Chapter 43

2982 Words
Ikaw lang at ako Kyline Alcantara "Ma, may sasabihin po sana ko." "Ano 'yun? Tumiwalag kana ba sa pagiging Gangster?" "Ma, kasi ang totoo nito hindi pa. Pero pangako ma, kapag maayos na itong problema namin aalis na ko sa Viper Berus." "Annie." "Po." "Mag-aaway na naman ba tayo?" "Ayoko ko po, at hindi ako sanay na lagi tayong ganito. Susundin ko lahat ng gusto mo basta kahit sa huling sandali maayos ko 'to. Ginamit tayo ng ibang gangster para mabuwag ang  Lucifer at Viper at ayokong mangyari 'yun. Please,Ma. Huling pakiusap ko ito para sa ikakatahimik natin." Matagal bago ito sumagot. Inaalala ko baka ipilit pa rin nito ang gusto at wala na kong magagawa roon. Kung mangyari man, paano na ang Viper Berus? Ano na lang ang sasabihin nila sa akin, na pinabayaan ko sila ngayong dumaraan sila sa matinding problema. "Isang linggo, at kapag lumagpas ng isang linggo mapipilitan akong isama ka sa Probinsiya para ipakasal sa ex-boyfriend ni Annie." "Ano???!" "De joke lang. Basta, isang linggo. Tandaan mo 'yan Annie. Isang linggo." "Opo, thank you Ma!" "Isang linggo ---ng pag-ibig ~~~" heto na naman ang hobby ni Mama, pero teka? Ang alam ko kapag ganyan siya ibig sabihin may good news. "Ma? Anong meron bakit parang ang saya mo?" Abala kasi itong niluluto ang hapunan namin. Isa pa, lagi na kong busog dahil may 'Nanay' na kong nagtitiyagang magluto mula sa almusal hanggang hapunan. Medyo tumaba na ko,hindi katulad dati na pa-noodles noodles lang ang kinakain. "May darating tayong bisita." tiningnan ang suot ko."Wala kang pasok 'di ba? Bakit nakapanglakad ka?" "May kakausapin lang po ako sa Viper Berus. Alam nyo na, isang linggo lang ang palugit nyo sa'kin. Mahalaga ang bawat sandali." "Ay, sayang...hindi mo makikita 'yung buyer ko nang lupa." "Talaga? Eh, syempre kaya mo na 'yan Mama! Ikaw pa, ano silbi ng pag-se-sales talk mo kung isasama mo diyan 'di ba? Mahusay kana diyan." "Ang ibig ko lang, baka magulat ka kung sino ang buyer." Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin dahil nag-message sa'kin si Christina. Pumayag itong mag-usap kami sa isang park malaki sa bahay nila. "Ma, mauna na ko." Hindi ata narinig kaya sumigaw ulit ako at lumabas na ng tuluyan. Sinakyan ko ang motor. Kahit kabado ako sa pag-uusap namin ni Tina ay  nanatili akong kampante na mababalik ko siya sa Viper Berus. "Kanina kapa ba?" bungad ko ng makita siya naka-upo sa mahabang upuan. Tinabihan ko siya. "1 minute pa lang." "Ah, mabuti hindi ka nainip." Tinaasan ako ng kilay,"Ano ba sasabihin mo bakit gusto mo makipag-usap." "Tungkol sa Viper Berus." "Oh, bakit? May problema na naman ba kayo? Ano ba kinalaman ko diyan? Hindi ko na sakop 'yan dahil tinalikuran ko na kung anong meron dati sa atin." "Ikaw nga 'yung problema namin,eh. Alam mo ba nakiusap sa'kin ang buong VB na kausapin ka para bumalik?" "Inaasahan ko naman ito pero buo na ang desisyon ko. Miyembro na ko ng Great Hello." "Bumalik kana." Tinapik ko ang balikat."Namimiss na namin may nagtataray sa grupo." "Talaga ba? Miss ko na rin sila pero hindi ka kasama doon. Alam mo yatang ikaw ang dahilan nito! Ang kapal din ng mukha mo noh? Kakausapin mo ko para bumalik sa Viper Berus eh ikaw at si Zayn nga ang dahilan kung bakit tumalikod na ko. Traydor ka rin,eh!" "Huminahon ka. Anong traydor? Wala akong ginawang masama." "Ang sulutin ang boyfriend ko hindi ba kasalanan 'yun? Kunwari kapa may rules pero malandi ka rin pala." "Hindi ako malandi." "Eh, ano? Manunulot?" "Tumigil ka nga. Nakipag-usap ako sayo hindi para makipagtalo. Wala akong nilandi, wala akong sinulot. Malinis ang konsensiya ko." "Woow! Ang galing, denial kapa rin ba? Wala ka kamo nilandi pero nagpahalik ka sa Boyfriend ko na Ex-Boyfriend ko na ngayon. What the fvck!" "Wala akong alam diyan. Siya ang kumilos para bigyan ako ng isang halik." "Tonta, kaya ka nga hinalikan kasi gusto ka niya. Kaya niya ginawa 'yun dahil alam niyang hindi ka magagalit dahil CRUSH mo nga siya 'di ba? Kung hindi ka ba naman bobo," "Imposible 'yang sinasabi mo." "Anong imposible?? Nangyari na woooh! Nakasira kana ng relasyon na kasing tibay ng pader. Congratulations,sa daming bumangga ikaw lang ang nakatibag. Woow, grabe. Pinahanga mo na talaga ako. Feeling mo ang ganda mo? Tatlo sa Lucifer Kingdom ang naakit mo? Ayos, hihintayin ko ang ibang miyembro na aaminin sayo para maganda. Ang ganda mo kasi, kakaiba yang ganda mo. At dahil diyan, salot kana! Salot ka samin na inagawan ng boyfriend!" Hinayaan kong paghampas hampasin nya ko sa braso. "Gumaan na ba ang kalooban mo?" seryoso kong tanong. "Gagaan ba 'to? Palibhasa wala kapang experience pagdating sa pakikipagrelasyon kaya madali lang para sayo na tingnan akong nahihirapan. Mahal na mahal ko siya! Mahal na mahal nang aminin niya sa'kin gusto ka niya parang bumaba ang tingin ko sa sarili. Ang usapan lang namin paglapitin kayo ni Cedric pero hindi ko alam na pati rin puso niya lumapit din sayo." Hindi ko maunawaan ang sinasabi niya. "Naririnig mo ba? PLANO. May plano kaming paglapitin kayong dalawa ng sa ganon malabag nyo ang sarili nyong policy at kung mangyari man pareho kayong mabababa sa karapatan. Pangarap namin na kami naman. Kami naman ang lumuklok sa pagiging Leader. Gusto namin maranasan na sundin at pagsang-ayunan ang gusto namin. Kaya lang, iba siguro kapangyarihan ng pag-ibig. Tatamaan ka talaga kahit hindi mo gusto. Naging kampante ako, inasahan kong malapit na kaming magtagumpay pero isang araw inamin niya sa'kin na 'may iba na kong mahal' Fvck,ang sakit." Hindi ko magawang mag-react. Ramdam ko ang sakit na nararamdam niya ngayon. Hindi ko pa nararanasan ang ganyang bagay pero alam kong masakit dahil mahal mo 'yung tao tapos biglang mawawala at sasama sa iba o 'di kaya inawan ka dahil nahulog na siya sa iba. Yung mga ganitong senaryo ang ayokong mangyari. Iiwan ako ng ganoon lang kababaw na dahilan, oo, mababaw para sa akin pero para rito kay Tina isang napakalaking kahangalan. Nakuha niyang talikuran ang solidong gang dahil lamang sa isang lalaki. Gusto ko siyang kaawaan pero sarado ang isip niyang may pakialam ako. Ako ang sinisisi niya dahil sa maling pangyayari kaya bakit pa ko naglakas loob kausapin siya? Parang pinamumukha ko sa kanyang dapat siyang magdusa. "UMALIS KANA! ALIS NA! AYOKO NG BUMALIK SA GRUPO MO DAHIL HINDI KO KAYANG KASAMA KA! ALIS!" umiiyak nitong pagtakwil sa'kin. "Makinig ka sa'kin. Kapag bumalik ka, hinding-hindi mo na ko makikita. Bibitawan ko na ang pagiging gangster." "Dapat noon mo pa ginawa yun. Hindi ka magaling, wala kang alam sa pagiging gangster. Tonta ka sa pagiging leader. Hindi karapat-dapat na katulad mo ang mangunguna. Look,this is the first Time nangyari ito sa Viper." "Sige, tama kana. Tonta,at wala na kong alam. Please, bumalik kana. Bukas pa rin ang pinto ng VB para sayo." "Alam ko, at bukas din ang pinto para umalis ka. Akala mo ba gusto ka ng iba? Pwes, hindi lang ako nag-iisa. Siguro naman, magiging magaan loob mo kung aalis ka dahil hindi ka naman talaga welcome sa Gang. Ang cheap ng pinalit sa magaling na pinuno." Kusa na itong umalis. Wala na iba pang sinabi. Masakit ang mga binitawan niyang salita pero mas masakit pa pala na malamang hindi pa rin ako tanggap ng iba para maging pinuno nila. Wala nga yata sa prisensiya ko ang maging gangster. Duwag kasi ako, duwag harapin ang mga problemang binabato sa akin. "Matigas din ang isang 'yun." Sabi ng kung sino. Nung una natakot ako dahil gabi na baka nasa panganib ako pero mabuti na lang hindi. "By?" "Yes,By?" Hanggang ngayon hindi ako makapaniwalang KAMI NA RIN NI JOSEPH. Patatagalin ko pa ba,eh doon din naman ang punta nun. Kaya lang, ano ba ginagawa ng isang 'to rito. "Anong ginagawa mo rito?" naka-hoody jacket ito,jogging pants at may headsets pa nakalagay sa tainga. "Galing sa store nyo. Hindi ka pumasok. Bakit hindi mo kaagad sinabi sa'kin? Pero okay lang, nagkita naman tayo. Halika nga rito." Niyakap niya ko sabay haplos sa ulo ko. "Narinig mo siguro usapan namin,noh?" "Kanina pa ko rito. Akala ko nga may nag-ta-taping dito kasi masyadong madrama ang eksena." Naku, patay. (,,๏ ⋏ ๏,,) ede narinig din niya na may gusto sa akin si Zayn? "G-ganoon ba? HEHE." "Kumain kana ba?" "Uhm,hindi pa. Gusto mo sa bahay kana lang nagluto si Mama ng----" nalimutan kong ayaw nga pala ni Mama kay Joseph. "Sorry," dugtong ko. "Alam mo yang pagiging ulyanin mo nasasaktan mo ko. Pero ayos lang, mahal naman kita. Kung ako sayo sa bahay kana lang kumain. Tutal nasa bahay sina Mom and Dad, I'm matutuwa mga 'yun." "Ngayon na?" "Oo, ano, tara?" Hindi ko kayang tumanggi sa By ko. Ilang araw pa lang ang relasyon namin pero ramdam ko kagad kung gaano siya ka-sweet at thoughtful. Isa lang ang problema ko, paano ako haharap sa magulang niya? "Sa susunod na lang kaya?" pigil ko sa kamay niya ng mag-do-doorbell ito. "Nagbago pa isip mo,baby?" "Baka kasi..." "Baka kasi hindi ka nila tanggapin?" "Parang ganoon na nga." "Pero ikaw tanggap ko." Seryoso niyang pinindot ang doorbell ng kanilang gate. Kaagad may bumungad samin babae. "Kuya! Ang bilis mo, nabili mo ba ko ng ice cream?" Tingin ko nasa 16-17 years na kapatid niyang babae. "Ah, nakalimutan ko,sorry..." "Hooo! Talaga naman si Kuya Joseph," nagsalubong ang tingin namin ng kapatid niya."Kuya, sino siya?" Sa'kin pa rin nakatingin. "Batiin mo naman si Ate Reign mo." "A-ate Reign?? M-may ate na koooo??"  Parang batang lumambitin sa leeg ni Joseph. "Hello,Ate Reign. Pasok ka, hayaan mo na diyan si Kuya sa labas. Tutal nandito sina Mom and Dad ipapakilala kita sa kanila." Hinatak ako papasok sa malawak nilang bahay. "Sharlene, si Kuya na bahala diyan." mahinang paalala sa kapatid. Ngunit hindi marunong makinig ang kapatid niya. Huminto lang kami sa pintuan ng malawak na kainan nila. Nanginginig ang kamay ko ng matigilan ang magulang ni Joseph ng makita kami ni Sharlene. May mainit na palad akong naramdaman humawak sa kamay ko habang papalapit sa pwesto ng mahabang lamesa. Hinigpitan muna niya ang pagkakahawak bago magsalita. "Mom,Dad, si Reign nga po pala...GIRLFRIEND ko." Magalang na pagpapakilala sa'kin sa kanyang magulang. "Good evening po." Todo yuko ako sa harapan nila. "Huwag kana yumuko." Bulong sa'kin habang hinihila ang laylayan ng blouse ko. "Anak," tawag ng Mommy niya. Siya ang Version na babae ni Joseph. Napaka puti at napaka ganda."Ilang DAYS ba aabot 'yan?" Napalingon ako kay Joseph. Ang akala ko nakasimangot pero todo ngiti pa sa kanyang Ina. "De joke lang,Ah, ija Reign. Maupo ka para kumain. Magandang gabi rin sayo. Taga saan ka ba? Ilan taon kana? Classmate ka ba ng anak ko? Kailan pa kayo naging mag-On? Siguro naman aabot kayo ng taon." "Mom, ang daldal mo." saway niya sa Ina. "Na excite lang,heto naman anak ko." "Reign." Buong buo ang pagkakatawag sa'kin ng Daddy ni Joseph. "Yes po,Tito." nakuhang hawakan muli ni Joseph ang kamay ko dahil sa panginginig. "Welcome ka sa bahay namin. Anytime,anywhere!" Tawanan kami dahil sa masayang pagbati niya sa akin. "Salamat po Tito." Hindi ko napigilan hindi matuwa sa pamilya nila. Akala ko kasi seryoso silang tao. Pero hindi pala, nakakatuwa at talagang mararamdaman mong welcome na welcome ka sa bahay nila. "Tawagin mo kong Dad." Natigilan kaming lahat."Hindi naman masama kung advance na 'di ba?" "Ahmmmm... Kalungkot naman, may bago na silang Baby Girl. Hindi na pinapansin si Baby Sharlene." Kunwari malungkot na satsat ni Sharlene sa amin. "Ikaw pa rin ang Baby namin. Gusto mo kamo ng Ate 'di ba? So, si Ate Reign na ang bago mong Ate. Pwede ba 'yun, Anak Reign?" Malambing na usisa sa'kin ni Tita. "Oo naman po. Actually, nag-iisang anak lang ako. Sabik din ako sa kapatid." Napaka gaan nilang kausap. Kaya siguro ganito kabait si Joseph dahil may pagmamanahan nga talaga. Isang katerba yata ang mga tanong nila sa'kin at ang nakakagulat tanggap nila kahit mahirap lang kami. Pero hindi namin na banggit sa kanila ang tungkol sa pagsali ko sa Viper Berus. Eh, ano? Malapit na rin akong umalis sa grupo kaya walang dahilan para i-kwento pa ang nakaraan ko. "Hatid na kita." sabi niya ng palabas kami sa bahay nila. "Akala ko ba busy parents mo? Bakit nandito yata silang lahat?" nakangiti kong tanong. "Sabihin na natin special ang mga darating na araw kaya nandito sila." "May special pa bang kasama mo ko ngayon?" "Mas special ka, lagi mo 'yan tatandaan." "Alam mo,By." "Hmmm." "First boyfriend kita." nakakahiyang aminin pero 'yun ang totoo. "Lahat ng first mararanasan mo. Unang pag-ibig, at first heart broken pero syempre ayokong masaktan ka ng dahil sa akin. Nahihiya nga ko sayo, dahil naka limang girlfriend ako samantalang ikaw ngayon pa lang." "Wala 'yun DAYS lang inabot." biro ko. "What the-- oo nga ano? So, ibig sabihin first ko rin 'to?" "Uy, wag ka magmalinis." "Bakit totoo naman ah?" "May first kiss kana, may first hug, first love, first date, first---basta lahat ng first." "Pero sabi mo nga DAYS LANG TINAGAL. Eh,para sa isang araw ko na girlfriend isang araw ko rin siya na kiss." "Sino 5 days mo?" "Sino?" tulala niyang tanong. "Oo,sino." "Ah, sino nga ba?" "Hindi mo na maalala?" "Hindi na. Tagal na rin," "Hindi ko ugali halungkatin ang nakaraan mo." "Ate Reign! Ate!" palabas itong si Sharlene. "Mamaya kana umuwi. Tara sa kwarto ko may ipapakita ako sayo." Hinatak niya ko kahit hindi pa pumapayag si Joseph. Sumenyas ito sa akin na okay lang. Pumasok kami sa loob ng kwarto niya. Simple lang, actually maganda puno ng butterflies ang pader. Yes simple pero astig. "Ate, huwag ka maingay kay Kuya Seph ha. Tingnan mo 'to." Inabot sa akin ang album. Binuklat ko mula una hanggang dulo. Dumami ang tawa ko ng ipakita niya sa'kin lahat ng picture ng kuya niya. "Iisipin mo ba na naging Ex niya 'to?" tinuro ang babaeng naka-formal dress habang may hawak na notebook. "Why not, gwapo naman ang Kuya mo." "Pero syempre niya naging Ex 'yan." Humalakhak. "Bestfriend niya 'yan. Si Ate Stephanie." "Nasaan na siya ngayon?" nawalan ito ng ngiti ng tanungin ko."May problema ba?" "She died in the past three years. Nagkaroon ng leukemia dahil nagpabaya sa sarili. Sa takot na tumaba, hindi siya kumakain ng rice halos junk food and softdrinks ang take niya every day. Nung una sa liver, nagtranfer pa nga ang kapatid niya ng isang liver para mabuhay siya pero...nagkakomplekasyon na sa dugo hanggang maging leukemia. Sobrang lungkot ni Kuya pakiramdam niya wala siyang malalapitan nung panahon na yun kaya nakuha niyang sumali sa isang organization. Ang Lucifer Kingdom," "Iyon pala ang dahilan..." "Tama, simula ng mawala si Ate Steph, nawalan na rin siya ng gana magmahal. First love kasi nila ang isa't-isa. Hindi na ko nagtaka kung bakit DAYS lang umaabot ang mga naging girlfriend niya dahil nawalan na siya ng gana. Kahit sabihing siya ang iniwan ng mga ito parang lumalabas na wala siyang kwentang boyfriend dahil dedma lang siya sa mga jowa niya. Pinabayaan, parang ganoon hanggang sa humanap ng iba at iwan siya." "Ibig sabihin, hindi pa rin siya nakaka move on sa First love niya?" "Tingin ko, unti-onti na siyang nakakabawi sa lahat. Bago pa tayo magkita ate itinuro kana niya sa'kin. Ang sabi niya, ikaw ang babaeng mahal niya at naging dahilan kung bakit naniniwala na ulit siya sa pag-ibig. Ang lakas talaga ng tama sayo ng Kuya ko. Kaya lang---hindi naging madali para sa kanya ang lahat. Si Kuya Cedric kasi, lagi na lang galit sa kanya tuwing kasama mo siya. Mahal ka rin ni Kuya Ced,pero mas mahal na mahal ka ni Kuya." "Nakakatawang alam mo pala ang kwento namin tatlo." "Syempre! Pero may kasalanan kayo. Bakit hindi mo sinabi kina Mom and Dad na isa kang Gangster?" "Hindi na kailangan dahil aalis na rin ako bilang pinuno ng Viper Berus." "Talaga? Tamang desisyon 'yan. Iwas gulo na rin dahil sa totoo lang takot si Kuya na jowa niya ay isang gangster." "Bakit naman?" "Baka raw kasi mas matapang pa sa kanya." Humalakhak ng sobrang lakas. "Sira,anong oras na ba?" Tumingin sa relo niya. "11:56. Hala, tara ate dali!" nagmamadali niyang binuksan ang isang cabinet. Kinuha ang isang box na nakapang regalo. "Mag-12 am na. Birthday na ni Kuya Joseph!" "Birthday niya?" Bakit hindi ko alam? Bakit wala man lang binanggit sa'kin. "Seriously?" naka pout niyang paninitig sa akin. "Joke lang! HAHA." "Nasaan ang regalo mo?" "Regalo ko? Naku, nakalimutan ko sa bahay." Palusot ko. "Special na araw ni Kuya kinalimutan mo pa. Hindi bale nandiyan ka para kompletuhin ang espesyal na araw niya. Hala, dali." taranta itong lumabas. Binagalan ko lang ang paglalakad. Sa pagbaba ko ng hagdanan nagkakasayahan sila habang kinakantahan si Joseph. Hindi man lang ako na inform sa birthday niya. Natigil ang kasiyahan ng makita ako pababa. Lumapit sa akin ang Mommy niya sabay abot ng cake na may sinding kandila. "Make a wish." nahihiya kong utos. Lumapit pa siya ng lumapit hanggang sa ibulong niya ang hiling nito. "I hope someday makita kitang nakasuot ng White gown habang ako naghihintay sa may altar." "Ayiiiieeeeee....ang cheesy nyo! Kiss naman diyan! Haha." si Sharlene kilig na kilig. "Huwag na kayo mahiya." Tukso ni Tita. Naiilang kami pareho dahil sa mga panunukso nila. Hanggang sa mapagod sila kakaasar sa amin ay wala silang nagawa. Pagkaraan ng ilang oras nagpaalam na rin sina Tito at Tita na papasok sa  kanilang kwarto maaga pa raw ang trabaho nila kaya kaming tatlo na lang ang natira ngayon sa sala na nakaupo sa sofa. "June 1 din si Kuya Cedric 'di ba? Binati mo na ba?" satsat ni Sharlene dahilan para matigilan ako sa pagkain ng cake. Ngitian kami ni Joseph sabay kindat nito. "Oo, tinawagan ko kanina bago mag-12. Wala raw siya ngayon sa bahay pinapapunta ko sana rito." "Sayang, para makita siya ni Ate Reign." taas kilay ko siyang tinignan."Para batiin mo din hindi ba ate?" "Galit kami nun." humikab ako ng sobrang haba. "Antok kana? Hatid na kita," ang gentleman niya dahil inalalayan ako nito magtungo sa kusina para ikuha ng tubig. "Busog na busog ako." "Mainam para wala kang masabi na ginutom kita, Haha." Si tawa. "Uwi na ko. Baka magtanong pa si mama kung saan ako nagpunta. Kagabi pa ko wala sa paningin niya." "Sandali." Inabot sa akin ang cellphone."Itext mo ko bago matulog." "Bakit may ganito?" tinaas ko ang cellphone. "Binili ko 'yan kahapon. Naka save na rin number natin diyan ha. Call mo ko," "Hindi mo kailangan gawin 'to. Ibabalik---" "Kapag binalik mo 'yan magtatampo ako." "Birthday mo pero ako pa niregaluhan mo." "Makita kitang nakangiti masaya na ang kaarawan ko. Please, keep this. Tulad na pag-iingat mo sa puso ko." Shit! Kapag pala inlove ka parang may dagang nagwawala sa dibdib. Walang patid itong magpapakitang gilas para ipahayag ang nararamdaman ng isang tao. Love, ganito pala ang Love.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD