Roselle's POV ( Part 2 )
MISTULAN parang pagamutan ang bahay nila Cedric. Kanya-kanyang kasambahay ang gumagamot sa amin lahat. At tanging si Cedric lang ang ayaw magpagamot dahil hinihintay niya ang Family Doctor nila. Ganyan ka-arte ang Young Master.
"Kaya pala nabawasan ang kalaban namin kanina dahil hinanap nila si Peps. Kilalang-kilala nila ang buong miyembro." bulalas ni Axel.
"Buwisit na Harder Blade 'yan! Kung nalaman ko lang na hindi sila darating, ede sana nagsama ako ng ibang gangster na tutulong sa'min." Banas na banas na wika ni Cedric.
"Sabi ko naman 'di ba? Hindi mapagkakatiwalaan ang Harder Blade." ulit ko rito.
"Sa 'di kalayuan nakita ko si Marco." pag-amin ni Joseph.
"Si Marco?" Cedric.
"Oo, pero hindi pa ko sigurado dahil baka namamalikmata lang ako."
"Hindi kaya.....may kinalaman din sina Marco rito? Paano na ang plano nyo?" sabat ni Tina.
"Priority ko muna ang kalagayan ni Reign. Tatapusin natin 'to bukas sa University. Alam kong may mga Assassin pa na aabangan ang Lucifer at Viper. Mag-iingat kayo." paalala ni Cedric sa lahat.
Tumabi sa'kin si Shien. "Hindi ba natin sasabihin kay Cedric ang totoo?" bulong nito.
"Hindi pwede. Kapag nalaman niyang sumama sa away si Reign panigurado guguluhin niya ito ngayon sa bahay."
"Kaya lang, wala tayong ideya kung nasaan siya."
"Nasa bahay na 'yun....palagay ko."
"Puntahan natin."
"Hindi rin pwede. Magtataka si Cedric kung bakit natin siya babalikan sa bahay. Ang alam nila nagpapahinga na 'yun."
Napalalim yata ang usapan namin at hindi napansin na nakatingin ang lahat sa'min dalawa.
"Pwede ko ba malaman kung sino pinag-uusapan ninyo?" kahit kailan talaga itong si Cedric. Lahat dapat gustong alamin.
"Sinabi ko lang na ihahatid namin siya." diretso at walang sablay kong tugon.
Tumingin siya kay Shien, tila hindi makontento sa sinagot ko.
"Gusto niyang ihatid ako sa bahay pero tumanggi na ko," pwew. Akala ko hindi siya sasakay sa palusot ko.
"Ganoon ba?" palipat-lipat ang tingin niya sa dalawang mag-syota."Si Reign, hindi ba niya alam na napa-away kayo?"
"Hindi na namin pinaalam!" umalingawngaw ang boses ni Thine. "Ay, sorry. Actually, sasabihin dapat namin pero hindi niya sinasagot ang tawag kaya...kaya na pag-desisyunan namin na huwag na lang."
Lahat kami hinihintay ang isasagot ni Cedric. Malilintikan kami kung mabuko niyang pinagkakaisahan siya ng mga tao rito.
"Cedric, ang Mama mo." kabadong wika ni Frankie. Hindi ko siya maaaring pagtawanan dahil sa totoo lang, nakakatakot ang Mama ni Cedric. Antipatika, matapobre, at pintasera ang pag-uugali nito. Huwag na kayo magtanong kung kanino nagmana si Cedric.
Magara ang pormahan ng Mama niya. Halata sa kanyang balat na alaga sa gatas na pampaligo. Kahit sa mga alahas nitong suot mula ulo hanggang paa ay hindi mo kakakitaan na mumurahin lamang. Tanyag ang Mama niya, kaya madalas hindi rin sila magkasundo kahit magka-ugali pa sila.
"Nag-report sa'kin ang Family Doctor na pupunta siya rito. Cedric, ano na naman bang gulo 'yang pinasok mo?" kalmado nguni't mababatid dito ang inis sa anak.
"Ma, hindi kana nasanay."
"Talagang hindi. Sino ba matutuwa na linggo-linggo nandito si Mr. Haciento para gamutin ka. Tignan mo 'tong bahay, nagmukha ng Hospital dahil sa mga barkada mo!"
