Chapter 37

2317 Words
Reign's POV "Good Morning, Sir Tolits." bati ko ng makita makakasalubong ko siya sa hallway. Kunot noo niya kong tinignan. "Why do you just want to go into my class today?" "S-sorry, Sir." "Alam mo ba marami kami pinag-aralan noong absent ka ng mahigit isang linggo?" "Hindi po, I mean ang alam ko po nag-adjust ulit kayo sa una ng lesson dahil sa mga Lucifer Kingdom." "Ganon ba ang nasa isip mo kaya ka nag-easy-easy lang sa pag-absent? I'm so sorry Tanhueco pero itinuro ko na sa kanila ang ibang lesson na dapat ma-take mo." "Ho?! pero Prof baka naman pwede mag- especial lesson ako. Maganda naman po ang reason ko,eh." "Bakit nga ba?" "May problema lang po sa pamilya,saka---" nahihiya akong magsalita at ituloy ang sasabihin. "Saka nahihiya ka sa videong kumalat ninyo ni Cedric? Tanhueco, hindi ko alam kung ano pumasok sa isip mo bakit pinatulan mo siya sana ay pumilipili ka ng lalaking kaya kang mahalin at ipaglaban. Iyong hindi gangster na walang iba ginawa kundi gulo sa University." "Wala po kaming relasyon ni Cedric." pagtatama ko. "Oh, bakit kayo naghahalikan sa Auditorium room?" "May kwento kasi sa likod ng video na yun. Saka, kung makaka-boyfriend man po ako Prof syempre, pipiliin ko na yung matino at hindi bad influence." "Aba, nag-iisip ka rin pala noh? Hayaan mo Tanhueco, nilinis na rin ni Cedric ang gulong yun. Huwag mo isipin na pinag-uusapan kapa rin dahil binantaan sila ng Lucifer Kingdom na mapapatalsik sa University kung hindi ka nila titigilan." "Salamat po." "Mauna na ko sayo. Siguraduhin mong mauuna kang pumasok kaysa sa'kin." paalam niya. Wala pa ang buong Lucifer kingdom ng pumasok ako sa room namin. May pa-ilan-ilan nag-uusap ng kung anu-ano,at mayroon din abala sa ginagawang kung ano sa kanilang cellphone. Mayroon din ngumiti sakin ng makita ako. "Welcome back,Reign." bati ng isang Lalaki. "Salamat." tugon ko. "Gusto mo ba pakopyahin kita sa mga lessons na hindi mo napag-aralan?" sabay akbay sa'kin habang inaabot ng isang kamay ang kanyang notebook. Okay sana kung pakopyahin niya ko pero yung may kasama pang akbay parang nakakainis na yun. "Alisin mo yang kamay mo." pasimple kong utos. "Walang magagalit kung gawin ko ito hindi ba? Wala ka naman boyfriend." "Wala nga." piniga ko ang kamay nito."Pero ayoko sa lahat yung inaakbayan ako lalo kung hindi ko naman ka-close." "Ow! Okay, sabi ko nga,eh. Heto ang notebook ko tanggapin mo. Pasalamat ka mabait pa rin ako kahit sinaktan mo ko." pilit ibinibigay sakin pero may isang tao kumuha nito sa kamay niya. Pareho kami nagulat sa lalaking nasa harap namin. Walang pakundangan pinilas at inihagis sa labas ng room ang notebook. Walang nagawa ang lalaki kundi kunin ang kanyang pag-aari na dapat nasa akin na ngayon. Tulala na lamang ako nakatingin sa lalaking galit ang pagmumukha habang nakatingin din sa'kin. Mag-uumpisa na naman kaya siya ng gulo? Sana lang ay palipasin niya ang lalaking takot na takot pumasok sa room namin habang yakap ang notebook. "Kapapasok mo pa lang nakuha mo kaagad mang-akit ng classmate natin." napa-irap ako sa kawalan. "Welcome back,Reign. Kamusta ang bakasyon mo? Masarap ba magpahinga habang kami inayos ang gulong kinasangkutan mo?" sabat ni Axel mula sa likuran ni Cedric. "Salamat,ah. Salamat sa malasakit pero sana hindi nyo na lang ginawa yung bagay na hindi ko ipinag-utos sainyo. Nakakarinig pa ko ng sumbat kahit hindi ko karapat-dapat na pag-buntungan ng inis mo." Simula ng mapalapit sakin ang Lucifer kingdom si Axel lang talaga ang hindi ko makuha ang loob. Parang galit sa mundo, parang kulang sa kalinga ng magulang kaya laging galit. I hate him, mas hate pa kay Cedric. Mabuti pa nga ang isang itong si Cedric kahit paano nakaka sundo ko. Papasok si Joseph. "Welcome back, tara kopyahin mo lahat ng nasa notebook ko para may mai-present ka mamaya kay Prof Tolits." magiliw na alok niya sa'kin pero--- Hinawakan kaagad ni Cedric ang kamay ko palapit sa kanyang upuan. Sa bakanteng upuan niya ko pinaupo. Inilabas nito ang sariling notebook, at sabay hagis sa table ko. "Simula ngayon, kami ni Tanhueco na ang magka-seatmate. Makita ko lang kung sino lalapit sa kanya mananagot sa'kin." Napagmasdan ko siya habang nakatayo. Natatamaan nang  sinag ng araw mula sa labas. Kita ko kung anong meron sa kanya na hindi ko maipaliwanag. Mula rito sa kinauupuan ko. Tahimik at matamlay na naupo si Joseph sa dati namin pwesto. May kung anong kirot sa puso ko ng makita ko siyang nakatingin sa kabilang side ng bintana namin. Ang lalim ng inisip niya, parang may problema ito na hindi sinasabi sa kanyang mga kapwa gangster. "Ginusto mo 'yan hindi ba?" bulong sa'kin ni Cedric ng tumabi. "Sino ba nagsabi mamimiss ko siya? Sino ba nagsabi na nasanay akong lagi siyang nandiyan. Mabuti na 'to kaysa lalo pa kami mag-away ni Nicole." Narinig kong tumawa siya kaya tinignan ko ito nakasimangot. Nakuha pa niyang ngumiti at tumawa sa mga sinasabi ko. Nakakaloko talaga ang isang 'to. "Hindi ka bitter." "Bitter? Ang mga taong nagseselos lang ang bitter." "Hindi nga ba nagseselos ka?" "Ako?! Hahahahaha...si Zayn ang gusto ko nga hindi ba? Bakit ako magseselos sa kanila?" Pinagmasdan niya ko ng sobrang tagal. Hindi naiwasan ang kanyang mga mata dahil binabasa nito ang nasa isip ko. Huwag lang sana niya malaman na nasasaktan ako. Oo, nasasaktan ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Ganoon nga yata ang love, sa umpisa hindi mo alam ang kahulugan,pero ngayon alam mo na dahil nasasaktan kana. "Sana lang ay totoo ang sinasabi mo. Kung si Zayn nga talaga ang gusto mo pwede pa kita ipaglaban dahil hindi ka niya magugustuhan. Kung si Joseph, marahil dapat na kong kabahan dahil alam kong gusto ka niya." "May girlfriend na yung tao. Huwag na natin bigyan ng issue ang nakaraan." depensa ko. "Kung ako na lang kasi sana, ede sana hindi ka nasasaktan ngayon. Marahil lagi na lang tayong tatawa ng tatawa dahil masaya tayong magkasama." "Pero hindi ganoon." Biglang tingin sa'kin. "Kapag dumating ang araw hindi na kita gusto sana hindi na nahulog ang loob mo sa'kin dahil I can sure you na masasaktan ka lang kapag dedma kana sa'kin." Matinding kalabog sa dibdib ang namayani sa katahimikan namin. Bakit nga ba ko kinabahan sa mga sinabi niyang iyon. Bakit parang masasaktan nga ko kapag dumating ang araw na kinatatakutan ko. Pero syempre, kaya kong paglabanan ang nararamdaman ko kung dumating man ang araw na yun. Sana lang ay mapaglabanan ko ang lahat ng ito. Oras ng klase. Habang si Professor Tolits naka upo sa center ay tahimik kaming lahat na nagsasagot sa quiz na ibinigay sa'min. Hindi sinasadyang napatingin ako sa pwesto ni Joseph. Nakatingin ito sa akin na para ba may gustong sabihin. Kumuha ako ng papel,may isulat saka pinaabot sa kanya. Okay ka lang? - Reign Tumingin sa'kin tapos ibinalik sa akin ang  papel. Okay lang naman, ikaw ba? Bakit nga ba kayo ang magkatabi ni Cedric? Galit ka ba sa'kin? - Joseph. Sinilip ko si Cedric. Nakapikit ito habang may headset sa tenga. Ang bilis na naman niyang sumagot sa quiz. May pinag-uusapan kaming importante na dapat ng ayusin. Pasensiya na, dito na lang ako tatabi sa hambog na gangster na 'to. - Reign. Nakangiti kong pinagpatuloy ang pagsasagot sa quiz ng tumunog ang cellphone. Text-text na lang tayo. Sana ininform mo man lang ako na hindi kana pala tatabi para napaghandaan ko. - Joseph. Hmp. Sana nga rin ininform mo ko nung naging kayo ni Nicole. Pero syempre, hindi ganoon ang sinagot ko sa text. Pasensiya na talaga. - Reign. Okay lang, dapat yata sanayin ko na ang sarili ko na si Nicole na lang lagi kasama ko. - Joseph. "Oo nga, congratulations sainyong dalawa. I'm so happy. - Reign Talaga? Salamat, sana hindi pa rin tayo magkailangan kung mayroon na kong girlfriend. Saka, kaibigan mo naman itong girlfriend ko,eh. - Joseph. Sabay kami nagkatinginan sa isa't-isa. Rereplayan ko pa sana siya pero nakita kong nakatingin sa'kin si Cedric. Itinago ko kaagad ang cellphone baka kung ano pa gawin nito. Tumayo siya palapit kay Prof, ipinasa ang paper saka tumingin at sumenyas na sumunod ako. Mas okay na ito,kaysa gumawa pa siya ng gulo. Tapos na rin ako sumagot kung kaya't pinasa ko na rin kay Prof ang paper ko. Hinahanap ko siya pero hindi ko makita at hindi ko alam kung saan siya dumaan. May humawak sa balikat ko na kaagad kong napalipit sa ang braso. Saka ko lang napagtanto kung sino ang taong ginawan ko ng self defense. Walang iba kundi si Zayn. " S-sorry." "Marunong kana mag-self defense." hinimas himas ang braso. "Sorry talaga." "Okay lang. Bakit ka nga ba nagmamadali lumabas? Tinatawag kita hindi ka makarinig." "Pasensiya na Zayn, hinahabol ko kasi itong si Cedric." "Ah, si Young Master ba, doon siya dumaan." siyang turo sa 'di kalayuan.. "Sure ka? Paano mo nalaman? Nauna akong lumabas kaysa sayo." "Doon madalas magpunta ang Young Master. Makinig kana lang sa mas nakaka-alam." Hmm, bakit parang may kakaiba sa kanya ngayon? "Teka, anong nakain mo bakit iba yata timpla ng ugali mo? Ang bait mo yata sa'kin ngayon." "Matagal na kong mabait." depensa niya. "Ows?" tinignan siya mula ulo hanggang paa. "Wag mo sabihin, nag-te-take advantage ka sa'kin dahil alam mong gusto kita." "What?! Sa palagay mo, gawain ko 'yun? Excuse me ha, may girlfriend na ako,eh. Hindi mo na kailangan mag-effort para magpapansin sa'kin." Sa inis ko nilayasan ko siya. Sige, ipagsigawan mo pa, ipaglandakan mo at isupalpal mo sa'kin ang buong katotohanan na wala akong pag-asa sayo. Nyeta, kung tama man ang sinasabi ni Cedric na baka sakanya lang ako liligaya sana nga maramdaman ko na yun bago niya ko makalimutan. "Cedric!" nakatayo ito habang nakatanaw sa malayo."Nandito ka lang pala. Pinasunod-sunod mo ko hindi mo naman sinabi kung saan ka pupunta." Hindi ito tumitinag sa kinatatayuan. "Ano ba sasabihin mo bakit pinasunod mo ko?" dugtong ko. He sigh. "Kung sakali ba maghiwalay kaagad sina Joseph at Nicole, may pag-asa bang maging kayo?" "Ayan na naman tayo." reklamo ko rito. "Gusto kong malaman para magawan ko ng paraan para manatili silang matatag. Alam mo, sabihin na natin gangster ako pero may pusong tapat at dalisay naman." "Balagtasan ba 'to?" "Sige, ganyanin mo ko Reign. Balang araw ikaw naman ang hahabol sa'kin." "Teka nga, ano ba? Nakakainis ka sa tuwing babanat ng ganyan. Ano ba problema mo?" "Kahit sabihin ko sayo hindi mo ko  mauunawaan." "Bakit?" "Dahil iba ang mahal mo." "Paano mo nasabi na iba ang mahal ko?" Natigilan siya."Bakit, ano ba sasabihin mo, na ako ang mahal mo ganoon?". "Hindi," "Tignan mo nga, hay, Reign. Kailan ba, kailan mo ba ko mamahalin?" Ayoko nang makipagsatsatan sa kanya. Feeling ko kasi napaka sama kong tao. Parang iniisip niyang masaya pa kong nakasasakit ako ng ibang tao. "Hoy, Cedric!" look is here. Ang babaeng impokrita. "Ano na naman?" walang gana sabi niya rito. Kung siya makulit may mas makulit pa pala sa kanya. Tumingin sa'kin si Zen. "Hoy, jologs na babae. Pwede umalis ka, mag-uusap kami ng Boyfriend ko." "Zen, watch your word ha!" "Bakit, totoo naman jologs siya." "Ano ba kailangan mo ha?!" "Mag-usap tayo ng tayo lang!" "Sus, iyon lang ba? Arte, hindi na kailangan utusan ako dahil kusa akong aalis." hahakbang na ko ng pinigilan nito ang braso ko. "Hindi. Hindi aalis si Reign, dito lang siya hanggang sa maka-alis ka." mariin sabi ni Cedric. "Bakit ka ba dikit ng dikit sa babaeng Jologs na yan ha! Gangster ba talaga ang isang yan?" "Excuse me? Bakit parang takang-taka kapa kung gangster ba talaga ako. Baka nakakalimutan mo huling harap natin." "Nagkataon lang na wala sa kundisyon ang katawan ko!" "Talaga?" "Teka nga, hindi ikaw ang kailangan ko rito kaya huwag kang sumabat!" "Owkey!" sarcastic kong sabi. "Cedric, makipag-date ka ulit sa'kin! Sa ayaw man o sa gusto mo magsasama tayo mamaya sa bahay namin." lakas ng loob, nakuha tuloy ni Cedric matawa sa hamon ni Zen. "Anong nakakatawa ha?! Sinasabi ko sayo, ako lang ang dapat mong i-date. Kapag pinatulan mo pa yang jologs na yan talaga yatang wala ka nang taste pagdating sa babae!" "Kapal." bulong ko. "Huwag mo sabihin ipagpapalit mo ko sa feeling gangster na yan?" "Oh, bakit inis na inis ka Zen? Kung ako feeling gangster, eh ano kapa? Lumalapit sa mga gangsters para sumikat, para katakutan ng karamihan." "Aba't talagang----" "Tama na Zen! Rumespeto ka naman sa girlfriend ko!" Girlfriend ?!  Sabay tanong namin ni Zen kay Cedric. "Mga bingi. Oo, girlfriend ko si Reign." "Abnormal kana ba?" sabay akbay sa'kin. "Sumakay kana lang,para matapos na 'tong eksena na 'to." bulong sa'kin. "Kapal talaga oh! Siya talaga Cedric?! Siya talaga?!" nag-huhurementadong sabi ni Zen. "Why not?" sarcastic niyang tugon. "s**t, what's wrong with you?!" "Nothing, I think ikaw ang may problema. Hindi ba ikaw itong habol ng habol sa'kin. Matagal na tayong tapos, matagal na kitang kinalimutan." Itinulak ako ni Zen para mayakap niya si Cedric. "Please, Hon. Give me a second chance. Promise, lahat ng Pangako natin sa isa't-isa tutuparin ko. Ako mismo ang gagawa ng paraan. Please?" "Sorry na lang. Nahuli kana, may iba na kong mahal." dahan-dahan niya kong nilapitan. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. "Ang babaeng sinasabi mong Jologs, siya lang naman ang dahilan kung bakit nakukuha kong lumigaya kahit wala ka. Mahal na mahal ko si Reign, mahal na mahal." Hindi ko alam kung alin ba doon ang totoo. Gusto nga lang ba niya makalayo sa'min si Zen o talaga nga bang totoo ang lahat ng sinabi niya tungkol sa'kin. Gaano nga ba ko mahal-mahal para itrato ni Cedric ng ganito? "Si Zen ba inaalaala mo?" "Si Zen? Haha, bakit mo naitanong ang taong 'yun? Ni minsan nga hindi na siya sumagi sa isipan ko,eh." "Talaga? Eh, bakit ang lalim ng iniisip mo?" Kanina pa kasi siyang walang kibo buhat ng iwan namin si Zen na galit na galit. "Tungkol ito sa Harder Blade. Humihingi sila ng dispensa sa huling laban natin sa mga Assassin." "Ano nga ba dahilan bakit hindi sila sumipot sa laban?" "Napalaban din sila nung araw na yun." "Kung ganoon, ede patawarin nyo." "Hindi ganoon kadali. Hintayin na lang nila ang sagot ko." "Malay mo bumawi sila sa mga susunod nyong laban. Malay natin kung dumating ang isang araw may malaking gulo dumating sa pagitan ng mga ibang gangster." "Marunong ka mag-predict?" "Haha, hindi ah!" "Well, kung dumating man 'yun nakahanda ang  Lucifer kingdom at Viper Berus para magtulungan." Napalalim ang paghinga ko. Hindi ko naman kasi alam kung dumating ang araw na yun gangster pa nga ba ko. Hindi ko alam kung dapat pa ba kong magtagal sa ganitong senaryo. Nakakapagod na rin kasi ang sumabak sa gulo lalo gaya ko na hindi pa naman bihasa sa pakikipaglaban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD