Chapter 32

3081 Words
Meeting Place : Head quarters ng Viper Berus. Thanksgiving party at dito gaganapin sa Headquarters area namin. Sari-saring dekorasyon ang makikita sa itaas at ibaba ng quarters. Dinaig nito ang isang Birthday party dahil punong-puno ng balloons. "Thanksgiving o birthday party?" Usal ni Leah habang pinagsisipa ang mga lobo. "Korni mo. Sina Thania at Cristine nagbigay ng ideya rito."  paliwanag ni Desirie. "Ang korni." "Hayaan mo na. Kahit ano pa itsura ng headquarters magiging masaya pa rin ang buong magdamag natin." ngiting wika ni Roselle. "Si Christina?" Nawalan ng kibo ang lahat sa tanong ko. "Hindi raw ba siya pupunta?" Problema ng mga 'to? "Baka ma-late yun. May isasama raw siyang bisita natin." pagbasag sa katahimikan ni Roselle. Marahan kaming tumango. Pumasok muna ako sa Room upang mahiga. Sa wakas, nailapat ko rin ang likod ko sa malambot na kama. Hay, nakakapagod. After ko sa trabaho at school dito na ko dumiretso kaya ramdam ko ang pananakit ng aking likod at balakang. Pero kahit gaano kasakit at gaano kahirap,hindi ako maaari mapagod at sumuko. Dahil ginagawa ito para sa magulang kong sa'kin lang umaasa. Kahit paano gusto ko magbigay ng utang na loob sa kanila. Sa tagal nila kong pinalaki at pinag-aral. Karapat-dapat lang na gumanti ako sa paraan na alam ko. "Pipikit lang ako sandali." rinig kong bumukas ang pinto ngunit wala nagsalita. "Paki-patay naman ang ilaw Thania," nawalan ng liwanag sa kabuuan at konting sinag ng liwanag sa labas ng quarters ang nagbibigay silbi sa loob ng kwarto. Niyakap niya ko sa tiyan. Ramdam kong isinandal niya ang kanyang ulo sa aking tagiliran. "Oh, ano problema?" humigpit ang pagkakayakap."Wag mo ng pansinin ang sinabi ni Leah. Ang ganda ng gawa ninyo. Alam mo ba, sa buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng ganitong party. Kasi naman, sa tuwing may year end or thanksgiving party sa school hindi ako sumasama." Hindi ito kumikibo pero ramdam ko ang pagtindi ng higpit niya sa pagkakayakap. "Thania," tawag ko. Gumalaw lang ito, pero hindi ko inaasahan na may gagawin siya sa mukha ko. Hinawakan niya ng magkabilang pisngi ko sabay halik sa noo. Hindi si Thania ito! Hala, sino 'to! Bumalikwas ako sa pagkakahiga. "S-sino ka? B-bakit ka pumasok dito! Roselle! Thania! Leah!" Naghuhurementado na ko sa kaba. Lalake siya,feeling ko lalake talaga ang gumawa nun. Marahil narinig nila Roselle ang sigaw ko. Pumasok silang lahat sa kwarto at binuksan ang ilaw. Bumungad sa amin ang lalakeng nakatayo sa gilid ng cabinet. "Joseph?" Nagtatakang tanong ni Leah. Nag-peace sign sa amin lahat sabay ngiti. "Sorry, hindi ko napigilan." paumanhin niya sa'kin. "Anong hindi na pigilan?" usisa ni Thania. "Akala ko kasi dito ang Cr kaya---kaya naghanap ako ng Cr?" buwisit ka Joseph. Ang panget ng dahilan mo. "Parang hindi naman ganoon..." inis na sabi ni Roselle. "Tama siya. Akala niya kasi may Cr dito kaya pumasok ito ng wala man lang kaalam-alam na kwarto 'to." Napapalunok ako sa mga titig nila sa akin. "Bakit nandito kayong lahat?" Si Tina, may kasama siya. Nasa likuran nito habang slowmo na pumapasok sa kwarto. "Team, sinama ko nga pala si Zayn, pwede naman siya rito 'di ba?" Tumingin si Zayn kay Joseph. "Akala ko ba may lakad ka?" nagtatakang tanong ni Zayn dito. "Meron, dito. Ininvite ako ni Reign, 'di ba?" dinilatan ako ng mata. "Ah oo, pinapunta ko nga siya. Pasensiya na kung hindi ko man lang na banggit sainyo." Parinig ko kay Joseph. Ningitian lang niya ko sabay akbay. "Thank you Reign," "Parang may kakaiba sainyong dalawa?" banggit ni Deserie. "Sa'min? Wala, ano ba nakikita mo kakaiba?" "Oo nga, wala naman bukod sa----" siniko ko si Joseph dahil mukhang madudulas ang loko. "Tara na, umpisahan na natin kumain." "Oo nga, alak na alak na rin ako eh," "Wala rito sa kwarto ang mga pagkain at alak, nasa labas. Baka pwede lumabas na tayong lahat." Hindi muna ako lumabas ng kwarto. Hinintay ko muna na kami ni Joseph ang naiwan dito. "Bakit ka ba nandito ha! Saka akala mo ba palalagpasin ko yang ginawa mo!" Hinila ko ang tenga nito. "Araaay! Masakit!" "Talagang masakit. Ano ba kasi pumasok sa isip mo bakit ka pumasok dito sa kwarto tapos...may pahalik-halik kapa sa noo. Ano akala mo sa sarili mo maginoo?" "Gaya nga ng sinabi ko,hindi ko yun sadya." Depensa nito. "Hoo, Lumabas na tayo. Baka kung ano pa isipin nila sa'tin eh." Iiwan ko siya ng hatakin ang kamay ko. Walang gana kasi katawan ko kung kaya't na dala niya ko sa higaan. Ang kinalabasan, pareho kami nakahiga sa kama. "Ano?" Iritable kong tanong. "Tumayo kana, ang bigat mo." "Bakit mo ba kasi ako hinatak?" "Yayakapin sana kita pero iba ang nangyari." Tumayo ako at inayos ang damit. Hindi ko alam bakit ganito ka awkward masyado ang nangyayari sa pagitan namin ni Joseph. May something ba sa'kin at sa kanya? Ang daming tanong na Bakit pero ni isa wala akong maibigay na sagot. --------- NATAPOS kami kumain ng mga hinandang pagkain. After that, inilapag nila ang mga alak sa table, hudyat na inuman na. Hindi ako makapag-focus sa ginagawa dahil may napapansin akong kakaiba kina Tina at Zayn. Parang may something eh. "Iinom ka ba?" Usisa sa'kin ni Joseph, ng tumabi sa'kin sa upuan. "Hindi, Juice lang sa'kin." Sabay angat ng baso na may juice. "Good. Hindi ka umiinom alam ko." "Paano mo nalaman?" Uminom ako ng juice. "Good girl ka kaya. Tsaka, ang Viper Berus, sanay talaga sa ganitong party. Hindi mawawala." I sign, "Hindi ako mapakali sa ginagawang ka-sweetan ng dalawa." "Sinong dalawa?"  Patay! Napalakas yata ang sinabi ko. "Ha? May sinabi ba ko?" Todo iwas kong tingin dito. "Meron, ang lakas kaya nang sinabi mo." "Huwag mo intindihin 'yun." Inakbayan niya ko para mapansin nila Tina at Zayn ang ginawa ni Joseph. "Ano ka ba?" kusang inalis niya ang kamay nito sa balikat ko. "Umayos ka nga. Bawal sa'min 'yan. Dapat aware kana dahil alam ng Viper na may gusto ka sa'kin." "Sorry," "Ayos lang." Napansin kong bahagya lumayo ang dalawa sa isa't-isa. Siguro, narinig nila ang usapan namin kaya mga nahiya. "Akala ko tayo-tayo lang ang nasa party. May pag-uusapan sana tayong napaka-halaga." paliwanag ni Roselle. Kusang tumayo sina Zayn at Joseph. Pumaroon sila sa lugar kung saan hindi maririnig ang ang usapan namin. Inilabas ni Roselle ang kanyang laptop. May video call pala sila ni Marnelie. "Hello, Viper Berus? Kamusta ang samahan nyo?" Bungad sa'min. Siniko ako ni Thine. "So far, so good...." yun lang lumabas sa bibig ko. "Tingin ko nga. Pasensiya na kung hindi ako naka-dating marami lang ginagawa." "Wag mo isipin 'yun. Maayos ang pamamalakad ni Reign." pagtatanggol sa'kin ni Roselle. "Reign?" Pansin yata niya na hindi ako gaano makibo. "Kamusta ang pagiging leader?" Tinignan ko muna ang buong Viper Berus bago sumagot. "Mabuti." wala akong masagot dahil ang totoo ay magulo. Sobrang gulo ng miyembrong hawak ko. Nawala sa linya ang video call. Natinginan kaming lahat dahilan para ayusin ni Roselle ang laptop. Mayamaya lumalapit sa'kin si Deserie. "Reign ,tawag mula kay Marnelie." Kinabahan ako. Nangatog ang tuhod at maging ang kamay ko habang kinukuha sa kanya ang cellphone. [ Hello, ]  bungad ko. [ May problema ba Reign? Kung pwede lang ako makapunta diyan, kakausapin kita pero marami lang ako ginagawa. ] [ Wala. Huwag ka mag-alala. ] [ kahit hindi pa kita nakakasama ng matagal, alam kong nagsisinungaling ka. ] [ sorry, ang totoo kasi niyan. ]  dapat yata sumuko na ko. Kasi sa totoo lang pagod na ko maging pinuno ng Viper Berus. [ Reign, kung ano man 'yan sasabihin mo sa'kin pwede ba huwag na? I mean, kung gusto mo i-give up ang pagiging leader,sana huwag mo na ituloy. Ikaw lang ang inaasahan ko rito.] Hindi ko na yata kayang itago ang totoo. [ napalapit na ko sa Viper Berus pero ang bigat. Hindi ko kayang panghawakan ito na ako lang. Isang hamak na walang alam sa ganitong samahan. Ni makipag-away nga hindi ko nagagawa dati.] [ gusto mo na ba gumib-up? Pagod kana? Nauunawaan ko, siguro masyado kita na push sa sitwasyon mo na yan kaya hirap kana. Gusto mo na ba umalis nilang Viper Berus? ]  napa-kagat ako sa labi. Iniisip ko kung sasagutin ko siya ng Oo ay maraming magbabago sa buhay ko. Ang totoo talaga, pagod na ko, pagod na ko bilang pinuno. [ may gusto lang sana akong itanong,] [ ano 'yun? ] [ Bakit ako? Bakit ako ang pinili mo maging pinuno. Hindi ka ba nag-dalawang-isip na ibigay sa'kin ang tungkulin na ito?] She sigh. [ Pasensiya na. Hayaan mo, kapag na uwi ako sa head quarters pag-uusapan natin ang tungkol diyan. Pero ngayon, dapat mo gawin kung ano ang ibinigay ko sayo. Masasanay ka rin, at lagi mo tatandaan na ang binigay mong rules sa kanila ay dapat hindi ikaw ang lumabag dito. Nauunawaan mo ba?"] [ oo, nauunawaan ko.]  Nagpaalam siya, bago mawala ito sa kabilang linya. Napa-buntong hininga ako bago ibigay ang cellphone ni Deserie. "Okay ka lang?" Nag-nod lang ako bilang sagot. "Tingin ko may problema ka. Ano ba 'yun?" "Iniisip ko kung deserving nga ba ko maging pinuno nyo. Alam mo na, parang wala akong nagagawang maayos sa rules, tapos...ako pa ang sumuway sa rules ko mismo." "So, totoo nga na si Zayn ang gusto mo?" Hindi ako kumibo pero kuha na niya ang sagot ko. Bakit kasi, naisipan ko pa ang rules na yun kung ako rin pala ang magkakamaling suwayin ito. "Hindi kami galit. Sa katunayan nga niyan ay hindi ka dapat mabahala sa nangyari. Ikaw lang naman ang may gusto sa kanya, hindi kayong dalawa." Iyon ang masakit na katotohanan. Ako lang ang may gusto sa kanya,at siya iba ang nagugustuhan. "Pwede pa 'yan mawala." Sabay tapik sa balikat ko. "Tara sa loob," nag-nod ako bago siya sundan papasok sa loob. Tawanan, abutan ng mga alak, pulutan na halos mapuno ang table. Ang saya nila, samantalang ako, hindi ko magawa maging masaya sa kabila ng lahat. Sino ba hindi magiging masaya? May gusto akong lalake pero hindi pwede. Gusto ko ng umalis bilang pinuno sa Viper pero marami ang mababago. Marami na rin kami pinagsamahan ng Viper ,paano pa ko makakatakas sa ganitong samahan. "Reign! Come on!" Sigaw ng kung sino. Pahakbang pa lamang ako palapit sa kanila ay may pumasok sa pintuan. Tumahimik silang lahat, tinignan ko kung sino ang nagbukas ng pinto. "Kamusta ang party nyo?" Kumalabog ang puso ko ng lumapit siya sa akin. "Nagulat ka ba?"  Sabay kindat sa'kin. Bagong paligo lamang ito. Humahalimuyak ang kanyang pabango. At bagong gupit siya ng buhok. "Anong ginagawa mo rito?"  Usisa ko sa kanya habang kumukuha ng alak sa kabilang table. "Tinawagan ako ni Marnelie. The party will be happy if you are with me." "Sira-ulo." humalakhak siya sabay yakap. "Hoy! Ano ba. Umayos ka nga!" Hiyang-hiya ako tumingin sa lahat habang tulala kaming pinapanuod. "Di ba gusto mo naman 'to? Ginagawa natin ito dati pa, 'di ba?" "Baliw kana ba? Anong pinagsasabi mo diyan?!" Na alog yata ang utak nito. Putek. "Do you think I'm mad?" "Ge, English pa." Natanaw niya sina Zayn at Joseph. "Naku, nandito pala ang dalawa kong kaibigan na karibal ko na rin." tawa ng tawa palapit sa dalaw. "Ced, ayoko ng gulo." Paki-usap ni Roselle rito. "I'm not messing with it here. I just want to be happy. Kasama ng mga lalakeng karibal ko." Naka-smirk nitong siwalat. "Kung gusto nyo ng gulo,doon kayo sa labas. Umalis na kayo." Mataray na utos ni Tina. "Ako na lang ang aalis." Lahat sila tumingin sa akin. "Ako na naman ang dahilan kaya ako ang aalis." Lalabas ako ng magsalita si Joseph. "Sasama ako," sabay tayo nito. Nakita kong inayos ni Zayn ang kanyang polo ng tumayo sa kinauupuan. "Umupo ka nga Zayn. Wag mo sabihin, sasama ka rin sa mga 'yan."  awat ni Tina ngunit hindi siya pinakinggan ni Zayn. Umalis siya ng tuluyan sa pwesto, nang mag-tama ang mata namin ay hinawakan nito ang aking braso. Walang salita itong binitawan ng hatakin niya ko palabas ng Head quarters. Rinig ko ang sigawan nilang lahat. Lalong nangibabaw ang boses nina Cedric, Tina, at Joseph. Dinala niya ko sa likod ng head quarters,kung saan may swimming pool dito. Binitawan niya ang kamay pagkatapos hindi ito nagsalita. Ginawa niya kong talikuran kahit alam nitong naghihintay ako ng sagot sa ginawa niya. Wala akong mapapala. Aalis na ko. Tumalikod na ko para maka-uwi na sa bahay. Handa ko ng itapak ang paa sa pangalawang pagkakataon ng magsalita ito. "Bakit mo ko na gustuhan?" kumalabog ang puso ko sa mga tanong na 'yun. Tila parang isang math problem na hindi masagot. Nakaharap na siya ng tumingin ako rito. Sinubukan kong iwasan ang paninitig niya nguni't labis lamang niyang hinuhuli ang mga mata ko. "Kinain mo rin ang mga sinabi mo sa'kin dati na hindi ka katulad ng iba. Magkaka-gusto ka rin pala sa'kin." ang huling sabi niya ay nagawa niyang ibulong. "At sa palagay mo totoo 'yun? Iyong mga sinabi ni Roselle. Naniwala ka naman," sinasabi ko na nga ba at heto na ko sa puntong magsisinungaling sa harap niya. "Sino ba may pake? Huwag ka umasa na magugustuhan din kita." "At sino rin  nagsabi na umaasa ako?" ikina tigil niya ang sinabi ko. Totoo naman, sino ba umaasa? Ako? Never, oo nga't gusto ko sya pero alam ng utak ko kung saan ako lulugar. Hindi ako kailanman magiging desperada. "Kung si Cedric ang na gustuhan mo,ede mainam pa. Alam mo kung gaano ka gusto ni Young Master. Bakit, hindi na lang siya?" "Sino ka ba para utusan ako sa nararamdaman ko?" "Payong kaibigan lang. Huwag ako, dadagdag kapa sa mga babaeng na huhumaling sa'kin. Doon ka kay Ced, mas magiging kampante ang buhay mo roon." Iniwan niya kong tulala. Hindi nga ko umaasa. Pero masama na ba masaktan sa sinabi niya? Ang ipagtulakan ka sa ibang tao ay sobrang hirap tanggapin. Iyon pa kayang gusto mo, itulak ka sa iba dahil hindi niya magagawang suklian ang nararamdaman mo sa kanya. King-ina 'yan. Uuwi na talaga ako. Ang sakit sa puso nun eh, dapat hindi ko na lang sinabi sa kanila. Ede, sana ako na lang mag-isang nasasaktan na hindi nila nalalaman. FRESH from the bath. Nagpapahid na rin ako ng lotion nang may kumakatok sa pintuan. Tumayo ako upang pagbuksan ng pinto ang kumakatok. "Hi."  Suminghot kaagad siya ng maamoy ang sarili ko. "Bagong paligo ka lang?" "Obvious ba? Bakit nandito ka?" mataray kong tanong. "Umuwi ka kaagad." "Syempre, gagawa ka na naman ng eksena eh." "Ikaw naman kasi, pwede ba ko pumasok?" Wala na akong choice kundi papasukin siya. Naupo siya kahit 'di ko inaalok ng upuan. Ang hambog na 'to sobra. Parang bahay nila kung kumilos. "Bakit ka nga pala napunta rito?" Binaba niya ang back pack sabay labas ng mga beer. Siguro nasa sampung bote yun. "Nagkasya ang sampung bote sa back pack mo?" Nag-nod. "Ikaw lang ang iinom nyan?" Umiling, "Aba, hindi kita masasabayan diyan sa binabalak mo. Hindi ako sanay uminom." "Tuturuan kita," binuksan ang isang bote. "Here, hindi 'yan matapang. Saktong-sakto lang. Try mo." "Ayoko," "Dali na. Huwag mo naman ako pahiyain. Nag-effort akong magpunta rito tapos itra-trato mo ko ng ganyan." "Aba, sino ba nag-utos sayo na magpunta rito? May namilit ba sayo?" "Wala. Nakakatampo ka kasi, nagpunta nga ko sa Party dahil gusto kita makita tapos lalayasan mo ko." "Kung hahayaan kita at kung mananatili ako sa party, I'm sure gulo na naman ang hatid nun." "Grabe ka," "Oh,bakit? Totoo naman ah? Kahit saan ka magpunta puro gulo ang hatid mo. Masyado ka rin bad influence sa mga kaibigan mo. Imbes na ikaw ang manguna at intindihin ang mga sides nila. Ikaw pa ang mataas at dapat sinusunod nila." Tulala lamang ito naka-tingin sa akin. "Tulad kay Erdem. Alam mo pala na engineering ang gusto pinilit mo pa yung tao na mag-destistry. Ang pagkaka-alam ko sa----"  hindi na niya ko pinatapos sa sasabihin. Inilapit niya sa bibig ko ang hawak kong beer. "Wag mo na ko sermonan. Inumin mo na 'yan baka matuwa pa ko." Dahil na inis ako sa pagtatapat ko sa kanya ay nakuha kong lagukin ang isang bote. "Ang pait!" Bulaslas ko, na hindi maipinta ang mukha. "Parang ugali ko lang 'yan." Seryoso niyang sambit. "Tama ka. Ang pait, sobrang pait." Pagtatapat ko. "Pero sa simula lang." Natigilan ako at nag-isip. Naalala ko ang sinabi nila na mapanakit siya sa babae. Nakuha kong ubusin ang dalawang bote ng beer bago siya tapatin. "Ganyan ka ba talaga Cedric. Madalas ang sama ng ugali mo, minsan ang bait mo sa'kin. Ano ba talaga ang totoong ugali mo? Sa totoo lang, hindi maganda ang pagkakakilala ko sayo." "For me, pareho kong ugali ang pinakikita ko sayo. Naisip mo ba, bakit madalas ang sama ng ugali ko sayo? Syempre,dahil magaspang din ang ugali mo." "Hoy!" itinulak ko sabay tawa nito. "Mag-re-react kapa. Totoo naman, saka hindi mo ba na isip kaya ang bait ko sayo minsan dahil gusto nga kita? Hindi mo na isip 'yun?" Okay, nag-iisip naman talaga ako. Kaya lang hindi pa rin ako kontento sa kanyang sagot. Hindi namin namalayan na halos maubos namin ang beer na dala nito. Marami kami pinag-usapan, tapos tawa-tawa lang. Usap ng kung anu-ano. Lalo ko siyang nakilala sa mga inamin nito sa akin. Naibagsak ko ang huling bote ng beer. "Whooi, lasing kana." Mahinang sabi niya. "Nahihilo ako," nagawa kong tumawa ng malakas kahit titig na titig siya."Bakit? Ugh, matutulog na ko." "Mamaya na. Puro tayo tawa kanina. Bibigyan kita ng pagkakataon na magtanong sa'kin." "Itatanong?" May itatanong sana ako pero baka magalit siya. "Oo. Anything, sasagutin kita." Tutal lasing ako. Malakas ang loob kong magtanong sa kanya ng kung ano. "Uhm sige. Ano ba nakita mo sa'kin bakit mo ko na gustuhan? Wala akong permanent job. Wala rin akong  maraming kayamanan at lalong ang buong angkan ko hindi marangya gaya ng sayo. Bakit? Bakit ako?" Pupungay-pungay ang mata kong tignan siya sa mata. "Naniniwala ka ba sa Karma?" "Uhm, pwede rin." agad kong tugon. "Baka ikaw ang karma ko. Kung tutuusin dapat kainisan kita dahil pinapatulan mo ko sa ugali ko. Pero, grabe, bukod tanging ikaw lang ang babaeng na mahiya sa'kin sa maraming tao. Lalong tumataas ang tiyansa na magustuhan kita. You will be right in all my wrongdoing." Ako ang tama sa kanyang mga mali. Ang lalim,parang ang hirap malaman kung paano at saan nagsimula ang lahat. Kung karma niya ko, bakit ako pa? Bakit ako pa na simple ang buhay at isang hamak na baguhan sa gang. "Walang malinaw na sagot pero kaya kong patunayan na mahal kita. Nasaktan ako ng malaman kong gusto ka ni Joseph, pero mas nasaktan ako nang malaman kong si Zayn ang gusto mo. Feeling ko, wala na kong pag-asa sayo. Lagi na lang kasi akong pang-second choice. Lagi na lang pangalawa, kung wala ang una." Buntong-hininga ko siyang tinignan. "Paulit-ulit kong tinatanong,bakit lagi na lang ako ang pang-second choice. Dahil ba sa ugali kong magaspang o talagang hindi ako ka-mahal-mahal." Patuloy niya. Yumuko ako upang ipakita sa kanyang nasasaktan ako kapag may nasasaktan akong ibang tao. "Hindi ko dapat sabihin sayo 'to pero....sorry CED. Hindi ko kasalanan kung bakit hindi kita magawang mahalin,pero na kokonsensiya ako dahil may isang tulad mo na Gangster nagpapaka-tanga dahil sa'kin." "Pwede pa magbago 'yang nararamdaman mo. Maaari mo pa ko mahalin basta bigyan mo ko ng pagkakataon para ipakita sayo kung gaano ako ka-seryoso." "Cedric." "Kahit kanino kina Zayn at Joseph ang mahal mo. Wala sa akin 'yun, basta hayaan mo lang ako na magmahal sayo." .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD