Chapter 38

5737 Words
:) Tahimik ang Library ng pasukin ko ito. Wala gaano mga estudyante dahil break time. Mas nagiging panatag pa ko kung kaonti lang ang tao na nagbabasa o nagre-research ng mga lessons nila. Naupo ako malapit sa pinaka bintana para makita ko kung sino papasok dito sa loob. At para na rin malaman ko kung wala na gaano tao sa Canteen Area. Sandamakmak na naman kasi ang tao, lagi nila pinagsasabay ang ibang department sa amin tuwing break time. Nalimutan kong hindi ko pa pala naibabalik ang isang libro na hiniram ko kung kaya ibinalik ko ito sa dating lagayan bago hanapin ang nais kong i-take sa notebook. Mas marami pa rin umaasa sa Library kaysa sa Internet o Google. Marahil mas maganda kung ikaw mismo bubuklat at tutulas sa isang libro ng mga katotohanan. No hassle pa dahil hindi mo kailangan gumastos ng pang-load. Ang dami kayang pagpipilian dito sa Library, iyong iba hindi mo makikita sa Internet. Dahil wala nga gaano estudyante, wala rin akong makaka-agaw dito sa librong hihiramin ko. Mabilisan kong binuklat ang bawat pahina, sinulat ang mga tamang sagot sa notebook. Kalahati na yata ang naisusulat ko,maramdaman ko ang pagkalam ng sikmura. Kahit yata tiyan ko hindi makakatakas lalo kung gutom na talaga. Kailangan ko pa magtipid dahil sa katapusan pa ang perang ibinibigay sa'kin ng Viper Berus. Ito kasing hawak kong sweldo noong isang araw nabawasan na. Pinadala ko kina Mama,para kahit paano hindi sila magsawa sa panay gulay o mais. Magbabayad pa ko ng kuryente at tubig, baka maputulan pa kung palilipasin ko ang isang buwan pa na bayarin. Tapos need ko na rin bumili ng ibang gamit para sa clinic studies namin. Sa mga susunod na araw o linggo magsisimula na kami para makita kung may natutunan ba kami sa bawat pag-aaral ukol sa pagiging dentista. Last page na ito tapos kakain na ko, tutal konti na lang tao sa canteen. Kahit paano, makakakain ako ng maayos nun. At isa pa, iniiwasan kong huwag masabay sa Lucifer Kingdom dahil panigurado gulo na naman ang hatid nito. Lumapit ako sa Teacher para hiramin ko ang libro dahil hindi ko na napigilan hintayin ang last page. Thirty minutes mag-uumpisa na rin ang klase kung kaya't kailangan na talaga lumamon ng marami. Pagkalabas, diretso kaagad sa canteen. Wala na gaanong tao pero may pa-ilan-ilan kumakain at nag-me-meeting. Sa gilid ako umupo, inilapag ang mga libro at bag sa table at chair para malaman na may nakaupo na doon. Mahirap na, baka mawalan pa ng upuan kapag may dumating na taga ibang department. Inorder ko lang ang isang kare-kare at kanin. Bumalik na kaagad sa upuan at simulan kumain, nang mapansin kong pumasok ang Viper Berus. Kinawayan ko sila para lumapit sa akin. Nag-apiran kaming lahat,bago sila sumalo sa bakanteng upuan. "Bakit ngayon ka pa lang kumakain? Kanina ko pa nakita ang Lucifer kingdom kumain dito,ah?" pagtataka ni Leah. "Hindi ako sumabay, mahirap makipagsiksikan. Lalo kung iisa lang ako, hahanap pa ko ng ibang bakanteng upuan para makasalo ang ibang estudyante." dahilan ko. "Bakit kasi wala kang kaibigan sa mga classmates mo? Ang lungkot kaya na mag-isa ka lang sa bawat lakaran mo." satsat ni Thania. "Meron siyang kaibigan, pero iba na sinasamahan." mahinang parinig ni Thine, habang nakangiti. "Sino?" parang hindi alam ni Desirie ng magtanong. "Ede si Joseph. Siya lang naman lagi kasama ng Leader natin." Bulaslas ni Roselle sa lahat. "Oo nga pala, Si Nicole ang bagong girlfriend ni Joseph. What the-- wala na talaga taste ang mga Lucifer kingdom. Nung una, si Peps,pinatulan si Shien, tapos ngayon si Joseph kay Nicole. Baka magulat na lang tayo si Cedric, kay Reign." ayan na naman ang kontrabidang bruha si Tina. "The kontrabida is here." bulong din ni Thania. "Walang problema kung si Reign mapunta kay Cedric." litanya ni Desirie. Tinapik lamang siya ni Roselle para tumahimik. "Aalis si Cedric para kausapin si Marnelie tungkol sa mga nagdaan namin problema. Huwag ka mag-alala rito Reign, hindi mo kailangan ma-stress." "Hanggang kailan siya mawawala?" Usisa ko. "Wala pa siyang alam kung kailan pero kinakailangan nila ng hahaligi pansamantala sa grupo nila." "Nandiyan si Zayn para gumabay sa Lucifer kingdom. Mas maganda pa nga siyang mamalakad kaysa kay Cedric." Matagal ko ng napapansin si Zayn na may  potential pero ang ipinagtataka ko ang pagiging showy ni Tina kay Zayn. Kahit alam kong may something na sila noon pa. Nag-nod na lang ako bago tapusin ang kinakain dahil limang minuto na lang bago mag-simula ang klase namin. Nagpaalam kaagad ako sa grupo na papasok na. Pagpasok palang sa room isang katahimikan ang namamayani ngunit ang mga mata nila ay nakatuon sa akin. Something weird pero tumabi na lang ako kay Cedric. Sakto dumating si Professor Tolits. "Everyone, I have here invitation card, specially in Lucifer kingdom. It comes from Ventura Family." isa-isa inabutan ang Lucifer kingdom bago ako abutan ng isa. "Pupunta ka?" usisa sa'kin ni Frankie. "Hindi ko kilala ang Ventura family." seryoso kong sagot. "Seryoso? Hindi mo kilala ang Ex-boyfriend ng kaibigan mo?" "Ex-boyfriend ng kaibigan ko?" sino ba Ex-boyfriend ng mga kaibigan kong sina Shien at Nicole? "Wesley Ventura." kalmado satsat ni Zayn habang nakatingin kay Professor Tolits. "Kay Wesley galing ang invitation na 'to?!" gulat kong tanong. Bakas sa mukha ni Cedric ang pag-aalala. Ewan ko, pero bakit parang kakaiba siya ngayon. Parang nawawalan siya ng katatagan pagdating sa pakikipaglaban o baka naman naiisip ko lang yun dahil ako itong duwag at walang kalaban-laban. "Bantayan nyo si Reign." paki-usap ni Cedric kung kanino. Nang tignan ko sya nakatingin ito kina Axel, Calvin, at Frankie. "Walang pupunta." ma-otoridad na paalala ni Professor Tolits sa'min. "Napilitan lang akong kunin ang Invitation. Isa pa, alam nilang may kapatid ako sa  grupo nyo kaya panigurado na gusto nila akong pag-alalahanin ng husto." Tama, natural mag-alala siya sa kapatid niya. "Bakit wala? Alam mo ba kapag hindi kami nagpunta sa party iisipin nilang mga duwag kami." matapang na sabi ni Erdem sa kapatid. "Susubukan ko makarating kaagad sa araw ng party. Sa ngayon, Zayn ikaw muna ang bibilinan ko para mag-decisyon sa gagawin ng Lucifer kingdom." naka cross arm pahayag ni Cedric. "K-kailan ang alis mo?" usisa ko sa kanya. Ngumisi lamang siya sabay tingin kung kanino. "Joseph, Peps. Aasahan kong hindi nyo kasama ang mga girlfriend nyo sa araw na yun. Ayokong lumaki ang problema natin." Si Cedric ba talaga ito? Bakit ganoon, bakit ang bossy niya na may pagka-concern sa mga girlfriend ng kanyang grupo. Hindi ko inaasahan na magiging gentleman siya sa mga oras na ito. Sana lang ay sumunod ang dalawa  para hindi madamay ang dalawang kaibigan ko. "At ikaw," sa akin ang buong atensyon ng Lucifer kingdom. "Huwag kang lalayo sa kanilang lahat. Panigurado ikaw ang puntirya ni Wesley." "Kasama ko naman ang buong Viper Berus." depensa ko sa kanya. "Bukod tanging ikaw lang sa Viper Berus ang binigyan nila ng Invitation. Makinig kana lang, wala ako sa tabi mo para tulungan ka." Awkward... Walang hiyang Cedric 'to. Hindi man lang nahihiya sa mga classmates at Professor namin. Sarap sapakin kung minsan. Kung maka-asta akala mo boyfriend. Lakas ng sapak sa ulo talaga. "Once wala ka mapakitang invitation sa araw ng party hindi ka makakapasok. Sa bahay ng Ventura Family gaganapin ang kasiyahan kaya tayo ang makokorner nun. At panigurado, lahat ng angkan nila nandoon para tulungan si Wesley sa gustong pakay nito." seryoso pa rin sabi ni Cedric. "Kung alam nyo pala na wala tayong laban dahil sa--- bakit tutuloy pa tayo?" tumingin ako kay Professor Tolits. "Tulad ng sabi ko. Ang Ventura Family ang pangalawa sa makapangyarihan sa industriya. Kung kakagat kayo sa bitag ng kalaban parang pinatunayan nyo ng isinusuko nyo ang pagiging gangster at ibibigay sa kanila ang kapangyarihan nyo." Matapang na paliwanag ni Professor. "Tama, sa mismong kampo pa nila kayo papasok. May pag-asa bang makalabas tayo kung---" "Wala ka pang nalalaman sa kakayanan ni Cedric. Kung iniisip mo ang kaligtasan mo, I'm here, kaya rin kitang protektahan sa mga kaaway." walang kumukurap sa sinabi ni Zayn. Nakuhang umupo ni Cedric ng maayos sa mga binitawan salita ng kaibigan. Sino ba hindi kakabahan doon? Kung ikaw nga marinig mo lang sa ibang tao na kayang alagaan ang taong mahal mo, what for ang itinuturing mong kaibigan. Sa palagay ko, tindi ng iniisip ni Cedric ngayon. "Well, believe in the ability of my bestfriend. He's there to care for you even if I'm not." naka-cross arm siwalat ni Cedric sa'kin. Kahit hindi niya sabihin, feeling ko may kaba siyang nararamdaman. Ganoon kaya ang utak ni Cedric, masyadong advance mag-isip. Kaya walang nakaka ligtas sa kagaguhan ng isang 'to,eh. Natapos yata ang usapan namin ng mag-bigay ng ibang detalye si Professor Tolits sa gagawin namin on the next week. Cafeteria... "Okay, dahil ang dami kong gagawin ngayong araw dapat tapusin ko na ang lessons namin dito." sabi ko sa sarili. Umorder ako ng isang Frappe upang maginhawa ako. Tutal wala akong pasok ngayon sa trabaho kaya pwede ako abutin hanggang sa magsara ang cafeteria. "Hi ma'am, frappe po para sainyo." "Ang bilis ng order ko," sabi ko sa babae. "Ipinabibigay po ni Sir Joseph." tumingin sa counter. Nandoon ngayon si Joseph habang nakahalukipkip nakatingin sa'min. "Salamat, paki-cancel na lang po yung order ko." "Sige po ma'am. May ibang orderin kapa ba?" "Wala na." Nag-nod na lang ito bago ako iwan. Kasunod nun, nag-usap sila ni Joseph sabay tingin sa'kin. I don't know if ano pinag-usapan nila pero kita kong nag-ngitian ang dalawa. "Pa-share ng table." si Joseph, lumapit sakin. Hala anong gagawin ko. "S-sure." "Bakit frappe lang gusto mong orderin. Sagot ko naman ang lahat ng kakainin mo." "Hindi na. Busog pa naman ako, ang dami kasi dalang pagkain ni Cedric kanina." "Uhm, mukhang okay na kayo ni Young Master. Nanliligaw na ba siya sayo?" "Hindi,ah. Teka, bakit nandito ka ngayon sa Cafeteria nyo? Marami ka bang oras para gawin ang lessons natin?" "Maraming oras, actually gusto mo sabayan kita dyan para may kausap ka. Don't worry, maraming tao sa cafeteria kaya hindi na nila kailangan ang tulong ko." "Bahala ka," inilabas niya ang mga libro galing sa Library. "Hindi ka na ba pumapasok sa trabaho mo?" "Pumapasok, wala lang akong pasok kaya pwede ko tapusin ito hanggang sa magsara ang cafeteria nyo. Pwede ba?" "Oo naman, omorder ka lang." "Hindi ba nakakahiya?" "Sa'kin nahihiya kapa? Para ka naman others,eh. Sige na, order kana ng cake." "Ikaw ang bahala." Mayamaya nag-lapag ng dalawang mocha cake, at isang cappuccino sa table namin. Ilang subo ang ginawa niya bago buklatin ang librong hawak niya. Sakto naman may malaking speaker sa loob ng cafeteria kaya hindi masyado boring. After two hours... Wala pa yata kami sa kalahati ng makaramdam ako ng gutom. Wala na rin cake at frappe sa table namin. Mayamaya lang din may inilapag na dalawang chocolate cake at dalawang cappuccino sa table. "Baka malubog ako sa utang kakalagay mo ng cake at cappuccino sa lamesa natin." "Don't worry, ako ng bahala sa lahat." sabay kindat sa'kin. Exact ten o'clock nagising ako sa pagkaka-dukdok sa lamesa. Hindi ko naiwasan matitigan ang mukha ni Joseph habang mahimbing na natutulog. Ang gwapo niya, ang labi niyang manipis pero mapula-pula. Ang kilay niya na sakto ang ahit, ang ilong niya na sobrang tangos. Bakit ba hindi ko kaagad na pansin ito noong nagugustuhan pa niya ko. Bakit ngayon pa na iba na ang mahal niya. Ganon na nga ba talaga ang love, kailangan bulag-bulagan sa una tapos sa huli saka mare-realize ang katangahan mo dahil sa iba nakatuon ang pagmamahal mo. Sana nakapaghintay siya, kung kailan mahal ko na siya saka siya nagmahal ng iba. Unti-onting dumidilat ang kanyang mga mata. Para hindi niya malaman na nakatitig ako ay ipinikit kong muli ang mata. Naramdaman kong gumalaw siya. "Kung ano nararamdaman ko dati para sayo  ganoon din ngayon. Please forgive me if I used other people to avoid you." bulong niya dahilan para idilat ko ang mga mata ko. Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Paninitig ang ginawa namin sa isa't-isa hanggang sa bumangon ang ulo niya at iwasan ang bawat tingin ko. Iniligpit niya ang mga libro. "It's to late, ihahatid na kita sa bahay nyo." Tumingin ka please, tumingin ka Joseph. "Kaya ko mag-isang umuwi." pero ayaw pa rin tumingin. "Delikado na kung hahayaan kita." "Bahala ka." Katahimikan... Katahimikan... Katahimikan ang namamayani habang naglalakad kami.Gusto ko mag-open up ng pag-uusapan pero hindi ko alam kung masisiyahan ba ito. Ano kaya ibig sabihin ng sinabi niya sakin? Ginamit niya si Nicole para iwasan ako. Para ano, para saan ang pag-iwas niya? "Pasensiya kana kung naglalakad lang tayo. Kasabay ko kasi pumasok si Frankie kanina, sa kanyang kotse ang gamit." "Okay lang." "Nasanay kana siguro lagi ka hatid sundo ni   Young Master." "Hindi,ah." "Kung ganoon, naglalakad lakad din kayong dalawa kung minsan?" "Hmm... Oo,minsan lang." Katahimikan... Katahimikan... Katahimikan... Kahit paghinga pinipigilan ko pa. Pasimple ko siyang tinignan pero nahuli niya kong sumulyap. Pareho kami ngumiti bago magpatuloy sa paglalakad. "Tara," siyang hatak sa'kin. "Saan?" "Magtago tayo." kalmado niyang utos. Magsasalita pa sana ko ng hatakin ako sa madilim na pwesto. "Bakit ba tayo nagtatago?" pabulong kong tanong. Itinapat niya ang daliri sa labi ko habang nakatingin sa pwesto namin kanina. Mayamaya may mga kalalakihan dumating at parang may hinahanap. "Nawala." "Sinabi kong bantayan nyo 'di ba?!" "Baka nakatunog na sinusundan natin. Hanapin nyo sa bawat kalye. Hindi pa nakakalayo mga 'yun!" Unti-onting nawala ang mga tao. Lumabas kami upang tanawin sa malayo ang mga Lalaki. "Tayo ba ang mga hinahanap nun?" tanong ko. "Oo, mga kaibigan ni Wesley yun." "Bakit nila tayo sinusundan?" "Palagay ko hindi sila makapaghintay para gumanti sayo. Lalo ngayon alam nilang mawawala ng ilang linggo si Cedric. Malakas ang laban nila kapag kami-kami lang ang kalaban nila Wesley." "Ano bang meron sa Wesley at Lucifer kingdom? Imposible naman na tungkol yun kay Shien at sa nakaraan nyong away." "Gusto mo ba malaman?" nag-nod ako. "Si Zen at Wesley dating may relasyon. At dahil gusto pa ni Zen si Ced, lalo siyang nagalit sa LK dahil bakit laging napupunta ang babaeng gusto nya sa Lucifer Kingdom." "Parang ang gulo. Pero kung titignan at pag-aaralin napaka babaw ng dahilan nila Wesley pero ang ipinagtataka ko bakit sa'kin sila gaganti?" hawak ko ang baba ko. "Akala nila boyfriend mo si Cedric." "Naturingan mga gangster pero mga bobo naman sa nalalaman. Saan ba nila nakukuha ang information na yan?" "Malaki ang laban nila dahil alam nilang patay na patay sayo si Cedric." Malalim ang pag hugot nito ng hininga. "Kung ako na lang siguro ang minahal mo, hindi ka mapapahamak ngayon. Si Cedric lang naman ang habol nila." Ang paninitig niya ang naging dahilan kung bakit nawalan ako ng kibo. Hanggang yata ay ako pa rin ang gusto niya. Kung tatanungin ko ito, palagay ko malalaman ko ang katotohanan. "Gaano mo ba kamahal si Nicole?" Namulsa ito."Bakit ganoon na lang kabilis na maging kayo. Akala ko ba, ako ang mahal mo? Akala ko ba, hihintayin mo ko?" "Kung maghihintay ba ko, may pag-asa ba ang paghihintay ko?" Yumuko ako,"Tama lang sigurong si Nicole ang minahal mo. Ayoko paasahin kita sa wala." "See? Hindi mo na dapat itinatanong ang tungkol dyan dahil alam mo na ang sagot. Ayoko ng umasa sa wala. Ayokong masaktan na mag-isa sa bandang huli. Sana lang ay matutunan mong mahalin si Cedric. Mabait naman talaga siya,eh. Unawain mo lang at intindihin ng mabuti ang ugali niya, I'm sure magkakasundo kayo." Nawalan ako ng kibo. May point kasi siya, kung noon ko pa sana sinabi at na realise na gusto ko siya ede sana hindi kami ganito. Ede sana, masaya kami. "Ihahatid na kaagad kita, baka bumalik ang mga yun." isinuot niya sa'kin ang jacket bago kami naglaan ng mabilis na lakad. Kinabukasan, hindi ko na nakita maghapon si Cedric. Maaga raw itong umalis upang makipag kita kay Marnelie. Ang kaso nito, wala akong choice kundi bumalik sa  dating upuan. Ayoko ngang tumabi kay Axel, parang hindi ko feel na makipag-usap sa kanya ng ganoon lang. Lahat sya lang ang hindi ko talaga feel ang ugali, I swear! Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Cedric. From: Hambog na Gangster Okay ka lang ba diyan? Miss na kita :) "Ang korni." From: Hambog na Gangster Hahahahaha :) :) hindi ka ba naninibago na wala ako? "Hindi, masaya pa nga ko dahil walang Hambog na gaya mo. Sana huwag kana bumalik ;)" From: Hambog na Gangster Sorry, pero sa ayaw mo man o gusto babalikan kita. Pasalamat ka marami lang akong aasikasuhin. "Huwag na! Huwag kana bumalik, masaya na kong wala ka. Nandito naman si Zayn at Joseph." biro ko. From: Hambog na Gangster Hmp. Huwag mo ko bigyan ng dahilan para magalit. "Wow! Boyfriend? Boyfriend?!" From: Hambog na Gangster Hindi ,pero magiging asawa soon, Oo. "Hay naku, akala ko ba marami kang gagawin bakit nakakapag-text kapa?!" From: Hambog na Gangster Bago ang lahat. Gusto ko muna malaman kung nasa maayos ka, saka ako magiging panatag. Bye,Reign mag-iingat ka. Okay lang, kung iba gusto mo, okay lang kung mapalapit sa kanila pero SOON AKIN KA NA. Gusto kong mainis sa kakornihan niya. Kainis, kung maka asta akala mo girlfriend ako. Hay, may ganito pa palang Lalaki na magbabaliw-baliwan para lang maiparamdam ang tunay na nararamdaman. "Sino ka-text mo?" "Si Cedric, nangangamusta lang." tugon ko. "Miss kana agad?" nakangiti niyang sabi. "Baliw lang yun." "May gusto lang akong malaman." "Ano yun Joseph?" "Bakit hindi mo magawang suklian ang nararamdaman niya para sayo?" "True to life ba 'to?" "Oo," "Uhm, ewan. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang gustuhin siya. Siguro dahil hindi kami magka sundo sa lahat ng bagay. Sometimes may gusto siya na ayaw ko, meron naman na gusto ko na ayaw niya." "Kadalasan sa sitwasyon na ganyan, sila pa ang nagkakatuluyan." "Ewan, kung siguro at malay natin 'di ba?" nag-nod sabay tayo. Nag-paalam muna na lalabas saglit. Pumasok si Zayn, na nakatingin sa'kin. Sumenyas siya na lumapit ako sakanya pero hindi ko ginawa "Kapag tinatawag kita lumapit ka." kusang lumapit sa'kin. "Ikaw ang may kailangan kaya dapat lang na ikaw ang lumapit. Ano ba problema mo bakit mo ko tinatawag,ha?" "Doon ka sa tabi ko maupo." tinuro ang upuan niya na may bakante pa. "Dito na lang ako. Babalik ako sa pwesto namin ni Cedric kapag dumating na siya." "Isa pa 'yan sa pinaalala sa'kin ni Young master. Tumabi ka raw sa'kin hangga't wala pa siya. Mabuti na yung naninigurado." "May mata ka naman 'di ba?" nag-nod. "Kaya mo kong bantayan gamit ang mata. Don't worry, hindi ko magagawang manlalaki dahil stick to one ako sa pagiging single." Ilalabas ko sana ang notebook ng kunin ang bag ko. "Hoy! Zayn, ano ba?! Akina na nga 'yan! Isa, dalawa!" "D.I.T.O K.A" Galit niyang bagsak sa bag ko. Napapapikit na lang ako sa inis. Bakit kasi sunod-sunod siya sa Lalaking Cedric na 'yun. Parang wala siyang sariling desisyon sa ginagawa niya. Wala na kong nagawa kundi tumayo. "Saan ka pupunta?" siyang dating ni Joseph. "Sa tabi ko siya uupo. Ipinag-uutos yun ni Young Master." mapangahas sabi ni Zayn. Tumingin sakin si Joseph sabay thumbs up. "Good luck." tahimik itong naupo saka ipinasak ang head set sa tainga. Binigyan ko ng tatabi-ako-sayo-look. Bago maupo sa tabi niya at kunin ang notebook. Kinapa ko ang loob ng bag pero iba ang nakuha ko. Isang sulat--- galing sa babaeng nagpa-abot nito para kay Cedric. Sobrang curious ako kaya binasa ko. Cedric, Please, basahin mo ito. Ilang sulat pa ba ang ibibigay ko sayo para mabasa mo ito? Kailan ka ba uuwi ng probinsiya natin? Huwag kang mag-alala kapag naisipan mong umuwi hindi ko sasabihin sa Mama mo alam ko naman na sobrang sungit nun. Oo nga pala, tandaan mo mag-pinsan tayo hindi mo na maiaalis ang katotohanan na yun. Ang Daddy mo na humiling na sa'kin ka makipag kita kapag nabasa mo ito.                                             Vangie, Vangie? Ito ba yung Babae nagbigay ng sulat kay Cedric pero sa'kin na lang inabot dahil ayaw tanggapin ni Ced ang sulat na ito? Ang ibig ba nitong sabihin, magpinsan sila? "Anong binabasa mo?" itinago ko kaagad ang sulat ng sumilip si Zayn dito. Pumasok si Professor Tolits may dalang mga papel na makukulay. "Everyone, we need to cut this paper. Kailangan matapos nyo 'yan this day para maipamigay tomorrow." ipinasa bawat row ang papel. Naka sulat sa papel ang event na gaganapin sa susunod na linggo. Sa amin pinagawa dahil marami na rin ginagawa ang ibang department. Mas okay iyon dahil kami rin ang makikinabang dito. Dental Clinic is here for you... Kalahati na yata ang nagagawa ko ng makaramdam ng ngalay sa kamay. Huminto ako tapos nag-gupit muli. Sobrang ingay pa sa loob ng classroom dahil nag-aagawan sila ng kung anong bagay sa harapan. Tumayo ako upang tignan ang ginagawa nila. At hindi ako makapaniwala sa nakita. "Saan galing 'to?" inis kong tanong. "Napulot lang namin ito sa labas. Iyon ang totoo!" someone commented. "Alam nyo ba na pwede ko kayo bigyan ng stub?!" Gigil na pananakot ni Zayn dito. "Totoo sinasabi namin. May nakalaglag lang nito sa labas. Babae iyon, babae ang nakita kong galing sa garden." Pinagmasdan kong maigi ang litrato. Maaaring matagal ng kinuha itong litrato. Ang hindi lang ako makapaniwala ay makita sina Cedric at Marnelie na--- magkayakap sa isang classy restaurant. "May alam ka ba rito?" kay Joseph ako nagtanong. Umiling siya... "Ikaw, Zayn?" Umiling din... "Peps." tawag ko. "Wala akong alam diyan." kalmado niyang sagot. "Ako, alam ko kung bakit may ganyan silang picture." satsat ni Axel kahit hindi ko tinatanong. "Axel!" Sigaw ni Zayn. "Wala kang karapatan maglabas ng katotohanan lalo kung wala rito si Cedric." si Joseph naman ang nagsalita. Litong-lito ako. Hindi ko maunawaan ang mga pinagsasabi nila. Parang may ibig sabihin nga itong litrato na hawak ko ngayon. Sino ba tanga hindi mauunawaan ang nakikita niya. Magkayakap at parang may something talaga sa kanila. Hindi kaya, may relasyon sila dati? O di kaya naman hanggang ngayon ay meron pa rin? Ako'y nalilito. Ako'y nagtataka. May dapat pa nga ba kong malaman sa Lucifer Kingdom at Viper Berus? Pilit kong hinuhuli ang mga mata ng bawat isa. Pero walang mapangahas maliban kay Axel. Tama, kay Axel ,lang ako makakahanap ng tamang sagot. "Hihintayin kita sa puno." syang titig ko kay Axel ng kunin ko ang bag palabas ng room. Ilang minuto rin akong naghintay bago siya dumating. "Ano ang totoo. Tama ba naiisip kong may relasyon silang dalawa?" Bungad ko rito. "Noon pa man may relasyon na silang dalawa pero hindi gusto ni Ced si Marnelie. Ang mapilit lang naman sa relasyon nila yung Mama ni Young Master." "Si Marnelie, anong nararamdaman niya para kay Cedric?" "Magkaibigan. Iyon ang turing niya kay Cedric. Alam kong wala akong karapatan umamin sa buong katotohanan pero para maging aware kana, dapat malaman mo ang lahat. Hindi na bale magalit sa'kin si Cedric at importante masabi ko sayo." "Pero bakit? Bakit mo inaamin sa'kin ang totoo? Anong plano mo? Anong gusto mong mangyari?" Buntong hininga niya kong tinignan. "Dahil noon pa man, may  relasyon kami ni Marnelie." Napatakip ako ng bibig. Seriously?? Si Marnelie at Axel may relasyon? Hindi ako makapaniwala pero parang nagsasabi siya ng totoo. "A-alam ba ni Cedric ang tungkol dyan?" "Lahat ng Lucifer Kingdom at Viper Berus." "Kung ganoon, bakit sila magkasama ngayon? Ano ba talaga ang ginagawa ng dalawa?" "Magkasama sila ngayon sa--- sa Hotel ng Daddy ni Marnelie." kuyom ang kamao nitong pag-amin. "Teka, bakit nasa hotel sila??" "Ina-arrange na ang kasal ng dalawa...." tumalikod sa'kin pagkatapos may pinunasan siyang luha mula sa kanyang mga mata. "Kung hindi nila gusto ang isa't-isa, bakit may kasal na magaganap? Bakit wala ka man lang ginagawa? S-siguro, matatanggap ng pamilya ni Marnelie kung aamin kayo na may relasyon kayo at nagmamahalan." "Hindi ganoon kadali yun." "Bakit ano ba hadlang? Mayaman naman kayo." "Mag-pinsan kami." Halos lumuwa ang mga mata ko sa pag-amin niya sa'kin. "M-mag-pinsan kayo? Eh, talagang hindi pwede yang relasyon nyo. Bawal yan, masama yan." "Pero mahal namin ang isa't-isa." "Pero mali. Magka dugo kayo!" bulyaw ko rito. "Ano bang mali doon, mahal namin ang isa't-isa. Mahal na mahal." "Tandaan mo 'to. Hindi mali ang magmahal, nagiging mali lang kung alam nyong magka dugo kayo tapos tinuloy nyo pa." Iiling-iling niya kong tinignan. "Siguro kaya hindi mabitaw-bitawan ni Cedric si Marnelie dahil may relasyon na talaga sila." "Tingin mo ganoon ang gagawin sayo ng kaibigan mo?" "Pero bakit itutuloy pa rin nila ang kasal!" Natigilan ako. Napa-isip. Kung tama ngang mag-pinsan sila mali na ituloy ang relasyon meron sa kanila pero yung tungkol kay Cedric at Marnelie, bakit nga ba? Bakit hindi binibitawan ni Cedric si Marnelie. Dahil nga ba para paglayuin ang dalawa? "May dahilan si Cedric kung bakit niya ginagawa ito." "Eh ano ba alam mo?!" natahimik lamang ako. "Kung tunay siyang kaibigan sana pumayag siyang kami ang ikasal!" "Tunay na kaibigan siya dahil ayaw niyang masira ang buhay nyong dalawa." "Talaga? Tapos sino makikinabang?" "Wala. Ibig kong sabihin, lahat kayo magiging masaya at maayos ang buhay kung iaayon nyo ang lahat sa gagawin ng bawat isa." "Ikaw, hindi ka ba nagtataka? Sinasabi ni Cedric na mahal ka nya pero balak niyang magpa kasal sa iba." sarcastic niyang sabi. "Walang kaso sa'kin kung iba ang pakasalan niya. Walang kami, wala akong nararamdaman sa kanya, kaya dapat walang----" "Sinungaling! Imposible hindi mo siya nagugustuhan!" niyugyog niya ang magkabilang balikat ko. "Lumayo ka, nasasaktan ako!" "Si Zayn ba gusto mo ha?! May Cristina Go na siya!!" "S-si Tina?" hindi makapaniwala kong tanong. "Ay, tanga. Hindi ba obvious,bakit galit na galit sayo ang miyembro mong si Tina nung nalaman ng lahat na si Zayn ang gusto mo." "Pero-- Bawal sa'min ang magkaroon ng boyfriend." binitawan niya ko. "Matagal ng may relasyon ang dalawa." Kalmado niyang pag-amin."Bakit hindi mo na lang alisin ang Rules nyo? Hindi rin yan masusunod dahil lahat sila magkakamaling magmahal." "Hindi mangyayari yun. Kung may relasyon ang dalawa, sige excepted na yun. Pero tuloy pa rin ang rules ko. Ngayon pa nga lang sobrang issue na ang nangyayari what for kung alisin ko ang rules namin." "Bahala ka. Ikaw din ang kusang susuko. Ikaw din ang gagawa ng rules nyo. Balang araw, isa sa Lucifer kingdom ang mamahalin mo. Kung hindi sa mga gusto mo ngayon, baka sa may gusto sayo." nag-sindi ito ng sigarilyo. "Pumayag kana, mahal na mahal ko si Marnelie. Ibibigay ko sayo si Cedric, basta TULUNGAN mo kong mapunta sa'kin si Marnelie." Dugtong nito. "Mali yang binabalak mo. Bakit hindi na lang natin hayaan ang dalawa kung mahal na ang isa't-isa?" "Wala rin akong mapapala kung makiki-usap ako sayo. Kahit pinsan ko pa siya, ang importante mahal namin ang isa't-isa. Kung sa bagay, wala kapa nga naging boyfriend 'di ba? Kaya siguro hindi mo ko naiintindihan." Galit na galit niya kong iniwan mag-isa. Balewala ang tunay na nararamdaman kung alam nyong magka-dugo kayo. Isang Kasalanan sa Dios ang ipagpilitan ang hindi nararapat. Bumalik na lang din ako sa classroom. Balak ko pa sana tapusin ang ginagawa nguni't hindi na kaya ng mga daliri ko. Tahimik na lamang akong naupo sa tabi ni Zayn. "Hindi mo pa ba tatapusin 'yan? Bukas na natin ipamimigay 'yan." usisa nito. "Ipapahinga ko muna ang kamay ko." kibit balikat niya kong iniwasan matapos kong sabihin yun. Bahagyang maayos na ang daliri ko. Kinuha ko ang gunting at mga papel ng agawin niya ang hawak ko. Kunot-noo ko siyang tinignan. "Ako na tatapos n'yan. Ipahinga mo na lang ang kamay mo." Hmm. Ang gentleman niya, siguro ganyan din siya kay Tina. Speaking of, magkakasundo nga silang dalawa dahil  parehong maangas. "Akina nga 'yang kamay mo. Hindi makakatulong kung hindi mo igagalaw at imamasahe yan." kusa niyang kinuha ang kamay ko upang hilutin. "Ako na," Ngunit ayaw pumayag na ako ang gagawa. Okay, sige. Bahala kana diyan, ginusto mo yan,eh. Baka isipin mo ang Arte ko. Baka isipin mo rin nagmamaganda ako. Ang lambot ng kamay niya. Nahiya ang kamay kong  maraming kalyo. Tsk,  nakakahiya tuloy. "Marami pa siguro ako dapat malaman tungkol sayo." Sa akin? Sa akin? Sa akin? "Mabuti pa si Cedric, kilala na ng lubusan ang mga magulang mo." Ano ba sinasabi ng isang 'to? Huwag ka ngang pa-fall. At ikaw, mag-marupok ( sabi ng isipan ko.) Tumawa lamang ako. "Lakas ng loob ni Cedric para harapin ang magulang mo para lang mapalapit sa kanila." dugtong muli nito. "Gaano na katagal ang relasyon nyo ni Tina?" nabitiwan niya kamay ko. Nawala ang ngiti sa kanyang labi. "Paano mo nalaman, sino nagsabi sayo?" sunod-sunod nitong tanong. "Si Axel." ako na nagmasahe ng kamay ko. Walang salita itong tumayo at lumabas ng room. Mayamaya lang tumatakbo si Erdem papasok. "LK, nagsusuntukan sina Axel at Zayn sa ibaba! Dalian nyo!" sa lakas ng sigaw niya nakuha ko rin tumayo para tignan ang dalawa. Naabutan namin pinagsasapak ni Zayn si Axel habang nakasandal sa isang poste. Inawat nila Joseph at Calvin si Zayn, habang sina Erdem at Frankie ay inalalayan si Axel. Nakuhang sapakin ni Peps sina Zayn, at Axel dahil sa ginawa ng dalawa. "Ano ba akala nyo sa mga sarili nyo,ha?! Ipinapakita nyo sa mga tao rito na nagiging cheap ang Lucifer kingdom. Zayn, Axel, ano bang pinag-aawayan nyo at muntik na kayong mag-p*****n ha!?" gigil na gigil sabi ni Peps sa dalawa. Walang sumasagot. Sa akin nakatingin sina Zayn, at Axel. "Reign, anong kinalaman mo rito?" kalmado tanong sa'kin. "Ako? W-wala---" "Sinungaling! Bakit mo sinabi kay Zayn na sinabi ko sayong may relasyon sila ni-----" duro sa'kin ni Axel pero humarang si Joseph. "Bago mo sana sisihin si Reign dito, hindi ba dapat ikaw muna dahil Inamin mo sa kanyang may relasyon ang dalawa." sarcastic tanong ni Joseph dito. "Ano 'to?! Pinagkakaisahan nyo ba ko?!" "Umayos ka, Axel. Wala rito si Cedric para itama 'yang gawa mo." singhal ni Calvin. "Bro, pati ba naman ikaw? Frankie, oh baka pati ikaw kakampihan ang mga 'yan?!" Lumapit sa kanya si Frankie. "Bro, umuwi kana lang." dinampi niya ang kalikat ni Axel pero tinabig din nito. "Si Cedric lang ang nakaka-unawa sa'kin." malungkot niyang paalam sa'min lahat. "Oh! Ohh! Umalis na kayo, tapos na ang eksena!" Bulyaw ni Peps sa mga tao. Naiwan ako kasama ang Lucifer kingdom. Lahat sila nakatingin sa'min ni Zayn. At tila, hinihintay ang tamang kasagutan mula sa'min dalawa. Dumating ang araw ng Party. Kinakabahan man ay pinilit ko pa rin sumama sa Lucifer kingdom para harapin ang Ventura Family. Walang kaalam-alam ang buong Viper Berus sa binabalak namin. Okay na rin iyon, kaysa madamay pa sila sa away namin. "Huwag kang lalayo sa amin ni Erdem." bulong ni Peps. "Sige." kabado kong tugon. "Tandaan mo, ikaw ang purtirya ni Wesley." "Oo," "Kapag aalis ka, magpapasama ka isa sa amin. Naiintindihan mo ba?" "Yes." "Look, Reign. Malawak itong bahay nila Wesley. Sa likod ng bahay may isang bahay pa, doon nakatira ang magulang niya. May pool area rito sa gilid ng bahay. Doon gaganapin ang party. May limang CR ang bahay dito. Ang dalawa nandito lang sa sala, ang tatlo nasa itaas ng bawat kwarto. Iwasan mong huwag kang aakyat sa itaas para mag-Cr. Hanggat maaari dito sa Sala ka mag-ccr." "Nauunawaan ko." "Isa pa, huwag ka basta-basta tatanggap ng Juice o kahit anong inumin mula sa ibang tao. Kami lang nila Joseph, at Zayn ang gagawa nun." "Bakit?" bulong ko. "Mabuti na yung nakaka siguro. Hindi natin hawak ang utak ng mga tao rito." "Sige-- hindi naman ako iinom ng juice o wine,eh." Nag-nod sa akin. Darating sina Wesley kasama si Zen. "Bakit nandito ang babaeng 'yan? Akala ko ba wala na silang relasyon? "Yun din ang akala ko." bulong din sa'kin. "Peps, huwag mo ko iiwan dito,ha?" paki-usap ko sa kanya. "Oo naman, bestfriend ka ni Shien kaya hindi kita pababayaan." "Ganoon? Kung hindi mo pala GF si Shien, hindi mo ko tutulungan?" "Hindi,ah. Ede na lagot ako kay Cedric. Ayan na sila, kalmado lang, huwag pahahalata." "Hi, Reign. Hello, Peps. Nasaan ang ibang Lucifer kingdom?" nakuha pang landiin ni Zen si Peps. "Alisin mo yang kamay mo." Matapang niyang paki-usap. "Ang sungit." Sa akin na ipinukol ang tingin. "Wesley, hindi mo sa akin sinabi na kasama pala sa guest list ang isang ito?" "Honey, automatic dapat alam mo na yun." Akbay nito kay Zen. "Sige-- mag-iikot-ikot lang kami rito." bastos kong paalam sa dalawa. Hinatak ko si Peps palayo. "Doon tayo sa pool area." Hatak sa akin palabas. Pool area.... "Ang boring ng party nila." bulong ko. "Ano ba inaasahan mo sa party?" "Syempre, may sayawan,kantahan,at inuman." gasgas kong sagot. Humalakhak naman ito. "Anong nakakatawa?" "Hindi uso sa pamilya ni Wesley ang ganyan na set-up. Pataasan ng ihi, meron. Tignan mo ang mga yan. Magka-kamag-anak pero nagyayabangan." "Bakit pa nandito tayo kung Ventura Families lang ang nandito?" "Take it easy." Kitchen area... "Nasaan ba sina Zayn, at Erdem? Akala ko ba susunod sina Frankie, Joseph, Axel, at Calvin?" Naiinip kong tanong. "Si Zayn, nakikipag-usap sa magulang ni Wesley. Si Erdem ,kausap ang ibang business partner nila na nandito rin. Ang apat, papunta na yun, baka traffic lang." "Alas nuebe pa lang. Anong oras ba matatapos ang party?" "Within twelve to one o'clock." "Ang tagal. Feeling ko, habang patagal ng patagal lalo  akong kinakabahan sa mga posibleng mangyayari." "Take it easy." Iiling-iling na lang ako. "Mag-Ccr lang ako," "Samahan kita." "Sige." Dumating ang isang lalaki at babae palapit sa amin. "Peps? How are you? Nandito ka rin pala, kamusta ang parents mo?" masayang bati ng babae. "Okay naman po,Tita. So far nagiging maganda ang takbo ng company namin dahil sa maliit na shares nyo." nakangisi sagot nito. "Good to hear." tumingin sa akin ang dalawang kausap niya."Pwede ba tayo uminom ng wine? Marami pa sana akong babanggitin tungkol sa business natin." Tumingin sa akin si Peps. "Sorry,Tita but---" "It's okay. Okay lang ako Peps. Sa Cr lang ako pupunta dito lang, babalik kaagad ako. Sige na," Lumapit sa akin ng sobrang lapit. "Bumalik kaagad,Okay?" "Oo, sige." lumabas sila ng kusina. Habang ako hinahanap ang isang Cr na sinasabi ni Peps na nandoon sa Sala. Nahanap ko kaagad ang Cr na isa pero mahaba rin ang pila. Siguro mga sampu pa ang gagamit. Hello~ kanina pa ko ihing-ihi. Umalis ako roon at hinahanap ang nag-iisa pang-Cr. Nakita ko ito ngunit may nakapaskil na out of order. "Malas." "Iwasan mong huwag kang aakyat sa itaas para mag-Cr. Hanggat maaari dito sa Sala ka mag-ccr." Hindi ko na talaga kayang tiisin. Bakit ngayon pa kung kailan ang daming tao,eh. Hays, "Iwasan mong huwag kang aakyat sa itaas para mag-Cr. Hanggat maaari dito sa Sala ka mag-ccr." Hinagilap ko sina Zen at Wesley. Abala ito sa mga kausap. Mukhang hindi nila malalaman na Aakyat ako sa itaas. ""Iwasan mong huwag kang aakyat sa itaas para mag-Cr. Hanggat maaari dito sa Sala ka mag-ccr." Ugh. Kung wala ngang available na Cr dito sa sala, eh. Uhm, Go, Reign! Bilisan mo na lang mag-Cr para hindi ka mapahamak. Tama, tama. Wait, ite-text ko si Peps. "Out of order, marami naka-pila rito sa Cr. Aakyat ako, sunod ka." Pagkatapos ko i-send umakyat ako para harapin ang tatlong Cr. Yung unang nadatnan ko naka-lock siguro may tao. Naghintay ako pero sinabi ng kasambahay na may tao nga diyan pero hindi pinagagamit sa iba. Kaya umusad pa ko sa isang Cr, malapit sa bintana. Thank you Lord. Bukas, makakapag-Cr na ko. Nang inilabas ko ang dapat ilabas ay nag-hilamos muna saka nag-Liptick muli. Saktong may kumakatok sa pinto ng Cr. Ang bilis ng pagkaka katok. "Wait lang, may tao!" sigaw ko ngunit tuloy-tuloy lang sa pagkatok. Tinapos ko muna ang lahat bago buksan ang pinto. Nakasimangot akong lumabas ngunit walang tao. Nakakapagtaka, na inip siguro kaya sa kabilang banyo nag-Cr. Lumabas na ko, napansin kong nakalaylay ang I'd lace sa bag ko kaya inayos ko muna habang naglalakad. Sa  hindi inaasahan, may naka bangga ako, natitiyak kong Lalaki dahil malaki ang pangangatawan. Si Peps, tama si Peps, sinundan niya ko. Paglingon ko, HINDI... HINDI SI PEPS ANG NASA HARAPAN KO NGAYON. "Pag-sine-swerte ka nga naman...." Hinablot niya ko palapit sa kanya hanggang sa may itakip sa ilong ko na isang panyo. Ang baho ng amoy, parang nahihilo ako. Nararamdaman ko rin namamanhid ang mga kamay at paa ko hanggang sa ipikit at mawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD