"Ma, nandito na po ako."
Hectic ang scheduled namin ngayon sa store pero kahit paano hindi katulad dati na tatlo lang kami ang empleyado ni Boss. Mabuti na lang at nag-hired sila ng limang tao. Iyon nga lang, hindi ako naalis sa pang-night shift. Ito lang kasi ang free time ko lalo at hirap na rin ako mag-aral dahil sa ginagawa ng Lucifer Kingdom sa buhay ko. Ang dami na rin nagbago, dagdag pa na pansamantalang nandito si Mama sa bahay dahil may ibinebentang lupain sina Tita at dito sila sa Manila naghahanap ng buyer.
"Kumain kana." pansin kong walang gana makipag-usap si Mama. Masama pa rin ang loob niya siguro.
Naupo ako, tahimik na kumakain ng tumayo siya para kumuha ng tubig. Pipigilan ko pa sana pero mukhang masama talaga kung sasabayan ko ang galit nito. Bumalik itong may dalang pitsel, pansin kong matalim ang tingin sa'kin.
"Magkaliwanagan nga tayo Annie." yung term na magkaliwanagan. Iba ang pakiramdam ko rito.
"Bakit po?"
"Hanggang kailan ka ba susunod sa mga utos ko,ha?"
"Ma, kung tungkol na naman ito kay Joseph pwede wag ngayon. Pagod ako, at kailangan ko pa pumasok ng maaga."
"Bakit mo itinago sa'min ng Papa mo ang tungkol dito? Bakit GANGSTER kana ngayon?!"
Parang may pinggang nabasag, dahilan para kabahan ako at matigilan sa pag- nguya ng kinakain.
"Ma...ano bang sinasabi mo?" nanginginig ang buong kalamnan ko. Hindi ko kayang magsinungaling sakanya lalo ngayong nasa harapan ko siya.
"Kailan kapa naging leader ng Viper Berus? Kailan pa, Annie!!" naipikit ko ang mata sa gulat. Mabait si Mama pero kung magalit parang hindi ko gugustuhin makita siyang ganyan dahil iba ito kapag kinalaban mo.
"S-simula po noong na hospital si P-papa. Wala akong balak na umanib pero--- wala akong sapat na pera para tustusan ang pangangailangan sa mga gamot niya. Iyong pagiging scholar ko sa University dinagdagan nila yung allowance ko. Bukod pa doon yung every month na natatanggap ko mula sa kanila."
Kumalampag ang lamesa. Nawala sa ayos ang mga pinggan at baso kung kaya't lalo akong kinabahan sa posibleng gawin ni Mama sa akin. Naalala ko noong bata pa ko kung paano niya ko paluin ng isang beses na naging pasaway sa school. Kahit isang beses lang, pero nag-marka sa akin ng takot at pangamba. Kung kaya't sinipagan ko ang pag-aaral para naman hindi na sila magalit sa akin.Naging ganoon nga ang nangyari at hindi ko na hiniling pa na mangyari pa ulit dahil ayoko ng masaktan, na sila pa mismo ang may gawa. Madali silang kausap, pero sobrang hirap nilang hingan ng tawad dahil dadaan kapa sa katakot-takot na sermon bago mangyari yun.
"Anak naman, ano ba! Hindi ka ba nag-iisip?! Paano na lang kung dahil sa pagpasok mo sa gang na yan doon ka mamatay? Paano na ang Papa mo! Mamamatay din dahil sa sama ng loob. Hindi mo ba kami iniisip at sarili mo lang ang sinunod mo?!"
"Ma, kahit kailan hindi ako naging makasaliri. Kahit kailan, hindi ko inisip kung ano ang mga gusto ko. Kasi kayo lang naman ang importante sakin,eh. Ginawa ko 'to dahil para sainyo, hindi para sa kalayawan o para mamatay lang ng ganoon-ganoon lang. Mahal na mahal ko kayong dalawa kaya kahit alam kong delikado pumasok ako sa pagiging gangster. Wala yung sakit na kukuha kong sugat,pasa sa tuwing napapaaway ako,dahil kayo iniisip ko. Kailangan kong gawin yun dahil alam kong makakatulong sa atin. Sabihin mo, Ma maka sarili pa ba kung kayo ang iniisip ko?"
Sunod-sunod ang pagpatak ng luha ko. Masakit kasi sa isang Anak na ginawa mo ang lahat pero iisipin pa sayo sarili mo lang ang iniisip. Mahal na mahal ko ang magulang ko. Kung ito lang ang makakatulong sa amin talagang papatusin ko. Hindi ako mukhang pera pero mukha lang ng magulang ko ang gusto kong makakitang kahit paano umaahon kami. Iyong pakiramdam na kumakain kami ng ilang beses sa isang araw.
Masamang-masama ang loob ni Mama ng ligpitan ako ng pinggan. Umiiyak pa rin akong nakaupo kahit alam kong dinig niya ang pag-tangis ko. Wala akong pinagsisisihan pero may side na gusto kong bumalik ako sa dating buhay.
"Noong wala kapa sa Viper kahit paano gumaganda ang buhay natin. Natuto ka ngang makontento sa anong meron tayo. Pasalamat nga tayo dahil binigyan ka ng scholarship ng taga-Probinsiya natin. Paano kung wala? Siguro hanggang ngayon nagpapaka pagod ka sa paghahanap-buhay dahil high school graduate ka lang."
Tama ka, Mama kung hindi ako binigyan ng Scholarship baka sa talipapa na ko naghahanap-buhay. Kaya lang ako tinanggap sa store dahil kailangan nila ng estudyante na night shift. Swerte ko pa dahil ang daming nag-apply noon.
"Parang-awa mo na anak. Gusto kong makatapos ka sa pag-aaral na walang gangster na sisira saiyong buhay. Sana unawain mo kami ng Papa mo. Kung may pangarap ka, doble naman ang pangarap namin para sayo."
Hindi ko napigilang yakapin mula sa likuran ang aking INA. Kahit anong pilit kong gawin para ipaunawa sa kanya kung bakit ginawa ko ito ay mali pa rin ako. Kasalanan ang pumasok sa isang mali para lutasin ang isa pang pagkakamali.
"Mama...sorry po. I'm sorry Ma. Sorry po...sorry, sorry po talaga. Kasalanan ko ito, sorry po talaga."
Naging madrama ang eksena namin. Pareho kaming umiiyak dahil sa nangyari. Ganoon pa man naging okay na kami hindi katulad noong nagdaang araw.
"Friend, may problema ka ba?"
Alas dos na nang madaling araw. Madalang na ang mga bumibili sa store kaya may time kami para magpahinga at gawin ang ibang gagamitin para sa mga susunod na mag-duty.
"Meron." malungkot kong sagot.
"Ano? Baka makatulong ako." siyang akbay sa'kin. Ngumiti ako.
"Salamat Shien, sa totoo lang, sarili ko ang makatutulong sa'kin para malutas ko ang prinoproblema ko."
"Kung ganoon, pwede mo i-share. Nandito lang ako handang makinig sayo."
"Alam na ni Mama tungkol sa pagsali ko sa Viper Berus."
"Ha? A-anong sabi? Nagalit ba sayo?"
"Galit na galit."
"Pero, paano? Paano nalaman ni Tita ang tungkol dyan, saka anong gagawin mo ngayon?"
"Hindi ko alam kung paano nalaman at may naiisip na kong gagawin pero hindi ko alam kung makatutulong ba."
"Friend, kahit ano pa yung desisyon mo, sigurado akong magiging tama."
Hinimas ko ang batok sariling batok.
"Tutal gusto ko na rin umalis sa pagiging gangster dahil ayoko dumating ang araw na maparusahan dahil sa paglabag ko."
"Final decision na ba yun,Friend?"
"kakausapin ko na lang ang Viper Berus tungkol dito."
"Matulog ka muna kahit saglit dito sa upuan. Kaming bahala na rito ni Lyka ang magbenta."
"May pasok ka rin mamaya 'di ba? Ikaw na lang ang matulog."
"Hindi ako papasok dahil birthday ni Papa ngayon. Gusto kasi i-celebrate yun na kompleto kami."
"Happy Birthday sa Papa mo,Friend." masaya kong bati.
"Thank you, makararating sa kanya. Ipapakilala ko na rin si Peps sa parents ko."
"Seryoso?" Nag-nod."Sige, ikaw ang bahala. Masaya ako para sainyong dalawa. Idlip lang ako rito,ha?"
"Sige lang."
Naupo ako at sumubsob sa lamesa. Gigisingin ako ni Shien kapag malapit na mag-alas-singko.
➡ Dream Land ...
Pilit kong inaalis ang kadena sa paa ko ngunit wala akong makita na pwede kong gamitin. Nasa loob ako ng isang kwarto,kung saan kompleto ang kagamitan. Ang ipinagtataka kung bakit walang kadena ang kamay ko, marahil nakalimutan nila o sinadya talaga. Mayamaya may pumasok sa loob ng kwarto. Si Wesley lang pala, may dala-dala itong bote ng alak. Nakangiti niya kong tinitigan.
"Kanina pa kita hinihintay na magising. Tara, saluhan mo ko sa inumin na 'to." Nagsalin siya sa isang kupita, sabay abot sa akin.
"Kunin mo, i-celebrate natin ang gabing ito."
Bakit bigla akong nagka-interes sa inaalok niya kahit alam kong ikapapahamak ko ito.
Titig na titig ako sa kupita na hawak niya. Kusang gumalaw ang kamay ko upang abutin ito.
"Good, let's drink." Evil smile niyang utos. Sabay namin ininom ang alak na nasa kupita namin bago ako makaramdam ng hilo.
"Bakit ang bilis kong mahilo?"
"Dahil may kakaibang sangkap akong inilagay sa inumin mo." nanatili pa rin naka evil smile.
Bakit ganoon? Bakit dumodoble ang paningin ko. Bakit pakiramdam ko, nasusuka ako sa pag-ikot ng kwarto.
"Huwag kang mag-alala,Reign. Nilagyan ko na rin ng pampamanhid ang buong katawan mo. Mayamaya lang hindi mo mararamdaman na unti-onting kinukuha ko na ang pag-aari mo. Ipagdidiwang ko ang gabing ito, dahil kung hindi ko man nakuha ang bagay na yun sa kaibigan mo na si Shien magiging matagumpay ako sa gagawin ko para sayo."
Kailangan kong labanan ito. Hindi pwedeng makuha niya ang bagay na yun. Hindi maaari.
Dahan-dahan niyang kinalag sa pagkaka-lock ang kadena sa paanan ko. Itinulak niya ko na walang kalaban-laban sa kama. May inis akong tumingin sa kanya dahil hindi ko magawang lumaban binabalak niya. Kasunod nun, dinaganan niya ko. Nakikita kong lumalapit ang labi niya sa katawan ko pero wala akong maramdaman. Gusto kong kumilos pero hindi ako makapag-focus para makagalaw man lang. Nasa katinuan pa ang paningin ko, inilibot ko ang tingin sa lamesa. Isang lampshade ang nakita ko pero hindi ko maabot dahil sa pamamanhid ng aking braso. Nakita kong tumayo si Wesley para patayin ang ilaw. Kadiliman ang nakikita ko, Wala rin maramdaman. Mukhang hindi na ko makakatakas sa problemang ito.
Pumikit ako ng mata pero saglit lang iyon dahil bumukas ang pintuan. Hindi ko maunawaan ang sinasabi ng babaeng kausap ni Wesley pero naaninagan kong pilit niyang pinalalabas ito. Hindi rin nagtagal lumabas silang pareho. Nag-uumpisa na rin mawalan ako ng ulirat kaya habang makakaya ko pa ay pilit akong gumalaw ngunit bigo ako. Naalarma ang buong katawan ko dahil may taong pumasok sa madilim na silid na 'to. Nakatakot akong baka bumalik si Wesley para ituloy ang paghahalay sa akin.
Kumakaway-kaway ito sa mukha ko ng buksan niya ang pintuan para magsilbing liwanag. Hindi ko mamukhaan kung sino pero sa palagay ko ay isa siyang kaaway at may binabalak na hindi maganda. Hindi ko na kinaya ang pagka-antok kung kaya't wala na kong nagawa kundi mawalan ng ulirat.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong napikit pero napansin kong wala na kong saplot sa katawan. Matinding takot ang naramdaman kong may nagpasukan na tatlong Lalaki sa loob ng kwarto. Bukas ang ilaw ngayon pero malabo pa rin ang paningin ko. Bahagya kong naaninagan ang mga Lalaki na lalapitan ako pero may isang Lalaki na naka-maskara nakikipag-suntukan. Wala siyang suot na T-shirt,tanging pants na asul lang. Ikina tuwa ng puso ko ng makitang nag-aaway sila, ibig sabihin nito KAKAMPI KO SIYA. Ibig sabihin nito, ililigtas niya ko sa mga gagung ito.
Hindi inaasahang tinamaan ng kutsilyo ang braso ng Lalaki. Kinabahan man ay pilit kong ginigising ang sarili para makita kung sinong misteryoso ang gustong iligtas ako sa kaaway. Kahit duguan, Nagawa niyang patulugin ang mga kaaway na syang dahilan din para magmadali siyang lumabas ng kwarto. Wala na kong nagawa kundi ang mawalan ng ulirat at alalahanin ang lalakeng nagligtas sa akin.
Dream Land End ⬅⬅
"Reign, Reign." siyang yugyog sa balikat ko.
"Uhmmmm..."
"Six am na, papasok ka ba?" mabilis akong tumayo at dumiretso ng Cr."Hindi na kita ginising kanina, wala gaanong bumibili saka alam kong puyat ka."
"Thanks Shien."
"Ano ba panaginip mo?"
"B-bakit?"
"Wala naman." hindi makatingin ng diretso.
"Friend, tungkol sana doon sa ano...sa.."
"Saan?"
"Yung ano... tingin mo ba....ano...Ahm.."
"Ano nga?"
"Uhmm... kasi alam mo nag-iisip ako kung sino yung Lalaki tumulong sayo nung gabing nun."
"Wala rin akong ideya."
"Paano nga kung...."
"Wag kang mag-alala. Tingin ko hindi niya nakuha yung iniingat-ingatan ko."
"Paano mo nalaman? Paano mo nasabi? Nagkaroon kana ba?"
"Hindi pa. Katatapos ko lang nung araw na mangyari yun."
"Patay, baka kaya mabuntis ka. Ang alam ko kasi kapag after menstruation saka nagiging fertile."
"Nag-aalala ka ba? Sige, after one month kapag hindi ako dinantnan mag-PT ako."
"Ikaw,hindi ka ba kinakabahan? What if mabuntis ka. Paano ka nakaka siguro na hindi babalik yung gumawa sayo nyan."
"Kung mangyari man ang hinala mo wala na kong magagawa roon pero hindi pa rin maitatangging may Galit ako sa taong gumawa sa'kin nito. Kailangan kong makita at malaman kung sino sa mga kasama ni Wesley ang gumawa sa'kin nun."
"Eh, paano kung nakita mo na? Paano gagawin mo?"
Masamang tingin ang ginawa ko sa kanya.
"PAPATAYIN KO SIYA. HINDI SIYA DAPAT MABUHAY DAHIL SA GINAWA NIYANG KAHALAYAN SA'KIN."
"Lalaking walang kikilalaning AMA yung bata."
"Wala akong pakialam,saka hindi mangyayari yun. Hindi mangyayari yun."
Ang kapal ng mukha ng taong yun kung kikilalanin siya ng AMA ng anak ko. Infact,sisiguraduhin kong hindi ako mabubuntis. Wala akong naaalalang ginalaw ako ng Lalaki.
Sa Cafeteria ,
"Leader." tawag ng kung sino. Lumingon ako,doon at nakita ko si Roselle papalapit sa aking pwesto.
"Upo ka."
"Ngayon lang ulit tayo nagka-usap. Ano ba balita?"
"Pasensiya na, nung mga nakaraan araw abala lang ako sa trabaho tapos dumating si Mama kaya hindi ako gaano umaalis ng bahay."
"Talaga? Bakit daw siya umuwi?"
"Anong gusto mo? Miss, pa-order." Lumapit sa'min ang babae."Dalawang Tea." Nag-nod ang babae saka bumalik sa counter area.
"Naghahanap ng buyer si Mama sa lupa ni Tita sa Probinsiya. Kaya ayun, may limit ang pag-alis ko."
"Hanggang kailan daw siya?"
"Siguro kapag may nahanap na siyang buyer babalik kaagad yun. Bakit? May kailangan ka ba sa kanya?"
"Wala." dumating ang order namin."Ah,Reign..."
"Uhm?"
"Tungkol sana sa pag-aaral mo. Nabanggit sa'kin ni Marnelie kung pwedeng taasan namin ang monthly allowance mo. Hindi naman umagal ang buong VB kaya...simula ngayong buwan, doble na ang makukuha mo."
Nalungkot ako, dapat 'di ba sumaya ako dahil malaking halaga ang makukuha ko sa kanila pero bakit ganoon? Hindi ko magawang sumaya dahil sa kalagayan ko. Nais ko na sana umamin sa kanya pero pinanghihinaan ako ng loob. Parang tingin ko hindi sila papayag sa magiging plano. Lalong-lalo si Marnelie, alam kong magtatampo yun dahil sa gagawin kong desisyon.
"Reign? Okay ka lang?" ulit niya.
"O-oo. Okay lang, uhm...na excite lang ako, pero bakit nga ba doble ang makukuha ko?" Humigop muna ng tea bago sumagot.
"Malabo na kasi bumalik si Marnelie bilang pinuno ng Viper."
"Bakit? May problema ba?"
"Hindi naman, pero ikakasal na kasi siya. Malabong makasama pa natin siya."
Kinabahan ako, hindi pa nga pala alam ni Roselle na alam ko na ang tungkol dito. Ano na lang kaya magiging reaksyon niya kung aminin ko rito ang totoong nalalaman ko.
"Tuloy na pala yung kasal nila." kunwari abala akong nagbabasa.
"Alam mo?" Hinawakan ako sa kamay."Alam mong ikakasal siya, at kilala mo kung sino pakakasalan niya?"
"Oo." patuloy ako sa pagbabasa ng kunwari.
"Okay lang sayo? Ugh, no! Ano bang pakialam mo doon." sabay sip sa Tea.
"Kahit paano may pakialam naman ako." Direkta kong tinignan siya sa mata kahit gulat na gulat ay nanatili siyang kalmado.
"Dahil gusto ka niya? Dahil lagi ka niyang kinukulit? Pasensiya kana Reign kung hindi ko sinabi kaagad sayo ang tungkol dito. Kahit ako ay nalilito sa pinaggagawa niya. Alam niyang ikakasal siya pero mapaglaro pa rin siya sa pag-ibig. Hindi ko alam na ikaw pa ang pinili niyang paglaruan."
Mapaglaro?
Paglaruan?
"Ang ibig sabihin...."
"Siguro alam mo na rin ang totoo tungkol kay Marnelie at Axel, pero syempre dahil mag-pinsan sila ginawa ni Cedric ang lahat para magkalayo sila. Hanggang sa pareho na silang nahulog sa isa't-isa. Dahil kay Cedric kung bakit nagawa ni Marnelie na iwan ang tungkulin niya sa Viper. Hindi na nila gusto ang gulo."
"Wala pang alam si Axel tungkol dito?"
"Pwedeng hindi, pwede rin na Oo. Si Axel, ugali niyang alamin ang lahat pero kung sakali man alam na niya ang tungkol dito baka nagpapanggap siyang walang alam."
"Bakit hindi nila kausapin si Axel? Para matapos na 'to nang matuloy na rin ang binabalak nilang kasal."
"Iyon lang, may isa pang problema."
"Ano?"
"May plano na ang kasal ng dalawa kaya lang...hindi pumapayag ang Mama ni Cedric na matuloy yun."
"Ha? Bakit?"
"Dahil ayaw niya sa GANGSTER."
"Kalokohan, gangster din ang anak niya bakit ayaw niya sa gangster." Natatawa kong wika.
"Ayaw niya sa Babaeng Gangster. Tingin niya sa mga tulad natin ay isang bayaran at hindi tanggap sa lipunan. Gusto niya sa isang babae ang katulad ni Zen."
"Si Zen talaga?"
"Oo, alam mo na. May past yung dalawa,so nakilala ng Mama ni Cedric si Zen. Isa ang Mama niya sa mga nagalit noong maghiwalay sila."
"Ganoon."
"Oo, ganoon nga." Nakangisi niyang paliwanag.
Taas kilay ko siyang tinitigan.
"Seryoso ka naman dyan sa mga kwento mo 'di ba?"
"Oo naman. Wag mo na lang pansinin ang evil smile ko dahil gusto ko lang malaman kung wala ka ba talaga pakialam sa buhay ni Cedric."
"Kay Marnelie ako may pakialam." Depensa ko.
"Talaga? Hindi ka ba galit sa kanya?"
"Bakit ko gagawin yun?"
"Dahil pinaglalaruan ka niya."
"Masasaktan ako kung gusto ko siya, pero hindi,eh. Sorry na lang si Cedric dahil hindi ako kumagat sa mga bitag niya."
Humalakhak siya na parang wala ibang taong nakakakita sa amin.
"Congratulations! Dahil bukod tanging ikaw lang ang hindi nahulog sa taong 'yun." slow clap niyang sabi.
"Ako pa? For good malaya na ko sa kanya dahil sa mga nalaman ko. Pero infernes sa kanya,ha? Ang galing niya magpa-Fall. Mabuti na lang talaga,iba ang laman nito." Siyang turo sa dibdib ko.
"Fast talk tayo." Hamon niya.
"Fast talk?"
"Oo, mabilis mo lang sasagutin ang mga tanong ko. Ganoon,game?"
"Okay."
"Isip o puso?"
"Isip."
"Naloko o nanloko?"
"Nanloko."
"Friend o enemy?"
"Friend."
"Aaminin o tatanggi?"
"Tatanggi."
"Iwas o lapit?"
"Iwas."
"Gangster o Pamilya?"
Sa huling tanong niya hindi kaagad ako nakasagot. Ang hirap naman kasi, Pinapipili niya ko sa dalawa. Parehong importante sa akin yun pero,syempre, ayoko dumaan sa ganitong proseso.
"Tuloy o bitaw?"
"Roselle, may gusto ka bang sabihin sa'kin?" Lakas loob kong tanong sa kanya kahit hinihintay nito ang mga sagot ko.
Tinitigan muna ako sa mukha bago sumagot.
"Nagka gulo sa head quarter natin nung wala ka. Si Marco at ang mga kasama niya nakipag-usap sa'min. Inamin din niya na siya ang dahilan kung paano nalaman ng mama mo ang tungkol sa pagiging gangster mo."
"Si marco, paano niya nakilala si Mama?" Inabot sa'kin ang isang envelope. Nagpapa tunay lang dito na magaling mag-Alam ng bagay-bagay si Marco.
"Ginamit niya ang kahinaan mo. Nasa crisis tayo ngayon Reign. Nararamdaman kong unti-onting mabubuwag ang VIPER BERUS."
"ANO?!"
Balisa itong tumingin sa buong paligid.
"Nakipagkasundo si Tina sa grupo ni Marco. Akala ko tinatakot lang tayo ni Marco pero, kusang umalis sa grupo ang hangal na Tina."
"Pero...bakit? Anong dahilan? Bakit hindi nyo kaagad sinabi sa'kin ang tungkol dito?"
"Sorry, hindi ko na alam gagawin ko. Magtulungan tayo, Reign."
Kailangan ako ng Viper pero paano si Mama? Paano kung magsumbong si Marco kay Mama na hindi pa ako umaalis sa grupo?
"Akong bahala kay Marco. Makiki-usap akong bigyan kapa niya ng pagkakataon para mag-isip."
"Nag-iisip ka ba? Tingin mo makikinig satin ang gagung yun? Plano niyang tibagin ang Viper Berus para walang kahirap-hirap nilang mapa bagsak ang Lucifer Kingdom. Naka-plano na tayo sa kanyang kamay."
"Sige, mag-isip ka. Paano tayo lalaban? Gayong ang isang miyembrong hawak mo, hindi ka gusto, kaya umanib sa ibang grupo? Anong gagawin natin, pababalikin natin si Marnelie para siya ang kumilos dito? Kaya ka nga niya pinili na maging bagong leader dahil alam niyang makakaya mo 'to. Pwede ba kahit ngayon lang isipin mo ang mga kasama mo. Hindi ko gustong mangyari na DAHIL SA ISANG BAGUHAN NA GAYA MO MAWAWALA ANG MATAGAL NG SOLIDONG SAMAHAN NG VIPER BERUS." padabog niya kong tinitigan.
"Pag-isipan mo 'yan. Nakasalalay ang VB sa mga kamay mo. Hihintayin mo pa ba na isa-isa kaming kakalas sa grupong 'to?! LEADER KA REIGN. ISANG LEADER! KAHIT NGAYON LANG, HUWAG MO MUNA ISIPIN ANG GUSTO NG MAGULANG MO! KAHIT NGAYON LANG!" wala akong nasabi sa bawat paki-usap niya.
Iniwan niya kong pinagtitinginan ng mga tao. Napakahirap palang maipit sa ganitong sitwasyon. Naiinis ako dahil masyado akong naging kampante na hindi malalaman ni Mama ang tungkol dito, ginamit siya ng kaaway para magipit ako,para sa ganoon magipit din ang grupong hawak ko.
Lutang ang isip kong bumalik sa loob ng room. Pakiramda ko, bawat makakasalubong kong tao ay pinag-uusapan ako. O sadyang, bumaba lang ang tingin sa sarili dahil hindi ko kayang hawakan ang grupong ipinagkatiwala sa akin ni Marnelie. Mahirap pala yung ganito, akala ko kung Gangster ka away at gulo lang ang problema mo. Hindi ko naisip na pati pala sa miyembro magiging kargo ko pa pala. Akala ko kasi, kaya ko basta may perang pumapasok sa bulsa ko. Nilamon na ko ng lahat. Nilamon ako sa pag-iisip na may dapat akong alagaan. Hindi basta, makikisama lang kundi dapat alam ko kung paano ko sila matutulungan ng sama-sama.
"Ano ba iniisip mo? Bakit hindi mo kaagad ako napansin na kinakausap kita?"
Marami akong iniisip. Una, kung sino ang lapastangang bumaboy sa akin. Pangalawa, ang Mama kong pinapalayo ako sa mga Gangster, at ang pangatlo, dapat isa-alang-alang ang kapakanan ng grupo ko.
"Reign, uy! Ayos ka lang?"
Hindi ako ayos,Joseph. Gusto ko na ngang umiyak,eh. Kaya lang baka isipin mo mahina akong tao.
"May problema ka ba?"
Sobrang dami!
"Pwede mo sa'kin sabihin."
Kung pwede lang, why not pero...ayoko nang madamay kapa rito.
"Huwag mo lang akong tingnan ng ganyan. Bakit ba ayaw mo magsalita? Inaway ka na naman ba ni Cedric?"
Ugh, isa pa yun, isa pang sakit sa ulo. Hayop na yun. Grabe, masyadong pa-Fall. Mabuti na lang talaga hindi ako basta-basta nakinig sa mga pambobola niya.
"Sana kaya kong basahin 'yang iniisip mo para hindi ako nahihirapan ng ganito."
Sana nga, para dinig mong ipinagsisigawan ka ng PUSO KO.
"Reign...." isang mainit na yakap ang ginawa niya sa akin. Lalo akong nawala sa katinuan. Parang unti-onting gumagaan ang pakiramdam ko habang yakap niya ko.
"Dito pa kayo gumawa ng eksena noh?" Si Cedric.
Dahan-dahan akong binitawan ni Joseph sa pagkakayakap bago humarap sa kaibigan.
"Kino-comfort ko lang."
"Ibang klase ka rin mag-Comfort noh,Joseph?" Bakit ganyan ka Cedric. Itigil mo na yang pakikipag-laro sa'kin.
"Natural lang gawin namin ito dahil kami talaga ang totoong nagmamahalan."
"Joseph," Saway ko.
"Really? but how? I can't imagine na nagmamahalan kayo."
"Bakit hindi mo isipin?" tiim bagang hamon sa kaibigan.
"Joseph,tama na." Pakiusap ko.
"Bakit hindi na lang natin tapusin? Ano, Tara sa labas para malaman ko kung hanggang saan ka." Buong hamon ni Cedric.
"Tumigil kayo. Joseph, tama na please, at ikaw Cedric, pwede tigilan mo muna ang pakikipag laro?"
"Laro? What do you think of me? BATA?!"
"ALAM MO KUNG ANO ANG IBIG KONG SABIHIN." nawalan ito ng kibo. Mukhang kuha niya ang nais kong iparating sa kanya.
"Huwag ka nga umastang akala mo PATAY NA PATAY ka sa'kin. Dahil sa totoo lang, hindi na ko natutuwa sa ginagawa mo. Nasa estado ka na mataas na uri, kaya dapat ilugar mo ang sarili mo sa seryosong usapan."
"Bakit! Seryo----"
Kahit hindi pa siya natatapos sa sinasabi niya hinatak ko palabas si Joseph. Ayoko na rin makinig sa sasabihin niya. Noon pa lang, hindi ko na gustong maniwala sa kanya dahil sa masama niyang ugali.
Napadpad kami sa malaking puno. Isinandal ko ang likod pagkatapos ay pumikit. Gusto ko nang ibuhos ang mga luha ngunit takot ako, takot na isipin ni Joseph na mahina pa rin ako kahit leader na ko ng Viper.
"Ayon sa eksperto, mas makabubuti sa isang taong dumadaan sa matinding problema ang ipagsabi ito sa iba. Pwede mo ko sabihan,Reign."
Yumuko ako at nag-isip. Paano ko sasabihin sa Lalaki na ito na marami akong problema. Ano ba ang magagawa niya na hindi ko kakayanin.
"Habang may buhay, may pag-asa. Gagaan ang kalooban mo kung unti-onti mong ilalabas ang lahat. Umiyak ka kung hindi mo na kaya, first move 'yan."
Yumuko ako sa mga tuhod ko para simulan ang pag-iyak. Habang tumatagal, at katahimikan ng paligid lalo kong naririnig ang palahaw ng pag-iyak ng puso ko. Sabi nila, hindi kabawasan sa isang tao ang pag-iyak para masabi mong duwag ka. Mas mauunawaan mo ang tunay na pagsubok kung gagawin mo sa tamang proseso ang lahat. Ako ang dapat magpapasya sa dapat gawin. Ngayon pa ba ko susuko? Gayong dapat tulungan ang sarili sa mga oras na ito.
"Bakit hindi mo simulan ayusin ang maliit na problema?" pagbasag niya sa katahimikan.
Sa tatlong problema ko, alin doon ang mas magaan? Parang lahat naman mabigat.
"Kumilos kana,Reign." hawak ang kamay ko."Tawagan mo lang ako kung kailangan mo ng makaka-usap at tutulong sayo." Tumayo na ito para iwan ako.
"Salamat. Ngayon, sisimulan ko kung ano ang dapat gawin." Huminto siya,para sulyapan ako kalakip ng magaan na ngiti.
At tuluyan na niya akong iniwan....
Sa isang kilalang Bar. Kung saan madalas tumambay sina Wesley. Lakas loob kong hinahagilap ang katauhan niya. May lumapit sa akin,isang Lalaki. Itinuro niya kung saan may kasama ang hinihintay kong tao.
"Thank you." matapos iwan ako ay naglakad ako sa kinaroroonan nito.
"Why are you here? Sino nagsabi magpunta ka rito?" abala pa rin itong nakikipagyakapan sa mga babae.
"Didiretsohin na kita, sino sa mga kasama mo ang-----" hinatak niya ko palayo sa maraming tao. Dinala niya ko sa isang kwarto. Tiyak kong VIP room ito.
"Ang lakas ng loob mong pumunta rito na nag-iisa. Bakit, ano ba kailangan mo sa mga kasama ko?" Evil smile niyang gawa.
Itinulak ko palayo."Hayup ka! Sino--sino ang gumalaw sa'kin!"
"Whoooooo.... Nasisiraan kana ba ng bait? Sinong gagung gagalaw sayo?!"
"Tama, oo, tama nga. Yung gabing din yun, may balak sa akin may--- humila lang sayong babae kaya hindi natuloy yung binabalak mo sa akin---tapos may pumasok na kasama mo sa kwarto, hindi ko na alam ang ginawa niya-----" Kahit ako ay nalilito sa mga pinagsasabi ko.
"Paano ka nakaka siguro isa sa mga kasama ko ang gumalaw sayo?" kampante pa rin ang itsura niya.
"Ano pa ba sa tingin mo! Bahay nyo yun, malamang naka kalat ang mga tauhan mo sa bawat sulok ng bahay nyo!"
"May tatlong Lalaki akong inutusan na bantayan ka. Sino ba sa tatlong yun?" Sarcastic niyang tanong.
Tatlo? Tama, tatlo ang nakita ko,pero....may isa pa. May isang tao pa na pumasok doon...
"Apat sila, nakaka siguro akong apat sila...."
"Paano, di ba nga hilong-hilo kana noon?"
"Pero alam kong apat sila! Iyon nga lang...nasugatan siya sa braso...."
Taas kilay niyang tingin.
"Bakit sila mag-aaway? Don't tell me nag-uunahan sila kung sino unang gagalaw sayo? Hahahahaha."
"Gagu!" wala na rin ako ng gana magsalita pa.
Kung bakit kasi kailangan pa nila mag-away 'di ba? Saka, imposible,eh. Parang hindi sila magkakasama. Tama.
"Inuulit ko, tatlo lang sa mga kasama ko ang pinapasok ko sa loob ng kwarto mo nung gabing nun. Bakit hindi mo tanungin sa buong Viper Berus, malay mo kung isa sakanila?"
"Imposible Yang sinasabi mo!"
"Bakit hindi? Aba, lakas ng loob mong mang-bintang sa'min. Wala kaming ginawa sayo, sa katunayan pa nga kayo ang nagbigay ng gulo sa bahay." hinila niya ang kwelyo ng damit ko.
"UMALIS KA NA RITO KUNG AYAW MONG MAULIT ANG NANGYARI SAYO NUNG GABING YUN."
Pilit akong kumawala sa mga bisig niya at tuluyan lumabas ng VIP room.
Mukhang wala akong mapapala rito. Kung wala pa naman akong nalalaman baka ihuli ko na itong problema na 'to. Mahirap maghanap ng taong wala kang clue.
To be continued...