Cedric's POV
I look her eye's. Gusto ko siyang yakapin dahil sa sobra kong pagka-miss sa kanya.
"So, what's happening?" Panimula ko rito dahilan para tignan niya ko .
"Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa magpaliwanag sayo,"
"Dahil hindi ka nagpaalam sa mga kasama mo. Bigla ka hindi pumasok, tapos ang dami ko na miss na lecture."
"Nag-aalala ka ba?"
"Hindi, hindi sa ganoon."
Huminga ng malalim,"Yung mga itinuro sainyo ni Professor Tolits naituro na sa'min ng dati namin Professor." pagtatama nito.
"How about Viper Berus? Hindi mo ba naisip naghihintay sila sayo?"
"Nagpaalam ako, pero syempre---"
"Pero hindi ka dapat basta-basta nawawala ng walang magandang dahilan. Isipin mo, Leader ka ng Viper Berus. Lahat ng pananagutan hawak mo at ikaw lang ang inaasahan nila na makakalutas ng problema nyo."
"Problema? Wala kaming ganoon." depensa niya.
"Wala nga ba? Reign, meron. Tinatakasan mo ba ang pananagutan mo?"
Malungkot niya kong tinignan kasabay ang pagdaloy ng kanyang mga luha. Gusto ko siyang yakapin, alam kong nahihirapan siya dahil sa kahihiyan na nangyari sa'min.
"Ayoko na maging Viper Berus, ayoko na maging leader. Ayoko na maging GANGSTER." nagtama ang mga mata namin. Kitang-kita ko ang hirap at paki-usap niya na binibitawan na nito ang pagiging gangster.
"Gusto ko na bumalik sa dating ako. 'Yung tahimik at hindi na sasangkot sa gulo. Pagod na ko Cedric, kung pwede lang ngayon din maka-usap ko ang buong Viper gagawin ko. Nahihirapan na ko, pagod na ko, susuko na ko, hindi ko na kaya, gusto ko na lumayo at maging tahimik ang mundong ginagalawan ko." sakit, pagod, hinagpis, pagmamakaawa, ganito ang nakikita ko sa kanya. Pagod na siya, pagod na maging gangster. Pagod na masangkot sa gulo.
"Hindi mo ba naisip, sayo ipinagkatiwala ni Marnelie ang buong Viper Berus. Kilala ko ang babaeng 'yun, kahit na kailan hindi siya nagkamali sa bawat desisyon."
"Paano?!" tumayo ito."Ano ba meron sa'kin na wala sa ibang Viper?! 'Di ba dapat isa sa mga pioneer ang piniliin dahil mas kilala niya at bihasa sa labanan. Pero bakit ako? Bakit ako pa? Ako pa na mahina, walang muwang sa pakikipaglaban."
"Bakit nga ba?" nilapitan ko siya."Natitiyak kong may nakita si Marnelie na hindi niya kailanman nakita sa iba. Ang pagiging matapang, at mapagkakatiwalaan."
"Tingin mo hindi matatapang ang bawat isa sa kanila? Kay Cristina Go pa lang, alam mong matapang siya at walang sinisino. Si Roselle, mapagkakatiwalaan, alam ko 'yun dahil siya ang madalas kong maka-usap."
Hinawakan ko ang magkabilang balikat nito,"Basta, malalaman mo rin galing kay Marnelie kung bakit ikaw, bakit ikaw ang pinagkatiwalaan niya."
Lumayo sa'kin. "Buo na desisyon ko, Cedric. Aalis na ko sa pagiging gangster. Ayoko na maging leader ng Viper Berus."
"Ano ba dapat kong gawin para mag-stay ka?" paki-usap ko rito.
"Wala." malugod nyang tugon.
"Please, gusto mo kausapin natin si Marnelie."
"Kaya ko na 'to."
"Hindi ako makapapayag na umalis ka. Takot ako, Reign. Takot ako na kapag nawala kana sa Viper baka pormahan ka ng dalawa. Iyon ang ikinatatakot ko dahil wala akong laban sa dalawa lalong-lalo kay Zayn."
"Cedric," saway niya.
"Bakit kung kailan wala na kaming rules saka mo bibigyan ng tsansa ang dalawa para ligawan ka?"
"Ano?" gulat nitong tanong.
"Hinayaan ko na sila. Binigyan ko sila ng laya para magmahal." may lungkot kong paliwanag.
"Bakit?"
"Simple lang, dahil ayoko dumating sa puntong ako mismo ang gumawa ng rules na ibinigay ko sa kanila."
Dinampi niya ang noo ko."Wala ka naman lagnat, ah. Bakit nag-iba ang ihip ng hangin? Bakit wala na yata 'yung dating mayabang na Cedric Lee Kasilag?"
"Ako pa rin ang hambog na gangster,tssk." inis kong sabi.
Ngumiti siya,"Edi mainam, malaya na ang buong Lucifer Kingdom. "
"Pero hindi ko sinasabi na wala nang rules ay may karapatan pa rin silang ligawan ka. Nakalimutan mo na ba? Sa akin ka lang, pagmamay-ari na kita simula pa noong una."
"Buwisit." bulong nito.
"Yes, buwisit talaga ako. Pero akin ka pa rin, pagmamay-ari pa rin kita kahit na ano mangyari."
"Hindi ka ba kinakabahan sa mga sinasabi mo?" nakasimangot niyang tanong.
"Kinakabahan...dahil sayo lang tumitibok ang puso ko."
"Buwisit talaga. Nakuha pa bumanat kahit hindi nakakakilig."
"Okay lang, mabuti pumayag ka sa relasyon ng dalawa." kunot-noo nitong tingin sa'kin.
"Dalawa? Sinong dalawa?"
"Hindi mo alam?"
"Na ano?"
"Sina Shien at Peps ay may relasyon na." humawak siya sa dibdib at tila nagbago ang kanyang awra.
"Totoo ba 'yan?"
"Oo, ibig sabihin hindi pa sinasabi sayo ni Shien ang bagay na 'yan?"
"Wala. Wala siyang binabanggit dahil alam niya magagalit ako." ako naman itong kumunot ang noo. "Usapan namin na ayoko mapalapit siya sa Lucifer Kingdom dahil delikado. Alam mo 'yan 'di ba?"
"Hindi hahayaan ni Peps na mapahamak ang kaibigan mo."
"Kahit na, hindi natin masasabi dahil hindi oras-oras magkasama silang dalawa."
"Over protective."
"Natural, bestfriend ko siya."
"Paano 'yung isa mo pang bestfriend? Si Nicole, mukhang pinopormahan ni Joseph." biro ko.
Hinatak niya ang kwelyo ng damit ko.
"Sigurado ka ba diyan? Paano nangyari 'yun? 'Di ba ako yung----" Hindi niya natuloy kaya ako ang nagsalita.
"Yung gusto niya. Hindi lahat ng Lalaki stick to one, Reign. Malay natin kung napagod siyang umasa kakahintay sa wala." diretsa kong sabi.
Kusa niyang inalis ang kamay sa kwelyo ko at tumalikod.
"Mas mainam. Sabi ko na nga ba at sila ang magkaka-gustuhan sa isa't-isa." parang na guilty ako dahil sa hindi maipaliwanag ay nasasaktan siya.
"Pero sa totoo lang, huwag kang----"
"Okay lang, Cedric." Humarap sa'kin."Makaka-iwas na ko at hindi na paghihinalaan ng Viper Berus dahil may umaaligid sa'kin ibang Lalaki. "
"Bahala ka." nakangiti kong dugtong.
"Huwag ka mag-alala, papasok ako bukas."
"Mabuti."
"Pero sayo na ko tatabi." nagkatitigan kami."Alam mo na, baka magalit si Nicole. Selosa pa naman ang isang 'yun."
"B-bahala ka." mukhang maganda ang pagsisinungaling ko sa kanya. Akalain mo 'yun tatabi siya sa'kin? Laking tuwa ko talaga.
"Kumain kana ba?" dugtong ko.
"Hindi pa nga,eh." nakahawak sa tiyan niya habang nakangiti.
"Tara sa masarap!" tinatanaw ko sa kalayuan sina Shien at Roselle.
"Saan 'yun?"
"Sa masarap pero---"
"Pero mura?" dugtong nito.
"Meron ba nun?"
"Oo naman, maraming mura pero masarap. Like 'yun! Saka iyon!" tinuro-turo niya ang mga nagtitinda ng mga isaw, fish balls, and squid balls.
"Hindi ko pa alam kung masarap nga ba talaga 'yan." sabi ko.
"Ba't 'di mo subukan?" kinawayan niya sina Shien at Roselle. Kaagad lumapit ang dalawa.
"Tapos na kayo mag-away?" usisa ni Roselle.
"Walang away." depensa ko.
"Wow, himala!" si Shien.
"Oo nga, himala. Mukhang nakikita ko na kung saan kayo papunta." Nakalolokong nagtinginan ang dalawa.
"Maglubay nga kayo." satsat ni Reign. Makatingin kay Shien parang lalamunin ng buhay.
"Sa masarap daw tayo kumain." siyang tigil niya ng magsalita ako.
"Doon, masarap 'don!" masayang-masaya naglakad si Shien palayo sa'min.
"Masarap ba talaga don?" bulong sakin ni Roselle.
"Sabi." tumingin kaming dalawa kay Reign.
"Masarap 'don, try nyo lang." hinila kaming dalawa palapit sa nagtitinda ng mga isaw.
Habang abala ang dalawa sa pag nguya hindi ko mapigilan tumingin kay Roselle na tila diring-diri sa kinakain ng dalawa. Tumingin sa'min si Shien at inabutan nang ulo ng manok. Tumanggi ako,dahilan para tumingin si Reign sa'min.
"Hindi ba kayo gutom?"
"Hindi, nauuhaw lang ako. Wala ba rito milk tea?" Tumawa ang dalawa sa tanong ni Roselle.
"Wala, pero may malapit dito." sabi ni Reign.
Pumasok kami sa isang Milk Tea shop. Ako na lang ang umorder para kahit paano ay mawala ang gutom ko. Ilang araw akong hindi makakain dahil sa pag-aalala na baka hindi magpakita si Reign. Pero ngayon, makukuha ko ng kumain at uminom ng milk tea. Namiss ko 'to sobra.
"Friend, kailan tayo huling uminom ng milk tea?" nakaw na tingin ako kanilang dalawa ng tanungin ni Shien ang kaibigan.
"Hindi ko na matandaan. Ang naaalala ko lang ay yung galing tayo sa patay sa sobrang uhaw natin napagtripan pumasok sa isang milk tea shop. Grabe, hindi tayo makahanap ng mas mura dahil halos lahat nasa two hundred plus ang presyo." hindi ko naiwasan mangiti sa kwento ni Reign habang tawa ng tawa.
"Inis na inis yung babae dahil nagbubulungan tayo kung magkano dala natin pera..." dugtong ni Shien.
"At dahil wala akong dalang pera nun ikaw muna sumagot kahit pinaka tago-tago mo yung pera para sa susunod na enrollment."
"Pagsipsip natin dinahan-dahan para masulit ang binayad." humagalpak ng tawa si Shien.
"Eh, sino nag-uwi ng mga tissue?" tila pinariringgan ni Reign ang kaibigan dahil sa ginawang kalokohan nila.
"Hoy, mas marami ka kaya nakuhang tissue dahil sabi mo may sipon ka nun kaysa nga naman bumili ka ng tissue sa store natin doon kana lang kumuha dahil libre!" binuko nito ang kaibigan na siyang dahilan para humagalpak ng tawa ang dalawang magkaibigan.
Tumingin sa'kin si Roselle. Alam kong nakakaramdam siya ng konting awkwardness dahil kahit na kailan hindi niya naranasan yun sa ibang kaibigan. Kung tutuusin ay masaya kasama ang Viper Berus, pero yung tatawa ng tatawa dahil sa mga alala-alala hindi niya yun naramdaman sa mga kaibigan.
Natulala ako sa mukha ni Reign. Habang sumisipsip ito ng Milk Tea. Masayang-masaya siya dahil kasama nito ang kaibigan.
"Joseph?" natigilan kami pareho ni Reign ng marinig namin si Roselle na tinawag si Joseph mula sa counter.
"Si Nicole ba 'yung kasama niya?" dugtong ni Shien.
Kunot-noo kami ni Reign tumingin sa direksyon nila. Magkasama silang dalawa habang umoorder sa counter.
"Joseph!" papalapit ang dalawa sa pwesto namin.
"What a coin incident." tumingin kay Reign. "Kamusta, Reign?"
"Okay naman," tumingin si Reign kay Nicole."Ikaw, Nicole kamusta ang buhay mo?"
"Happy." sabay yapos sa braso ni Joseph ng maupo sila sa bakanteng upuan.
Napa-irap sa kawalan sa ginawa ng dating kaibigan. Ibababa na sana ni Joseph ang hawak nitong milk tea ng magsalita si Nicole.
"Oh, wait. Para hindi ka mabasa ng milk tea, ito ang tissue." inilagay niya sa puwitan ng baso.
"Thank you."
"Mabuti naka recover ka kaagad sa ginawa nila Marco?" simula ni Reign kay Nicole.
"Thankful ako kay Joseph dahil hindi niya pinabayaan."
"Natural na aalagaan ng boyfriend ang kanyang Girlfriend." nakangisi patuloy ni Reign.
"How did you know?"
Natigilan ako dahil sa reaksyon ni Nicole. Akala ko ay magugulat ito sa sinabi ni Reign pero ako pala ang masu-surprise.
"Sinabi ni Cedric," siyang tingin sa'kin ng lahat.
Nakiusap si Joseph na mag-order pa kami ng ibang menu. Tumayo kaming tahimik at sabay naglalakad palapit sa counter. Nang nakapili kami ng ibang orders saka ito nagsalita.
"Paano mo nalaman?"
"Ang alin?"
"About Nicole, wala pa kong binabanggit sainyong lahat."
"Nakakatawa, ang totoo kasi ni'yan hindi ko alam na may relasyon kayo ni Nicole. Nag-sinungaling ako kay Reign, at hindi ko inaasahan na totoo ang kasinungalingan na 'yun."
"Seriously??"
"Maniwala ka man o hindi." natatawa ko pa rin sabi.
"Wala na rin issue sayo kung may relasyon kami ni Nicole, 'di ba?"
"Ang ipinagtataka ko,bakit ganoon kabilis? Akala ko ba--- you love her?"
Ramdam ko ang pagtago niya ng tunay na nararamdaman.
"I'm a gangster."
"May connection ba yun sa pagiging gangster mo?"
"Yup, tulad ng sabi mo sa'min dati. Kung gangster ka, hawak mo ang kapalaran mo. Kung mamatay ka sa kamay ng kaaway mas mainam lumaban ka,atleast hindi ka natawag na duwag. Like love, kung alam mo naman na wala kang laban, bakit pagpipilitan mo pa. Masasanay ang sarili mo kapag hinayaan mong lamunin ka ng katangahan."
Buntong-hininga ko siyang tinignan.
"Ang lalim nun,ah."
"H'wag mo siyang sasaktan." makahulugan niyang paalala sa'kin. Gusto ko magsalita pero may idinugtong ito.
"Tulad pa rin ng sinabi mo dati. Okay lang sa una ipaglaban mo, pero kung paulit-ulit kang nasasaktan dahil hindi ka niya mahal? Mas mainam kung sumuko kana lang."
"Natandaan mo pa talaga 'yun,ah?"
"Of course, idol kaya kita."
"Tulad ng sabi mo, hindi ko siya sasaktan." Pangako ko rito.
Nakipag- High Five sa'kin bago kunin ang mga order namin. Nag-uusap-usap sila ng makabalik kami sa kinauupuan. Tahimik lamang si Reign, habang sina Roselle, Shien, at Nicole ay nag-uusap ukol sa mga Lalaki na sikat daw sa social media.
"So, kailan pa naging kayo?" simula ni Roselle sa dalawa.
"Isang linggo pa lang," bungisngis ni Nicole.
"Talaga?" nakataas ang kilay ni Roselle habang nakatingin kay Reign na ngayon ay nakayuko."Kasagsagan yun ng issue nila Reign,ah?"
Sa'kin tumingin si Reign pero mabilis din niyang binawi ang tingin. Pinagtunan na lang nito ang milk tea na iniinom. Pakiramdam ko ay parang may iba sa ikinikilos niya.
"Thankful ako kay Frenny, kung hindi dahil sa kanya hindi ako mapapalapit kay Joseph. Thank you so much Frenny, sa pang-babasted mo sa Boyfriend ko."
"Hindi nanligaw si Joseph kay Reign." pagtatama ni Roselle.
"Pero alam natin gusto ni Joseph dati si Frenny. Thank you din, Cedric. Umaayon talaga ang panahon dahil inalis mo na ang rules nyo."
Ngumiti lamang ako at agad pinagmasdan si Reign, gigil na gigil nakahawak sa kanyang hita.
"Walang anuman,Nicole. Actually, nagkaroon tuloy ako ng pag-asa sa babaeng gusto ko." litanya ko habang silang lahat ay nakatingin kay Reign.
"Friend, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Shien.
"Okay lang."
"Gusto mo na ba umuwi?"
"Later, dadaan pa ko sa Store para kunin ang sweldo ko."
"Oh my ghad! Wait..." tumapon ang iniinom ni Joseph dahilan para matapunan din siya sa damit. Mabilis nakakuha si Nicole ng tissue pero mabilis din tumayo si Reign para lapitan sila pero...huli na."Thanks, Frenny pero kaya ko na 'to. Boyfriend ko naman si Joseph kaya ako siguro may karapatan gumawa nito."
Natigilan si Reign. Marahil ay nagulat din ito sa ginawa niyang katangahan tapos babanat itong si Nicole na may karapatan siya habang si Reign wala. Kung iisipin, bakit nga ba gagawin ni Reign yun. Ano dahilan niya, ano kaya pumasok sa utak niya.
Itinago nito ang tissue sa bag. Tumunog ang cellphone nito. Pagkatapos nagsalita rin.
"I have to go, nag-text na rin si Boss. Shien, sasabay ka ba?"
"Nakuha ko na yung sweldo ko. Kung gusto mo samahan na lang kita."
"Pwede rin, Roselle, saan punta mo?"
"Sa bahay na rin siguro."
"Ah, sabay-sabay na kaya tayo?"
Kinuha ko ang cellphone ko at may tinext. Sabay-sabay nagtunugan ang cellphone nila Shien,at Roselle. Dahilan para maalarma ang iba sakanila.
"Sorry, Friend. Nag-text si Peps, magkita raw kami ngayon." malungkot na sabi ni Shien.
"Mukhang mabibigo rin kita,Reign. Nag-text sa'kin sina Thine, at Thania." siyang sabi ni Roselle rito.
Actually, acting-acting lang nila yun. Syempre, dumadamoves na naman ako nito. Ang pagkakasabi ko sa Text na magdahilan sila para ako ang makasama niya sa store. Akala ko ay hindi sila papabor,mabuti na lang gustong-gusto nila ako para kay Reign. Syempre, joke lang yun!
"Hindi sila pwede, lalo sina Joseph at Nicole. Ako lang ang may oras dahil wala ako ibang lakad." parinig ko sa kanya.
"Malapit lang din ang store rito. Kaya ko nang lakarin." Depensa nito.
"Mukhang maaliwalas ang langit. Masarap maglakad-lakad." sabi ko habang tinatanaw ang ulap sa kalangitan.
"Hmm...sige na,Reign. Pagbigyan mo na ang Young master. Hindi ka titigilan niyan." satsat ni Roselle na ikinatuwa ng puso ko.
"B-bahala siya. Punta lang ako sa Cr."
Isang suntok ang nakuha ko kay Roselle ng makita namin sumunod si Shien kay Reign. Nagsasalita si Nicole,habang si Joseph ay sinusundan ng tanaw ang babaeng nagugustuhan namin pareho.
"Sundan mo, baka mag-away mga yun." bulaslas sa'kin.
"Bakit naman?" si Joseph.
"Hindi gusto ni Reign na may relasyon sina Shien at Peps." dugtong ko.
"Bakit daw?" hindi napigilan tanong ni Nicole.
Hindi kami kumibo. Sinundan ko ang dalawa. Pagkadating ko sa Cr nag-uusap sila sa gilid kung saan hindi kaagad napapansin na may taong parating.
"Pareho namin gusto ang isa't-isa. Wala akong nakikitang masama dun."
"Kahit na, gangster pa rin si Peps. Oo, sabihin na nga natin mabait siya pero hanggang saan at hanggang kailan ka niya maipagtatanggol sa mga kaaway nila kung hindi kada oras magkasama kayo."
"Kaya niya kong ipagtanggol."
"Pero paano nga kung itapat o sadyain ng mga kaaway ng Lucifer na hindi kayo magkasama? Dati ko pa sinasabi sayo na huwag ang isang Lucifer kingdom ang papatulan. Imbis na love story parang magiging tragic pa."
"Ano ka ba naman! Hindi ka man lang naging masaya sa relasyon namin."
"Concern lang ako. Isa pa,"
"Tama na, Friend. Hayaan mo na lang ako maging masaya,please? Hinahayaan din kita maging masaya lalo kay Cedric."
"Hindi ko priority ang magka-boyfriend."
"Alam ko dahil sa rules nyo. Umamin ka nga Friend, sino ba sa tatlo ang gusto mo?"
"Tatlo?"
"Oo, Zayn, Joseph, at Cedric. Sino nga ba sa tatlo ang gusto mo?"
"Alam mo na si Zayn ang gusto ko, bakit dinamay mo pa yung dalawa rito?"
"Dahil ramdam kong nagseselos ka kina Nicole."
"Hindi,ah."
"Pero ramdam ko yun dahil magkaibigan tayo. Hindi mo kayang magtago sa'kin ng nararamdaman dahil kilala na kita."
"Walang kinalaman dito si Hambog na Gangster."
"Eh, si Joseph?" nawalan sila ng kibo pareho. Sumilip ako at doon nakita ako ni Reign na nakikinig sa usapan nila.
"Mauna na ko sainyo." paalam ni Reign sa kaibigan. Sinundan ko siya hanggang labas ng milk tea shop.
"Maglalakad ka lang ba talaga? May dala akong kotse," sabi habang kasunod ko siya.
"Hindi na."
"Tara na, ihahatid na kita sa shop nyo marami tayong pag-uusapan." hinila ko siya sa braso. Magpupumiglas na sana siya pero mahigpit ko itong hinatak para makapasok sa loob ng kotse ko.
Narating na namin ang store nila pero wala pa rin kumikibo sa'min.
"Salamat sa paghatid." binuksan niya ang pinto pero pinigilan ko.
"Sabi ko may pag-uusapan tayo."
"Bukas na lang. Marami pa kong gagawin."
"Please, Reign."
"Sorry, bukas na lang." ni-lock ko ang pinto dahilan para hindi nabuksan ang pintuan ng kotse.
"Bakit ba pagdating sa'kin napaka damot mo. Hinihiling ko lang naman na maka-usap ka. Bakit pagdating kay Joseph ang bilis mo sumang-ayon."
"Nang damay kapa ng ibang tao rito. Ano ba kasi sasabihin mo?"
"Kung ano tayo. Anong meron sa'tin." namilog ang mata niya sa pag-amin ko.
"H-hintayin mo ko rito babalik kaagad ako." Nakayuko niyang sabi.
Buntong hininga ko na lang tinanggal sa lock ang pintuan at tuluyan siyang lumabas ng kotse.
Ilang minuto ang lumipas bago siya bumalik at sumakay ng kotse.
"Ihahatid na ba kita?" mahinang tanong ko.
"Oo," tugon niya bago mag-touch sa kanyang cellphone.
"Bago cellphone mo?"
"Hindi, binili ko lang ng bagong housing."
"Housing, baka case." pagtatama ko.
"Ganoon din 'yun."
"Wait, may ibibigay ako sayo." Hinanap ko bag ang bagay na yun at iniabot sa kanya.
"Heto ang ilagay mong case sa Cellphone."
"Ano 'to?" kunot noo nitong pinagmasdan ang case.
"Case." kalmado kong sagot.
"Ibig kong sabihin, sino 'to?"
"Hindi mo sila kilala?" natatawa kong usisa.
"Malamang, magtatanong ba ko kung kilala ko."
Humalakhak ako ng malakas.
"Sige, sila ang Mr & Mrs Potato Head." kunot noo pa rin niyang hawak ang dalawang case.
"Bakit ngayon ko lang nakita ang mga ito? Cartoon Character ba sila?"
"Seryoso? Hindi mo sila kilala? Oo, cartoon character sila sa Toy story."
"Toy story? Hindi sa'kin pamilyar."
"Syempre, pang-mayaman lang kasi---- ang ibig kong sabihin, sayo na yang case ni Mrs Potato Head tapos itong sa'kin si Mr. Potato head."
"Seryoso ka rin? Ano palagay mo sa'kin bata?"
"Ang sweet nga eh," nakangiti kong sabi.
"Ang baduy." bulong niya. Ipinasok nito sa bag ang isang case saka nagpipindot muli sa Cellphone.
"Sino ka-text mo?" hindi ko mapigilan tanong.
"Si Mama,"
"Bakit daw?"
"Nangangamusta lang."
"Sila, kamusta naman?"
"Ayon, kahit paano nagiging maayos na lagay ni Papa. Madalas na rin tumutulong sila sa pag-aani ng palay."
"Paki-kamusta mo na lang ako."
"Okay, sabi mo,eh." isinandal niya ang ulo sa bintana.
"Reign, bakit ganoon?"
"Ganoon na ano?"
"Bakit feeling ko nasasaktan ka sa dalawa."
"Kina Joseph at Nicole?" Hindi ko pa nga sinasabi kung sino alam na niya kung sino. Marahil tama nga ang iniisip kong nagseselos siya sa dalawa.
"Kung ano na lang sana minahal mo. Hinding-hindi ka masasaktan sa'kin."
"Pwede ba, Cedric."
"Kung ano na lang kaya? Ako na lang kaya ang mahalin mo? Kayang-kaya kita ipagtanggol. Matutulungan mo pa ang Mama at Papa mo. Makaka bili kapa ng bahay at lupa kung gugustuhin mo. Lahat kaya kong ibigay."
"Huwag mo ko umpisahan." naiinis niyang banta.
"Bakit ka nagagalit? Nagsasabi lang ako ng totoo."
"Pwes manahimik ka. Wala kang alam."
"Alam ko, gusto mo na ba si Joseph?"
"Napipikon mo na ko. Ang dami mong tanong,puro mga walang kwenta." saktong huminto ako sa tapat ng kanilang bahay. Walang lingon at salita akong narinig sa kanya ng bumaba ito ng kotse.
Nakalulungkot man, pero tingin ko tama nga na mahal niya si Joseph. Ako kaya? Kailan niya mamahalin sa paraan na mararamdaman niyang 'di ko siya lolokohin.
Ikaw lang By : Kaye Cal