Chapter 31

4437 Words
"Whole year tayo magsasama-sama pero parang ang bigat ng dinadala ko." panimula ni Prof. "Ede bawasan mo. Professor ka 'di ba? all the burdens in your life, just let go," sabat ni Calvin. "Really? Kayo ang nagpapabigat sa buhay ko. Sana ganoon lang kadali para sa akin ang lahat. Binigyan ako ng trabaho na alam kong ikasisira ng buhay ko." "Ikaw na mag-let go. Tutal naman marami kang reklamo sa'min. Sabihin mo na lang kung ayaw mo kami turuan at hahanap kami ng mas deserve at professional na guro." Buwisit na Zayn 'to. Gatong pa. Minsan nakaka-awa si Prof. pero sana hindi na siya nagsalita. Sawa na siguro ito magturo kaya malakas ang loob niyang kalabanin ang mga nagmamay-ari ng University na ito. "Tama kayo," dahan-dahan pinagpatong ni Prof ang mga libro. "May mas deserve pa sa'kin dito. Malaya kayong pumili ng gurong magtitiyaga na turuan kayo." "Why did not you go? Kami pa ba kikilos?"  Bulaslas ni Cedric na sitting pretty sa pagkaka-upo. "Usual, ganon pa rin. Humanap kayo ng Professor na magtatagal sainyo. Good bye class." mariing paalam sa'min ni Prof pero bago siya makalabas ay muling nagsalita si Cedric. "Good riddance," tumayo ito, hudyat na may gagawing hindi maganda ang grupo ni Cedric. Pinagbabato nila si Prof ng mga libro at kung anu-ano pang bagay na maaaring ikasasakit nito. Mabuti maagap siya para takasan ang sandamakmak na kalat na tatama sa kanya. Sa inis ko ay tumayo na lang para sundan si Prof. "At saan ka pupunta?" usisa ni Hambog na Gangster. Sinamaan ko siya ng tingin. "Magpapakamatay, gusto mo sumama?" Pamimilosopo ko. "Wow, cool." satsat ni Axel. Tinulak siya ni Cedric para pakitaan na hindi dapat ito binabastos o pinapahiya. Hinagilap ko kung saan nagpunta si Prof. Nakita ko ito patungong Laboratory. Gusto ko siya maka-usap at kumbinsihin na wag siyang aalis bilang Professor namin. "I'm so sorry Miss Reign. Pero nakapag- desisyon na kong lilipat sa ibang estudyante." "...pero Sir." "May panahon kapa para lumipat." Tinapik nito ang balikat ko. "Kahit lumipat ako masusundan pa rin nila ako." Kunot-noo niya kong tinitigan. "What do you mean?" "Ako ang dahilan kung bakit lakas loob lumipat ng ibang course ang Lucifer kingdom. Sa totoo lang, dapat hindi kana madamay dito." "Sinasabi mong magka-away ang grupo mo at ang LK?" "Hindi po sa ganoon, pero ako lang ang hinahabol nila." "Reign," buntong-hininga niyang tawag. "Po?" "Lumipat kana ng ibang University. Sinasabi ko sayo hindi magiging maganda ang buhay mo kung ipagpapatuloy mo ang pag-aaral dito sa... sa mga baluktot na patakaran sa KU." napa-isip ako. Tama nga si Prof. Kung ipagpapatuloy ko ang pag-aaral dito ay araw-araw magiging miserable ang buhay ko at kung aalis din ako ay magiging maayos ang buhay namin. Isa lang ang dapat piliin pero kahit saan diyan ay kapwa naglalaban ang isipan ko. Napakalaki ng tiwala nila Mama sa'kin magkakapagtapos ako sa Paaralang tanyag. Tiwala silang after nito ay magiging isang ganap na dentista ang kanilang anak. Pilit niya kong pinabalik sa Room dahil mayamaya lang ay darating ang bagong Prof namin. Sa pagdating ko ay isang himalang napaka-tahimik. Wala kasi si Young master, Ewan kung nasaan ang mayabang na yun. Mas  mainam na,kesa masira ang araw ko kapag nakita ko siya kada oras. Lahat ay payapang nag-uusap nang may pumasok sa loob ng room. Maayos ang pagkaka suot ng kanyang uniform at tiyak kong hindi siya estudyante kundi isang Professor. Hindi ko rin masasabi na matanda na siya. Baka nga kasing edad ko lang ito. Napaka bata nito kung isang Professor nga siya. Hmm, "I'm Professor Tolentino. Just call me Prof.Tolits. Kahit hindi na kayo magpakilala sa'kin dahil mga kilala ko na kayo. Bago pa man umalis ang dati nyong Prof, ay pinag-aralan ko na kung anong ugali meron kayo." diretsahan niyang paliwanag. Tumaas ang isang kamay ng isang classmate namin, "Prof. Tolits, alam nyo na rin pong halos magkakasing-edad tayo?" Nag-smirk, "Mali ka. Ang pagkakaalam ko ay mas matanda ako sainyo ng sampung taon." seryoso? sampung taon? Yung itsura niyang mukhang bata, sampung taon ang agwat sa'min? Nahiya tuloy ako sa balat ko. Bulungan ang lahat bago pumasok si Cedric. Nakipagtitigan muna sila sa isa't-isa bago ngumisi ang hambog. Tila dumilim ang tingin ko sa ngising yun. Mukhang hindi gagawa ng maganda ang isang 'to. "Erdem's brother." Bulong ni Frankie kung kanino. Erdem's Brother? Seriously? Bakit hindi sila nagpapansinan kung kapatid ni Erdem ito? O baka naman hindi nila gawain yun kapag nasa University. Pero, seryoso kapatid talaga siya ni Erdem? "Titig na titig ka," siyang siko sa'kin ni Joseph. "Hindi lang ako makapaniwala na kapatid siya ni Erdem... " hindi ko tinigilan titigan ang magkapatid. Hinahanap ko kung saan ba sila magkahawig. "Siya ang panganay ,habang si Erdem ang bunso. May isa silang kapatid na babae. Nasa London lang nagtra-trabaho." paliwanag sa'kin. "Talaga? Sa Ilong at bibig hawig sila. Samantalang ang mata nila. Mas singkit lang ng konti si Erdem kaysa sa kanya." "Erdem, hindi mo na banggit sa'kin na nais mo maging Dentista?" Sa tono ng boses niya ay parang may pagka-inis sa Kapatid. Tumingin lamang si Erdem kay Cedric. Yumuko ito at nilaro ang ballpen. "Mas may mapapala ka sa pag-engineer. Tulad nang sabi mo sa'min ng Ate mo, right?" Patuloy niyang tanong. "Decision ng kapatid mo yun." Sabat ni Cedric. Hindi maipinta ang pagmumukha rito. "Really? my brother knows how to decide. Kailan pa?" Lumapit kay Cedric. Mata sa mata itong nagpapatayan. "O baka naman, sinulsulan mo? Napakalaking bad influence mo sa kapatid ko." umigting ang panga ni Cedric. "Are you sure with what you're saying? He was willing to come with us." "Come with us?! Kilala kita Cedric. Hindi porke isa sa Pamilya mo ang may hawak dito sa Kingdom University ay gagawin mo 'to para mapasunod lang ang mga tao." Nag-smirk si Cedric na parang nakaka-asar. "Ipapaalala ko lang, I'm a Young master. Maybe your family holds at the University pero ako at ang pamilyang Kasilag ang batas dito." "See Erdem? Lagi mo pinagmamalaki sa'kin ang leader nyo pero saan banda dapat ipagmalaki? Ang kayabangan?" Kaharap niya ang kapatid pero hinatak siya ni Cedric at hinila ang kwelyo. "May problema ka ba sa'kin??!" Naglalaban ang ngipin ni Cedric na tila gigil na gigil. "Meron," hinawi ang kamay. "Ipapaalala ko rin sayo na Professor nyo ko. At dapat nyo kong igalang kahit ikaw pa ang batas na sinasabi mo. Let's start our lesson. Mahaba-habang oras tayo magkakasama." Woot? Wait, nasaan ang tapang ni Cedric ngayon? Ba't parang takot ito para makipagtalastasan ng matagal sa Kuya ni Erdem? Si Professor Tolits na kaya ang karma ni Cedric? Ohmy! Sana nga para matigil na ang kayabangan niya at maisip nilang walang batas-batas dito dahil lahat ay pantay-pantay pagdating sa pag-aaral. Pero, kung sila nga na Kasilag Clan ang mas nasa tuktok dapat kaming mag-ingat. Dahil hindi alam ng karamihan dito kung gaano ka-influence ang pamilya nila. Ngayon lang pumapasok sa isip kong matagal ng patakaran sa University ang ganito. Tama si Nicole, wala akong paki-alam sa mga tao basta ang mahalaga sa akin ay ang pag-aaral. Pero marami na nagbago. Simula ng makilala ko ang Lucifer kingdom parang ngayon lang sumasagi unti-onti ang lahat ng ideyang dapat malaman ko. Sa library, Tahimik kami nagte-take ng lecture ni Joseph. Nabasag lang ito ng magsalita siya. "Sigurado akong hindi si Prof. Tolits ang magtuturo sa atin," "Anong ibig mong sabihin?" "Ginawa lang niya magturo para basagin ang pagiging hari-harian ni Young Master." "Nakakatakot kaya...." nakanguso kong pag-amin. Ngumiti , "Mabait si Professor Tolits. Wag kang matakot. Tulad ni Erdem ay pareho silang matalino." "Halata sa kilos at pananalita niya." "Wag ka titingin batay lamang sa nakikita mo. Lahat ng tao may kanya-kanyang kabutihan." "Pati si Cedric??" "Oo naman," "Ano?" "Gusto mo malaman?" Tanong ng kung sino. "Oo naman," desidido kong tugon. "Hindi pa ba sagot ang pinapakita niya sayo? Tama si Zayn, gusto ka ni Cedric. Nagagawa niya maging mabuti sayo dahil gusto ka niya." "Imposible 'yang sinasabi mo." Hinawakan niya ang librong hawak ko. "Nakaka-selos. Wala akong magawa dahil siya ang Young Master. Kung tutuusin dapat ko siyang kalabanin pero hindi ko magawa. Minsan na isip ko, gaano ba ang pagka-gusto ko sayo kung bakit hindi ko magawang ipaglaban ka sa iba." Kung ikaw nagseselos,ako naman ay nalulungkot. "Joseph...." "Reign," "Wala akong masabi." kagat ko ang lower lip. "Si Cedric ba ang gusto mo?" Diretsahan niyang tanong. Walang kurap akong tumitig sa kanyang mukha pababa sa labi. "Kung magsasabi ba ko ng totoo. Anong gagawin mo?" Nahihiya kong  sabi. "Depende sa sagot mo siguro." "Ganoon? Ang totoo kasi niyan, hindi si Cedric ang gusto ko. Sa madaling sabi, iba ang tinitibok ng puso ko. Kaya lang, aminin ko man o hindi. Malamang may chance na maalis ako bilang leader ng Viper Berus. Ayokong biguin si Marnelie." "Pareho lang kayo ng kalagayan ni Cedric. Gustong-gusto ka niya pero hindi niya maipagsigwanan sa buong miyembro niya ang buong katotohanan." "Mas mainam kung itago na lang ang nararamdaman niya sa'kin." Bulaslas ko. "Pwede ko ba malaman kung sino ang na gugustuhan mo?" Buntong-hininga kong isinara ang libro bago ngumiti. "Kapag sinabi ko baka maiyak ka." Tatawa-tawa kong sabi. "Ako iiyak? Hindi ah, may magagawa ba ko kung iba ang gusto mo. Tatanggapin ko ito ng buong-buo." "Dami mong sinabi," "Sino nga ba?" Kung sinabi ko sa kanya maaaring magbago ang pakikitungo niya at marahil masasaktan siya ng sobra. Hindi tamang sabihin ko sa taong alam kong mahal ako. "Sabihin mo na. Kung nag-aalala ka sa nararamdaman ko. Ano ka ba, okay lang sa'kin." "Kahit na sino ay sasabihin na okay lang pero ang totoo...masakit malaman sa taong gusto mo na iba ang gusto niya. Kaya  huwag na lang. Ayoko kitang saktan." "Mas masakit siguro kung hindi ko makikilala ang taong dahilan kung bakit 'di mo ko magawang mahalin." Konsensiya, yun ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. "Pero Joseph...." "Please,para alam ko kung sino ang dapat kong iwasan." "Huwag. Hindi ko sasabihin at ayoko rin masira ang pagkakaibigan nyo ng dahil sa'kin." "So, tama nga ko, isa sa Lucifer kingdom." Marahan kong tango. "Bakit pilit isinisiksik ng isip kong baka ako ang gusto mo. Please, para matigil na itong utak ko, pwede ba sabihin mo na lang?" "Si Zayn ," walang gana kong pag-amin. Hindi ko makuhang tumingin sa kanya. Sa mga oras na ito ay unti-onting nadudurog ang puso ng lalakeng wala ibang ginawa kundi ang mahalin ako. "... si Zayn?" namamaos niyang ulit. Sabay namin tinanaw si Zayn sa 'di kalayuan. Kasama niya ang ibang LK na nagte-take ng lecture. Parang may sariling mata si Zayn sa kanyang buong matawa dahil naramdaman nito ang paninitig namin ni Joseph sa pwesto nila. Nakaramdam nang hiya at sabay bilis ng t***k nang puso. Kasabay nun ang pag-init ng pisngi ko. Gusto kong umiwas pero sinasabi ng mata ko ang salitang tignan mo ang lalakeng dahilan ng lahat. Kung bakit nagmamahal ka ngayon. ****** Naging malungkutin si Joseph nitong nagdaang araw. Ayokong isipin ng dahil sa sinabi ko pero wala ako makita ibang dahilan para malungkot siya ng husto lalo kung kasama ko siya. Sa tuwing magpapasama ako sa Library ay lagi nitong dahilan ang pag-alis nila ni Frankie. Ngayon, ako ang mag-isa rito sa library para magtake muli ng susunod naming lecture. Paparating sina  Roselle at Thania. "Hi, nag-lunch kana?" Si Roselle. "Hindi pa, kayo?" "Tapos na. Bakit hindi kapa kumain? Subsob ka na naman sa pag-aaralan." "Kailangan eh. Mabuti pa kayo kahit paano nakakapagrelax." "Stress ka sa Lucifer kingdom noh?" "Ganoon na nga." "Mawawala ang stress mo. Mamaya inom tayo sa head quarters." Sabat ni Thania sa'min. "Hindi ako umiinom." "Subukan mo lang. Mabisang pampaalis stress at problema ang alak." Pilit nito. "Bahala na. Kung sa bagay off ko ngayon at bukas." "Goooood!! Yes, so paano mamaya na lang ah?" "Saan ka pupunta?" Inunahan akong magtanong ni Roselle. "Magpapatulong ako kay Erdem." Nagkatitigan kami ni Roselle bago tuluyan mawala si Thania. "Kamusta kayo ni Cedric?" Tinabihan niya ko. "Balita ko lagi kang pinag-iinitan niya dahil kay Joseph." "Sanay na ko Roselle sa ugali ni Cedric sa tuwing nagseselos." "Nagseselos??"  Gulat nitong tanong. "Oo, inamin ni Joseph na gusto ako ni Cedric. Ayoko sana maniwala eh," "Ede maniwala kana." "Ha?" Gulo kong tanong. "Maniwalang gusto ka ni Cedric. Ang manhid mo na lang kung hindi mo pa mapansin ha. Ayiiiieeeee," tinitigan ko siya. Bakit kaya okay lang sa kanya na may gusto sa'kin si Cedric? Bakit hindi siya galit. "Ayiiiieeeee, na tauhan kana nga ba at si Cedric talaga gusto mo?" "H-ha?" "Kung inaalala mo ang Viper, wala lang sa'min ito. Mapipigilan mo ba ang puso kung magmahal ka? Hindi naman 'di ba? Mas maganda nito,bawiin mo ang rules natin bago mahuli ang lahat." "Iniisip mong gusto ko rin si Cedric??" "Bakit, hindi ba? Oh em gee, don't tell me hindi mo type ang awrahan ni Ced?" Hindi makapaniwala niyang paniniguro. "Ewan, ganoon lang siguro kung sa iba nakatuon ang buong atensyon mo." Napatakip ang bibig niya. "Oo, hindi si Cedric. Huwag ka ngang OA." "Who's lucky guy steal your heart? Huwag mo sabihin na hulog din ang puso mo kay Joseph?" Naka-pout kong iling dito. "Alam na nga niyang hindi siya at si Cedric eh. Kaya nga malungkot sa tuwing kasama ko." "Ouch, ang saklap naman niyon. Pero teka... sino nga ba??" Hinatak-hatak ang braso ko,mapaamin lang. Teka, kung sasabihin ko sa kanya 'di ba parang marami na nakaka-alam? Baka makarating kay Zayn ang tungkol dito at...at baka lalo siyang lumayo. O 'di kaya ay pagtripan niya ko. "Mangako ka hindi mo ipagsasabi sa iba." Taas noo niyang itinaas din ang kanang kamay. Sumpa na hindi nito ipagsasabi sa lahat. "I don't know if kailan ko siya na gustuhan pero na gulat na lang ako gustong-gusto ko na siya." "The who?" Nananabik niyang tanong. Hirap akong magsalita kaya nakuha kong isulat ang pangalan ng lalakeng tinutukoy ko. "Talaga? Siya talaga?" "Oo, bakit?" Umiling na may ngiti sa labi pero bakas sa likod nito ang pag-aalala. "Bakit siya? Anong meron sa kanya na wala kay Cedric at Joseph?" "Ewan. Isang araw naramdaman ko na lang." "Nang ganoon kadali? Ni minsan hindi ko kayo nakitang magkasama. Inaasahan kong isa kina Ced ang gusto mo." "Napakalabong paliwanag lang ang sasabihin ko." She sigh, "Hindi ako magagalit kung may nagugustuhan kang iba pero...kasi...hindi mo pa kilala si Zayn. Kung mayroon man dapat hindi pagkatiwalaan sa LK ,si Zayn iyon." "H-ha? Bakit naman?" "Sasabihin ko sayo ito hindi dahil gusto mo siya pero ang totoo niyan ay may girlfriend si Zayn." "Inaasahan ko na 'yan," malungkot kong wika. "At isa pa, Bestfriend siya ni Ced. What if malaman niya ang tungkol sa nararamdaman mo kay Zayn? Ede patay na tayo diyan, story repeat na naman ba?" "Story repeat?" Marahan na tumango, "Yes, may issue dati yung dalawa tungkol sa iisang babae." "Akala ko ba sa kanila ni Peps yun?" Naguguluhan kong usisa. "Syempre, wala kapa alam sa lahat ng kwento nila." "I-kwento mo sa'kin," pamimilit ko. "Interesado ka? Eh sige, ikukuwento ko sayo. Bestfriend sina Cedric at Zayn, kumbaga silang dalawa ang dahilan kung bakit na buo ang Lucifer Kingdom. Noong una wala talaga silang rules pero dahil sa away nilang dalawa na issue ang isang babae, ay nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan nila." "Nasaan na yung babaeng dahilan ng away nilang dalawa?" Singit ko. "Ewan. Hindi ko na alam." nagtataka ko siyang tinitigan. Parang may something kasi sa sagot niya. "Ibig sabihin nito hindi lang sila nagkaroon ng issue kina Peps pati na rin kay Zayn? Grabe , bakit nag-aaway sila sa iisang babae? Kung tutuusin ang dami nagkakandarapa sakanila tapos mukha silang tanga." "Kasi naman, yung babae gusto nila Zayn kakaibang babae. Kumbaga same niyang minahal ang dalawa. Kaya lang, may time na dapat pumili. Si Zayn ang mas pinili niya kaya sobrang nasaktan si Ced sa nangyari. Tulad din kay Zen na Ex-girlfriend nila Peps at Ced, pareho nag-away pero sa huli pareho rin nawalan. Si Zayn din kasi pinili ng babaeng pinag-agawan nila." "Ay? Ganoon. Ang saklap pala ng LOVELIFE ni Cedric. Tinuringan na leader pero hindi pinipili ng babae. Bakit kaya? May alam ka ba kung bakit?" Nanahimik lamang siya at tumingin sa paligid. "Roselle?" Tawag ko. Umiling, "Hindi ko alam." Siniyasat kong maigi ang mukha niya. "Tingin ko, may alam ka. Bakit?" Todo iling, "Wala, wala talaga." "Please?" "Hindi ko dapat sabihin pero mapilit ka. Ang isang dahilan kung bakit hindi siya pinipili ng mga babae ay....ay nambubugbog siya. Sa madaling salita, sinasaktan niya ang mga babaeng minamahal niya." Saglit ako nawalan ng kibo. "Iyon ang totoo. Tinitilian at pinag-aagawan siya ng karamihan pero kapag nakita na nila ang ugali nito. Doon sila lumalayo." "Kahit naman sa pagbibigay ng mga kung anu-ano ng mga girls sinasaktan at pinapahiya na niya." Depensa ko. "Ang akala kasi nila style lang ng Leader yun. Pero ang totoo, in or out masama talaga ugali ni Cedric." Bakit ganoon sa feeling? Bakit hindi ko makumbinsi ang sarili na ganoon nga siya? Yung mga ipinapakita niya sa'kin kabutihan tuwing kami magkasama. Ano ibig sabihin nun? "Nag-aaral lang ba kayo o nagdadaldalan?" Tanong ng kung sino sa'min. "Tapos na ko. Ikaw ba Reign, tapos na?" Tumatayo itong pinagkukuha ang libro. "Malapit na. Tatapusin ko muna ito." Minamadali kong kopyahin ang nasa libro. "Mauna na ko." Nagtataka kong tinignan si Roselle. "Actually, late na ko kanina pa sa isang Sub namin." Sinulyapan ko si Zayn na nakatayo pa rin sa gilid namin. "Iwan mo na ko." Nakangiti kong sabi. Tumango lamang siya at binalik ang mga libro sa istante bago lumabas ng library. Pinagmasdan muna ako ni Zayn bago tuluyan lumabas. Sinundan ko sya ng tingin. Kahit ang totoo hindi pa ko tapos ay nakuha ko siyang sundan. Malapit na kami sa maliit na building. "Sandali, Zayn!" Palingon na siya ng may humila sa'kin para itago sa gilid ng building. Sinilip namin ng kung sino ang humila sa'kin dito. Nagtatakang palinga-linga si Zayn pero kibit-balikat itong tumuloy sa paglalakad. "Wag ka makipag-usap sa ibang tao," ibang tao? Tingin niya sa Bestfriend niya ay ibang tao? "Bakit ba?" Inis kong tanong. "Time na, bakit pagala-gala kapa rito?" Bago na naman ang amoy ng kanyang pabango. Ang yaman talaga. "Tapos na ko." "Kung ganoon ay tara na. Gusto mo yata maratratan ng bago nating Professor." Sinundan ko siya. "Bago rin ang Professor natin sa ibang Sub? Tsaka hindi kita classmate noh." Tumigil sa paglakad. "Ipinag-utos kong iisang Professor na lang ang magtuturo sa'tin. Mga wala naman silang kwenta." "Ha?" Nabibingi ba ko? Lumapit sa'kin, "Magkakasama tayo ng matagal Reign..." Bulong niya. Nangilabot ako at nakaramdam ng kaba. Muling bumalik tanaw ang nangyari sa'min nung nasa roof top at sa pangbabastos sa'kin sa loob ng room. Iniwasan ko siya gamit ang buong katawan. Napansin yatang kinakabahan at nanginginig ang buo kong katawan. Todo iwas naman ito ng tingin at walang iba sinabi pa ng iwan akong mag-isa. Napaka awkward ngayon. Nakakatakot siya, dapat hindi ko na lang inalam ang totoo. Atleast, nung una hindi ko magawang matakot sa kanya. Kaya lang, bakit ngayon? Bakit ngayon natatakot akong masaktan niya. Habang naglalakad papasok. Nadatnan ko si Erdem sa mini Garden. He stared at the open book. Walang gana ko siyang nilapitan para ipaalala na oras nang klase. "Hindi kapa ba papasok?"  Tinignan lamang niya ko at bumalik sa libro. "Lalong magagalit ang kapatid mo kung hindi ka papasok." "Ede mainam." malungkot nitong sabi. Na curious ako sa sinabi niya kaya tinapatan ko siya sa upuan. "Hindi ka ba natatakot kay Professor Tolits?" "If I was scared, I would have followed him what he wanted. Mas takot ako kay Young Master..." Si Cedric na naman. Ganito ba ang takot niya sa Leader ng Lucifer kingdom? "May tanong ako." Isinara nito ang libro. "Sinabi ni Professor na  gusto mo maging engineer. Kung ganoon bakit nandito ka sa Dentistry?" "Alam mo na sagot diyan," sa mga mata niya nakikita kong nasasaktan siya. "Isasakripisyo mo ang pangarap mo dahil lang sa kagustuhan ni Cedric?!" Bulyaw ko. "Mahalaga sa'min ang samahan." "Sainyo kamo mahalaga. Pero yung kagustuhan lang naman niya ang nasusunod. Wag niya sabihin na siya ang leader ay karapatan na niyang hawakan kayo sa leeg. Hindi makatarungan yun!" "Ginusto ko rin ito," dumukdok sa lamesa. "Hindi ko ramdam na gusto mo ito. Pangarap mo maging isang Professional Engineering, hindi isang Dentists. Hangga't maaga pa. Sabihin mo kay Cedric kung ano plano mo sa buhay. Pakikinggan ka niya. Baka sakali~" "Huli na. Wala nang bawian. Isa pa, hindi marunong makinig ang isang 'yon." "Anong silbi ng pagiging leader niya kung hindi siya marunong makinig sa mga miyembro niya." "Leader nga eh. The leader must follow. Whether or not you want the policy you should follow it. Tulad mo, leader ka ng Viper Berus. Susundin lahat ng mga miyembro mo ang ipag-uutos mo kahit lingid sa kaalaman mong hindi sila sumasang-ayon dito." "Erdem is right. Being a leader is more common.  Whether or not, susundin mo sila kahit masama ang loob mo."  Sabay kami tumayo ni Erdem. Nag-aalala ako baka narinig ni Cedric ang pinag-uusapan namin. "Pinag-uusapan ninyo ang Leader ng Lucifer kingdom habang wala ako." Tiim bagang niyang sabi. "W-wala lang 'yon." Kabadong depensa ni Erdem. "Gusto mo maging engineer? Go ahead and continue what your dream is. Kalimutan mo na rin naging miyembro ka ng Lucifer kingdom. Alam mo kung ano ayaw ko 'di ba?" Napalitan kaagad ng malungkot na mukha ang pag-ngiti ni Erdem. "Wala kang kwenta maging leader!" Singhal ko. "Wag kang maki-alam!" Siyang duro sa'kin. "Usapan ito ng Lucifer kingdom, kaya wag kang makisali." "Wala ka talaga kwenta maging pinuno. Bukod tanging ikaw lang nakilala kong mas iniisip ang sarili kaysa sa gusto ng mga miyembro. Dinadaan mo sila sa taas level mo." Buwisit 'to. Kung ako kay Erdem ay aalis na lang ako sa bulok nilang pinuno. "At bukod tanging ikaw lang ang nakilala kong malakas ang loob bastusin ang leader ng Lucifer kingdom."  Matapang na singit ni Axel sa usapan namin. Nandito siya kasama rin sina Calvin at Frankie. "Bigyan na natin ng white stub para magtino." Banta ni Calvin. "Wait, mag-relax nga kayo. Alalahanin nyong leader 'yan ng Viper Berus. Malaking gulo kung gagawin natin 'yan." Satsat ni Frankie. "Eh ano? Mga babae sila, mahihina at walang alam,"  pangmamaliit sa'min ni Axel. "Dahan-dahan ka sa mga pinagsasabi mo! Anong mahihina at walang alam? Gusto mo suntukan na lang?!" Si Roselle, kasama niya ang buong Viper Berus. Namuo ng matinding tensyon sa pagitan namin Viper Berus at Lucifer kingdom. "Ano Cedric? Kung bastusan lang naman pala rito bakit hindi natin daanin sa palakasan?"  Hamon ni Tina. Seryoso lamang si Cedric na nakatingin sa'min lahat. "Anong problema n'yong lahat?" Dumating sina Zayn, Peps, Joseph. Hala, Lucifer kingdom versus Viper Berus? "Away 'to." "Heto ang ayaw kong makitang away. Kapwa mga malalakas silang lahat." "Ayoko manuod sa away nila. Tara na!" Usapan ng mga estudyante nakakita sa'min lahat. "Erdem, mag-usap tayo." Poker Face umalis si Cedric. "Young Master, anong problema mo? Bakit palalagpasin natin ang gulong ito?" Si Calvin. "Pagkakataon na natin ito para makaganti sa mga babaeng 'yan." Si Axel. "Manahimik kayo! Magpunta kayo sa malaking puno. Mag-push-up kayo up to one hundred! Lahat kayo samahan at bantayan ang dalawa."  Nagmamadali kumilos ang buong Lucifer kingdom. Nilapitan ako ng buong Viper Berus. Inaya nila ako sa malaking puno sinasabi ni Cedric. Nag-push-up sina Axel at Calvin ng one hundred times. "Ninety eight..... Ninety nine.....one hundred." Sabay humiga ang dalawa habang naghahabol ng hininga. Kitang-kita ko ang pagod sa kanilang katawan. "Malaki pinagbago ni Cedric." Bulaslas ni Joseph,inabutan ang dalawa ng tubig. "Anong pinagbago roon? Baka kamo lumala siya ng husto."  singit ni Thania. "Thania," saway ni Roselle. "Talaga naman," "Ano ba kasi nangyari?" usisa ni  Desirie. Sumenyas ako sa buong miyembro ko na mag-usap kami sa 'di kalayuan. "This is about Erdem." Panimula ko. "Bakit?"  Si Leah, " Gusto niya maging engineer pero dahil inutos ni Cedric maging Dentista sila. Ayon, hindi masaya si Erdem sa company ng Dentistry. " paliwanag ko. "Malaking problema nga 'yan." "Sumasakit ulo ko." "May gamot ako rito." Inabutan ako ni Thine ng paracetamol. "Salamat," Dinig namin nagsigawan ang Lucifer kingdom. Nakita namin,itinulak ni Axel si Zayn, habang si Calvin ay sinuntok si Joseph. Ang iba ay inawat ang apat upang tumigil sa sakitan. Kaagad sila nagtigil, isa-isa silang pinagsasapak ni Cedric sa mukha. Tindi rin noh? Siya lang makaka-awat sa apat. "Hayaan nyo sila." Utos ni Tina "Magpatayan sila hangga't gusto nila." "Ang sama mo." satsat ni Thine. "Sila-sila rin maglalaglagan sa huli. Maniwala kayo sa'kin." "Pwede ba Tina.Kung wala ka rin sasabihin na maganda manahimik kana lang." Iritableng sabi ni Roselle rito. "Isa ka rin." Todo irap niya. "Matagal na ko napipikon sayo ha!" "Ah talaga. Sige, ano?!"  Nagtutulakan ang dalawa. "Tumigil na kayo." Awat ni Thania at Thine. "Nag-aaway na sila. Wala ka bang gagawin?"  Bulong ni Desirie sa'kin. "Reign, anong gagawin natin? Awatin mo na!" sumisigaw na sabi sa'kin ni Leah. Inawat ko ang dalawa. Imbis na hatakin ko si Roselle ay si Tina ang na hatak ko. Isang suntok ang pinakawala ni Tina na tumama sa mukha ko. "Tina!!" Parang may mali? Di ba dapat pangalan ko tatawagin nila dahil ako ang na sapak. Bakit pangalan ni Tina ang..... "Sinabi walang pwede manakit sa mahal koooo!" Umalingawngaw ang boses ni Cedric. Pilit kong minumulat ang mata dahil medyo hilo pa. Pinapakalma ni Leah at Thania ang likod ko at mukha. "Reign, okay ka lang ba? Heto tubig." Nag-aalalang mukha ni Roselle ang bumungad sa'kin. Natigilan lamang ako dahil nakatayo si Tina habang hawak ang pisngi. Galit na galit ang mukha ni Cedric na nakaharap sa kanya. Papalapit si Zayn, feeling ko may galit ang mukha niya habang titig na titig sa mukha ko. "Tama na Cedric. Pwede ba? At ikaw Reign," lumapit sa'kin at hinatak ang braso ko. Pilit inaawat nila Roselle ito palayo sa'kin. "Tama na, ano ba Zayn!"Leah.Thania "Bitawan mo siya kung ayaw mo magkagulo rito!" Si Leah. Isang sampal ang nagpatigil kay Zayn. Sampal mula kay Roselle. Sampal na para bang may hinanakit siya sa taong 'yun. "Tumigil kana. Please, hindi mo na kikita nasasaktan mo na ang babaeng gustong-gusto ka." Maiiyak na siwalat ni Roselle. "Ano??" Sabay-sabay nilang lahat na sabi. "Roselle," kainis, sabi kong huwag ipaalam sa iba pero ngayon, alam na ng lahat. "What?! Gusto mo si Zayn?!!!"  Nagwawalang ulit ni Tina sa akin. "Kay Cedric ka lang! Hindi ka pwede mapunta kay Zayn!" Pilit nilalayo siya ng ibang Lucifer kingdom. Wala akong mabasa na kahit ano sa mukha ni Zayn. Ang hirap malaman kung natutuwa ba sya o hindi. "Gusto mo siya?! Fvck!"  Nasaktan si Cedric. Ngayong alam na niya.Panigurado akong babalik muli sa dati ang alitan ng dalawa. Dapat hindi na lang niya nalaman. "Young Master ,sandali!"  Sigaw ng ilan. Patakbo nilang sinundan si Cedric palayo sa amin lahat. Ngayon, hindi ko na alam ang gagawin Bakit nasasaktan ako makitang nasasaktan siya. Anong ibig sabihin nito? Kaharap ko ang lalakeng gusto ko. Di ba dapat masaya ako dahil alam na niya? Bakit ang gulo, bakit ang gulo-gulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD