Chapter 42

3274 Words
"Puwede ka ba namin maka-usap?" bungad sa'kin ng mga ka-grupo ko. "Oo,naman. Ano ba 'yun?" silang hanap ng mauupuan para harapin ako. "Seryosong usapan 'to,Reign. Alam mo na siguro kung ano ang pinagdaraanan ng VB. Sa ngayon, hindi ko maunawaan kung bakit kailangan pairalin nyo ni Roselle ang away na 'yan." mahinang pahayag ni Thine. "Alam kong alam nyo na, pero paano ang gagawin natin? Pasensiya na sainyong lahat sa totoo nakakaranas ako ng problema ngayon sa pagitan ng Viper at ang pamilya." paliwanag ko. "Alam na rin namin ang tungkol diyan." Malungkot ko silang tiningnan ng mabuti bago  ako magsalita. "Aalis na ko bilang pinuno ng Viper Berus,pero bago 'yun bago nyo ko pigilan gusto ko muna bumalik ang pawasak na samahan nyo. Hindi ko gusto mangyari 'to kaya---tulungan nyo ko. Kunin ulit natin si Christina sa Marco na 'yun." "Nakapag-desisyon na si Christina, at hiwalay na rin sila Zayn, at ito rin ang pinaka malaking dahilan kung bakit bumaklas siya sa VB. Galit na galit siya sayo,sainyo ni Zayn. Ang akala niya, pinagkaisahan nyo siya. Reign, ano ba ang totoo? Kayo na ba ni Zayn?" Inis na tanong sa akin ni Leah. "Walang kami, at---hindi na natuloy sa mas malalim ang paghanga ko sa kanya dati. Kung maaari, bawiin natin siya Kay Marco,Puwede pa natin siyang kausapin ng maayos." "Hindi mo talaga kilala ang ugali niya. Sa palagay mo ganoon lang yun? Mali ka, si Christina ang pinaka matigas sa grupo. Kapag ayaw niya, ayaw niya at kapag gusto ipagpipilitan niya." iritableng satsat ni Desirie. "Suggestion ko lang naman yun kung sa palagay mo hindi ubra,bahala kana." "Des, tama si Reign. Baka ito lang ang mas makakabuti para bumalik siya. Walang mawawala kung susubukan natin 'di ba?" Pabor ni Thania. Iiling-iling si Desirie habang nakatingin sa malayo. "Ako na lang ang makikipag-usap." "Seryoso? Baka hindi makinig sayo 'yun." si Thine. "Baka sakali. Gusto ko rin linisin ang pangalan ko." "Paano?" nilabas ni Leah ang cellphone sabay play ng video namin ni Zayn. Taranta kong kinuha ang cellphone sabay tayo. "Saan galing 'to? Sino nagpasa sainyo nito?!" "Relax ka lang, kami palang ng buong Viper Berus at Lucifer Kingdom ang nakakakita nito." Thine said. "...pero saan nga galing 'to?" nag-aalala ko pa rin tanong. "Pinasa ni Axel 'yan sa email ng Vp at LK. Kahit paano may takot siya kay Ced dahil hindi niya gugustuhin masaktan." "Si Axel?!" Napuno na naman ang init ng ulo ko. Ganoon yata kapag pandak ka, mabilis ma-high blood dahil mabilis tumataas sa ulo ang dugo. Namalayan ko na lang dinala ng sarili kong paa ang tambayan ng Lucifer Kingdom. Kompleto silang lahat habang abalang naglalaro ng kung ano sa sarili nilang cellphone. Unang lumingon sa'kin sina Calvin at Peps. "Hello,Miss good kisser." Mapanuya sabi ni Calvin. Nabigyan ako ng pansin ilan nilang kasama. "Good kisser?" natatawang tanong ni Axel. "Good kisser dahil dalawang lalaki ang tumikim sa labi niya. Ibang klase kasi itong si Young master magkwento." Tawanan ang lahat maliban kina Joseph,at Zayn, matapos ipagpatuloy ni Frankie ang kwento. Tiim bagang tumayo si Axel. "Anong kailangan mo Miss Good Kisser?" sarcastic niyang tanong. "Isa lang ang kailangan ko rito." dahan-dahan akong lumapit sa kanya. "Whoooi, ako ba ang kailangan mo?" hindi mawala sa kanyang labi ang magandang ngiti. "Oo, sa katunayan nga parang----" mas nilapit ko katawan sa kanya."...parang gusto kitang halikan." evil smile kong sabi pa. Tumingin siya sa likuran upang ipagmalaki sa ibang kasama na makakatikim siya ng halik mula sa'kin. Kaagad na alarma si Cedric, ngunit kalmado lamang sina Joseph at Zayn. "Guys, paano ba 'yan Young master magkakaalamanan tayo kung tunay nga bang good kisser ito." sarcastic niyang sambit pa. Kita ang pagtitiim bagang ni Cedric. Nakuha niyang tumayo na may halong inis sa kaharap kong lalaki. Habang si Joseph, palihim sa'kin umiling na sinasabing wag-mo-gawin-look. "Teka nga, bakit ka ba nakatalikod sa'kin?" Hinatak ko ang kanyang panga kasabay nun hinawakan ko ang kanan niyang balikat. Dahan-dahan kong nilapit muli ang katawan. "You know what? First kiss ko si Cedric, tapos second kiss ko si Zayn,kaya lang...parang hindi sila magaling humalik. Ikaw ba? Ilang minuto ba kaya mo?" He smirk."Okay na ba yung 30 minutes?" tawanan ang nasa likuran niya. "Lang?" reklamo ko kunwari. "Whooooo... What do you mean, one hour tayong maghahalikan? Baka chukchakan na iniisip mo." "Axel!" Bulyaw ni Ced.  Haharap sana si Axel pero pinigilan ko. "Oh, easy. Chukchakan pala gusto mo. Okay, pagbibigyan kita. Pero---- kiss mo ko." Naka-pout kong utos. Ngumisi muli, kagat ang lower lip nito. "Ang bagal mo!" hinatak ko siya kasunod nun ay hinawakan ko ang batok nito at gamit ang tuhod ko ay sinikmuraan ko siya. Buong lakas kong ginawa ito sa kanya. "AaaaAaaahAhhAhhh!!!!! Tangina!!!!!" "Ano masarap?! Chukchakan,chukchakan kapa nalalaman,ah?! Tangina mo rin, kung umarte ka diyan akala mo wala kang kasalanan sa'kin!" Rinig kong pinagtatawanan siya ng buong Lucifer Kingdom. "Fvck!!!!" Itinayo siya ni Calvin habang nagpipigil ng tawa."Anong nakakatawa,Pre?!" "Ikaw, nakakatawa ka." siniko siya nito dahilan para lalo matawa ito. "Tangina,Pre ngayon lang ako nakaranasan nito galing sa isang babae..." Iritable niyang bulaslas. "Oks lang 'yan Pre. Hindi naman 'yan kabawasan sa p*********i mo at sa 7 inches ng ano mo." hagalpakan lalo ang lahat. "Tangina pare, bakla ka ba?! Paano mo nalaman ang tungkol dyan?!" "Me? No,im not! umasa ka sa wala dahil walang bakla sa Lucifer Kingdom. Nabanggit lang sa'kin ng mga naka-chukchakan mong babae 7 inches ka!" "Ano?! Wag mo sabihin lahat ng pinagsasawaan ko, tinitikman mo rin?!" "Well, wala tayong magagawa. Sa katunayan nga nyan mas nahahabaan nga sila sa ano ko,eh." "Tangina, may mas mahaba pa pala sa'kin?!" Sabay-sabay silang lahat tumawa. "Daks ito,uy!" Frankie "Baka nga 7 inches na ang pinaka maliit sa atin lahat,eh." Peps. "Malamang, hindi rin malabo dahil siya ang pinaka maliit sa atin." Erdem. "Hoy! Anong akala mo sa'kin?! Tandaan nyo magkaka-edad lang tayo!" "Pre,wala sa edad 'yan. Nasa tamang taas at----alam mo na.HAHAHAHA." tawang-tawa sambat ni Calvin. "Kapal nyo! Hoooy! Tandaan nyo ang pinaka bata sa'tin si Erdem. Huwag nyo nga ko pagka-isahan dito." susuko na yata si Axel. Pero hindi ko lang ma-take ang usapan nila. "8 INCHES AKO. MAY SINASABI KA?" taas noong pagmamalaki ni Erdem. Nakuha kong tumawa dahil napahiya ang mayabang na Axel. Kahit hindi ko alam kung anong sinasabi nilang 7-8 inches na 'yan. Tumikhim si Cedric dahilan para tingnan nila akong lahat. "Ano? Burahin mo ang video namin ni Zayn kung ayaw mong tamaan ko yang ano mo!" Pananakot ko. "Paano kung ayoko?" "Magiging 3 inches 'yan!" Mas naglutangan ang tawanan ng lahat. "Pinapahiya mo talaga ako,ano? Ang yabang mo ah?!" tinulak ako palayo sa kanilang lahat."Huwag mo sabihin babae ka. Akala mo hindi kita papatulan." Patuloy niya kong tinulak hanggang sa ma-corner niya ko sa pader. "Umalis ka diyan." Sabi ko kahit medyo kinakabahan na ko. Tiningnan ko sina Joseph,pero pinipigilan lang sila ni Cedric. "Ngayon, ipakita mo sa'kin ang tapang mo." hahalikan niya ko pero mabilis ko itong sinampal. "Bastos!!!" Dampi niya ang pisnging namumula. "Parang napanuod ko na ito. Pagkatapos sampalin ng babae ang lalaki saka siya pwepwersahin nito para makuha ang isang halik na ipinagdadamot niya." Naglalaban ang itaas at baba ng ngipin niya. "Gusto mo ba pumasok sa Deans office?" hamon ko. "Sabay tayo basta pagbibigyan mo ko. Gusto ko lang naman malaman kung good kisser ka nga." Isang sampal muli ang ginawa ko rito. "Napaka bastos mo! Sino ka para bastusin mo ko ng ganyan. Wag mo sabihin kayo ang naghahari-harian may karapatan kang mangharass ng tao. Isipin mo, kung may kapatid kang babae at nasa katayuan ko siya hindi ka ba masasaktan? Hindi ka ba mag-aalala? Karapatan kong irespeto ng lalaki at yan ang dapat mong gawin. Kahit nahalikan na ko mga kaibigan mo dapat respetuhin mo pa rin ako." pigil na pigil kong huwag bumagsak ang mga luha. Ayokong ipakita sa kanya na isa akong talunan at iyakin na parang bata. "Tindi mo mangonsensiya." umalis siya sa pagkakaharang."Tama ka, meron akong kapatid na babae at ang nakaka inis pa nito hindi ko magawang ipagtanggol siya sa mga nang babastos sa kanya." "B-bakit?" "Dahil wala siyang kwenta na gaya mo. Sino ba babae gugustuhin bastusin ng mga lalaki. Malamang kapatid ko lang 'yun." "Nasaan ang kapatid mo? Bakit niya gugustuhin na bastusin siya?" "Bakit ba ang dami mong tanong?" humarap siya sa akin kasabay na may inis sa mukha. "Huwag ka mag-Feeling na akala mo close tayo. Sa totoo lang, hindi ko na dapat ginawang videohan kayo ni Cedric pero naiinis ako sayo." "Bakit ka maiinis sa'kin hindi naman kita inaano diyan." "Dahil naiinis ako sayo. Basta naiinis ako, dapat magpasalamat kapa sa'kin dahil na iganti kita kay Zayn." "Ano?" Naguguluhan kong tanong. "Marami kapa dapat malaman kay Zayn." "Ano ang dapat kong malaman tungkol sa kanya?" "Sa Auditorium room. Siya ang dahilan ng lahat, mula sa pagkawala ng ilaw sa loob nun kahit nandoon kayo at sa video na kumalat." "P-pwede paki linaw ang sinasabi mo?" "Di mo pa rin gets? Traydor si Zayn, gusto niyang magkapalagayan kayo ng loob ni Young Master ng sa ganoon siya ang papalit na leader sa LK. Matagal ko nang binabantayan ang mga kilos niya. Kahit kaibigan ko siya, mas mangingibabaw pa rin sa'kin ang tama." Totoo ba? Si Axel nga ba ito? "Paano mo nalaman na siya ang may gawa nun?" "Ayaw mo maniwala? Kay Christina mo mismo malalaman ang lahat." tinalikuran niya ko para balikan ang mga kaibigan. Napagmasdan ko ng maayos ang buong Lucifer Kingdom. Mula sa pagkilos ko at paninitig ay hindi nakaiwas sa tingin nilang lahat. Gusto ko sana tumakbo pero may hunarang sa akin na isang lalaki, may hawak itong bulaklak. "H-hi Reign." "Hello." "P-para s-sayo." nanginginig niyang inaabot sa'kin ang bulaklak. Kung tatanungin ako,May suot itong salamin na sa palagay ko makapal ang grado. Pagdating sa pananamit niya parang katulad din sa mga suot ng Lucifer Kingdom. "Salamat,pero bakit mo ko binigyan ng bulaklak?" Kinuha ko ang bulaklak. "Simula pa nung unang kita ko sayo, napaka simple mo at ngayong---isa kanang Leader ng Viper Berus lalo tuloy ako nawalan ng lakas ng loob para--" "Para?" "Para--ano---" "Ano?" "Pssst, ano 'yan? Binabastos ka ba ng isang ito?" maangas na tanong ni Cedric. Siya lang naman ang lakas loob lumapit samin kahit hindi ko tinatawag. "Anong ginagawa mo?" Mataray kong tanong. "Binabastos ka ba ng isang ito!" "Hindi. Sa totoo lang, ang kaibigan mong si Axel ang bastos kanina pero hindi mo nagawang umawat ngayong wala ginagawa ang taong ito saka ka susulpot diyan." "Sige,Reign. Salamat ah?" Paalam ng lalaki, ni hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya. "Huwag mo nga ginagawang kaawa-awa ang pinuno ng Lucifer Kingdom." "Inaano ba kita? Nag-umpisa ka na naman,eh." "Akina nga 'yan! Hindi bagay sayo may hawak na bulaklak lalo kunh galing sa ibang lalaki." Hingang malalim,Reign. "Pwede ba iwasan mo na ko? Ikakasal kana kay Marnelie, ano na lang sasabihin niya kung malaman niyang ginugulo mo ko." "Mas mainam." Pikit mata kong tinalikuran. "Pagkatapos kong maresolba itong problemang kinakaharap ng Viper Berus kusa na kong aalis bilang pinuno nila. Malaya ko na rin maipapahayag ang totoong nararamdaman ko." kusa itong humarap sa'kin. "Ano ba nararamdam mo?" "Gusto ko na maging malaya sa taong mahal ko. Gusto ko nang mahalin siya na walang rules na iiwasan. Nagkaka-usap kayo ni Mama tungkol sa kasal natin pero hindi ka ba nakokonsensiya? Pinapaasa mo si Mama na tayo ang ikakasal kahit iba naman ang pakakasalan mo. Please, habang inaayos ko 'to umamin kana sa kanya, sabihin mo na hindi ako ang pakakasalanan mo. Huwag mo silang paasahin sa bagay na imposibleng mangyari." Malungkot niya kong tiningnan sa mata. Hindi ko alam kung saan siya humuhugot ng kasinungalingan. Ayokong mahulog sa bitag niya. Ayoko umasang ako talaga ang hinahabol-habol niya kahit pag-aari na siya ng iba. "...at kung palabas lang ang lahat ng ito,sana wag na lang. Totohanin nyo na kung anong meron sainyo ni Marnelie para hindi makagawa ng kasalanan ang dalawa. Hahangaan pa kita kung magagawa mo yun sa dalawa. Arms down ako kung ipapaliwanag mo kay Mama na sa ibang lalaki ako karapat-dapat." Ang mga mata niya, lumuluha, sandali...bakit parang nakikita kong nasasaktan siya. Parte pa rin ba ito ng kasinungalingan niya? "ANG HIRAP NAMAN KASI NG PINAPAGAWA MO. ANG IWASAN KA--KATUMBAS 'YUN SA PAGKAWALA KO NG GANANG MABUHAY." "Ano ba,Cedric. Tama na kasi, tama na. Huwag mo ko pahirapan." "Nahihirapan ka na ba? Pabigat ba ko sayo? Gaano ba ko kasama para hindi mo gustuhin? Kaawa-awa na ba kong tingnan para sayo?" "Bakit mo kasi ginagawa ito." nahihirapan akong huminga. Gusto kong sumigaw pero walang lakas ang boses ko para makasigaw. "Mahal kita." Bumabaha ng luha sa kanyang mukha. "Maawa ka kina Marnelie at Axel. Kung ipagpipilitan mo 'yan masisira ang buhay nila ng dahil dyan sa nararamdaman mo." "Bakit ba palagi na lang ibang tao ang inaalala mo?! Wala ka ba pakialam sa nararamdaman ko para sayo?!" "Cedric, tama na." "Paano nga! Paano! Haaaa! Paano sabihin mo!!!" nagawa niyang hawakan ang magkabilang balikat ko. Buong lakas niya kong niyugyog. "Young Master,tama na." Someone commented habang inaawat siya ng ilang LK. "Anong TAMA NA?! Sasaksakin ko na lang ang sarili ko para wala na kong maramdaman sayo,ha?!!!!" hindi siya mapigilan ng lahat. "Tama na, Young Master." "Ilayo nyo siya! Baka masaktan niya si Reign!" "Cedric, kalma!" "Tangina! Ayoko ng ganito,heto ang pinaka ayoko sa ugali niya." "SINO KA BA PARA PAGMUKHAIN MO KONG KAAWA-AWA SA HARAP NG MARAMING TAO. SPECIAL KA BA?! GANITO KA LANG--" Itinaas niya ang gitnang daliri. "Reign, tara na. Hindi namin kayang awatin siya ng ganyan." Hinawakan ni Joseph ang kamay ko palayo sa nagkakagulong Lucifer Kingdom. Ang nakaka-alarma lahat ng umaawat binigyan niya ng tig-iisang suntok sa mukha. "Lumayo kana lang sa kanya. Iwasan mo siya hangga't maaari." paalala sa'kin ng taong mahal ko. "Bakit siya ganoon? Ang totoo, alam kong matindi siya magalit pero bakit---" "Lahat na nararamdaman niyang galit karugtong yun ng nakaraan. Kung titignan mo, ang perpekto niyang tao. Mayaman, gwapo, makapangyarihan pero ang totoo kulang siya sa kalinga ng maraming tao. Kami lang ang nakakaintindi sa kanya dahil walang choice." "Kung makapag-kwento ka naman akala mo wala siyang magulang. Ano ba kasi ginagawa ng magulang niya para gabayan siya?" "Ofcourse, kaming mayayaman masyadong business minded. Kaya lang hindi ko katulad kahit walang oras ang magulang ko nagagawa kong makipagsabayan sa pagiging busy nila. Si Cedric, sobrang papansin sa magulang simula pa ng bata. Ang alam lang kasi niya, magpakasaya at ubusin ang oras kasama ang buong barkada. Wala pa sa isip niya ang pag-asikaso ng mga hahawakan niya sa kanilang kompanya. Sabihin na natin, malawak ang kaalaman niya pero ang buong katawan nito sobrang bigat. Nauunawaan mo ba ang ibig ko?" "Ah, childish pa siya mag-isip. Wala siyang kapatid?" "Meron. Panganay na babae, pabalik-balik lang dito sa Pilipinas pero iba't-ibang bansa na ang napupuntahan niya para sa mga pioneer at new business partner." "Wow,ang sosyal! Ang yaman, pero hindi masaya ang pamilya. What a life..." "Masaya sila. Kung makikilala mo ang Mama ni Cedric,baka magustuhan ka nun." Taas kilay kong tingin."Bakit naman? Ang kwento sa'kin ni Shien,masungit daw 'yun." "Ahh-- masungit, oo pero mabait 'yun. Nagiging ganoon lang ugali dahil pinapatulan ni Cedric. Mag-ina nga talaga sila. Parehas matataas ang pride." "Curios tuloy ako sa Mama niya. Pero, 'yung Daddy niya,nasaan?" "Nasa pamilya niya." "Pamilya niya? You mean, kina Cedric." "No, sa totoong pamilya ni Tita. Other woman si Tita,eh." "Ay, ganoon?" nakakapanghinayang. "Disappointed ka ba?" "Medyo, akala ko pa naman perfect family sila,hindi pala." "Wala naman perpektong pamilya." "Uhm, tama. Pero naisip ko, bakit ganoon na lang si Ced? Bakit parang pa-easy-easy lang sa kanya ang kasal. Saka, pumayag ba talaga ang Mama niya sa kasal na 'yun?  Balita ko kay Shien,ayaw daw nito sa Gangster na babae." Tumawang bahagya."Isa pang pagkakamali ni Ced,kung bakit hindi kaagad sinabi sayo ang plano. Walang kasal na magaganap sa pagitan ng dalawa. Gusto naming malayo si Marnelie kay Axel. Ang totoo, natauhan na rin si Marnelie kaya't pumayag siya sa ipapalabas namin na kasal ng dalawa. I'm sure walang magagawa si Axel kung malaman niyang kasal na ang dalawa." "Wait,paano mangyayari 'yun?" "Para makatotohanan sa itaas ng burol gagawin ang kasal ng dalawa. At dahil, wala sa pamilya ng dalawa na pabor sa kasal tayo-tayo lang ang magiging saksi pero syempre walang totoong kasal sa papel ang mangyayari. Acting-acting lang," "Gagastos talaga kayo para diyan? Kung sa bagay, kaya nyo 'yan..." "Tapos plano namin na pabalikin na rito si Marnelie. Since, sabi mo nga bibitiw kana sa pagka-pinuno ng VB." Malungkot nitong patuloy sa pagkwento. "Sorry, i hope you understand." "Yeah, pero marami magbabago kapag nawala kana sa pagiging Gangster." "Marami kamo babalik sa dati." makahulugan kong pagtutuwid. "Oo nga pala, ang dating nobody balik sa dating nobody. Pero kapag wala kana as a gangster,mag-uusap pa rin tayo ha?" Namula ako,"Kahit araw-araw pa 'yan walang problema sa'kin." "Talaga? Hindi mo ko kalilimutan?" "Ikaw pa ba? malaki ang utang na loob ko sayo Joseph." "Wala sa'kin 'yun. Ah, Reign." "Hmmm." "Since hindi kana magiging gangster after mo tapusin ang problema sa VB. Ahhh--pwede bang---ano...uhm..." "Pwedeng ano?" "Ligawan kita." nagtama ang mga mata namin. Gusto kong kiniligin dahil sa narinig ko pero mas kinilig ako dahil hinawakan nito ang kamay ko."Pwede ba?" "Ha? Ahm..." "May nauna na ba sa'kin?" "Hindi! Wala! Ang ibig ko sana sabihin, pwede. Pwede basta maayos na rin samin na ikaw ang...." "Iniisip mo pa rin ba 'yun? Susundin mo nga pala ang gusto ng Mama mo. Si Cedric, tama. Si Cedric ang gusto nila para sayo." "Hindi sila ang dapat mag-desisyon sa nararamdaman at kapalaran ko." "Ay,pero magulang mo pa rin sila." "Pero mahal kita." Uh,oh. "Mahal mo ko?"  Ugh, kainis. Ba't siya namumula. May lalaki palang ganito kiligin? Namumula ang mukha at parang nahihiya. "Ikaw,ah. Bingi-bingihan kapa. Gusto mo pang ipaulit sa'kin." "Naninigurado lang. Totoo ba?" Pigil ko ang sarili na huwag kiligin pero mataas ata ang sense niya pagdating sa ganitong sitwasyon. "Matanong ko lang, ilan na ba naging girlfriend mo?" Mabilis itong nagbibilang sa daliri."Lagpas sa sampu?" Patuloy kong tanong ng hindi niya. "Hindi, apat lang. FYI, seryoso lahat 'yun." sabay kindat. "Huh, talaga lang? Seryoso lahat, bakit tig-ilan taon ba ang naging relasyon mo sa apat?" "2,3,4,5." Nagmamadali niyang tugon. "2 years, 3 years, 4 years, and 5 years. Hindi na masama." "Tsk, may sinabi ba kong years?" "Ha? Hindi ba years? Eh, ano, months? Ibig sabihin 2 months ang pinaka mabilis at 5 months ang pinaka matagal???" Tinawanan niya ko ng sabrang lakas."ANONG NAKAKATAWA?" "2 days, 3 days, 4 days at 5 days! HAHA." "Siraulo!" syang batok ko sa kanya."Kausapin mo ko ng matino kung ano mong maghalo ang balat sa tinalupan!" "S-seryoso naman ako,ah?" Kakamot-kamot sa batok. "Gagu nito. May seryoso ba sa relasyon na DAYS lang ang inabot?! Teka...BABAERO ka noh!" Dilat na dilat kong duro rito. "Babaero, HAHA. NEVER!" Isang batok muli ang ginawa ko."Aaarayy! Seryoso, DAYS LANG INABOT PERO SINERYOSO KO NAMAN SILA. AKO PA NGA TALO DAHIL NAGAWA NILA AKONG IWAN NG WALANG DAHILAN." "Kung ganoon. Kapag naging tayo asahan kong DAYS lang ang itatagal ng relasyon natin." "Hindi!" bumalikwas ito ng tayu."ITAGA MAN SA BATO. ISANG DAAN TAON TAYO MAGTATAGAL." "Seryoso pa ba 'tong usapan natin?" naiinis ko nang tanong. Tumabi sa'kin bago umakbay. "Sa buong buhay ko parang ikaw pa lang ang seseryosohin ko habambuhay." "Unang pangako mo sa akin kahit hindi pa tayo." "Pwede naman kung tayo na 'di ba? Doon din naman ang sunod n'yan." dahan-dahan kong binaling ang mukha sa kanyang pwesto. Wala na kong masabi sa sarili kundi... Huwag ka nang humirit
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD