Ba't ganoon? May mahal ka, hindi ka kayang mahalin. May nagmamahal sayo, hindi mo magawang mahalin. Ang gulo noh?
Lumipas ang tatlong araw buhat ng magka-usap kami ni Cedric. Sa totoo lang, tumaas ang tingin ko sa kanya dahil ang isang gangster marunong din pala magmahal ng tapat. Inamin din nito na lagi siyang pang-second choice. Tama nga siya, tulad ng nalalaman ko about Zayn and Peps. Napansin kong hindi siya pinipili ng mga babaeng pinag-awayan nila.
Gwapo si Cedric, siguro ganoon ang sasabihin ng karamihan pero kapag nakilala mo siya at minahal ka niya magagawa mong iwanan siya dahil sa ugali niya.
Mapanakit at hindi iniisip kung sino masasaktan niyang tao.
Ganoon ang napansin ko sa kanyang ugali. Oo, hundred percent mapagkakatiwalaan mo siyang loyal sayo pero kaakibat nito ang hirap at pasakit sa relasyon ninyo. Sino ba babae magtitiis sa lalakeng mapanakit? Tanga sa pag-ibig ang magsasabi na kaya niyang magtiis dahil mahal niya 'to.
Narating ko ang University. Nag-commute lang ako dahil na sira na naman ang motor. Dadaan muna ako ng Cr dahil kanina pa ko tinatawag ng kalikasan pero ang malas, ang haba ng pila ng mga Cr. Ano meron? Bakit lahat ng Cr mahahaba ang pila? Ano 'yun? Sabay-sabay kami nakaramdam ng pagka-ihi? Hay, de bale. Willing to wait, maaga pa naman.
May apat na babae pa sa unahan ko kaya hindi ko rin matiis na mainis sa sarili.
Willing to wait kapa nalalaman Reign, ang galing mo. Pero teka, ang sabi sa'kin dati ni Tina pwede raw ako mag-reyna-reynahan dito dahil ako na ang pinuno nila. Pwede ko naman gawin yun 'di ba? Kaya lang, paano ang ibang naghintay din ng pila? Hindi na. Kaya ko pa naman tiisin. Basta, willing to wait ako.
"Reign!" si Roselle, papalapit sa'kin. "Bakit ka nandiyan? Nagtitiis ka pumila?"
"Okay lang, kawawa naman yung iba naghihintay din ng pila."
"Alam mo ang bait mo talaga. Uhm, sumama ka sa'kin." hinatak niya kamay ko.
"Saan tayo pupunta?"
"Basta." naka-ngiti niyang tugon.
Narating namin ang kasulok-sulukan ng University. Parang jungle theme ang lugar. Pero sa isang kwarto roon may maayos na sala, kusina at Cr. Habang pinagmamasdan ko ang loob ng kwarto ay hindi ko maiwasan humanga. Parang bahay na 'to. Kompleto rin sa gamit at natitiyak kong bihira lang gamitin.
"Hindi ko pa pala nasasabi sayo na pag-mamay-ari ito ng Viper at Lucifer."
"Talaga?" 'Di makapaniwala kong tanong.
"Oo, ano mag-ccr kapa ba?"
"Ah, oo nga pala. Wait," pumasok ako ng Cr. Pagpasok palang na amoy ko na ang pabango nito. Meron din bath tub na hugis bilog, shower sa gilid at inidoro sa di kalayuan. Halatang mayaman ang gumagamit dahil walang kabakas-bakas na dumi.
Lumabas ako na masaya. Masaya dahil feeling ko ang yaman ko. Ikaw ba naman maka-experience nito.
"Okay na?" bungad sa'kin habang naka-upo siya sa Sofa nanunuod ng TV.
"Oo. Ah, Roselle, may itatanong sana ko."
"What?" tinabihan ko siya sa sofa.
"Ano ba level ng Viper at Lucifer? Magka-away ba o magkakampi?"
Nilipat muna nito ng ibang channel ang TV bago ko sagutin.
