Reign's POV
Sumilay ang haring araw mula sa aming bintana. Nakakatamad pumasok na hindi ko naramdaman noon pa man. Siguro dahil nandito si Mama, simula ng mauwi siya lagi na lang ito nagagalit sa akin tungkol kay Joseph.
Ilang araw na rin buhat ng may mangyari sa Party ni Wesley. At tanging hinihintay ko lang naman ang pagbalik ni Cedric dahil may gusto akong malaman mula sa kanya. Ang una, sa babae nagbigay sa kanya ng sulat at ang pangalawa,ay yung kasal nila ni Marnelie. Medyo matagal-tagal ko rin pinag-isipan ito kung tama ba itanong ko pa sa kanya ang mga bagay-bagay. Pero kung may pagkakataon, bakit hindi. Hindi titigil ang isip kong mag-isip kung ano ba meron sa babae na pinsan daw niya at kay Marnelie. Kung anong balak niya,dahil sa totoo lang sa tagal ko ng leader ng Viper hindi ko pa nakaka-usap personally si Marnelie. Isa pa, ang tungkol nga rito kay Mama, may binanggit sa akin na may usapan sila ni Cedric tungkol sa mga susunod na plano para sa magiging pamilya namin. Kakaibang usapan iyon,at tingin ko hindi maganda ito sa magiging buhay ko. At ito pa, ang hindi ko magustuhan sa dalawang ito, iyong lagi sila may usapan na ako ang pinag-uusapan.
"Ma, aalis na ko."
"Anong oras ka uuwi?" kada magpapaalam ako lagi siyang may dugtong na."Kasama mo na naman ba si Joseph?"
"Mag-aaral po ako at pagkatapos ko mag-aral ng mabuti papasok ako sa trabaho,after magpaka pagod sa trabaho uuwi kaagad. Ganoon naman talaga routine sa buhay, 'di ba?" Sarcastic kong sabi.
"Ikaw Annie sobra kana,ha! Nagagawa mo ng sumagot-sagot sa'kin at mangatwiran. Hindi kita pinalaki ng ganyan."
"Alam ko naman yun Mama. Ang hindi ko lang matanggap bakit ganyan ka? Bakit lagi mo ko ginaganyan!" mangiyak-ngiyak kong bulyaw.
"Sinisigawan mo ko?! Aba, Annie baka nakakalimutan mong magulang mo ko! Kung hindi dahil sa'min ng Papa mo baka hindi ka nabubuhay sa mundong 'to!"
"Ilang beses nyo pa ba ipapa-alam sa'kin 'yan? Ma, hindi na ko bata para pag sabihan mo sa lahat ng gagawin ko. May sarili na kong isip para mag-desisyon."
"Kung mayroon man akong pinagsisihan,alam mo kung ano yun,ha Annie? Ang iwan kita rito nag-iisa. Tignan mo, natuto kana sumagot-sagot sa'kin. Akala mo ba hindi ko napapansin yang mga pasa at sugat sa mukha mo? Umamin ka nga, nakikipag-away ka ba? Sumasama ka ba sa mga Gangster ha?!"
Nawalan ako ng kibo. Hindi ko alam kung magsasabi ba ko ng totoo o magsisinungaling.
"Oo, ikaw ang bumubuhay sa'min ng Papa mo,pero sana naman huwag ka sumama sa mga Gangster na alam mong mapapadali ang buhay mo." Dugtong niya.
"Pero bakit mo ko pinagpipilitan sa isang tao na Gangster din?" sarcastic kong tanong.
"Dahil kilala ko si Cedric. Alam kong kaya ka niyang protektahan sa mga taong gusto manakit sayo."
"Ma, pareho lang sila ni Joseph pero pagdating sa ugali mas mabuting tao siya kaysa kay Cedric. Maniwala ka, ako ang mas nakaka-alam dahil nakakasama ko sila."
"Si Joseph na naman?"
"Gusto ko siya."
"Mahal ka ni Cedric."
"Ayoko."
"Kaya niyang ibigay lahat para sayo."
"Wala akong pakialam sa yaman niya at sa mga ibibigay niya sa'kin."
"Anak, makinig ka. Matanda na kami ng Papa mo. Paano na lang kung mawala na lang kami, paano kana?"
"Wala ka bang tiwala sa'kin? Ma, hindi ang kayamanan ni Cedric ang makakapag bigay ng kaginhawaan sa akin. Oo, sige--sabihin natin pareho silang Mayaman, Gangster. Pero ibang-iba sila, si Joseph hindi ako kailanman sinaktan."
"Alam ko."
"Alam mong nasasaktan ako ni Cedric pero pumayag kapa rin na siya ang makatuluyan ko?!"
"Oo,"
"Mama!"
"Tigilan mo ko Reign Annie Tanhueco! Marami kapa dapat malaman tungkol kay Cedric. Huwag mo muna siya husgahan batay lang sa mga ginawa niya sayo. Matutunan mo rin siyang mahalin."
Humarap ako sa salamin. Hindi ko maunawaan ang nais ni Mama. Parang ipinapasok nya ko sa isang lugar na alam nyang mapapahamak ako.
"Malelate kana." Huling sabi niya ng lumabas ako sa bahay.
Punong-puno ng sama ng loob ang dibdib ko. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa dahil sa ang daming tao. Ayokong pagtawanan nila ako at isiping babaliw na.
Habang sakay ako ng motor. Malalim din ang iniisip ko. Sana maka-usap ko na si Cedric. Ayoko na nang ganito. Nakakapagod sa piling ni Cedric. Parang nasasakal ako sa isang relasyon na wala naman talaga. Paano nga kung kami ang magka tuluyan? Lagi na lang niya ko bibigyan ng sakit sa ulo.
"Hooy!" bulyaw ng kung sino mula sa gilid ko.
May nabangga na pala akong bumper ng isang kotse. Galit na galit ang may ari ng sasakyan.
"Hindi ka ba marunong mag-drive! O sadyang tatanga-tanga ka lang??!"
"Pasensiya na po! Hindi ko sinasadya." kita kong malaki ang damage ng sasakyan niya. Tingin ko hindi ganoon kalakas ang pagkakabangga ko kasi hindi ko naramdaman.
"Anong Pasensiya?! Ang laki ng damage na ginawa mo!" may bumaba na babae galing sa loob ng kotse. Inaawat ang Lalaki na talak ng talak.
"Dad, please calm down." Sabi ng babae sa ama."Malelate na ko sa klase ko. Miss, bayaran mo na lang yan."
"Tama, bayaran mo 'yan!" bulyaw pa ng Lalaki.
"Babayaran ko." mahinang sabi ko.
"10,000!!"
"Ano?!" bigla kong sigaw.
"Mahigit 10,000 pa nga 'yan dahil naawa ako sayo."
"Dad, malaki na 'yan. Infact, matagal ng may sira ang kotse natin." rinig kong bulong ng Anak niya.
"Malaki na pala sira ng kotse nyo tapos pababayarin mo ng 10,000?! Ang kapal naman pala ng mukha mo?!" nag-iinit ang ulo ko. Gusto kong ibunton dito ang inis ko sa bahay.
"May angal ka? Kung hindi mo ba naman nabangga hindi matutuluyan na masira!"
"Dad, tama na. Tingin ko hindi niya mababayaran ang hinihingi mo. Huwag natin sayangin ang oras dahil late na ko."
"Hoy! Ano pangalan mo, ang lisensiya mo? Akina na, irereport kita sa pulis kapag hindi mo binigay ang 10,000 na hinihingi ko!"
"Dad,tama na nga sinabi! Kung gagawa ka ng modus dapat sa alam mong maraming pera!" Sabay irap sa'kin.
"Mukha ba ko walang pera?" Sarcastic kong tanong."Magkano ba kabuuan ng kotse nyo at babayaran ko."
Ugh. Lakas ng loob mo Reign. Wala kang pambayad diyan. Shems ka.
"Ang yabang mo. Motor mo nga hindi mo mapaayos tapos mag-aalok ka ng kotse sa'min?!" sarcastic din sabi ng Babae.
"Oh, bakit? Anong problema 'don? Kayo lang ba may karapatan mag-yabang? Hindi lahat ng mayaman sa suot o ginagamit na bagay nakikita."
"Bakit mayaman ka ba? Tignan mo nga yang motor mo, parang pinaglumaan na ng kung sino,eh." patuloy niya.
Aba, buwisit na babaeng ito ah. Sarap tampalin ng pera sa mukha. Kung may pera lang akong pambiling kotse baka sinalaksak ko na sa bunganga niya.
"Oo, Mayaman 'yang minamata mo ngayon." sabi ng kung sino mula sa likuran ko.
Sabay-sabay kami tumingin sa likod. Isang Lalaki na bumaba ng kanyang motor. Wala na siyang helmet pero may mask na nakasuot sa kanya na tinanggal na rin niya.
"May problema ba rito?" s**t, Si Zayn.
"Sino ka ba? Bakit ka sumisingit sa usapan ng ibang tao!" bulyaw ng babae.
Lumayo siya sa motor nito at lumapit sa'kin.
"Ayos ka lang?" malambing niyang tanong. Napatango na lang ako ng lagpasan niya ko.
"Sino ka ba?!" iritable tanong ng Lalaki.
"Kamag-anak ko siya. Ano ba problema rito?" sagot niya.
"Aba, sinira lang naman niya ang kotse namin. Kung anu-ano iniisip kaya hindi alam na may nabangga na siya." Talastas ng babae.
"Okey, para wala ng gulo. I will pay it. Magkano ba na damage ng Pinsan ko?" Nag-ngitian ang mag-Ama ng marinig ang sinabi.
"Sigurado ka ba na may pang-bayad ka? Baka naman nagyayabang ka lang tulad ng pinsan mo." Mataray niyang sabi.
"Okey." may kinuha si Zayn sa kanyang motor. Pagkatapos pinirmahan at inabot sa babae. "Pwede ba 'yan? O kulang pa?"
Tila nagkaroon ng PESO bill ang mata ng mag-ama ng makita ang isang tseke.
"Dad, pwede na 'yan." Nakangising sabi.
"Well, madali pala kayong kausap. Actually, mas mainam na nga itong nagbigay kaagad kayo ng bayad kaysa mapunta tayo sa pulis,right?"
"Nakapag-bayad na kami. Pwede na siguro kayong umalis dahil ang dami nang nakaka kita sa atin." Kalmado nitong utos sa mag-ama.
Nagmamadali ang mga ito pumasok sa kotse sabay alis. Lumapit sa'kin si Zayn para tapikin ang balikat ko.
"Next time mag-iingat ka. Marami ng lokong tao rito sa mundo."
"Ano ba ginagawa mo rito?" tanong ko.
"Napadaan lang tapos na curious ako kung anong meron. Ganoon lang,"
"Tapos?"
"Nakita kitang may kaaway at binayaran ko ang mga yun ng pera para matapos na. Ano pa ba itatanong mo?"
"Papasok kana ba?" walang kwenta kong tanong. Hindi, may kwenta pala dahil malelate na kami.
"Syempre,"
"Lagot tayo kay Professor Tolits." pinigilan niya kong umalis.
"Anong meron sainyo ni Joseph?" Napa-irap ako sa inis.
"Si Joseph na naman? Tapos ano, mamaya si Cedric. Pwede ba kahit ngayong araw lang huwag kong marinig ang mga pangalan nila." inis kong iniwan siya at sumakay ng Motor.
Tinatawag niya pangalan ko pero hindi ko na nilingon pa hanggang sa makarating ng University. Ang nakapagtataka nauna pa siya makarating sa'kin sa loob ng room. Ibig sabihin lang nito, mas mabilis siya magpaandar kaysa sa akin ng motor.
Tinabihan ko na rin siya sa upuan sabay tanong kung may gagawin ngayong araw dahil wala pa rin si Prof kahit late na kami ng ten minutes.
"I Dunno." walang emosyon niyang sagot.
"Nice." sabi ko dahilan para bigyan niya ko ng malalim na tingin.
"Ba't hindi mo tanungin si Joseph, since siya naman ang President dito." naka busangot pa.
"A-ayoko nga." kukunin ko sana ang cellphone sa bag nang maalala kong hindi pa ko nakaka bili ng bago simula ng sirain yun ng magaling na customer.
"Hindi ka pa rin nakaka bili ng cellphone? Lagot ka kay Cedric kapag hindi niya nakita yung cellphone na binigay niya sayo."
"May dahilan ako."
"Lalo magagalit yun kung------"
"Sabi ko sayo ayoko banggitin ang mga pangalan nila,Bakit ba banggit kapa ng banggit?" Inis kong tanong.
"Huwag mo ko utusan at paki-usapan sa gusto mong mangyari. May utang kapa sa'kin na 50,000 pesos."
"ANO?! 50,000 PESOS?!" halos mapatayo ako sa pag-amin nito."50,000 ang binigay mo sa mga scammers na yun!"
Lahat nakatingin na sa'min.
"Wala akong barya." wala pa rin itong reaksyon sa pagwawala ko.
"Barya? Tseke nga binigay mo sakanila! Grabe ka naman, Wala akong 50,000 pesos na ipang babayad sayo!"
"Maupo ka nga." sabay hila sakin paupo.
"Huwag ka nga mag-iskadalo na akala mo hinaharass kita."
"50,000 talaga ang ibinigay mo sa mga kutong lupa na 'yun? Akala ko ba dapat mag-ingat sa mga manloloko,eh Bakit ka nagpa loko?!"
"Una sa lahat, hindi ako naglalabas ng pera na hindi bababa sa 50,000. Pangalawa, hindi ako nagpaloko, binigay ko lang para manahimik na sila. At pangatlo, bayaran mo sa'kin yun. Huwag mo ipapaalam kay Cedric ang tungkol dito dahil alam kong tutulungan ka niya."
"Buwisit na 'to. Hindi ko naman hiningi ang tulong niya." mahinang sabi ko sa sarili.
"Anong sabi mo?"
"Wala akong pambayad sayo." diretsahan kong bulaslas.
"Puwedeng installment." Mariin niyang dugtong.
"Wow! Brandnew na cellphone lang?" sarcastic kong tanong.
"Okey, one time payment!" Bulyaw nito dahilan para lahat ng mga classmates namin tumingin."Wag kana mag-enarte. One time----" hinampas siya sa balikat ni Frankie.
"Anong one time? Parang nakaka-intriga 'yang pinag-uusapan nyo wah?" Nakangisi.
"Manahimik ka nga kung ayaw mong sapakin kita?" hamon sa kaibigan.
"Try mo." walang pakialam nitong hamon.
"Bitawan mo ko." Banta niya.
"Zayn, relax. Tinatanong lang kita kung ano pinag-uusapan nyo."
"Please lang Frankie,"
"Okey! Okey! Init ng ulo." sa akin tumingin."Reign...my loves."
"My loves???" usisa ko sa kanya.
"Yeah."
"Tigilan mo rin ako Frankie." kainis.
"Magtatanong lang ako."
"Kay Zayn mo na itanong." pinandidilatan ko ng mata.
"Ang dadamot nyo! Isusumbong ko kayo kay Young Master!" naka pout niyang sabi.
"Umayos ka nga Frankie, parang hindi ka High class sa inaasal mo." nagtitimping satsat ni Joseph.
May kung anong pitik sa dibdib ko ng nagkatamaan kami ng tingin.
"Ano ba pinag-uusapan nyo?" naku, si Axel.
"W-wala. Hindi ba Zayn?" nakangisi kong kunwari rito.
"What ever. Bahala na kayo sa buhay nyo." layasan daw ba kami?
Nakatanggap ako ng tingin na may pagdududa mula kay Axel. Marahil ganyan na talaga ang itsura niya pero tingin ko may iba pa itong dahilan kung bakit hindi matahimik ang utak niyang isipin kung anong meron sa'min ni Zayn. Ayoko na lang magalit pa, hindi ko dapat siya sisihin dahil alam nilang crush ko si Zayn kahit hanggang doon lang 'yun.
Oras na ng klase wala pa rin si Zayn. Siguro umuwi na lang 'yun o hindi kaya'y tumambay sa cafeteria. Sinubukan kong tanungin si Axel kaya lang tatanungin ko pa lang siya ang sama na nang tingin sa'kin.
Rinig kong tinawag ni Professor Tolits si Joseph. Tumayo ito saka lumapit sa kinauupuan ni Professor. Ang akala ko may iuutos lamang pero may inabot ito na susi.
"Buksan mo na ang Dentistry Room." mahina niyang utos. Syempre, dinig ko.
"Everyone. Ngayong araw tayo gagawa ng activity. Group into to two, after that kayo na bahala magbigay ng one to ten sa makakapareho nyo tungkol sa teeth nila."
Oh my god!
Makapag-toothbrush ba ko kanina? Oo, tama. Syempre, hindi ko dapat kalimutan yun noh. Pero teka, sino makakapareha ko?
"Tayo na ang partner dito." Bulaslas ni Axel sa'kin.
"Ikaw?" Hindi ako makapaniwala na sabihin yun.
"Oo, ayaw mo ba?"
"Pero...uhm,"
"Reign, tayo ang partner. Axel, si Calvin na lang ang kapartner mo." maangas na utos ni Zayn.
"Okey."
"B-bakit ikaw? H-hindi ba pwede si---si Joseph na lang?" okay, nawalan na ko nang ituturo.
"Siya? Hindi pwede. Baka malagot ako nito kay Cedric. Mas mainam sa akin ka nakadikit para hindi ka---"
"Zayn!" si Erdem. Sumenyas ito na lumapit sa kanya.
Palapit sa'kin si Joseph.
"May ka-partner ka na ba?"
Nag-nod ako."Pasensiya na. Para makaiwas na rin tayo sa gulo. Alam mo 'di ba kung paano magalit si Cedric kapag may ibang kasama akong Lalaki?"
"Nauunawaan ko." Malungkot nitong tugon.
"Kung kailangan mo ng makakasama o tulong, nandito lang ako."
"Sige, salamat." may konting ilang kami naramdaman ng pareho kami ngumiti.
"Sasabay ka ba magpunta sa Dentistry room?"
Ayoko.
Ayokong mapalapit sa kanya ng husto.
"Hindi na. Dadaan lang ako saglit sa Library. May isang book doon na hindi ko pa natatapos basahin baka hiramin ko muna."
"Mamaya na lang 'yan."
"Mauna kana."
"Sure ka?"
Nod na lang sagot ko sa mga titig at ngiti niya. Pagkatapos tuluyan na itong umalis.
Sabay-sabay naglisawan ang mga kaklase namin para magtungo sa Dentistry room. Naiwan akong nag-iisa ng bumalik muli si Zayn.
"Anong balak mo?" maangas niyang tanong.
"Bumalik ka rito para lang sabihan ako?"
"Asa." Kinuha ng bag sa upuan niya."Bilisan mo para mabilis tayong matapos may meeting akong pupuntahan. "
"S-sige." kinuha ko na rin ang bag at sumunod sa lakad niya.
Tahimik lang kami naglalakad patungong Dentistry room. Parang pangkaraniwan ang araw na ito. Kung tutuusin dapat hindi ko na siya hintayin. Dapat mauna na ko dahil dadaan pa ko sa Library.
"Dito ako dadaan." turo ko sa kaliwang bahagi. Huminto siya at tumingin.
"Walang short cut dyan."
"Sa library muna ako."
"Bakit?" Humakbang palapit sa akin.
"May kukunin lang akong libro tapos saka ako susunod."
"Hindi ba pwede mamaya na lang 'yan?"
Tumingin ako sa relo."Half day lang bukas ang Library."
"Pwede kong buksan ang Library kahit half day pa yan. Sumunod ka na bago pa ko mainis."
Lintek na Lalaking ito. Mauunahan ako ng ibang naghihintay doon. Hay, kung minamalas ka nga naman.
Pilit sa hinog akong sumunod. Narating namin ang location. Halos ang iba ay palabas na ng room dahil tapos na sila. Samantalang ang ibang Lucifer Kingdom naghihintay ng makakasama sa loob. Ganoon sila kaarte pagdating sa ganyan. Gusto nila sila-sila lang din magkakasama sa loob ng isang room.
"Dito tayo." inabot sa'kin ang isang mask. Isinuot ko ito."Ikaw muna ang i-che-check ko."
"Ha? Ako?"
"Sino ba sa akala mo?"
"A-ako nga." naupo at bahagyang nahiga sa tapat ng machine.Ngumanga ako,at dahil medyo shy type ay todo iwas ako ng tingin dito.
Tahimik niyang tinitignan ang mga ngipin ko. Seryoso, hindi ko makita kung ano reaksyon niya sa mga ngipin ko. Ibinaba nito ang mask na suot.
"Halos kompleto pa naman ang ngipin mo.Kaya lang, may isang dapat bunutin na dahil hindi na madadaan sa pasta."
"Seryoso?"
"Oo,"
"Pero hindi masakit." Katwiran ko. Tinitigan niya ko bago magsalita.
"Pagdating ng araw sasakit na yan. Don't worry hindi kita kung mabubungi ka dyan."
"Ayoko. Baka pwede i-pasta nalang?"
"Magiging Dentista ka pero ikaw ang takot mabunutan. Paano ka pagkakatiwalaan ng mga tao kung mahina ang loob mo?"
"Hindi sa ganoon." tumayo na ko.
"Linisin ko na lang ngipin mo." pilit niya kong inihiga. Ibinalik niya sa kanyang ilong at bibig ang mask.
"Bahala ka." mabilis niyang inihanda ang gamit. Halos isang oras yata niyang nililinis ang ngipin ko. Nakaka-inip.
Paminsan-minsan tingin siya ng tingin sa mga mata ko. At madalas, parang naniningkit ang mata niya kapag napapatingin ako sa kanyang mga mata.
"Okey,pwede na." nakangiti niyang utos sa akin para tumayo ako.
"Salamat sa matagal na paglilinis sa ngipin ko." sarcastic kong Pasalamat.
"Walang anoman. Ngipin ko naman ang tignan mo."
"Ha? Isang oras na tayong nandito. Titignan ko na lang pero hindi ko na lilinisin o bubunutin ha? Tapos na oras natin."
Paano kasi, kami na lang ang natira rito tapos titignan ko pa ngipin niya. Oras na para pumunta sa Library para kunin ang libro at maghanap ng mga lecture namin.
Humiga siya sabay nganga. Natulala ako ng makita ang ngipin niya. Pinindot-pindot ko ang mga ngipin niya.
"Totoong ngipin ba 'to at hindi pustiso?" nagtataka kong tanong.
"What do you think of me?! Malamang ,totoo yan!" singhal niya.
"Naninigurado lang." Sinuot ko ang mask.
Ngayon lang ako nakakita ng ganitong ngipin. Halos walang sira at kompletong-kompleto pa. Wala kang makikitang paninilaw kundi nagliliwanag ito sa kaputian. Hindi ko napigilan hindi magtanong sa mga nakikita ko. Ibinaba ko muli ang mask.
"Ngayon lang ako nakakita ng ganito." nakipagtitigan sa'kin.
Ginawang unan ang kanyang braso at tila nakangisi sa akin.
"See? Kaya isang oras kong nilinis ang ngipin mo dahil wala ka nang gagawin sa mga ngipin ko." taas baba ang kilay.
"Okey. I'll give you ten points." tinanggal ko na ang gwantes sa kamay nang hilahin niya ko palapit sa kanya.
"Ten points ang ibibigay ko sayo." bulong nito.
"Ten points din? Bakit? Isang oras na pagod ang kamay mo. Saka, nakakapagtaka nga dahil sanay na sanay ka."
"May sariling family Dentist kami na pumupunta sa bahay every weekends. Habang inaalagaan nila ang mga ngipin namin nagpapaturo na rin kami. Buong LK may mga sariling Family Dentist kaya wala kang masasabi sa mga ngipin namin."
"O-okay." kayo na. Iba talaga kapag mayaman,eh. Lahat ng pangangalaga sa katawan magagawa nila.
"Hindi ba may natatanggap kang pera mula sa Viper Berus? Bakit hindi ka kumuha ng sariling Dentist para maalaga ang ngipin mo?"
"Bakit pa? Magiging isang tanyag akong dentista balang araw."
"Kaya mong linisin ang sariling ngipin at bunutan?" sarcastic niyang tanong.
"Why not?" nakasimangot kong tugon.
Ngumisi sabay titig na naman sa mukha ko. Taas kilay kong nilabanan ang paninitig nito. Nakakainis ang ginagawa niya.
"Now I know kung bakit patay na patay sayo si Cedric."
"Now you know."
"Sa unang tingin hindi ka kagandahan pero kung tititigan ka ng matagal--maganda ka pala."
Okey, awkward!
"Ikaw na magpasa kay Professor ng mga points natin didiretso ako sa Library." lumayo na ko para ayusin ang mga ginamit namin.
Ang sobrang awkward pa dahil ang tahimik niya habang pinagmamasdan ang galaw ko. Gugustuhin ko na lang lamunin ng lupa kung ganito siya kumilos. May kakaiba akong nararamdaman na hindi ko yata magugustuhan.
"Reign."
"Oh?" kasabay ng paglingon ko siyang hatak sa akin palapit sa pwesto niya. Sa hindi inaasahan hinalikan niya ang labi ko.
Litong-lito akong lumayo habang hawak ang labi.
"Bakit mo ginawa yun?" Namumula kong tanong habang nakatalikod.
"Sinubukan ko lang kung gaano nga kalambot ang labi mo. Balita kasi sa akin ni Cedric masarap ka raw halikan."
Yung pamumula ng mukha ko umakyat pataas sa ulo.
"T@ngina ka pala, eh! Ano akala nyo sa labi ko Free Tested?!" nawawala kong bulyaw.
"Easy, gusto mo rin naman 'di ba? Crush mo ko, at tiyak na kinilig ka."
"Kapal mo! Crush lang kita at para sabihin ko sayo hanggang doon lang yun at---at iba ang gusto ko, hindi ikaw!"
Namilog ang mata niya pagkatapos tumayo at inayos ang damit.
"Alam ko. Si Joseph lang naman ang lalakeng tinutukoy mo. Don't worry, hindi malalaman ni Cedric ang ginawa ko sayo." At tuluyan niyang iniwan nag-iisa.
Kinabukasan, tahimik kaming lahat habang nag-re-review. May pa-Quiz si Professor, mabuti binigyan kami ng ilang minuto para gawin yun. Saglit din itong nagpaalam dahil may kukunin siya na kung ano sa kabilang building. Tapos ko nang reviewhin ang dapat, kung kaya't tulala kong pinapanuod ang mga dahon sa puno malapit sa pintuan. Ilang segundo pa ng makitang papasok sa loob si CEDRIC. Parang may kung anong pumasok sa loob na malakas na puwersa at pinagsasapak ang lalakeng katabi ko. Sunod niyang pinagtuunan ng pansin at suntok si Joseph na ngayon ay abala sa pagre-review. Ang iba ay nagawa lamang tignan ang pagwawala ng Leader nang Lucifer Kingdom. Takot din sila makisawsaw sa away ng mga ito. Pero ang ipinagtataka ko kung bakit galit na galit itong dumating samantalang ilang linggo siyang nawala.
Naramdaman ko prisensya niyang papalapit sa pwesto ko. Gusto ko sana pero wala na kong magawa dahil nasa huling row ako naka pwesto. Naglalaban ang mga ngipin niya na tila gigil na gigil at gusto niya kong saktan.
"Sumama ka sa'kin!" parang humila ito ng pisi na anytime pwede na kong magpalutang-lutang sa himpapawid.
"Bitawan mo ko! Ano bang problema mo ha?!" Hindi siya nakikinig sa bawat sigaw ko.
Dinala niya ko sa rooftop. Kakausapin ko sana pero may isang bagay akong inaalala. Galit siya, naiintindihan ko kung paano siya magalit pero ang dahilan bakit pinaiiral na naman niya ang ugali nito ay hindi ako sigurado.
"Ano na naman ba pumasok sa utak mo kung bakit gumawa ka na naman ng gulo?!"
Umismid na tila nagyayabang pa.
"Nawala ako ng halos isang linggo tapos malalaman ko may umaaligid na naman sayo."
Gustong-gusto kong lamutakin ang sariling mukha sa mga sinasabi niya.
"HINDI MO KO PAG-AARI PARA IPAGDAMOT SA IBA." Mariin kong sumbat.
"Heto." itinapon sa harap ko ang mga picture namin ni Joseph. "At ito pa," itinapat sa mukha ko ang cellphone niya habang pinapanuod ko ang video namin ni Zayn kahapon.
Bakit may video siyang hawak habang---
"Sino may gawa nito! Paano mo nalaman 'to!!" gigil kong tanong.
"Kahit wala ako sa tabi mo may mga matang nagbabantay sayo."
"Hindi mo ko pag-aari."
"Alam ko."
"Kahit isip ko, puso at buong katawan ko wala kang pag-aari kahit na katiting. Tumigil kana Cedric, kung mahal mo ko nauunawaan ko pero yung ipagdamot mo ko sa iba hindi na tama yun."
"Hindi ko gustong nalalapit ka sa ibang tao."
"Wala kang karapatan. Tama nga ang sabi, pagdating sa pag-ibig nagiging bobo ang isang taong matalino."
"Meron naman kahit sobrang talino nagiging tanga sa pag-ibig. Kuha mo ba ang ibig kong sabihin? Hinahabol mo si Zayn dahil crush mo siya. At pinapaasa mo naman si Joseph dahil alam mong gusto kaniya."
"Tumigil ka nga, wala kang alam."
"Paano mo ba ko mamahalin? Kailangan ko pa ba maging katulad nila para gustuhin mo rin?"
"Ang korni na Cedric. Wala akong panahon para makipag-away sayo sa walang kwentang bagay." padabog kong ibinalik sa kanya ang cellphone saka iniwan.
"Hindi pa ko tapos." hinarang niya ng buong katawan ang pinto ng rooftop.
"Sino ba talaga sa dalawa ng gusto mo? Pati ako litong-lito dyan sa ikinikilos mo."
Kung aamin ako, malamang pag-iinitan niya kung sino. At kung hindi ako magsabi, malamang ang dalawa ang pag-iinitan niya at iyon ang pinaka malaking gulo. Walang sinisino itong si Cedric, kahit pa sabihin bestfriend niya ang isa rito.
Humalakhak ito na parang nang iinis pa.
"Huwag mo sabihin pareho mo silang gusto?" Yumuko ako at nag-isip.
Hindi maaaring mangyari 'yun dahil simula ng naramdaman ko ang para kay Joseph ay sigurado na kong wala na kong feelings para kay Zayn.
"Wala akong dapat sagutin sa mga tanong mo. Kung sa tutuusin, dapat ikaw ang magpaliwanag."
Cross arm itong lumapit sa akin at tila hinihintay ang sasabihin ko.
"Papayag ka ikasal kay Marnelie, para ano? para hindi sila magkatuluyan ni Axel dahil magkamag-anak sila?"
"How did you know that?"
"Syempre, yung taong nasasaktan nyo nagsumbong sa'kin. Nakakatawa nga,dahil hindi ko na dapat saklaw yang problema nyo pero bakit, bakit dapat pa ko ma-involve sa problema nyong lahat."
"Sino ba may gustong masangkot ka? Isa pa, ayokong malaman mo ang tungkol dito dahil baka isipin mong niloloko lang kita."
"Okey lang. Hindi sa'kin big deal ang problema nyo. Wala rin akong pakialam sa inaalala mo. Pwede ba kahit man lang buong taon hindi mo guluhin ang buhay ko?"
"Hindi ko maipapangako."
"Ewan ko sayo."
"Matutunan mo lang akong mahalin sinisigurado kong magiging masaya ka."
"Sorry,but not sorry. Gangster na nga ako tapos nagkakagusto pa sakin gangster din? Iba rin!"
Kung dapat may tumigil dito iyon ay si Cedric. Masyado niyang inuubos ang panahon sa'kin gayong iba naman ang pakakasalan niya. Natatakot ako isang araw mahalin ko siya na hindi na pala pwede. Natatakot ako na baka mahulog na naman ako sa iba at pagsisihan ko habang buhay. Oo, mahirap ipaliwanag pero natatakot akong baka isang araw bigla na naman nagbago ang nararamdaman At iyon ang dapat kong iwasan.