Third Person's POV ( Part 2 ) Hindi magkandamayaw ang mga estudyante sa main gate ng Kingdom University. Lahat takot madamay sa gulo. Lahat gusto ng umuwi sa kani-kanilang bahay. Ngunit hindi pa rin pinapayagan buksan ang gate dahil hindi pa rin mahanap ang miyembro ng Great Hello o mismong si Marco. Kung saan sila naghanap pero wala. "Magpalabas na kaya tayo?" may konting awa kasi nararamdaman si Erdem dahil nagkakagulo na. Nasa itaas sila ng isang building malapit sa main entrance "Kanina ko pa iniisip ang bagay na 'yan. Natatakot ako na baka may madamay pero...wala akong magawa dahil baka isa diyan sa nagkakagulo ang miyembro ng Great Hello," seryosong tugon ni Cedric sa kaibigan. "So, ano gagawin natin? Hahayaan na lang magkagulo? Paano kung may madamay pa lalo dahil-----" Isan