"Magkakampi. Mula noon at hanggang ngayon."
"Pero bakit ganoon? Minsan, hindi okay ang grupo natin sa kanila."
"Dahil kapag sabay-sabay uminit ang ulo ng grupo sigurado gulo ang mangyayari. Wala ka bang kaibigan kung kaya't hindi mo alam na ganoon talaga ang samahan. Hindi lahat ng oras okay kayo. Sometimes, mag-aaway at magkakagulo."
"Marami pa nga ko dapat malaman sa Viper." malungkot kong sabi.
"Its okay. Nandito lang kami para samahan at gabayan ka sa trabaho mo."
"Nakakahiya dahil ako pa ang tinuturuan nyo. Dapat kasi, ikaw na lang ang ginawang leader ng Viper eh."
"Kahit karapat-dapat ako syempre dapat ikaw na lang. Ma dahilan ang lahat. Magtiwala ka lang kay Marnelie. At tandaan mo, hindi lahat sa simula dapat perpekto may tamang proseso roon."
"Kung ano man ang dahilan ni Marnelie tingin ko magiging maganda 'yun." natatawa kong sabi.
"Sinabi mo pa. Tara na, baka ma-late kapa sa klase nyo. Magagalit ang Pinuno ng L'kingdom."
Tawanan kami ng lumabas sa bahay. Naghiwalay kami ng marating ko ang landas patungo sa building namin.
Wala nang tao sa labas. Tingin ko, nasa loob na ang mga classmates ko. Tama nga, nasa loob na sila. Lahat ay naka-tingin sa akin habang si Sir ay seryoso lamang may isinusulat sa board.
"G-good Morning po Sir." kabado kong bati.
Walang emosyon itong humarap sa'kin. "May gagawin pa ko sa Auditorium Room. Bilang parusa kayo na ang magsimula at magtapos."
"Po?" kami? Naduduling na yata si Prof.
"Okay ba sayo Cedric?" sarcastic niyang tanong mula sa likuran ko. Hindi na duduling si Prof. Tama nga, kaming dalawa late sa klase.
"Badtrip." bulong nito matapos tumingin sa'kin.
"Sinabi ko na sainyong bawal ang late sa oras ng klase. Ako na lang nagtitiyaga magturo sainyo hindi nyo pa ko nirerespeto. Maghapon kayo sa Auditorium, sa madaling sabi walang uuwi hangga't hindi tapos ang ginagawa 'ron." litanya ni Professor.
"Pero Prof." reklamo ko.
"May reklamo ka Ms. Reign?" sarcastic niyang usal sa'kin.
"Nothing Sir." kagat labi kong tinalikuran ito. Wala na sa likuran ko ang Hambog na Gangster. Bago ko humakbang narinig kong nagsalita si Professor na may kinaka-usap.
"Okay. Bilisan mo, magbibigay ako ng special exam." napapamura na lang ako sa sarili dahil may special exam na ibibigay si Prof sa kanila. Kung di ba naman, hays. Ang alam ko, hindi pa ko late dahil may five minutes pa para magsimula ang klase.
Sa Auditorium room. Sangkaterbang mga libro ang bumungad sa akin. Ano ba ginagawa ng mga libro rito sa Auditorium? Dapat dito sa mga 'to sa Library.
"Ano pa hinihintay mo?" si Cedric, naka-cross-arm palapit sa'kin. "Simulan mo na pagsama-samahin ang mga libro para ilagay sa Library."
"Bakit nandito?"
"Dito nila inilagay dahil wala nang space sa ibang room."
"Talaga? Kahit sa ibang room may libro rin? Anong meron?"
"Dami mong tanong. Gawin mo na ang dapat gawin." malumanay itong umupo para panuorin ako sa gagawin.
"Hindi mo ko tutulungan?"
"Ang leader hindi dapat inuutusan." taas kilay niyang sabi.
"Ede, dapat ako rin hindi dapat utusan." depensa ko.
"Pioneer ka na ba?"
Naka-nguso kong sinimulan ang pag-aayos. Wala na kong sinabi. Hindi ako Pioneer as a leader. Hamak na baguhan lamang.
May mga libro na kumalat sa sahig na ipinatong ko sa ibang libro. Ang malas dahil bumuwal din ito. Yung feeling na kasing laki mo ang taas ng mga libro? Wow! Feeling intelligent ang peg ko nito at Bookworm kuno.
"P-pwede mo ba ko tulungan?" paki-usap ko dahil naka-tingin lang sa'kin habang hirap na hirap akong i-balance ang katawan sa librong pabagsak sa katawan ko.
"Bahala ka diyan," sitting pretty niyang bulaslas.
"Buwisit ka talagang hambog ka." bulong ko. Matapos nun ay nawalan ng ilaw sa kabuuan ng Auditorium. "Oh! Bakit nawalan ng ilaw? Hindi ba nila alam na may tao rito?" no choice kundi itulak ko ang mga libro palayo sa'kin. Tumungo ako sa pintuan pero hindi ko mabuksan.
"May tao rito! Buksan nyo 'to!" Unang sigaw. "Hellloooooo! Ano ba? Buksan nyo 'to." kinakalampag ko ang pinto ngunit useless dahil wala nakakarinig sa sigaw ko.
"Wag mo pagurin ang boses mo." Hindi ko namalayan nasa tabi ko na siya. "For the first time nangyari sa akin 'to kaya sisiguraduhin kong paglabas mananagot ang staff ng Auditorium."
"Baka hindi niya alam na may tao."
"Kahit na. Kabilin-bilinan na huwag papatayin ang ilaw ng mga Room para hindi madaling mapasok ng mga outsider. At isa pa, may CCTV dito sa Auditorium. Automatic kapag nawalan ng liwanag dito, naka-patay ang CCTV."
"Ha? Bakit ganoon? Ang alam ko kapag walang ilaw sa isang lugar na may CCTV gagana pa rin."
"Bakit ba mas marunong kapa? Pinasadya talaga ng mga co-members namin ang ganitong set-up."
"Ah okay. Wala na kong sinabi. So, ano gagawin natin ngayon? Walang makakarinig sa atin kahit magsisigaw tayo."
"Yung utak mo ayaw paganahin." binuksan niya ang flashlight ng cellphone. "Anong silbi ng mga cellphone natin?"
Kinuha ko sa bulsa ang cellphone. Tinext ko si Joseph. Matapos ko i-send kinuha sa akin ni Cedric.
"Ano ba?! Akina nga 'yan!"
"Cellphone ko 'to."
"Sira-ulo ka na ba? Ibinigay mo na sa'kin 'yan kaya akin na 'yan!"
"Ang pag-aari mo, ay pag-aari ko na rin."
"Ayos ka rin noh? Lakas ng loob mo sabihin 'yan. Bakit, tayo ba? May relasyon ba tayo? Asawa ba kita?" tinutukan niya ko ng flashlight mukha.
"Soon...magiging tayo,magkakaroon ng relasyon at magiging mag-asawa tayo."
"Umamin ka nga,"
"Ano?"
"Nag-dra-drugs ka ba? Alam mo, magpa-tokhang kana. Mas mainam yung kusa kang susuko kaysa magulat na lang kami isang araw malamig na bangkay kana at may naka-sulat na karatula sa katawan mo na 'Huwag tularan, User at Pusher ako."
Imbes na magalit ay tinawanan pa ko.
"Anong nakakatawa sa sinabi ko?"
"Ang dami mong alam. Mukha ba kong adik? Saka, kung adik man ako malamang--- sayo lang ako naging adik."
"Ew."
"Ew? As in Ew, nakakadiri ganoon?"
"Ano pa nga ba? Teka nga, huwag mo nga ko linlanganin. Pwede ba gumawa ka ng paraan para makalabas tayo rito."
"Hindi mo kailangan utusan ang isang gwapo at makapangyarihan na tao. Anytime nandito na mga staff."
Napa-kurap na lang ako sa bilis niyang umaksyon.
"So, hindi natin magagawa ang mga libro na walang ilaw. Ang gagawin natin ay maghintay sa pagdating nila." naglakad ako para hanapin ang mga upuan. Dahil madilim hindi ko nakita na mapapatid na pala ako, at doon na subsob ako sa...sa dibdib ni Cedric.
"Hindi porke walang ilaw gagawin mo na ang bagay na dapat ako ang gagawa."
"Ano?!" humiwalay ako. Baka kung ano pa gawin niya.
"Minsan na iisip kong baka gusto mo ko." Bulaslas niya na sadyang ikatawa ko ng malakas.
"Pero madalas na iisip kong malabong mangyari 'yun." sarcastic kong pag-amin.
"Alam mo, buwisit ka rin noh? Hindi ka kagandahan pero kung magsalita ka akala mo nag-iinaso ako sayo." naiinis nitong itinapak muli sa mukha ko ang flashlight ng cellphone.
"Hindi nga ba?" sarcastic ko muli.
"Hoy! Pasalamat ka babae ka kung hinsi---"
"Kung hindi ano Cedric? Sasaktan mo ko? Wow, matagal ko nang alam na wala kang pinalalagpas kahit babae pa 'yan. Kaya walang tumatagal sayo dahil ganyan ka." ay, napa-sobra yata ang sinabi ko.
"Oh, bakit natahimik kana?" patay, galit na yata ang hambog na 'to. Pinatay niya ang flashlight. "S-sorry. Hindi ko sinasadya yung mga sinabi ko sayo."
"Wag kana mag-sorry, sinabi mo na 'di ba? Kanino mo nalaman ang tungkol diyan?" hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.
"Sinong makating dila ang nag-daldal sayo niyan!" galit na talaga siya.
"W-wala. Ibig kong sabihin, kahit sa akin 'di ba ganyan ka? Sinasaktan mo ko. Akala mo ba nakalimutan ko na ginawa mo sa'kin? Sinampal mo kaya ako!" pilit akong kumakawala sa mga bisig niya dahil niyakap niya ko ng mahigpit.
"Lumayo ka nga sa'kin! Baka makita nila ginagawa mo at isipin nila may ginagawa tayong kabastusan dito." dugtong ko.
"Wala akong paki-alam. Mainam nga 'yun para malaman nilang akin ka lang. Pag-aari kita na hindi dapat inaagaw ng iba."
"Umalis ka nga, lumayo ka! Cedric, binabastos mo na ko."
"Hindi kita binabastos." Depensa nito.
"Hindi? Kingina mo ka Cedric."
"Sige mura."
"Tang INA mo! Gago! Hambog na gangster!" Kada mura ko sa kanya ay mas hinihigpitan niya ang yakap. "Bitaw na! Cedric!"
"Yan ng gusto ko sayo, minumura mo ko ng may pagmamahal."
"Pagmamahal?!----" hindi na tapos ang sasabihin ko dahil tahasan na naman niyang hinalikan ako ng walang sabi.
Mapangahas. Wala akong magawa para iwasan ang halik na yun. Masyado siyang malakas kumpara sa akin. Sa inis ko ay nagawa ko siyang tuhuran sa kanyang sikmura. Nakawala ako sa kanyang mga bisig at mapagsamantalang halik.
"s**t! Fvck! Ang sakit!" hindi ko nakikita ang reaksyon niya pero rinig ko ang malakas niyang hinaing.
"K-kung nakikita lang kita---baka hindi lang 'yan ang inabot mo sa'kin!" Bulyaw ko rito.
"Pero hindi mo na dapat ginawa sa'kin 'yun!"
"Kung maka-angal ka parang hindi sanay ang katawan mo sa bugbugan. Kung ibang babae ang binabastos mo malamang kinasuhan kana."
"Malabo." sarcastic niyang sabi."Baka hindi lang sa halik kami mapunta."
Kumalat ang liwanag sa kabuuan ng Auditorium room. Kasunod ang pagbukas ng pinto.
"Young master!" sigaw ng kung sino. Lumapit siya kay Cedric na namimilipit sa sakit. Mukhang napa-lakas yata ang ginawa ko.
"Bakit po kayo nakahawak sa tiyan nyo Young Master?" nag-aalalang tanong ng matandang lalake. Tumingin sa'kin si Cedric na may halong inis.
"Nabunggo ako sa mga libro." sabay tingin niya sa mga librong naka-kalat. "Madilim, hindi ko napansin."
"Tara na Young Master." tumingin sa akin yung lalake. "S-sino po siya?" imbis na sagutin ang lalake tahimik lamang ito umalis.
Papalapit sa'kin si Joseph.
"Sinabi sa'kin na kulong kayo rito sa Auditorium." Tumingin sa mga libro. "Ito ba ang pinagagawa sainyo ni Professor Tolits?"
"Oo," natanaw ako sa pintuan. Nandoon pa kasi sina Cedric habang nag-uusap ng kasama niya.
"May problema ba? May nangyari ba masama?" na pansin nito nakatingin sa likuran niya. Tumingin din siya. "Siya ang kanang kamay ni Cedric. Tinawagan siguro niya nung na kulong kayo rito kanina."
Hindi na ko sumagot. Sinimulan ko na lang ayusin ang mga libro. Inaasahan kong tutulong si Joseph kaya hindi naging mabigat para sa akin gawin ito.
Matapos pagsama-samahin ang mga libro. May inutusan na staffs si Prof na dalhin ang mga aklat sa Library.
"Thanks Ms.Reign, pero sa susunod huwag mo na hayaan ma-late ka sa oras ng klase. Palalagpasin ko ito para hindi makasama sa grades mo."
Sana sir sinabi mo na yan kanina pa para walang nangyari masama sa'kin.
Naglalakad ako papuntang canteen. Nakaka-gutom maging masipag.
"Reign! Wait."
"Bakit?"
"Sigurado ka ba na okay ka lang?"
"Joseph," huminto kami.
"Oh?"
"Ganoon ba talaga si Cedric may pagka-possessive?" namilog ang mga mata nito.
"Ibig sabihin may ginawa siya sayo nung na kulong kayo sa Auditorium room?"
Yumuko na lang ako sa inis. Hindi ko magawa tignan siya dahil alam kong masasaktan na naman ito.
"Sorry,"
"Bakit ka nag-so-sorry?"
"Kasi nasaktan kita." malungkot kong sabi.
"May magagawa pa ba ko kung mag-sorry ka? May karapatan ba ko kung sabihin kong nasasaktan ako? Okay lang, unti-onti ko nang sinasanay ang sarili ko sa mga ganitong bagay."
Nagtama ang mga mata namin. May kung ano akong naramdaman na guilty sa kanya. Kahit sabihin nyang okay lang alam kong hindi okay lalo pa nalaman niyang may ginawa sa'kin si Cedric na pinuno nila.
"Kumain na tayo gusto mo ba ilibre kita ng lunch?"
"Wag na."
"Bakit? Libre naman."
"Lalo mo lang pinararamdam sa'kin na dapat akong ma-guilty sa ginagawa ko sayo."
"Sabi wag mo na ngang isipin yun."
"Hindi makumbinsi ang puso ko na dapat---"
"Pst, wag kana maingay. Huwag kana mag-drama diyan. Ikain mo na lang 'yan."
SA CANTEEN , maraming pagkain sa harap ko pero itong kasama ko naman ay walang kagana-gana sa pagkain. As in , wala kasi halos hingin na niya ang pagkain na nasa plato ko.
"Hmm, bakit mo ko pinapanuod kumain?"
"Ang takaw mo." nakasimangot kong sabi.
"Gutom lang,"
"Ilang araw ka ba hindi kumain?"
"Ah... simula ng mawalan ako nang gana mabuhay sa mundo." taas kilay kong tinignan ng masama. "Joke lang, ilang gabi na kasi akong hindi nakaka-kain ng maayos dahil may tinatapos kaming adyenda ni Cedric."
"Hulaan ko, ikaw lang kumikilos noh?"
"Paano mo na sabi?"
"Kasi ikaw lang walang kain ng ilang gabi."
"Ah hindi. May ginagawa siya. Actually, pagod 'yun at puyat." ganoon? Kaya ba late na naman siya at hindi ako tinulungan kanina sa Auditorium?
Sa kabila ng kasiglahan niya nawala kaagad ito ng tumunog ang kanyang cellphone. Suminghap siya sabay sandal sa upuan. Sumimangot itong itinago ang cellphone.
"Sino 'yon?" usisa ko.
"Wala." tumunog muli ang cellphone nito. Mas nangamba ako ng humigpit ang pagkakahawak niya rito.
"Bakit ba?" tanong ko muli. Tinignan niya lang ako sabay touch sa cellphone.
"Wala lang 'to." itatago na sana ang cellphone sa bulsa nang muli tumunog. "Buwisit." bulong nito.
Gigil niyang hawak ang cellphone ng hablutin ko ito sa kamay niya.
"Ano ba kasi 'to ha?"
"Sandali!"
Masamang tingin bago ko tignan ang nilalaman ng Cellphone niya. Parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa kamay ko mula sa cellphone. Nanginginig at halos hindi maigalaw dahil sa sobrang kaba, gulat, at galit na nararamdaman.
"Sino nag-upload nito?!" kabado, at galit lamang ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
"Inaalam pa namin." buntong hininga niya kong tinitigan. "Yan ba ang ibig mong sabihin kung bakit mo tinatanong sa'kin kung---"
"Huwag ka maingay." yuko kong saway. Unti-onting lumalakas ang bulungan hanggang sa naging ingay sa kabuuan ng CANTEEN.
"Malanding rin pala."
"Sa auditorium pa napiling lumandi."
"Sinira niya image ng Viper Berus. Hindi siya deserving para maging Leader ng mga Viper."
"Ang sarap nang halikan. Muntik ng makalimot ah?"
"Pustahan, isang araw balita rito buntis na 'yan."
Hindi na ako nakatiis sa mga mapanirang tao. Tumayo ako upang ipagtanggol ang sarili.
"Kung------"
"Tumigil na kayo. Gusto nyo ba mabigyan ng stub?!" galit na sabi ni Joseph sa mga tao.
"Umalis kayo! Alis! Wala ako dapat makita ibang estudyante rito sa loob ng CANTEEN maliban sa'min!" nakakatakot siyang magalit. Tulad ng kay Cedric.
Maliban sa'min ni Joseph ay wala nang iba pang tao rito sa loob ng canteen. Nilapitan niya ko ng marahan.
"O-okay ka lang ba? Gusto mo ihatid na kita sa bahay nyo?" Nag-aalala niyang tanong.
"Okay lang naman ako Joseph. Pasensiya na, nadamay kapa rito. Gusto ko sana mapag-isa." kinuha ko ang bag tsaka tumakbo papunta sa malaking puno.
Isinubsob ko ang aking mukha sa dalawang tuhod ko. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa maubos ang luha. Hindi ko inaasahan na ganitong kahihiyan ang mangyayari sa akin. At sino kaya walang hiya ang nag-upload sa f*******: ng video namin ni Cedric kanina. Malaman ko lang. Sisiguraduhin kong mananagot siya.
"Reign, nandito lang ako. Kung--kung ako lang sana ang minahal mo hindi mangyayari 'yan. Takot akong masira ang imahe mo sa ibang tao." maranhan niya kong tinabihan sa pagkaka-upo. Isinandal niya ang likod sa katawan ng puno.
"Joseph, bakit ka ba ganyan? Bakit ang bait-bait mo pa rin sa'kin kahit alam mo hindi ikaw ang mahal ko. Bakit ba ganyan ang ugali mo? Nakaka-inis dahil masyado kang mabait sa'kin."
"Hindi ako mabait. Ayoko lang saktan ang babaeng mahal ko. Ayoko makitang umiiyak ang mahal ko dahil sa ibang tao. Kung kinaiinisan mo ang pagiging mabuti ko sayo dapat tanggapin mo na lang. Nandito ako lumalapit hindi bilang may gusto sayo. Nilalapitan kita kahit bilang kaibigan na lang."
Humagulgol ako ng iyak sabay hikbi ng walang patid.
"Bakit kasi ganoon! Ang unfair ng buhay. Bakit hindi na lang ikaw ang minahal ko. Bakit kailangan ko pa masaktan sa mga taong hobby akong saktan. Si Zayn, sinasaktan niya ko dahil hindi niya kayang suklian ang nararamdaman ko para sa kanya. Si Cedric, mahal na mahal ako pero kapag kasama ko siya puro problema ang resulta. Tapos, sasabay pa itong problema ko. Nakakahiya na sa buong estudyante. Parang ang liit-liit ko. Parang bumalik na naman ako sa dating walang kwenta, pinagtatawanan, at iniinsulto."
"Huwag mo masyado maliitin ang sarili. Lahat ng tao may kanya-kanyang kahinaan. Siguro, may mga tao lang na sa mali muna dadaan bago dumating sa taong karapat-dapat. Malay natin, pagkatapos nito magiging maayos na. Magtiwala ka sa sarili mo na malulutas kaagad ito."
"PAHAMAK TALAGA ANG CEDRIC NA 'YAN! NAKAKA-INIS NA SIYA! AYOKO TALAGA SA KANYA!" gigil kong sigaw.
"Kailan ka ba hindi na inis sa'kin?" Si Cedric!
"Ganyan ba ko kasama para halos isumpa mo ko sa harap ni Joseph?" nakapamulsa siya habang palapit sa'min.
"Ano naman sayo?" mataray kong sabi.
"Joseph, pakisabi sa tao diyan umalis na siya. Baka kapag hindi ako nakapagpigil,kung ano pa magawa ko."
Rinig kong umismid si Cedric. "Axel," Tawag niya. Lumapit si Axel dito. "Nasaan ang may sala." bulong niya.
"Nandito na." mabilis na sagot niya.
May hawak sina Frankie, Peps, at Erdem na isang lalake. Puno ito ng dugo sa mukha at katawan.
"Nahuli namin kung sino nag-upload sa f*******: ng video natin. At siya nga 'yon. Ngayon, magagawa mo pa ba mainis sa'kin?"
Pumantig ang tenga ko sa sinabi niya. Mabilis akong tumayo ganoon din si Joseph.
"Tingin mo ganoon lang kadali ang lahat? Oo, nahanap nyo ang may kasalanan ng lahat na ito. Eh kung hindi mo ba naman ginawa sa'kin ang bagay na 'yon ede sana wala siyang pinost sa f*******: at lalong wala silang pinagpye-piyestahan na scandal. Minsan naman gamitin mo yang utak mo! Kahihiyan ko ang nakasalalay dito oh, walang dignidad ang nawala sayo pero sa'kin malaki."
Wala akong pakialam kung magalit sa'kin ang buong Lucifer kingdom. Hindi na bale saktan pa niya ako. Wala na rin akong dignity sa ginawa niya.
"Ano dapat kong gawin para makabawi?" kalmado pa rin niyang tanong.
"Makabawi? Mawala ka lang sa buhay ko, sa landas ko at sa buong mundong ito makakabawi kana. Pero ngayon, wala. Wala ang sagot ko. Dahil kahit na kailan hinding-hindi na ko tatantanan ng problema!"
Kagat niya ang upper lips nito. Kasabay nun ang pagsuntok sa lalakeng nag-upload ng video. Walang humpay,wala ni isa gusto umawat sa pananakit nito. Sa totoo lang, kahit patayin pa niya ang lalake hindi na mawawala sa isipan ng mga tao ang kahihiyan kong inabot.
Sukdulan ang galit ko sa kanya. Sa mundo, at sa mga taong minamata ako. Galit at lungkot na pinaghalo kaya nagagawa kong ngumiti habang pinapanuod siya. Naging manhid na ang puso ko. Parang gusto ko pa patayin na lang ang lalake kaysa pahirapan ng ganyan.
"Pigilan mo siya." Pakiusap sa'kin ni Joseph.
"Huwag na. Ang ganda ng eksena eh." naka-smirk kong tugon.
"Reign, tingin mo nakaganti kana kung mamamatay 'yong lalake?"
"Kulang pa."
"Ano, gusto mo siyang mamatay ganoon? Tapos tsaka mo susunugin ang katawan niya? Kung gagawin mo 'yan hindi kana nga naiba kay Cedric." Sa buwisit niya, nagawa nitong umalis.
Hindi ko masisisi si Joseph, pero hindi niya nauunawaan ang kalagayan ko dahil hindi sa kanya nangyari ang bagay na ito.
Nakatanggap ako ng isang text mula kay Thine.
From: VB Thine
Punta ka rito sa likod ng University sa may Jungle Theme. May pag-uusapan daw tayo ng Viper Berus.
Nayari na. Sigurado akong napanuod na nila ang scandal na nagawa namin ni Cedric. Paano ko pa sila haharapin. Paano pa ko makaka-acting na parang wala lang sa'kin ang lahat.
"Bahala na kayo diyan. Patayin nyo kung gusto nyo." buwisit na buwisit kong utos sa kanila.
SA JUNGLE THEME, matinding kalabog sa puso ang namamayani sa'kin ngayon. Haharapin ko sila at wala akong maisip na maaaring ibungad sa kanila.
"Kamusta? Ano ba meeting natin?" relax reign, baka naman wala pa silang alam.
"Nakukuha mo pa ngumiti nasa scandal ka kaya!" nyeta ka Tina. Ganda mo, ganda mo sakalin.
"Scandal?" kalmado ko pa rin tanong.
"Girl, pinagpiyestahan ang scandal nyo ni Cedric sa Auditorium room. Ano ba? Kauna-unahan mong rules na bawal masangkot as mga lalake tapos bakit ikaw pa ang sumuway sa sarili mong rules." Ugh, Leah.
"Oo nga, nakakainis ka." malungkot na sabi ni Thine.
"Hindi mo man lang ba iniisip kung ano sasabihin sayo ni Marnelie. Malamang sa malamang napanuod na niya scandal nyo." Ayan ang ayaw ko marinig Deserie.
"Alam mo ba kung ano sinasabi ng mga nakapanuod sa scandal nyo? Ikaw daw ba ang leader ng Viper Berus nangunguna sa kahalayan. My God! This is the first time nangyari ang ganitong kahihiyan sa gang natin." Galit na sabi ni Tina.
Hindi na ko nakapagsalita dahil ang dami nilang sinabi. Baka kulang pa ang paliwanag ko sa mga hinahanap nila.
"Kung gusto nyo kong parusahan, tatanggapin ko." sabi ko na lang.
"Kailangan ko ng paliwanag mo." mahinang sabi ni Roselle.
"Roselle!" si Tina.
"No need to explaine." dagdag Deserie
"True, ang laking kahihiyan ito." siyang gatong ni Leah.
"Tinanong nyo na ba kung sino may pakana nito? At sino sakanila ang unang gumawa ng move?" sabi naman ni Roselle.
"Kahit sino sa dalawa, dapat siyang parusahan." lakas loob sabi ni Tina.
"Tingin nyo si Reign ang may kasalanan? Kilalang-kilala natin ang ugali ni Cedric. May pagka-possessive ang taong 'yon. Pero si Reign, naisip nyo na ba kung ano ugali niya?"
"Aalis na lang ako para wala nang gulo." huling sabi ko ng lisanin silang lahat.