Okay ka lang ba?" Si Erdem. "Reign, alam kong galit ka sa'kin pero huwag mo hayaan lamunin ka na naman ng stress." Si Peps. Matapos nun binasa ko message mula kay Mama. "Anak, Panay tawag at text sakin ng mga kaibigan mo. Totoo nga ba nawawala si Master Cedric? Paano nangyari yun? Sagutin mo tawag namin ng Papa mo." Walang gana kong hinagis sa higaan ang cellphone. Pikit mata kong niyakap ang mahabang unan. Nanunumbalik ang mga ala-ala sa akin ni Cedric.

