Joseph's POV
"Handa nyo sarili nyo." Paalala ni Calvin sa amin lahat ng pumasok sa loob ng bahay nila Wesley.
Maraming tao ang nandito sa garden, habang papasok kami sa loob nakasalubong namin si Peps. Hingal na hingal itong tumingin sa amin. Hawak nito ang cellphone.
"S-si Reign...." hindi maituloy ang sasabihin. Kaagad akong kinabahan.
"Anong nangyari?" Kalmadong tanong ni Zayn ng lumapit sa amin.
"Nawawala si Reign." halata sa kanya ang pag-aalala.
"Di ba kasama mo lang siya kanina?!" inis na tanong ni Zayn.
"M-may kinausap akong tao, pero hindi ko naman alam na sa itaas siya mag-Ccr. Nag-text siya pero...huli na, hindi ko na siya nadatnan sa itaas."
"Buwisit!" sigaw ko.
"Maghiwa-hiwalay tayong lahat." utos pa rin ni Zayn sa amin lahat.
Dumating si Erdem na nagtataka.
"Anong nangyayari?"
"Samahan mo ko hanapin si Reign, nawawala siya."
"Nawawala?" tumingin-tingin sa paligid. Ang iba hinahanap na rin si Reign.
"Oo, tara sa itaas."
"Teka, sigurado ba kayong nawawala siya? Nakita ko siyang umakyat ng kwarto sa Ikalawang palapag,eh."
"Oo nga, doon siya nawala. Palagay ko may kinalaman si Wesley dito."
"Tama ka, hindi ko na kasi nakita si Wesley ng umakyat si Reign sa itaas. Hindi kaya-- nasa bawat kwarto siya?"
Kinabahan na ko ng husto. Nagmamadali akong umakyat sa itaas pero humarang ang dalawang kasambahay. Inis kong itinulak ang dalawa pero mapilit sila.
"Sorry po, Sir pero hindi po kayo pwede umakyat dito sa itaas dahil nililinis pa namin ang mga kwarto." sabat ng isa.
"May hahanapin lang kami!" sigaw ni Erdem.
"Palagay ko po, wala rito ang hinahanap nyo mga Sir. Bumaba na kayo baka abutan tayo ni Sir Wesley. Magagalit po sa amin iyon kapag nakita nilang nandito kayo."
Kunot-noo kong tinitigan ang mata ng isa. Todo iwas itong tumitingin sa kasama pa niyang kasambahay.
"Kung wala kayong itinatago sa'min padaanin nyo ko!" Bulyaw ko.
Sa takot nila ay muntik na kami padaanin pero lumabas si Wesley mula sa isang kwatro. Palapit siya sa amin at inutusan ang mga kasambahay na umalis na. Sumenyas ako kay Erdem na pumasok sa kwartong pinanggalingan niya.
"Ilabas mo si Reign." inis kong bungad.
"Reign? Teka, hindi ito hanapan ng mga nawawalang tao."
"Alam kong itinago mo siya!"
"Sorry but sorry, wala akong alam sa mga sinasabi mo."
Nasulyap ako sa likuran ni Wesley. Sumenyas sa akin si Erdem na wala roon ang pakay namin. Masamang nag-tinginan kami ni Wesley bago kami bumaba ni Erdem.
"Saan natin siya hahanapin?" mahinang bulong sa akin ni Erdem.
"Sa ibaba, hanapin muna natin ang lahat para makapag-usap ng maayos."
Nagkita-kita kaming lahat sa isang bakanteng lugar. May pa-ilan-ilan dumarating pero balewala ito. Ang mahalaga, mapag-usapan namin ang gagawin.
"Wala siya sa kitchen area." Frankie.
"Sa Sala rin." Calvin.
"Kahit sa mga kwarto sa ibaba, hindi ko rin nakita." Peps.
"Sa pool area, wala rin." Zayn.
"Sa itaas din tinignan namin ni Joseph, pero wala,eh." Erdem said.
"Nagpunta ako sa harap at likod ng bahay pero wala akong nakitang Reign. Sigurado ba kayong nawawala siya? Baka naman umalis na." sarcastic sabi ni Axel.
"Nag-text sa'kin si Reign. Hindi basta-basta aalis yun na walang paalam." pagtatama ni Peps dito.
"Kung ganoon nasaan siya?" patuloy na tanong ni Axel.
"Tinignan nyo na ba ang kabilang bahay? Ang bahay mismo ni Wesley."
Sabay-sabay kaming lahat lumingon sa 'di kalayuan para tignan ang malaking bahay mula sa likod ng bahay na kinatatayuan namin. Malakas ang kutob namin lahat na nandoon lamang siya at bihag ni Wesley. Hindi kami nag-aksaya ng oras, pinuntahan namin ang bahay nguni't wala nang mga tao rito. Marahil ay hindi pinagamit ni Wesley dahil alam niya ang plano. Siguradong nandiyan si Reign, itinatago niya.
"Mga Sir. Pasensiya na,pero hindi po kayo pwede rito. May isinasagawang meeting ang business partner nila sir Wesley." bungad ng kasambahay.
Itinulak ni Axel ang kasambahay dahilan para makapasok kaming lahat sa loob mismo. Walang mga tao, nasaan diyan ang meeting na sinasabi.
"Maghiwa-hiwalay tayong lahat. Joseph, sumama ka sa akin sa itaas, pati na rin ikaw Axel." utos samin ni Zayn.
Patakbo namin inakyat ang hagdanan. Sa pagtapak namin sa huling baitang may humarang na sa amin. Kaagad kami kumilos at nakipag-laban sa tatlong Lalaki.
Halos sabay namin pinatumba ang kaaway hanggang sa madatnan pa namin ang anim na Lalaki naka bantay sa isang kwarto. Malakas ang kutob kong nandito si Reign.
Gaya pa rin nung una, nakipag-laban kami hanggang sa mapatumba ang kalaban. Binuksan ko ang pinto pero may pumukpok sa ulo ko, dahilan para mabuwal ako at sumandal sa pader. Pinapanuod kong nakikipag-suntukan sina Zayn at Axel sa limang Lalaki. Pilit kong iginagalaw at tumayo papasok sa loob ng kwarto. Hindi ako nabigo sapagkat nakapasok kaagad ako pero...wala rito si Reign.
Pumasok sina Calvin, at Frankie.
"Nasaan?" inis na tanong sa akin ni Frankie.
"Wala rito, nilinlang tayo ng mga kasama ni Wesley." sagot ko.
"Hanapin natin sa ibang kwarto!" Sigaw na utos ni Calvin.
Inalalayan ako ni Frankie.
"Kaya pa ba?"
"Oo, malayo ito sa bituka."
Nag-kanya-kanya na kaming hanap sa bawat kwarto. Mahigit dalawangpu ang kwarto rito. Paano namin mahahanap si Reign ng ganoon kadali.
Pagpasok ko sa isang kwarto. Ibig kong sirain ang pinto dahil sa mga nakita ko. Si Wesley, walang suot na damit. Nakapatong kay Zen. Sa inis ko ay sinipa ko siya ng malakas dahilan para bumuwal ito sa sahig. Gigil na gigil kong tinignan si Zen habang nagsusuot ng damit. Sinapak ko itong si Wesley na walang kalaban-laban.
"Nasaan si Reign! Nasaan!!!!"
Humalakhak , "Tingin mo ba ibibigay ko kaagad sainyo ang babaeng 'yun? Hindi ako kasing bobo tulad nyo!"
Isang sapak ang ginawa ko.
"Kapag hindi mo sinabi sa akin, bubugbugin ko si Zen!"
"Gawin mo." sarcastic niyang hamon.
"Anong sabi mo Wesley??" Iritable satsat ni Zen sa kanya.
"Wala ka rin kwenta." sabay tayo nito para suntukin si Zen pero inunahan ko ito ng suntok sa tagiliran.
"'Yan ba ang dapat mong pagkatiwalaan?" Inis kong tanong kay Zen. "Akala ko ba naman nagbago kana simula ng sirain mo ang pagka kaibigan nila Peps at Cedric. Hindi kapa na kontento pati si Wesley pinatulan mo!"
Nakayuko lang siya habang isinusuot ang kanyang damit pang-itaas. Gusto ko siyang sumbatan pero hindi ngayon, kailangan kong mahanap si Reign.
Humalakhak ng malakas si Wesley. Tila pinahihiwatig nitong mayroon nangyari masama. Tinitigan ko siya ng masama.
"Ubusin nyo ang oras nyo sa mga walang kwentang bagay. Sa mga oras na ito, nakuha na namin ang dapat sa amin. Tignan ko lang kung ano magiging reaksyon ni Cedric kapag nakuha namin yun." sarcastic nitong sabi.
Kinuwelyuhan ko."Sabihin mo kung nasaan siya kundi hindi kana sisikatan ng araw."
Humalakhak na naman."Hanapin nyo." Tumingin sa relo."Sa mga oras na ito baka may ginagawa na mga tauhan ko para pahirapan siya....ahhhh,hindi para paligayahin."
Sa gigil ko nagawa kong paulanan ng suntok hanggang mawalan ng malay. Iyan lang pala ang katapat niya para mawalan ng malay. Tsssk, nauubos ang oras ko sa mga walang kwentang tao.
"Joseph, nakita na namin siya!" siyang pasok ni Peps.
Nagtataka man ito dahil nakita niya si Zen,at si Wesley na walang malay ay binalewala na lang niya ito. Importante rin sa kanya si Reign, siguro malalagot siya sa kaibigan niya at kay Cedric kapag may nangyaring masama rito.
Pumasok kami sa isang kwarto. Nakahandusay sa lapag ang tatlong Lalaki habang si Reign nakahiga sa kama walang malay. Wala siyang suot na damit,tanging kumot lang ang nagsisilbing saplot upang maitago ang buo niyang katawan.
"Naabutan namin ganyan na ang itsura ng mga yan." Bulaslas ni Calvin.
"Sino ba sa tingin nyo gagawa nito?" Nagtatakang tanong ni Erdem.
"Kung isa sa atin malamang aaminin natin 'di ba? Baka si Reign na mismo gumawa niyang tapos----"
"Kabobohan," siyang sabat ni Axel sa sinasabi ni Frankie. "Magagawa pa ba niyang makipaglaban kung ganyan ang itsura niya?!"
"Huwag na nga kayo mag-away-away! Ang mabuti pa suotan ninyo ng damit 'yan bago magising si Wesley." inis utos sa'min ni Zayn.
Lahat kami nagtinginan. Iniisip namin kung sino ba ang maaaring magsuot sa kanya ng damit. Puro mga Lalaki kami,
"Lumabas kayo. Ako ang bahalang magsuot sa kanya ng damit niya." rinig namin ang takong ni Zen papalapit sa kama.
Hindi namin pwede pagkatiwalaan ang isang ito.
"Tatawagan ko si Shien." tatawagan sana ni Peps sa cellphone pero inagaw ni Zayn.
"Hindi ka nakikinig kay Cedric. Paano kung madamay dito ang girlfriend mo?"
"Walang iba gagawa nito."
"Hayaan natin si Zen ang bahala sa lahat."
"Nawawala kana ba sa katinuan?! Si Zen pa ang pinagkatiwalaan mo."
"Bakit hindi? Huwag mo sabihin sa'kin Peps na bitter kapa rin sa kanya?" nakita kong umismid si Zen matapos sabihin yun ni Zayn.
"No way!"
"Then hayaan natin siya."
Hindi ko matiis na hindi sumingit sa usapan nila. "Peps is right. Kakampi siya ni Wesley, kung hahayaan natin siya sa gagawin kay Reign parang sinasabi natin pinagkakatiwalaan natin ang kaaway."
"Narinig mo kung ano sinabi sa'kin ni Wesley, now I know, ginamit lang niya ko. Hayaan mong gawin ko ito para makabawi man lang kay Reign." hindi ako makombisi sa sinabi ni Zen sa akin.
"Lumabas na kayo. Bibihisan ko siya,tatawagin ko na lang kayo kapag tapos na." Dugtong niya.
Nagsulyapan kaming lahat. At bawat isa ay lumalabas para bigyan ng pagkakataon si Zen na bihisan si Reign. Pero ako, nanatili rito sa loob.
"Balak mo?" sarcastic niyang tanong
"Dito lang ako, hanggang sa matapos ka sa gagawin mo." naka-cross arm akong tumalikod sa kanila.
"Napaghahalata kang mahal mo pa rin si Reign. Bakit nagawa mo makipag-relasyon sa iba kahit siya pa rin ang mahal mo? Hindi ka ba natatakot na baka malaman ni Nicole ang tungkol dito? Paano na nga kung malaman niyang ginagamit mo siya para iwasan ang dati niyang kaibigan."
Mariin kong hinawakan ang braso ko. Gusto ko siyang harapin pero hindi ko magawa dahil abala pa rin ito kay Reign. Kung hindi dahil kay Reign baka napatulan ko na 'to.
"Pero infernes dito kay Reign makinis siya,ha? Kaya lang...."
Kunot-noo kong hinintay ang susunod niyang sasabihin.
"Anong kaya lang?" hindi ko maintindihan niyang satsat.
"W-wala."
"Sabihin mo kung ano nakita mo kung ayaw mong patulan kita." pananakot ko.
"Hindi mo maiintindihan kahit sabihin ko sayo. Okay, tapos ko na siyang bihisan."
Dali-dali kong hinarap ang dalawa. May suot na ngang damit si Reign habang si Zen parang may malalim na iniisip palabas ng kwarto. Sunod-sunod pumasok ng kwarto ang mga kasama ko.
"Buhatin na natin si Reign." panimula ni Calvin kay Frankie.
Nakatingin lamang ako sa dalawa habang buhat ni Calvin si Reign at si Frankie naka-alalay lang. Muli akong nalingon sa pwesto ni Zayn na tila may malalim ding iniisip. Naisip kong nag-aalala nga ba ito kay Reign o may iba pa siyang naiisip?
Palabas na sana ako ng kwarto ng mapansin ang pulang bahid sa kama. Pareho kami nagka-gulatan ni Zayn ng mapansin kong nakatingin din siya sa kama. Mukhang kuha na namin ang nangyari. May chance na galaw ng kung sino si Reign. Dapat namin malaman ang totoo,kundi malalagot kami nito kay Cedric.
Next day,
"S-sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo?" hindi kumbinsidong tanong ni Nicole sa'kin.
"Hindi ako sure pero...isipin mo, bakit ba nagkaka roon ng bahid sa isang kama?"
"Malisyoso ka rin noh? Malay natin kung may menstruation lang."
Tumingin ako kay Zayn, hinihintay ko kung ano masasabi niya tungkol dito.
"Si Zayn, nakita rin niya." muli kong sabi.
Pareho kami tumingin kay Zayn.
"Hindi pa tayo sigurado. Sana lang ay menstruation lang." sabi niya.
"Paano natin malalaman na may gumalaw sa kanya? Lagot tayo kay Cedric kapag nagtanong siya kung ano nangyari nung party."
"Ede huwag nyo na lang sabihin. Saka, kung totoo man na may gumalaw kay Frenny tingin ko hindi niya ipagsasabi yun sa iba."
"Paano kung si Wesley ang magsabi?" si Zayn. Lahat kami natahimik at nag-isip.
Rinig kong bumuntong hininga ang dalawa bago ako tumayo.
"Saan ka pupunta?" si Nicole.
I smiled,"Kukuha lang ako ng coffee."
"Sasama ako,"
"Hindi na. Samahan mo muna si Zayn,baka mainis mag-isa iwan tayo." Humahalakhak kong sabi.
Maraming tao ngayon sa cafeteria. Ang lahat ay abala sa ginagawa, nagkaka-ingay at iba ay ayos lamang. Gumawa ako ng sariling cappuccino para sa aming tatlo. Mayamaya pumasok ang isang estudyante na nagtra-trabaho rito. Nakangiti ito habang nakatingin sa akin.
"Sir Joseph,"
"Yes?"
"Siya po ang leader ng Viper Berus 'di ba?" itinuro si Reign malapit sa entrance. Abala itong nagbabasa ng libro.
"Siya nga." Magiliw kong banggit."Ah,Phoebe, pwede ba gumawa ka pa ng isang cappuccino para sa kanya?"
"Ah! Sige po, sige po. Gagawin ko na."
Lumabas ako upang lapitan sa pwesto pero lumapit ang mga Viper Berus para samahan siya sa table. Umatras muna ako at hinintay na umalis isa-isa ang lahat bago muli akong lumapit sa kanyang pwesto. Matinding gulat man ang namayani sa kanyang itsura ay pinilit nitong ngumiti.
"Kamusta?" tanong ko ng tumabi ako.
"Okay lang, parang hindi tayo nagkikita." natatawa nitong sambit.
Sakto parating si Phoebe para ibigay sa kanya ang cappuccino.
"Hindi ako omorder niyan."
"Libre ko sayo." nakangiti kong sambit.
"S-salamat." umalis kaagad si Phoebe matapos ligpitin ang ginamit nitong tasa.
Nag-sip kaagad si Reign bago tumingin sa'kin.
"Kamusta pala si Cedric?"
Kunit-noo ko siyang ningitian.
"Bakit mo na tanong?" nagtataka kong tanong.
"Hindi ko alam pero...siguro dala lang nang pagkahilo kaya na imagine kong nakita ko siya."
"Si Cedric? Imposible yun." pero posible mangyari yun. Si Cedric, marami pwede magawa kahit sobrang busy pa niya.
"Tama ka, imposible nga yun. Abala yun ayusin ang kasal nila ni Marnelie." muli itong humarap sa libro.
"Alam mo, kung hindi ko alam na gusto mo si Zayn, ang iisipin ko, si Cedric ang mahal mo." nasamid ng wala sa oras ang kausap ko.
"Hmm... Ano ba yang pinagsasabi mo. Grabe ka, bakit ko gugustuhin ang hambog na gangster na yun?"
"Oo nga, bakit mo magugustuhan,at bakit hindi 'di ba? Si Zayn nga nagustuhan mo pero gangster din siya. Si Cedric pa kaya na humaling na humaling sayo. Lahat gagawin niya makuha ka lang."
Nawalan kami pareho ng kibo. Bago niya buklatin ang libro ay nagsalita siya.
"Actually, hindi ko talaga alam kung nandoon siya nung araw ng party. Feeling ko kasi, siya talaga yun."
"Pero...bakit siya pupunta 'ron kung alam niyang abala nga siya sa kasal nila ni Marnelie?" Malungkot niya kong tinitigan bago ubusin ng diretso ang cappuccino.
"Baka nagha-hallucinate lang ako nun. Mauna na ko sayo, may pasok pa ko ngayong gabi." iniwan niya kong nag-iisa bago ako bumalik sa pwesto namin nila Nicole.
"Bakit ang tagal mo bumalik?" bungad ng girlfriend ko.
"Nakita ko siya." Ibinaba ko ang mga cappuccino.
"Oh, ano? Tinatanong mo ba siya?" atat na tanong ni Zayn.
"Of course not! Hindi sasagot yun kapag Lalaki ang magtatanong--- bakit hindi na lang ikaw GF ang magtanong?" syang titig ko kay Nicole?
"Ako? Sa akin kapa nakiusap. Alam mo naman na hindi pa kami okay ni Frenny, baka kung ano gawin sa'kin nun at baka kung ano pa sabihin na nakiki-alam ako sa buhay nya. Awat na ko sa away namin."
"Eh,sino? Sino pwede magtanong sa kanya tungkol dito?"
"Si Shien." seryoso siwalat ni Zayn.
"Tama! Si shien nga! Malapit ang dalawang yun sa isa't-isa. Tingin ko nga hindi sila naglilihiman,eh."
"I-consult muna natin yan kay Peps. Baka hindi niya gustong madamay ang girlfriend niya sa ganyang issue." sabi ko.
"Bakit pa?"
"Kung kay Peps na lang natin sabihin ang tungkol dyan, para payagan niya si Shien sa plano natin." naiisip ni Zayn.
"What if sabihin ni Peps ang tungkol dyan kay Cedric?" kinakabahan sabi ni Nicole.
"Hindi niya gagawin yun dahil alam niya kung paano magalit ang isang yun. Ako nang bahala, tatawagan ko siya ngayon." kinuha ni Zayn ang cellphone.
Tinawagan niya si Peps. Ilang minuto sila nag-usap ni Zayn para ikwento ang nangyari at plano. Saka niya ibinaba ang cellphone ng nakapag-usap sila ng masinsinan.
"Ano sabi?" sabay namin tanong.
"Payag daw siya. Basta, hindi damay si Shien kung ano raw ang mangyari. Aalamin lang daw ni Shien tapos bahala na raw tayo."
Gabi ng maisipan kong gamitin muli ang Cannondale Bycles. Hindi ko lang alam kung saan ako pupunta. Nang madaanan ko ng hindi sinasadya ang store na pinapasukan ni Reign ay naisipan ko na rin ihinto ang bike para pumasok.
Wala pa yata ang mga paa ko sa loob ng marinig ko ang galit na boses ni Reign sa isang Lalaki na nasa counter.
"Hinahayaan kita mamili ng mga paninda namin pero kung kabastusan lang ang sinasabi mo,pwede kana lumabas!" Bulyaw ni Reign dito.
"Miss, customer ako rito, baka nakakalimutan mo."
"Alam ko, at hindi ako tanga! Pero yung kung umasta ka parang binili mo lahat ng paninda rito talagang hindi customer ang tingin ko sayo. Hihintayin mo pa ba na damputin ka rito ng pulis bago ka umalis?!"
"Bakit tatawag ka ng pulis, wala akong ginagawang masama!"
"Wala? Tignan mo yang mga kinalat mo sa lapag! Sinira mo pa tubig machine namin. Yang mga lumalabas sa bibig mo na kabastusan pwede ko rin sabihin sa mga pulis pagdating dito." kinuha ni Reign ang cellphone pero inagaw ng lalaki.
"Wala ka rin respeto. Tinatanong kita pero nakasimangot ka at nakasigaw kung sumagot!"
"Ibigay mo sa'kin yang cellphone ko."
"Humingi ka muna sa'kin ng paumanhin."
"Ano ka siniswerte??"
"Ayaw mo? Sige, magkakalagas-lagas yang buto mo katulad ng gagawin ko rito sa cellphone mo!!!" walang pakundangan inihagis ng Lalaki ang cellphone ,pagkaraan ay lagas ang cellphone.
Lumabas sa counter si Reign para sugurin ang Lalaki. Patakbo ko siyang inawat palayo sa Lalaki.
"Bitawan mo ko, papatayin ko yang Hayop na yan!!!" Gigil na gigil niyang sabi sa'kin.
"Ako na ang bahala rito." Mabuti at nakinig sa akin. Nilapitan ko ang Lalaki na nakahalukipkip.
Hindi maipinta ang pagmumukha ng makita akong nakisawsaw sa away nila.
"Bayaran mo yang nasira mo." kalmado kong utos.
"At Bakit, sino ka ba?!"
"Hindi mo na kailangan malaman kung sino ako, ang dapat mong gawin ay bayaran ang nasira mong cellphone bago ko masira yang buhay mo." warning ko sa kanya.
"Paano kung ayoko? Ano magagawa mo sa buhay ko para masira mo. Bakit boyfriend ka ba ng panget na babaeng yan,ha?!"
"Sinabihan mong panget si Reign??" Binaling ko ang leeg sa kanan at kaliwa bago siya sipain sa dibdib.
Isang sipa lang pero nawalan kaagad ito ng balanse para makatayo pa.
"Hindi mo talaga nakikilala kung sino kinakalaban mo. Gangster yang sinabihan mong panget, at itong nasa harap mo, gangster na pumapatay ng tao."
"G-gangster k-kayo?? H-hindi--- hindi ko alam. P-pasensiya na! Heto---heto ang bayad ko sa---sa cellphone! Heto!" parang nakakita ito ng multo dahil halos bumahag ang buntot niya ng malaman niya ang totoo.
Matawa-tawa ako ng halos mabuwal yung Lalaki kakatakbo palabas ng store. Lumapit ako kay Reign pagkatapos pinulot ko ang mga lilibuhin perang papel.
"Heto ang pambili mo ng bagong cellphone. Ikaw lang ang tao rito?"
"Oo, pumasok si Shien ng umaga."
"Nasaan ang ibang kasama mo?"
"Day-off."
"Dapat marami kayo nagtitinda, lalo nga't 24/7 ang store nyo. Pwede mo i-suggest yan sa boss mo."
"Ganoon na nga. Mabuti na lang dumating ka."
"Paano kung hindi. Dapat may boyfriend kana na handa kang samahan at ipagtanggol." kagat labi niya kong iniwasan ng tingin."Hindi ko sinasabi ito para mag-boyfriend ka ng ibang Lalaki, nandito naman ako para sayo."
"Joseph."
"Handa kong iwan si Nicole para sayo." heto na ang chance para umamin muli sa kanya. Hindi ko na yata kakayanin ang nararamdaman ko para sa kanya.
"Huwag mo sirain ang pagkakaibigan namin na matagal ng sira."
"Grabe, ginusto ko bang masira kayong dalawa? ang gusto ko lang ay ikaw, walang iba. Gustong-gusto kita, mahal na mahal."
"Iba ang gusto sa mahal,Joseph. Ang gusto, dahil gusto mo lang siya makita. Ang mahal hindi mo kaya siyang mawala at saktan."
"Exactly what I did. Hindi kita kayang mawala at saktan."
"Talaga? Bakit mo jinowa ang Frenny ko kung ayaw mo kong saktan?" maiiyak niyang sabi.
"Nasasaktan na ba kita?" Umiling."Kung hindi kita nasasaktan bakit feeling ko mahal mo na ko."
"Hindi kita mahal." Diretso niyang pag-amin.
"Pero mahal kita. Alam kong nasasaktan ka dahil naging kami ng Frenny mo. Kaya ko siyang iwan para sayo."
"Paano ang nararamdaman niya. Siya naman ang masasaktan kung hihiwalayan mo siya. Hindi ka ba nag-iisip? Kung talagang ayaw mo kong mawala at saktan,sana hindi mo na lang siya jinowa."
"Iiwan ko siya." Mariin kong sabi.
"Tama na."
"Gagawin ko ito dahil mahal kita."
"MAHAL MO ANG ANAK KO?" Sabay kami lumingon ni Reign sa pintuan ng store.
"M-mama, kanina ka pa ba diyan? Kailan pa kayo umuwi? Si Papa ba kasama mo?"
"Narinig ko ang sinabi mo, Mahal mo si Annie??" sa akin pa rin nakatingin ang Mama niya.
"Ma,"
"Tinatanong kita. Sino ka ba? Bakit ngayon lang kita nakita kasama si Annie?"
"K-kaibigan po ako ni Reign."
"Annie, Nasaan si Cedric? Siya lang ang kilala kong kaibigan mo at saka kay Cedric ka lang."
"Ma, ano ba?"
"Magtatapos muna ng pag-aaral ang anak ko. Pagkatapos, magpapa kasal siya kay Cedric."
"Ma, ano ba?!"
"Kaibigan din po ako ni Young Master."
"Talaga? Hindi ka ba nahihiya sa kaibigan mo? Alam mo naman 'di ba na may gusto sa kanya si Cedric bakit pati ikaw humahabol sa anak ko?"
"Mahal ko po si Reign."
"Pasensiya na ijo. Hindi pa gaano malalim ang nararamdaman mo para sa anak ko. Mukha ka naman pormal na tao kaya hindi ka mahihirapan makahanap ng papalit sa kanya."
"Ma, pwede ba?" Tumingin sa'kin."Umalis kana, mag-usap tayo bukas." itinulak niya ko palabas ng store.
Madali itong pumasok sa loob ng makitang kinuha ko ang bike para sumakay. Sa hindi inaasahan narinig ko ang pinag-uusapan nilang mag-ina. Masakit pala na hindi ka gusto ng magulang niya para sayo.
"Ma,pinahiya mo yung tao,eh."
"Annie, kailan pa nagpaparamdam ang isang yun,ha? Alam na ba ni Cedric ang tungkol dito? Hindi ka ba nahihiya?"
"Ano ba dapat kong ikahiya? Ma, ngayon lang ako nagmahal bakit kailangan diktahan nyo pa."
"Hindi namin kilala ang isang iyon. Hindi ba gangster si Cedric, malamang kabilang siya sa miyembro nila. Pero tandaan mo anak na mas kilala na namin si Cedric kaysa sa kanya."
"Kung alam nyo lang...."
"Alam na ano? Annie, makinig ka nga sa akin. Magiging maganda ang buhay mo kung kay----"
"Cedric, puro na lang Cedric! Mama--- ngayon lang ako nagmahal ng ganito! Kahit na kailan hindi ko ito naramdaman sa ibang Lalaki lalong-lalo kay Cedric. Hindi ka ba masaya?"
"Masaya, kung------ si Cedric ang mahal mo. Bakit ba hindi mo siya magawang mahalin?"
"Dahil magkaiba sila. Malayong-malayo ang ugali niya kaysa sa Cedric na gustong-gusto mo."
"Ah,basta! Iwasan mo ang isang yun! Hindi kayo bagay, tingin ko nga iba ang habol sayo ng isang iyon,eh!"
"Tumigil kana Mama! Huwag mo siya husgahan batay lamang sa nakikita mo."
Hindi ko na kayang makinig sa usapan nila. Ayokong may nag-aaway ng dahil sa'kin. Hindi ko rin ginusto na sa ganito kami hahantong, pero ang isang bagay lang na kaya kong tanggapin. Ang ipagtanggol niya ko, at mahalin din niya. Sana, sana magawa kong iwan ng madali si Nicole, at kailangan kong umpisahan ito sa pakikipaghiwalay.
I go straight to the Padis point. Kinakailangan ko ito upang maibsan itong nararamdaman kong sakit. Sakit na kailanman hindi magagamot ng kahit sino man.
I ordered expensive wine. Sabi sa'kin dati ni Calvin mas mapapadaling kumalat ang manhid sa katawan mo kung iinom ka ng gaya nito. Sa ganoon paraan hindi mo na ramdam yung sakit. Maraming beses na kong nasaktan, maraming beses na kong na bigo pero Ewan ko ba kung bakit hindi ako masanay-sanay sa ganitong senaryo. I'm not like Cedric, na tulad niya pagdating sa pag-ibig. Ibibigay ang lahat,kayang ipagsigawan kahit maraming masasaktan. Ako kasi, hanggat maaari ayokong may naaapakang tao sa kabila ng kaligayahan ko. Kaya heto, alam ko ng sa dulo nito wala rin akong laban. Ang lakas din ng loob kong makipag-sabayan kay Young Master,eh matindi yun,walang makakatalo doon. There is nothing to say about me like a man like him.
Lumapit sa akin ang isang pamilyar na tao. Inaalok niya kong kumanta ngunit tumanggi ako. Walang gana ang boses ko maglabas ng hangin. Mabuti sana kung kakantahin ko ay sapul sa akin at nandito siya. Bakit pwede pa, baka---- tama! Pwede naman yun ah? Kakanta lang naman ako,eh. Sabi sa'kin dati ni Calvin (siya ulit ) na maganda kung idaan ko sa pag-kanta ang nararamdaman ko. Makatutulong daw yun. Yeah,is good for the heart.
Umakyat na ko sa stage. Ibinulong ko ang aawitin ko at kaagad nilang kuha kung ano. Hindi pa ko nagsisimula ng makita ko kung sino yung paparating habang nakatanaw sa akin. Nandito siya, sinundan niya ko. Mas lalo akong ginanahan para iparamdam sa kanya ang totoo kong nararamdaman. Kung pwede lang tapusin ko na ito,para makausap siya ay gagawin ko.
Tonight - FM static

"I remember the days we spent together Were not enough And it used to feel like dreamin' Except we always woke up Never thought not having you Here now would hurt so much."
"Tonight I've fallen and I can't get up I need your loving hands to come and pick me up And every night I miss you I can just look up And know the stars are Holdin' you, holdin' you, holdin' you tonight."
..
"Can we talk?" bungad sa akin ng bumaba ako sa stage. Nag-nod na lang ako nun, kasabay sa pag-upo sa dating pwesto.
"Sino nagbabantay sa store nyo? Baka pagalitan kapa ng Mama mo." naka titig lamang sa akin."Ano ba pag-uusapan natin?" Hindi ko matiis ang sarili ko na huwag siyang tignan.
Mahal na mahal ko na yata si Reign. Hindi ko na yata kaya kung titiisin ko ito kahit alam kong mahal ko siya. Bakit ba ko napasok sa ganitong sitwasyon. Bakit pa ko nagmahal sa isang No Body pero ngayon---isang gangster na rin at marami ng nagbago sa kanya. Sa pananamit at pananalita.
"Babalik din kaagad ako sa store. Gusto ko kasi linawin ang lahat..."
"...na hindi ako gusto ng Mama mo. May bago ba doon? Kahit sa Viper at LK ayaw din nila sa'kin."
"Pero...ako, gusto kita. Mahirap sigurong paniwalaan pero,gusto talaga kita Joseph. Napaka-tanga ko, bakit ngayon ko pa naramdaman ang totoong kahulugan ng pag-ibig. Kung kailan may sariling buhay kana, may girlfriend at nagmamahal. Kung siguro,kung---noon pa tinanggap ko na ang pagmamahal mo sa'kin hindi tayo darating sa puntong paglalayuin ng tao. Sa mga oras na ito, mahal natin ang isa't-isa pero hanggang saan, hanggang kailan?" hinawakan niya ang kamay ko.
"Seph, kahit sabihing mahal natin ang isa't-isa ,hindi pa rin pwede,eh. Ayokong biguin si Mama. Ayoko rin masira lalo ang pagka kaibigan namin ni Nicole. At lalo lalong, ayokong sirain ang rules namin. Bawal, bawal sa amin ang magmahal."
"Dapat bang pigilan ang damdamin kung alam mong masasaktan ka? Madali lang Reign. Kung talagang mahal mo ko aalisin mo ang Rules nyo."
Umiling ang ulo."Natatakot ako. Pakiramdam ko, kahit ayoko---pagmamay-ari ako ni Cedric. Wala akong laya. Feeling ko kapag---" isang mahigpit na yakap ang ginawa ko upang matapos na ang mga sinasabi niya.
"Sa madaling sabi, hindi mo kayang mawala siya sa buhay mo."
"Hindi ganoon." mariin niyang tanggi.
"Aminin mo nga sa'kin. Sino ba talaga sa'min tatlo? Naguguluhan kapa ba sa nararamdaman mo?"
"Komplikado."
"Panong komplikado? Sabihin mo para malaman ko."
"Wala na si Zayn sa'kin."
"Ano ba talaga si Zayn sa buhay mo? Hindi ba't sinabi ni Roselle na gusto mo siya?"
"Not anymore. Hindi ko alam."
"Hindi ako kombinsido sa sagot mo. How about Young master?"
"Hindi ko gusto si Cedric."
"Pero bakit ganoon ka sa kanya? Bakit parang mas pinipili mo siya kaysa sa'kin?"
"Wala akong pinipili sainyo. Alam mo na komplikado ang lahat. Sobrang ang hirap mag-isip kung ang daming kontra."
"Anong gagawin natin?" Tinungga ko ang alak."Maglalaro tayo. Kung sino ba sa amin tatlo ang pinaka the best dyan sa puso mo? Ano 'to survivor Philippines?"
Nawalan siya ng imik. Ingat na ingat siyang magbitiw ng salita na kailanman hindi na niya mababawi.
"Okay!" padabog kong binagsak ang bote ng alak. Kinuha ko ang wallet , naglabas ng pera saka inilapag sa lamesa.
Susuray-suray kong tinahak ang labasan ng Padis. Kaagad kong sinakyan ang Bisikleta.
"Uuwi kana?"
I smirk."Hindi. Maghahanap ako ng away. Hindi nawala yung sakit dito nung uminom ako ng alak. Baka sakaling mamanhid ang katawan ko sa bugbog ng mga tao."
Mabilis kong pinaandar ang bike. Nakikita ko sa side mirror na hinahabol ako nito. Huminto lang ako ng may makasalubong na maraming tao sa isang kalsada na tila wala gaanong sasakyan na dumaraan.
"Lasing ka ba?!" Bulyaw sa'kin ng isang Lalaki.
"Obvious ba?"
Nagka-ingay ang mga kasama nito.
"Bastos ka,ah!"
"Wala kayong kasama na babae kaya bakit ako naging bastos doon?"
"Papatulan na kita!" Sigaw ng isa.
"Go!" bumaba ako sa bike. Inihagis ko ito kung saan at sumenyas sa lahat ng suntukan.
Hindi ko nabilang kung ilan ba ang nakikisapak at tadyak sa'kin. Dahil siguro sa pagkalasing ko hindi ko namalayan kung ilang botante sa barangay ang nagtulong-tulong para pamanhidin ang katawan ko sa sakit. Kahit anong tanggap ko hindi pa rin ubra. Masakit pa rin, masakit pa rin alam mong mahal nyo ang isa't-isa pero HINDI PWEDE DAHIL MARAMING MAY AYAW. Dinig kong sumigaw si Reign sa di kalayuan.
"May kasama ka pala na babae!" Someone said.
"Huwag nyo siyang sasaktan. Kapag sinabi kong ako lang ang kaaway nito,dapat ako lang ang gagalawin nyo." Banta ko sa kanila.
Hindi nila sinaktan si Reign. Hinawakan lang sa magkabilang kamay para hindi makatulong sa ibang bumubugbog sa'kin. Sa bandang huli, wala na kong maramdaman. Tanging ang mukha lang ni Reign ang nakikita kong alalang-alala kung paano niya ko tutulungan. I'm sorry, Reign kung ito lang ang paraan.
Kinabukasan,
Nagising ako sa aking kwarto. Pinagmasdan ko ang buong paligid at nang mahagilap ko si Nicole sa gilid ng kama. Mahimbing itong natutulog, at tila nag-aalala sa akin. Gumalaw ako upang ayusin ang pagkaka higa. Mabilis din siyang nagising dahilan para mag-alangan ako. Baka isipin niyang ginawa ko ang kagaguhan ito dahil sa kaibigan niya.
"Kamusta ang pakiramdam mo?"
"Okay lang." Kalmado kong sagot.
"Pwede bang sabihin mo sa'kin kung bakit---"
"Nasasaktan kasi ako," buntong hininga kong siwalat.
"Kanino?" sa mukha niya. Halata kong kuha niya ang ibig kong sabihin.
"W-wala."
"Kay Reign? Magkasama kayo kagabi."
"Oo,wag ka sana magagalit."
"Wala akong karapatan para magalit. Mahal mo si Reign, saan ba ko may karapatan doon?"
"Sorry!" Napalakas kong sabi."Hindi ko gustong saktan ka! I swear, pinilit ko naman talaga,eh. Pero, wala--as in wala--"
"Its okay. Si Reign naman talaga ang gusto mo, alam ko yun. Ayoko maging kontrabida rito sa story nyo."
"Ha?" Alam niya?
"Para hindi masakit,ako na ang makikipaghiwalay. Pinapalaya na kita Joseph."
Bahagya kong kinurot ang sarili baka kasi nananaginip lang ako dahil ang bilis niyang tanggapin ang lahat. Nagpa-sampal pa ko pero ganoon din. Nakuha pa niyang matawa sa hinala kong panaginip lang ito.
"This is the opportunity to love her freely."
Don't forget to vote, comment and share this story :) Love you all bebe;)