The night--- nightmare Cedric's POV Napaka tagal nyang lumabas sa fitting room. Kanina pa siya doon. Halos ipasukat kasi sa kanya ni Joseph ang mga damit. "Bagay ba?" sa wakas lumabas din pero hindi ko type ang suot niyang damit. Nagmukha siyang manang. "Tssk, magpalit ka ng iba." inis kong binalikan ang magazine. "Bagay!" seriously, Joseph? Pati yata mata nito may cancer na. Tssk, Sa inis ko ay tumayo ako para maghanap ng ibang damit na babagay sa kanya. Nagsama ang parehong tanga sa pagpili ng damit. Jusko, magtagal sana sila. Kinuha ko ang isang sunday dress. Color white ito na plain lang pero may design na lace sa manggas nito at laylayan. Inabot ko kaagad para masukat na. "Madali pang suotin 'yan. Huwag kana magreklamo. Party ang pupuntahan natin hindi kung saan lang. Isipin m