"Ma, huwag mo naman ako pahiyain sa mga kasama ko." nagsisimula na ang alitan ng dalawa.
Tahimik kaming tinignan ng Mama niya bago huminto ang kanyang paningin sa katabi ko.
"May bago kayong kaibigan? Hulaan ko, bagong girlfriend mo na naman 'to noh? At pagkatapos, susulutin ng isang kaibigan mo."
"Ma, ano ba! Binabastos mo ang mga kaibigan ko! Can you please shut up? Hindi ka nakakatulong." Hinampas ni Cedric ang pader.
"Cedric, relax. Mama mo pa rin 'yan." paalala ni Zayn. Pigil hininga itong si Young Master.
"Sorry, Tita. Girlfriend ko po si Shien, hindi po ni Young master." Peps's correction.
Dahan-dahan ang paglapit ni Tita sa'min ni Shien. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa.
"Magaling ka rin pumili ng babae Peps. Shien, right?" nakangiti nitong tanong sa katabi ko.
"O-opo." patay, kinakabahan din siya sa Mama ni Cedric.
"Tanong ko lang, Gangster ka rin ba?"
"Hoo? Naku, nagkakamali po kayo. Hindi po ako gangster."
"Hmm, mainam nagkakaintidihan tayo. Ayoko kasi sa mga babaeng gangster." Sabay taas ang kilay ng tumingin sa'kin.
So, ano pinalalabas niya? Ayaw niya sa Viper Berus, ganoon? Pwes, patas lang kami dahil ayoko rin sa kanya.
"I almost forgot. What's your parent's job?"
"Tita, girlfriend ko 'yang tinatanong mo. Problema na namin 'yun kung ano status ng buhay nila." sarcastic na sabat ni Peps.
"Why not? I just care about your parents. Lalo kung galing sila sa mababang uri. Kung ako ang nasa kalagayan nila, magagalit ako sayo."
"Ma, ano ba? Pwede umalis kana!" singhal ni Cedric. Pero wala yata syang naririnig sa mga sinasabi ng kanyang anak.
"Ipapaalala ko lang sainyo L-u-c-i-f-e-r k-i-n-g-d-o-m, mataas ang level natin. Kung hahanap kayo ng girlfriend o mapapangasawa ay dapat ka-level lang din natin. Pero kung katulad lang din ninyo na gangster ang ihaharap nyo sa'min, hindi kami papayag. Kasiraan ito sa pamilya ko, natin, at ninyo. Naiintindihan nyo ba?"
Walang sumasagot sa katarayan at kabagsikan ng Mama ni Cedric.
"NAIINTINDIHAN NYO BA!"
"OPO!" sabay-sabay sagot ng Lucifer Kingdom.
"Good, mabuti nagkakaunawaan tayo. Kayo ang susunod na iluluklok sa pamilya ninyo. Dapat katulad kayo ng mga magulang nyo na mataas ang pinag-aralan, antas ng buhay at pakikitungo sa mga tao." Tumingin siya kay Shien.
"Hangga't maaga pa, putulin nyo na 'yang walang saysay nyong relasyon."
"Pwede ba Ma? Ilugar mo naman ang pagiging bastos mo." seryosong sabi ni Cedric habang nakapasok ang kanyang kamay sa bulsa.
Humarap si Tita rito, "At ikaw, ilugar ang sarili. Anak ka lang, magulang mo pa rin ako. Dapat mo kong respetuhin, at sundin sa lahat ng kagustuhan ko. Palagi mo 'yan tatandaan."
"Really?" Nag-smirk na siya.
"Baka nakakalimutan mo Mama, kung matigas ka, mas matigas ako. Hindi mo kontrolado ang buhay ko."
"Anak kita! Karapatan mo 'yata na sumunod sa'kin!" nagkakatinginan kami ng mga Viper dahil masyado na silang maingay,at mainit. Hindi na kami dapat nakakarinig ng away nila.
"Kung sa bagay, hindi ko makontrol 'yang desisyon mo. Nagawa mo nga magpalit ng kurso ng hindi ko nalalaman. Nagpadalos-dalos ka na naman sa desisyon mo. Palagi mo sinasabi sa'kin na hindi kana bata pero kung kumilos,at mag-isip ka parang nasa dose anyos kapa lang. Engineering ang pinakuha namin sayo para kahit paano may goal ka sa buhay at para makasunod ka rin sa yapak ng Papa mo." mahabang litanya ni Tita.
"Nasaan ngayon ang pinagmamalaki mo? Sumama sa ibang babae dahil hindi natagalan ang ugali mo."
"Cedric, tama na. Pag-usapan nyo 'yan ng walang nakakarinig na ibang tao." saway ni Zayn.
"Mabuti pa si Zayn, marunong mahiya sa ibang tao. Hindi mo katulad Cedric kahit pag-usapan kana ng iba parang wala lang sayo." ang tigas din ng ulo ni Tita.
"Ayan, diyan ka naman magaling. Mahilig ka magkompara ng ibang tao." lalayasan sana niya kami pero sumigaw ang Mama niya.
"Kinakausap pa kita Cedric!"
Huminto ito, at walang emosyon na nagsalita.
"Walang patutunguhan ang usapan na 'to. Pwede kana umuwi sa bahay nyo. Kung gusto mo respetuhin, matuto ka rin rumespeto." tahimik kaming lahat na pinapanuod ang pag- alis ni Cedric.
Si Tita, nagawa niyang mag-walk-out dahil sa pinakitang ugali ng kanyang anak. Wala siyang laban sa anak niyang kaugali rin niya. Wala rin siyang mahanap na pwede ipangtapat sa kanyang anak.
"Hoo, grabe ang away na 'yun. Salitaan lang ha pero parang nagkaroon na ng World war lll." paunang sabi ni Calvin.
"Umuwi na tayo," bulong ni Thania.
"Viper, umuwi na tayo." aya ko sa kanilang lahat.
"Uuwi na kayo?" sabat ni Zayn. Hindi ko siya sinagot kung kaya't si Shien na lang ang nagsalita.
"Pakisabi kay Cedric mauuna na kami." Paalam ko kay Frankie.
"Sige."
KINABUKASAN, pumasok na ko sa University. Pansin kong napaka tahimik ng kapaligiran. Hinagilap ko muna si Thine dahil may kukunin ako sa kanya pero wala siya sa lagi namin tagpuan. May nagmamadali isang estudyante pero hinarang ko.
"Wala ba tayong pasok?" umatras siya ng makita niya ko. "Hindi kita sasaktan. Tinatanong ko kung------"
"H-hindi ko a-alam. Nasa oval ang mga tao dahil may mga estudyanteng pinaparusahan ang Lucifer Kingdom."
Sumagi sa akin isipan ang plano ni Cedric. Paparusahan niya ang lahat ng miyembro nang Assassin na nakapasok sa Unibersidad. Kaagad kong tinungo ang Oval. Halos nandoon ang mga estudyante at guro. Pinapanuod ang matinding galit ng LK.
Gaya ng dati, may ibang tao silang inuutusan para manakit, at pumatay ng mga binibigyan nila ng Stub. Dudungisan lamang nila ang kamay nila kung nasa labas ng University.
May limang kotse na nakaparada sa Oval. Sa likuran nun ay may mga lubid. Nakatali ang kamay ng mga lalake at babae rito, nang bigyan ng hudyat ni Cedric ang mga driver ng kotse ay kaagad nilang pinaandar ito ng mabagal hanggang sa bumilis ng bumilis. Parang mga lata lang itong pinapaingay sa likod ng kotse. Ang ilan ay awang-awa nguni't karamihan ay natatakot. Sino ba hindi matatakot sa ginagawa ng Lucifer, hindi makatarungan pero ginagawa nila 'yun dahil may kasalanan ang Assassin. Kung hindi ba naman nila ginalit si Cedric, ede sana nananahimik ang buhay nila rito sa University.
"Roselle, kararating mo lang?" ang Viper Berus.
"Nasaan si Reign?" pansin kong wala siya. Kibit-balikat nila akong sinagot.
"Hindi nyo alam kung nasaan siya?"
"Hindi ko pa siya nakikita." sagot ni Thine.
"Maaga pumapasok 'yun eh. Baka nandiyan sa mga nanunuod." turo ni Desirie.
"Kanina pa ko nag-iikot dito pero hindi ko siya napansin." sabat ni Leah.
"Tinawagan nyo na ba?" tanong ko.
"Hindi sinasagot."
"Leader pero hinahanap ng mga miyembro. Ano ba naman klaseng pinuno 'yan?" iritable sabi ni Tina.
"Manahimik kana lang," mataray na sabi ni Thine.
"Lagi ka na lang kontrapelo Tina." siyang gatong ni Thania.
"Tumigil na kayo. Ang mabuti pa Thine, tawagan mo ulit si Reign."
"Copy." lumayo sa'min upang tawagan sa cellphone ang leader namin.
"Kung sino man nakakakilala sa mga Assassin sabihin nyo lang dahil may nakahanda kaming parusa." Pinunong asta ni Cedric sa mga tao.
"Yes, Young master." takot na tugon ng karamihan. Natanaw niya ko sa 'di kalayuan at lumipat sa'min.
"Good morning." hindi ko naiwasan hindi titigan ang mukha niya. Fresh na fresh kasi,
"Good Morning," nakangiti tugon ni Leah.
Bahagya lamang ngumiti si Cedric pero kaagad nawala. "Hindi ko pa siya nakikita."
"Baka nandiyan na 'yun." sabi ko.
Humahangos si Thine palapit sa pwesto namin. "Hindi makakapasok si Reign."
"Why?" sabat ni Cedric.
"I don't know."
"What kind of answer is that? why do not you ask why not come in?"
"Alam mo naman kung bakit 'di ba? Saka, Wala siyang mukha ihaharap sa mga tao. Hayaan muna natin siya."
"Thine, naririnig mo ba yang sinasabi mo? Ang isang gangster hindi dapat nagpapa-apekto sa bagay na ipupukol sayo. Leader pa man din sya,dapat alam niyang siya ang katakutan ng mga tao."
"Masisisi mo ba yung tao kung hindi niya nakasanayan ang pag-usapan siya ng ibang tao."
Tumingin sa'kin si Cedric.
Dapat nga isisi kay Cedric ang nangyari dahil hindi siya nag-iingat. Dinamay pa niya ang kaibigan namin.
"Axel,"
"Yes, Young Master."
"Samahan mo ko sa bahay nila Reign." seryoso pa rin ito nakatingin sa akin.
"Sige." tatalikod na sana pero muling nagsalita si Axel. "Roselle, kasama nyo ba kagabi si Reign?"
Nakatingin kami ng Viper.
"H-hindi. Nasa bahay lang siya nung oras na yun." pagsisinungaling ko.
"Kung nasa bahay siya, sino yung tinutukoy ng isang miyembro ng Assassin na nakalaban nila?" isa pa itong Axel na 'to. Ang daming tanong.
"Baka si Shien," Bulaslas ni Thania, dahilan para pandilatan ko siya ng mata.
"Si Shien? Marunong siya makipaglaban?"
Nakatuon lamang ang tingin ni Cedric sa'kin habang abala si Axel sa kakatanong.
"Hindi naman, nagkataon lang na may nasaktan din siyang ibang miyembro. Tinulungan lang siya ni Peps." dugtong ni Desirie.
Nagsalubong ang kilay ni Cedric dahilan para kabahan ako. Pagkaraan ay tahimik nila kaming iniwan. Nagpaalam ako sa iba kong kasama upang pumasok sa klase. Dinaanan ko muna ang ilang gamit sa locker. Bago pa ko makalayo sa building na kinatatayuan ng locker ay may humarang sa dadaanan ko.
" Cedric." ang weird niya.
"Pati ba naman ikaw magsisinungaling sa'kin?"
"Ako? Bakit, ano ba ginawa ko?"
He smirk."Hindi mo sinabi sa'kin ang totoong nangyari kagabi. Why did you hide it?"
"Dahil ayokong maguluhan ka."
"Walang dahilan para maguluhan. Ang hindi ko lang maunawaan kung bakit kailangan itago mo siya sa'kin."
"Sinasabi mo ba na itinatago ko siya?" inis kong tanong.
"Ganoon na nga, wala si Reign sa bahay nila sabi sa'kin ng Private investigator ko. Nasaan siya?"
"Palitan mo na ang private investigator mo. Paghanap lang sa nawawala hindi pa niya makita." taas kilay kong utos.
Seryoso nitong dinukot ang cellphone sa bulsa. May dinayal siya mula rito.
"Tapos na ang paninilbihan mo sa Pamilya Kasilag. There is no question and no explanation yet." galit itong pinatayan ng cellphone ang kausap sabay tingin sa'kin.
"Hindi ko sasayangin ang pera sa walang kwentang tao." paliwanag niya sa'kin.
"Very well said."
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."
"Wala akong alam diyan."
"Roselle, please."
"I swear, hindi ko alam kung nasaan siya." malungkot kong sabi.
"Fvck!"
"Hayaan muna kaya natin siya? Siguro, malungkot 'yun dahil sa video nyong dalawa."
"Gusto ko siya makita, gusto ko siyang maka-usap ng masinsinan. Miss ko na siya, miss na miss."
"Ayos ka rin noh? Walang kayo pero kung maka-emote ka diyan parang may something sainyong dalawa. Iba ka rin,tssk."
"Tulungan mo ko, hanapin natin siya. Ayokong isa kina Zayn, at Joseph ang makahanap sa kanya."
I sigh."Isang tao lang ang nakakaalam kung nasaan siya."
"Sino?"
"Si Shien." mabilis kong tugon. Tila nabuhay ito ng marinig ang pangalan ng kaibigan ni Reign. Siya lamang ang pag-asa para mahanap ang taong ayaw pahanap.
"Sorry, Cedric pero hindi ko rin alam." bungad sa'min ni Shien.
"Bakit hindi mo alam, magkasama kayo sa trabaho at matalik na magkaibigan 'di ba?" alam kong inis na rin si Cedric.
"Pumapasok siya, oo pero ang alam ko umuuwi siya sa bahay nila. Paano nyo ba na sabi umalis siya?"
"Biglang hindi nagpakita." Walang gana sagot nito.
"Ilang araw na?"
"Isang linggo na ang nakakalipas. Please, makipag-tulungan ka sa'min. Ngayon, nabawasan ang pangamba namin na walang nangyari masama sa kanya." satsat ko.
"Pero paano?" nangangamba tanong nito sa'min.
Matapos ang ikalawang araw ng pag-uusap namin simulan ang plano. Nandito kami ngayon sa isang park malapit sa trabaho nila. Para makasiguro na rin ay nagtatago kami ni Cedric dito sa isang mini store malapit kung saan naka pwesto ng upo si Shien.
Ilang sandali pa lang dumating na ang taong hinintay namin. Bahagya siyang pumayat at hindi mo kakikitaan ng masayang mukha. Marahil ay stress pa rin siya hanggang ngayon.
Nag-usap muna ang dalawa ng ilang minuto bago kami lumapit sa dalawa na abalang nag-uusap. Kunot noo niya kaming tinignan sunod sa kaibigan niya. Tumayo ito, at tumingin sa kaibigan.
"Akala ko ba ikaw lang ang kakausap sa'kin?" galit niyang tanong kay Shien.
"Sorry, Reign....." sabi ni Shien.
"Ako ang nakiusap sa kanya para magkita tayo at makapag-usap." dugtong ni Cedric.
"Nag-aksaya kapa ng oras. Papasok na ko bukas," walang gana nitong sabi.
"Mahigit isang linggo ka hindi pumasok."
"Alam ko, ano ba problema?"
"Sa grades mo,"
"Kung inaalaala mo ang grades ko, huwag ka mag-alala. Kayang-kaya ko humabol sa mga pinag-aralan nyo."
"May iba pa. Gusto ko sana makausap ka ng tayo lang. Marami akong gusto sabihin sayo."
"Pwes, isa-isahin mo na."
"Yung tayo lang," tumingin sa'kin si Cedric, senyas na hayaan ko muna sila mag-usap ng maayos bago ako umeksena sa kanilang dalawa.
Wala rin akong choice kundi iwan silang nag-uusap. Kung tutuusin ay bagay sila, iyon nga lang, mas gusto ko pa rin ang totoong ugali ni Cedric Lee Kasilag. Ang totoong ugali at pananaw ng Isang Gangster na kailanman ay hindi nakita ng ibang tao.
To be continued.