Third Person's POV Namayani ang katahimikan sa kwarto ni Reign. Kalungkutan ang nangingibabaw dahil naalala na naman niya si Joseph. Dalawang buwan buhat ng mawala ito dahil sa isang pangyayari. Hindi nito lubos akalain sa isang iglap mawawala ang lahat. Kailan lang kausap niya. Kailan lang kasama niya. Kailan lang kayakap at kahalik niya. Kailan lang hawak nito ang kamay para isayaw siya. Pero dahil lamang sa tama ng baril biglang nagbago ang lahat. Ang dating Reign na masayahin. Ang dating siya na kayang makisalamuha sa lahat. Ang dating palaban na ngayon ay walang ibang ginawa kundi ang magmukmok sa isang sulok. Napaka bihira na lamang nito pumasok sa University at trabaho. Pakiramdam niya ng mawala si Joseph ay nawalan na rin ng buhay ang kanyang mundo. She just sacrificed to live

