"Reign, sige na. Gamitin mo yung ticket para makapasok ako sa loob ng Kingdom. Gusto kong manuod ng Laban nang LK at Team Victory." Kahapon pa ko kinukulit ni Shien para makapanuod daw ito sa huling laban. Yes, sa loob ng ilang linggo naglaban-laban ang bawat department at sa huli nitong buwan ng Marso ay gaganapin ang last game ng dalawang kupunan. "Huwag mo sabihin panunuorin mo pa yung Peps na yun?" inis kong sabi. "Of course not, si Zyron." "So, si Zyron," "Oo," "Huwag mo ko lokohin..." "Hi, Girls!" Speaking of, Zyron nandito ngayon sa store namin dalang Moshi Manju cake. "Nag midnight snack na ba kayo?" "Tamang-tama, hindi pa nga eh." Lapit ni Frenny sa kanya. "Sige, kumain tayo nito habang mainit-init pa." "Moshi Manju?" "Oo, Korean Cake 'yan," "Masarap?" "Tikman mo,"

