Chapter 34

3045 Words
Roselle's POV HINATID ko sa kanilang bahay si Reign. Walang gana pa rin ito makipag-usap sa'min. Sino ba gaganahan mag-aral ngayong araw kung makita mo pinagfiestahan ang video nyo ng lalakeng kinaiinisan mo. Sira-ulong Cedric Lee na yun. Kapag talaga nagkita kami humanda siya. "Abnormal talaga si Cedric." sabi ko para mapansin niyang may kasama siyang mala-dyosa. "Buo na desisyon ko." sabi niya na walang gana maupo sa kanilang upuan. "Reign, wag mo na ituloy ang binabalak mo. Malulungkot kami. Isa pa, tutulong kami para maiwasan ng mga tao ang pag-usapan ka. Nandito lang kami ng Viper Berus,hindi ka namin pababayaan." "Pero Roselle, kahit ano eh, hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko. Hindi mo ko mauunawaan o maiintindihan sa kalagayan ko. Kung ikaw ba ang nasa katayuan ko anong gagawin mo? Pag-usapan ka, sisihin ka ng mga kasama mo, ang hirap humarap sa isang problema na tingin mo walang solusyon." I sigh."Kung ako ang nasa sitwasyon mo lalaban ako. Gusto ko patunayan sa kanila na kahit anong dumating na pagsubok mananatili akong matatag. Talaga naman, hindi kita mauunawaan at maiintindihan dahil hindi pa sa'kin nangyayari ang ganyang problema pero ang tanging gusto ko lang ipaalam sayo na nandito lang ako,kami, kami ng mga kasama mo." Ngumiti ito na may lungkot sa mga mata. "Salamat Roselle, pasensiya na pero gusto ko nang magpahinga." "Reign," malungkot kong tawag. "Wag ka mag-alala. Okay lang ako." bakas sa mukha niya ang mapilitan sa mga  sinasabi. Kahit sabihin niyang okay lang ay hindi ako naniniwala sapagkat sino ba ang makukuha pa maging okay kung nandito ka sa sitwasyon na wala kang mahanap na solusyon. "I understand, magkita na lang tayo bukas. Kung kailangan mo ng kausap, tawagan mo lang ako o kahit na sino sa'min. Good night Reign." nagtama ng tingin ang mga mata namin. "Salamat." tumingin ito sa pinto. Senyales na dapat akong umalis na para makapagpahinga na siya. Gabi na rin, alam kong mahirap maglakad mag-isa kapag ganito kalalim ang gabi. Pero okay lang, kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. Isa pa, hindi ako sanay magdala ng kotse sa kung saan dahil mas kampante akong maglakad. Isinara ko ang pinto nila Reign nang bumungad sa'kin ang Lucifer Kingdom nguni't kulang sila ng isa, si Peps. "Anong ginagawa nyo rito?" tanong ko. "Para kausapin siya." si Reign ang tinutukoy ni Cedric. "Huwag ngayon. Nagpapahinga na 'yung tao. Tsaka wag muna kayo magkita mahirap na baka lalo lang magkagulo." "Pero---" "Ang kulit nyo. Umuwi na kayo dahil gabi na." Lalagpasan ko sana ang lahat pero pinigilan lamang ako ni Cedric. "Anong sinabi niya tungkol sa nangyari? Masama ba ang loob niya? Galit siya?" "Ano pa nga ba? Sira-ulo ka kasi! Bakit ka gumawa ng bagay na ikakasira nyo." maingay kong sumbat. "Malay ko ba!" patol sa'kin. "Kung hindi mo ba naman siya hinalikan ede walang nag-video sainyo. Hindi ka nag-iingat, alam mong marami gustong siraan ka para masira ang University tapos hindi ka nag-iingat." "Pst, pwede ba hinaan nyo ang boses nyo?" saway sa'min ni Frankie. "Doon tayo sa Head Quarters namin." salubong ang kilay ni Cedric matapos kaming ayain umalis sa lugar nila Reign. Mas mainam na yung malayo kami para hindi niya marinig ang usapan namin. NAKAUPO si Cedric sa mahabang sofa. Habang ang ilan ay naglalaro ng billiard. "Tama ba 'yang pinaplano nyo?" nag-aalangan kong tanong sa kanya. "Iyon na lang paraan." "Pero hindi ako makapaniwala na ang Assassin ang may gawa nito. Paano nyo nalaman ang tungkol sa bagay na 'yan?" "Torture ang inabot ng lalaking nagkalat ng video sa Facebook." sabat ni Axel. "Ayon, ede umamin ang loko. Akala yata niya mas matigas siya sa'min." "Nasaan ang Lalaki?" "Wag kang mag-alala. Nasa konting pagsusuri siya ngayon, may ilan pa kami gusto malaman tungkol sa mga Assassin." siyang sabat ni Erdem. "Tulad ng ano?" "Tulad nito." lumapit sa'min si Calvin dala ang isang litrato. Ibinigay niya sa'kin ito. "Si Marco 'to, oh bakit, anong kinalaman nya a mga Assassin?" "Konektado ang dalawang grupo na 'yan. Nakipagtulungan ang Grupo ni Marco sa kanila." Joseph commented. "Kung ganoon, si Marco rin ang dahilan ng lahat?" Bago sumagot ang isa sa kanila ay may pumasok na isang tao. Hindi sya pamilyar sa'kin. May binulong sa kanya ang babae pagkatapos ay may inabot na papel. "Alam na namin kung saan nagtatago ang mga Assassin." sabi ni Cedric habang binabasa ang papel na hawak. "Lucifer Kingdom, ihanda nyo ang sarili para sa matitinding laban. Wala tayo dapat itira kahit na isa. After nito, tsaka tayo kikilos sa University. Alam kong may Assassin din na nakapasok sa University." "Wait, susugod kayo?" iritable kong tanong. "Para matapos na 'to." sarcastic na sabi ni Axel. "Susugod kayo na hindi inaalam ang background ng kalaban. Malay nyo kung marami sila?" "Anong ginagawa ng Harder Blade? Maayos kausap ang leader nila, kaya inaasahan kong sa ganitong sitwasyon kasama namin sila." "Pero mag-iingat pa rin kayo. Ang ilan sa miyembro nila ay galing sa Grupo ni Marco. Hindi tayo nakakasiguro sa maaaring mangyari." Tumingin si Cedric sa babae, kuha nito ang ibig ni Cedric kaya lumabas siya sa Kwarto. "Alerto ang Lucifer Kingdom." pagmamalaki niya. "Sana nga." "Wala kana bang tiwala sa Lucifer?" "Sobrang laki ng tiwala ko sa kakayanan nyong lahat. Sana lang ay huwag kayo magkamali ng pagkakatiwalaan." "Salamat sa malasakit." "Kailangan ba ang Viper Berus?" tanong ko. "Hindi muna sa ngayon. Iniisip ko ang kalagayan ng Leader nyo." nag-aalala rin pala ang lokong 'to. "Gusto mo ba makabawi?" hamon ko. "Aba, mukhang alam ko na 'yang ibig mo." "Iba 'to." "Ano?" "Bakit hindi mo gawin alisin ang rules mo sa mga kasama mo?" silang hinto ng mga kasama niya sa ginagawa. "Maging malaya kayo sa pag-ibig." "Dati na namin ginawa 'yun pero hindi naging maganda ang resulta 'di ba? Ayoko nang maulit pa ang nakaraan na ayoko nang maalala." "Pero nag-story repeat ang tema." tumingin ako kina Zayn at Joseph. "Sa tingin ko hindi. Kung gusto ni Reign si Zayn, hindi ako nababahala dahil alam ko kung sino talaga ang nagugustuhan niya." tila nagsulyapan sila ni Zayn. "At si Cristina 'yun hindi ba?" sabay-sabay silang lumingon sa'kin. "Oh, bakit ganyan kayo mag-react? Tama ako 'di ba? Mga gagu talaga kayo. May nalalaman pa kayong rules-rules pero ginagawa pa rin ang bawal. At ikaw pa na leader, kinunsinti pa ang kalagayan ng dalawa." "Pero matagal na kaming may relasyon bago pa nangyari ang rules ni Cedric at Reign. Siguro naman, exempted na kami roon ni Tina."  Hindi napigilang sabi ni Zayn. "What about Joseph? Paano ang nararamdaman niya para kay Reign?" tahasan kong tanong. Sina Cedric at Joseph naman ang nagsulyapan. Lumapit si Cedric dito. "May usapan na kami ni Joseph. Malaki ang tiwala ko sa kanya tulad sa samahan namin." "Nang ganoon kadali Joseph?" diretsahan kong tanong dito. "He will follow. Siya pa rin ang mas nakakaalam ng tama sa mali." kita ko ang lungkot sa mga mata nito. "See? Tunay na kaibigan talaga si Joseph. Walang masasaktan dito ha? Pero tingin ko si Joseph ang madaling makaunawa sa Pwede at hindi pwede. Iniintindi niya ang kagustuhan ko kaysa sa kagustuhan niya." akbay niya si Joseph habang nakatingin sa mga kasama. Kung titignan mo, para lamang bata si Joseph. Wala siyang magawa, hindi niya kayang ipaglaban ang tunay niyang nararamdaman dahil hindi pa maaari dahil bawal pa. Sa kabilang banda, humahanga pa rin ako sa pagiging matatag niya. Ilan beses niyang inamin sa'kin ang totoong nararamdaman niya para Kay Reign, pero ni minsan hindi ko siya nakitang nagalit o nag-traydor sa kaibigan. Lumabas na ang lahat maliban sa'min ni Joseph. "Okay ka lang ba Joseph?" "So far, so good." "Saan ka ba kumukuha ng lakas para itago 'yang nararamdaman mo?" "Hindi ko alam. Mas mainam na 'yong masira ang buhay pag-ibig ko kaysa masira ang pagkakaibigan namin." "Ako ang nahihirapan sa sitwasyon mo." "Bakit? Kahit hindi niya ko gusto o kahit hindi kami ang para sa isa't-isa, gagawin ko na lang ang lahat para sumaya siya sa piling ko. Pwede akong maging masaya kahit walang status sa'min dalawa. " Pinapahanga mo ko. Naranasan ko na ang magmahal pero sa huli ako rin ang luhaan. Sumama kasi siya sa iba, mas pinili kasi niya ang ibang babae na alam niyang mahal na mahal niya. 'Di ba ang sarap sa pakiramdam na napalaya natin ang mga sarili natin sa piling nila?" "Salamat." "Sige na. Good luck sa laban nyo. Galingan mo." "Thank you again Roselle. Gusto mo ba ihatid muna kita sa bahay nyo?" "No thanks, may dadaanan pa ko." "Sabay na lang tayo lumabas." Ganoon na nga ang nangyari. Naghihintay ang Lucifer Kingdom sa'min sa labas ng Head Quarters. May mga kanya-kanya silang hawak na panlaban para mamaya. Si Frankie, dala niya ang isang Carbon Fiber Dagger knife.  Habang si Axel ay dala ang isang SOCP Dagger na madalas niyang dala kung saan magpunta.  Samantalang si Calvin, hawak ang isang whip o latigo na doon siya mas mahusay sa pakikipaglaban.  Si Erdem naman, dala ang pinaka maganda nitong Katana na mula pa sa kanyang angkan.  Ang pistol na hawak ni Zayn ang madalas kong makita sa kanya tuwing may laban. Kung tutuusin dapat iba na lang pero lagi niyang sinasabing para mabilis ang laban. Isang putok lang, patay ang kalaban.  Kay Joseph ay isang kunai. Hangang-hanga ako sa kanyang sa tuwing hawak niya ito sa pakikipaglaban. Parang ibang tao siya rito.  At ang huli, kay Cedric lee. Ang isang eagle bowie knuckle trench knife. Asintado siya kung ito ang gamit niya. Panigurado baon na baon ang knife sa kanyang kalaban.  "Handa na kayo?!" Sigaw ni Cedric sa lahat. Ang tanging sagot ng lahat ay ang seryosng mukha habang naglalakad palayo sa'kin. Ang astig ng kanilang entrance sa laban, parang may matinding bagyo napaparating dahil sa kailangang kabangisan. Alam kong magagaling na sila sa pakikipaglaban pero aasahan kong pabalik nila may kanya-kanya silang sugat na manggagaling sa kalaban. NASA tapat ako ng isang mini grocery. Heto na yata 'yong trabaho ni Reign. Pumasok ako upang makompirma, at tama nga ako. Heto nga 'yon. Namukhaan ko kasi ang kaibigan ni Reign na si Shien. Hindi ko pa siya nakikilala personally pero nakita ko ang picture niya sa wallet ni Reign. Siya iyong isa pangkaibigan niya na sa ibang University nag-aaral. Palapit na ko sa counter ng makita ko sa kabilang gilid si Peps na masayang umiinom ng Slurpee. Aba, nakuha pa niyang magpakasaya habang ang mga kasama niya nanganganib ang buhay. "Hoy! Peps!" sigaw ko rito. Muntik niyang maitapon ang iniinom na Slurpee. Tumayo ito para lapitan ako. "A-anong ginagawa mo rito?" "Ikaw, Anong ginagawa mo rito?" balik ko sa tanong niya. "Umiinom ng Slurpee." kalmado niyang tugon. "Nang ganitong oras? Alam mo ba na nasa panganib ang mga kasama mo samantalang ikaw nagpapakasaya?" sarcastic kong sabi. Kunot-noo niya kong tinitigan. Marahil ay wala siyang alam sa nangyayari. "Susugurin nila ang Assassin group para gumanti sa ginawa nila. Hindi mo pa ba alam na sila ang may kasalanan kung bakit may video kumakalat tungkol kina Reign?!" "Alam ko, pero ngayon ko lang nalaman na ang Assassin pala ang may kasalanan ng lahat." "Anong video?" komento ni Shien, palapit sa'min. "Peps? Sino siya?" "Ah, Viper Berus din." mabilis nitong tugon. "Ah hello!" sabay lahad ng kamay sa'kin. Hindi ko siya pinansin sa pakikipag-kamay. "Peps, umalis kana. Kailangan nila ng tulong. Wala  akong tiwala sa mga Harder Blade na 'yun." sabi ko rito. "Aalis ka?" sumingit ulit si Shien. "Kung meron,okay lang kahit hintayin mo ko ng sandali? Isasara ko lang ito. Hindi na kasi makakapasok si Reign eh." "Ah sige-sige." walang kaabog-abog na tumulong si Peps dito. Lumabas na muna ako para manigarilyo. After ng ilang minuto, ibinababa na nila ang roll up door ng mini grocery. Sinalubong ko si Peps na may pag-aalala. "Peps, bilisan mo naman ang kilos. Hindi ka ba nag-aalala?" Inis kong tanong. "Alam mo, kayang-kaya na nila 'yon. At isa pa, alam ni Cedric na nandito ako. Alam ko na rin na nasa riot sila pero hindi pumayag na sumunod ako." "Ano? Bakit?!" Nagkatinginan sila ni Shien. "Dahil ayaw madamay ni Cedric si Shien sa gulo. Alam niyang may---may relasyon kami." "Naloko na! Anong nangyari, paano niya naaatim na---" "Matagal na niyang alam 'to. Simula ng malaman namin na si Zayn ang gusto ni Reign kaagad niyang inalis ang rules. Natakot siya na baka maagaw ni Zayn o Ni Joseph si Reign. Magiging malakas ang kapit niya kung magiging malaya niyang mahalin ang babaeng gusto niya." Paliwanag ni Peps. "Sira-ulong Cedric 'yon. Pa-emote-emote ako kanina na sana alisin na lang ang rules nila tapos--- ugh! humanda siya sa'kin. Tara, iwan mo muna si Shien sa bahay nila Reign, kailangan natin puntahan sina Cedric." Mabilis kaming kumilos pero may humarang sa'min na mga Lalaki. Tingin ko nasa anim ito. "At saan ang punta mo Miss maganda?" Someone asked. "Sino kayo?" tanong ni Peps na pilit itinatago si Shien sa kanyang likuran. "Uy! Mukhang may bagong itsura rito ah?" pansin nito kay Shien. "Oo nga. Palagay ko girlfriend siya ni Peps." sabi ng isa. "Ayos, mukhang may panlaban na tayo rito." "Magsitigil nga kayo! Ano ba kailangan nyo ha?!" Matapang na sigaw ni Peps. "Pupuntahan nyo kamo sina Cedric, ede kami na lang nagpunta para hindi kayo mapagod." Ang mga Assassin 'to. Siguro napansin nila na kulang ang Lucifer Kingdom kaya hinanap nila. Kung kaya't nakita kami rito. Dito pa sa lugar kung saan kasama namin si Shien. Hindi dapat madamay dito ang babaeng 'yon. Iniisip ko, mag-aalala ng husto si Reign kapag nalaman niya ang sitwasyon namin. Inilabas ko ang Nunchaku  "Peps, tumakas na kayo." sabi ko sa kanila. "Hindi pwede, marami sila." "Ilayo mo ang girlfriend mo kung ayaw mong madamay siya sa gulo!" gigil ko siyang tinignan. "Pero--- hindi nga pwede. Mananagot ako kay Cedric kung iiwan kita mag-isa rito." "Magtiwala ka sa'kin Peps. Isipin mo ang mangyayari kung ipipilit mo 'yang gusto mo!" Sinugod na ko ng isa. Ginamit ko muna ang aking kamay sa pagsuntok sa mukha. Nakita ko kung paano mabuwal kaagad ito sa harap ko. "Ano na?! Umalis na kayo!" may sumugod na isa pa. He trying to punch me pero naka-ilag ako. Doon ko lang din ginamit ang nunchaku. Abala ako sa pakikipaglaban,hindi ko na rin napansin ang pag-alis nila Peps at Shien. Easy lang 'to para sa'kin dahil bilang lang sa daliri ang kalaban nguni't habang patagal ng patagal dumarami sila. Hindi lang nasa sampu, kundi umabot ito ng forty persons. Ang astig! Isa laban sa lahat. Makaka-survive kaya ako nito? Sana may dumating o 'di kaya--- "Ughhhh!!!" napasigaw ako sa hapdi. May tumamang knife sa kaliwang braso ko. Hindi ko namalayan ang pagsulpot ng isa pa sa likuran ko, dahilan para magawa niya ang kanyang balak na pagsipa sa akin. Sumubsob ako sa sahig, ramdam ko ang mg buhangin na tila bumaon sa siko at mukha ko. Tatayo sana ako pero may sumipa sa aking tagiliran. May humatak sa buhok ko, isang Lalaki na nakangisi sa'kin. Tila sinasabi niya sa'kin na katapusan ko na. Anong laban ng isang babae sa mga lalake. Okay sige, pagbibigyan ko kayo. Pero ngayon lang ,at mamaya pupulbusin ko kayo! Sinapak, tinakyakan, sinikmuraan, at kinaladkad ako palapit sa isang poste ng ilaw. Isinandal doon, nakita kong may nilabas na isang knife ang Lalaki. Sakto ,sinipa ko ang kamay nito dahilan para tumilapon ang kutsilyong hawak. Nakuha ko tumayo habang ang ilan ay papalapit sa'kin. "Mahihina kayo." Nag-smirk ako."Kung talagang Gangster kayo dapat kanina nyo pa ko pinatay. Ang dami nyo tapos iisa lang ako. Sino kaya sa atin lahat ang duwag?!" "Anong sabi mo!" Nag-smirk ako, "Duwag na nga, bingi pa! Sige try nyo sumugod ng isa-isa." hamon ko. Sinunod ng mga loko ang sinabi ko. Isa-isa nga silang sumugod upang kalabanin ang nag-iisang Dyosa sa balat ng lupa. This is my chance para magamit ko ng matagal ang nunchaku. Ang malas nila dahil itong kinakalaban nila ay bihasa sa paggamit ng nunchaku. Accelerated yata ako sa martial arts. Kalahati na ang tumba. May ilan pa gustong sumugod. Inilabas ko ang isang Dagger. Mistulang parang mga palitaw ang kalaban ko, lulubog at lilitaw. Natakot yata dahil ilan lamang sa kanila ang may armas na ginagamit. Nagkalat ang mga hinayupak na gangster. Walang kaba akong naramdaman sapagkat natanaw ng mga mata ko ang pararating na Viper Berus. While usok effect sa pagpasok nila sa eksena,slowmo silang naglalakad habang unti-onti nilang tinatapos ang aking sinimulan. Pumasok sa aking utak ng kantang Helena ng My Chemical Romance. Wala pa rin kupas ang pakikipaglaban ng Viper Berus sa mga kapwa gangster. Tama ang pasya namin ni Marnelie na sila ang piliin. Malakas, mabilis at walang inuurungan. Ilan taon na rin simula ng mabuo ang grupo namin. Kung dati hindi sila magkasundo dahil magkakaiba ng gusto ang bawat isa,pero ngayon? Tignan nyo, nagkakasundo na sila sa bawat gagawin at laban ng Viper. Tunay ngang wala makakatibag sa aming samahan. Lumapit sa'kin si Thine. "Roselle, malapit na namin maubos ang kalaban." "Nakikita kong mas humuhusay kayo sa pakikipaglaban." "Yan ay dahil sainyo ni Marnelie." seryoso niyang pagmamalaki."Si Reign," "Nasa bahay." tinatali ko ang braso na may tama ng knife. "Hindi. Si Reign, nandito si Reign!" sa 'di kalayuan doon siya nakatanaw. "Ano?!" tila natakot o na excite ako nang makita ko siyang paparating habang kasunuran niya sina Peps at Shien. Walang kabakas-bakas na takot sa kanyang mukha. Parang hindi ko mahanap sa kanya ang dating Reign na nakilala ko. Tanging galit at paghihiganti ang nangingibabaw sa kanyang puso. Sabay-sabay sumugod ang mga Assassin sa kanilang direksyon. Kaagad tumakbo si Shien sa 'di kalayuan. Pinuntahan ko siya para hatakin sa pwesto namin. Kita namin kung paano makipaglaban sina Reign,at Peps sa mga kalaban. Mukhang nakukuha nito ang mga pinag-aralan namin sa mga nagdaan na buwan. Umalingawngaw ang boses ni Tina. May mga tama na sya sa braso,at binti. Ang eksena? Nalusob na siya ng mga anim na kalaban. Walang katakas-takas ang kanyang katawan sa bawat suntok,tadyak. Ikina-alarma namin ang isang bakal na handang hatawin kay Tina. Mabilis ang pangyayari, nakita namin si Reign mahigpit ang hawak sa isang pala na kinuha sa kung saan. Wala pa ilan segundo, napatumba niya ang pinaka malakas at kahuli-hulihang kalaban. Natapos ang gulo. Marami nawalan ng buhay, marami rin ang nasugatan. Pero isa lang ang napagtuunan ko ng pansin. Si Reign, ang  galit na galit niyang mukha habang papalayo sa'min lahat. Susundan sana siya ni Shien pero pinigilan ko. "Hayaan mo muna natin siya.Kitang-kita ko ang  galit sa kanyang mukha. Kung hindi mo pa nalalaman, malaki ang prinoproblema niya, sobrang laki." "Shien," siyang lapit ni Peps. Maging ang buong Viper ay lumapit na rin sa'min. "Puntahan natin sina Cedric, mas marami ang mga Assassin na kinakalaban nila." "Akala ko ba kasama nila ang Harder Blade?" sarcastic kong tanong. "Walang dumating na Harder Blade sa laban." tumindig ang aking balahibo. Kung hindi ako nagkakamali. Ang pito lamang ang nakipaglaban sa mga Assassin. Kung hindi rin ako nagkakamali, mas marami ang kalaban nila kaysa sa'min. Kapante na ko, pero sinasabi ng sistema ko na baka may napahamak na sa kanila. Knock on wood, huwag naman sana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD