Taning "Maaari ko ba makausap ang boss mo?" Tiningnan niya mula ulo hanggang paa. "Sino ka? Ano po kailangan nyo kay Sir Joseph?" "Girlfriend niya ko. Kailangan ko siyang makita. May sasabihin ako," "Girlfriend? Si....si Benny po ang GF ni Sir. Imposible po ang sinasabi nyo dahil hindi siya playboy." Ibig kong mainis pero nakuha kong matawa sa harap niya. Totoo, hindi siya playboy. Alam kong hindi niya magagawang pagsabayin ang maraming babae. Kaya lang iyong sabihin girlfriend niya si Benny ay hindi ko matatanggap. Ano ba akala niya sa buhay ni Seph masyadong perfect sa relasyon kaya stick to one lang sa isang babae. I mean, hindi ba pwede magbago ng GF 'yong tao? "Kung wala kang tiwala. Sige, palabasin mo siya. Sabihin mo nandito si Reign," Nakasumalmal itong pumasok sa loob ng sh

