SINO BA AKO SAYO ⤵
ERIK SANTOS
Cedric's POV
"Ma,ma! Nandito na ko." dinig namin boses ni Reign mula sa labas ng kanilang bahay.
"Nandyan na siya." tumayo si Tita upang pagbuksan ng pinto ang anak.
"Bakit ngayon ka lang? Kagabi pa kita hinihintay. Oo nga pala, may bisita ka." rinig kong sabi Tita.
"Sino? Wala akong inaasahan na bisita." Patayo na ko ng siyang pasok sa loob ng bahay. Gulat na gulat ito ng makita akong may hawak na bulaklak.
"Hi." hindi ako sigurado kung papansinin niya ko pero sinubukan ko pa rin.
"Ma, matutulog na po ako." sa akin pa rin nakatingin kahit kausap si Tita.
"Hindi ka ba kakain? May dalang handa si Cedric,birthday niya ngayon." sunod ito ng sunod sa anak.
"Galing ako sa bahay nila Joseph. Birthday din kasi niya." Ibig sabihin sinalubong nila ang birthday na magkasama.
"Joseph? Akala ko ba sa Viper Berus ka makikipagkita kagabi?!" naka high tone ang boses ng kanyang Mama.
"Tama po kayo pero ininvite niya ko dahil pinakilala niya ko sa mga magulang niya."
"Pinakilala, bakit anong meron? Jowa mo na ba si Joseph. Sinagot mo na ba ang isang 'yun?!"
"Ma, mamaya na lang tayo mag-usap. Inaantok na ko,may pasok pa mamaya."
"Kausapin mo muna si Cedric. Ang tagal niyang naghintay tapos babastusin mo ng ganyan. Diyan ka lang, kausapin mo. Nagpunta rito na tao kaya kausapin mong tao."
Padabog pumasok sa kwarto si Tita habang tahimik umupo sa upuan si Reign. May nilabas siyang cellphone. Mukhang abalang may ka-text.
"Bumili ka ng bagong cellphone?"
"Hindi. Binigay 'to ni---" natigilan siya."Nasira na kasi yung cellphone na binigay mo. Huwag kang mag-alala babayaran ko na lang."
"Hindi naman ako naniningil." Katwiran ko.
"Lakasan din ng loob noh? Matapos mo ko awayin kahapon tapos magpapakita ka na akala mo parang wala nangyari."
"Sorry."
"Marunong ka pala magsalita ng sorry."
Inilapag ko ang bulaklak sa lamesa."Ibinababa ko na ang pride ko. Kinausap ko na rin si Tita na hindi tayo ikakasal. Sinabi ko na rin sa ibang lalaki ka mas nababagay."
"Natauhan kana ba? Tama 'yan Cedric, totohanin nyo na lang ang kasal."
"Pero hindi ko sinabi na pwede mo ko diktahan sa mga gagawin ko." Inis kong sabi.
"Ba't ka nagagalit?"
"Nakakainis lang. Naiinis ako dahil hindi mo man lang ako mabati ngayong birthday ko. Samantalang magkasama kayo ni Joseph na sinalubong ang birthday niya."
"So, nagseselos ka?"
"Oo, paulit-ulit na lang ba? Alam mo naman na umaasa pa rin ako kahit wala."
"Bakit ako na lang lagi sinisisisi mo tuwing nagpapakatanga ka? Yan problema sayo,eh. Ayaw mo tulungan ang sarili na lumayo sa'kin, kalimutan. Sa totoo lang, ayoko nasasaktan ka pero ikaw yung mapilit,eh. Sarili mo ang niloloko mo."
"Nagbabakasakali lang naman na mahalin mo ko tulad kay Joseph. Kung siya natutunan mo mahalin, bakit ako hindi pwede?"
"Kasi hindi na pwede. Boyfriend ko na si Joseph."
Boyfriend na niya si Seph. Paano nangyari 'yun? Ang bilis naman, bakit ganoon? Masyado ba ko naging mabagal para---
"Huwag ka magagalit sa kanya dahil pareho namin gusto 'to." kuyom ang dalawang kamao ko. Nagmamahalan sila, bakit hindi? Matagal ng gusto ni Joseph si Reign at hindi rin talaga malabong gustuhin ni Reign si Seph dahil mabuting tao ang kaibigan ko. Ang hindi ko lang matanggap na wala na kong pag-asa.
"Happy Birthday, Umuwi kana."
"Sandali lang. Kahit ngayon lang magkasama tayo. I'll promise,last na 'to. Hindi na kita guguluhin."
Labag man sa kalooban niya na sumama sa akin ay napapayag ko ito sa huli. Dahan-dahan kong pinapaandar ang kotse para matagal kami makapunta sa bahay namin. Nangako kasi ako kay Mama na ipapakilala ko ang babaeng mahal ko.
"Ngayon ko lang nalaman na magka-birthday kayo ni Joseph." panimula nito.
"Oo,"
"Sino ba kasama mo sa bahay? Nandoon ba ang mama mo?"
"Ewan, baka. Kung makakauwi." Tama nga sinabi ko sa kanya ihaharap ko ang babaeng gusto ko pero sino ba siya para bigyan ako ng importansiya. Birthday ko lang ito, walang halaga na dapat i-celebrate.
Tumahimik sandali tapos nagsalita ulit.
"Bakit ang bagal mo?"
"Sinusulit ko lang ang oras na kasama ka. Pagkatapos nito, back to reality."
May tumatawag sa kanya mula sa cellphone. Sinagot kaagad, at pagkaraan ay pinatay na rin.
"Tinatanong ka ba kung matutulog kana?" Kalmado kong tanong.
"Oo, ang alam niya matutulog na ko."
"Akina muna cellphone mo."
"Bakit?"
"Sige, huwag na lang." Binuksan ko ang radio ng kotse. Sakto pinatugtog ang Sino ba ako sayo ni Erik Santos.
"Kailan babalik si Marnelie?"
"Sa susunod na linggo pero pwede rin mas mapaaga ang dating. Nagagalit siya,Reign. Sinisisisi ka niya kung bakit ganito nangyayari sa VB pero ipinagtanggol kita. Sinabi kong wala kayong relasyon ni Zayn."
"Pakisabi sa'kin kung kailan siya darating. Bago sana niya kami pulungin makausap ko muna siya tungkol sa pag-alis ko bilang pinuno. Marami kami dapat pag-usapan na mahahalaga."
"Iiwan mo na ba talaga ang Viper Berus?"
"Aalis ako bilang gangster pero nandito pa rin ako para tumulong kung kailangan nila ng tulong."
"Paano kung balikan ka ng ibang bumangga sa LK at VB?"
"Marami akong natutunan sa pakikipaglaban kaya may laban ako kung sakali man."
"Hindi 'yun ang inaalala ko. Naisip mo ba na once tumiwalag ka sa isang organisasyon hindi ka na nila papansin o sa madaling sabi hindi kana nila kilala. Isang ordinaryong tao kana lang sa kanila. At isa pa, mga dating kalaban ng VB pwede ka balikan dahil alam nilang wala ng tatanggol sayo."
Pansin kong ikinabahala niya ang mga sinabi ko.
"Huwag naman sana."
"Kung sakaling hindi kana gangster baka dumating sa point na hindi tayo magpansinan." Pag-amin ko pa.
"May kasabihan move on din pag-may time. Okay lang. Sagot na rin 'yan para makalimutan mo ko. Akala mo kasi ikaw lang nahihirapan, syempre ayokong masaktan ka dahil hindi mo deserve 'yun."
"Deserving ko masaktan dahil nagmamahal ako. Lagi naman akong nakahanda pagdating sa ganyan bagay. Ang mahalin ka, napaka hirap pero ang kalimutan mas lalong mahirap. Kung hihingi ka sa'kin ng dahilan kung bakit dumating sa puntong patay na patay sayo ang isang gangster na walang sinisino. Wala akong maibibigay na statement."
"Sigurado ka bang ipapakilala mo ko sa Mama mo?" Pag-iiba niya ng usapan.
"Oo," walang gana kong tugon.
"Baka hindi niya gustong makakita ng gangster na babae." hindi ko alam kung kanino niya nakuha ang detalye na 'yun pero hindi ako papayag na pagsalitaan siya ni Mama ng kung ano-ano.
"Sino magsasabi na gangster malalagot sa'kin." bahagya 'tong ngumiti pero kaagad din inalis."Ngayon pa lang sasanayin ko na ang sarili kong okay tayo."
"Bahala ka." sa mga tugon niya sa akin ramdam kong wala ma rin siyang gana makipag-usap sa'kin. Mabuti pa sigurong itigil ko na ang kahibangan na 'to. Sarili ko lang ang napapagod umasa sa wala naman dapat asahan.
Iniliko ko ang kotse pabalik sa direksyon namin.
"Oh, may nakalimutan ka ba?" nagtataka nitong tanong.
"Ihahatid na kita sainyo."
Kunot noo niya kong tinitigan mula sa kinauupuan namin. Ewan ko ba kung ano ang dumadaloy sa isipan niya pero tingin ko na offend siya. Oo, siya ang na offend dahil sa ginawa.
"S-sige, ikaw na ang bahala." hindi na ulit ito nagsalita at bahagyang humiga.
Gaya pa rin nung una ay mabagal ang pagmamaneho ko. Nakatulog na yata siya kung kaya' wala talaga akong balak iuwi siya dahil LAST DAY KO NA ITO NA MAKAKASAMA SIYA tapos sunod hindi na pwede. May Joseph nang magtatanggol sa kanya at may Joseph na aarugain siya ng buo.
Huminto ako sandali sa isang store. Bumaba ako para bumili ng makakain. Dadalhin ko siya sa lugar na tahimik. Pagkatapos kong bumili kagad kong dinala ang sinasakyan namin sa mataas na lugar kung saan tanaw ang mga nagkikislapang ilaw ng mga bahay sa ibaba.
"Nandito na tayo." Ngunit walang tugon."Reign,"
"Hmm...nasaan tayo?" kusa itong lumabas ng kotse ng matanaw ang mga ilaw sa harap ng kotse. Sinundan ko ito hawak ang pagkain.
"Akala ko ba uuwi na tayo? Ano pa gagawin natin dito? Malapit na mag-umaga,wala ka pa ba umuwi at mamahinga?"
"Tuwing birthday ko, lagi ko 'tong panata. Hindi ako matutulog hanggang sa matapos ang birthday ko."
"Excited lang?" natatawa nitong tanong.
"Parang gano'n na nga. Naisip ko nung twenty one years old ako. Minsan lang ako mag-de-debut bakit hindi ko sulitin ang araw ng kaarawan ko. Kaya simula nun, i never sleep, baka kasi last ko nang birthday 'to tapos hindi na talaga ako gigising."
"Ang nega mo, pero alam mo ba, hindi ako sanay na ganyan ka. Ang pagiging hambog ang namimiss ko sayo. Masyado kana rin naging ma-drama."
"It just a real talk."
"Pero kahit sana naging positibo ka naman ngayong araw. Biruin mo, kung huling birthday mo na tapos ganyan pa lumalabas sa bibig mo."
"Kaya nga nandito ka para kahit ang negatibo ko pinapasaya mo ko." natahimik siya kasabay nun hinawakan ko ang kamay niya.Hindi ito pumalag dahil gusto na rin niya pagbigyan ang may birthday.
"Reign, i can't let you go, mahirap pala kahit paulit-ulit mong sabihin na iiwas kana. Kahit pagod na, lalaban pa."
"Anong gusto mo?" buntong-hininga ko itong hinarap.
"Gusto kong hayaan mo kong manatili sayo hanggang sa unti-onti kong natatanggap sa sariling hindi ka para sa'kin."
"Masusunod." nag-Pinky Promise ito, sabay gawa ko rin."Basta ipangako mo rin na walang makakaalam nito."
"Pangako, hindi ko i-bre-break ito."
"Good," siyang umupo sa damuhan.
"Makakalimutan din kita." nakapamulsa kong pagpapalakas ng loob.
Makakalimutan din kita kapag pagod na puso kong makitang masaya ka sa piling ng iba.
KINABUKASAN ,sa University Kingdom. Gaya ng dati late pa rin akong pumasok. Bukod sa wala pang tulog ay tinatamad akong pumasok. Habang papasok ako, sinasalubong ako ng LK para batiin ng Happy Birthday. Wala pa rin pagbabago ng matanaw ko ang lamesa ko. Marami na naman bulaklak, birthday greetings, chocolates, teddy bears.
"Paul, can you dispose of the mess on my desk?" Walang pagdadalawang isip dinampot lahat niya ang kalat.
"S-saan ko dadalhin 'to?"
"Where wastes are thrown away?"
"Sa basurahan."
"Then itapon mo. Kalat lang 'yan,"
"Y-yes young master!" karipas ng takbo palabas ng classroom.
Paparating si Reign.
"Anong nangyari kay Paul? Ano mga dala niya?" taka niyang tanong.
"Eh,ano pa nga ba, para kay Cedric kalat ang mga bagay na galing sa mga babae." ang madaldal na Erdem. Nakuha kong umiwas ng tingin ng titigan niya ko.
"Sayang, sayang mga effort nila para bigyan at batiin ka. Hindi ba ikaw na lang din nagsabi na baka huling birthday mo na 'to? Paano nga kung Oo? Sa susunod niyan sa puntod na sila maglalagay ng mga bagay ,hindi sa lamesa mo."
May sasabihin pa sana ito pero hindi ko na pinakinggan. Tumakbo ako para hanapin si Paul. Saktong ihahagis niya ang mga kalat, este ang mga regalo ng sigawan ko siya.
"Do not try to throw them."
"Ha? 'Di ba sabi mo itapon ko na?"
"I said, do not try."
"S-sige." Inabot sa akin."Ang weird mo, pero...Happy Birthday," sabay takbo palayo sa pwesto ko. Nakuha kong huminga ng malamin. Hindi ko alam kung ano gagawin ko rito.
"Happy?" nakakaloko kong tanong sa sarili. Kung minsan-minsan ang sarap kausapin ang sarili lalo ngayong nag-iisa.
Tahimik kong binasa ang mga greeting cards. Halos lahat binati ako humiling na sana dagdagan pa ng maraming taon ang buhay ko. Sa buhay, kahit mayaman ka,o mahirap hindi mo maiiwasan ang mamatay. Bakit ko kamo lagi sinasabi ito? Dahil feeling ko may mangyayari hindi maganda. Kung minsan yung kaba ko, laging may tama.
Napansin ng mga mata ko ang isang sulat. Iba ito sa mga card na natanggap ko. Nang buksan ko ito ay bumungad kaagad sa akin ang salitang...Magkita tayo ngayon. Hindi ko na binasa pa ang ilan nakasulat tinignan ko kagad ang nasa bandang ibaba na nakalagay ang kanyang pangalan.
Vangie,
Gagala-gala ang mga mata ko sa paligid baka kasi nandito lang siya at sinusundan na naman ako. Bigo man ako sa pakay ay napagdesisyunan kong puntahan ito sa kanyang room. Nasa kalagitnaan ang kanyang room habang samin ay bahagyang malapit sa gate. Sinilip ko muna ang loob, may ilan nagulat, at ang ilan ay natakot.
"Ba't sya nandito? Manggugulo kaya siya?"
"Uy, mga classmates, sino may kasalanan dito sa Lucifer Kingdom? Umamin na kayo, ayaw namin madamay." sabi ng isang lalaki. Nabigyan siya ng buong atensyon kung kaya't ang pakay ko ay nakita kaagad ako.
"Ako ang kailangan niya'n." Sabat ni Vangie palabas ng room."Happy Birthday."
"Bakit mo ba ko gusto maka-usap?"
"Si Mommy kasi,"
"Ano nangyari?"
"Gusto niyang umuwi tayo ngayong araw. Gusto ka niyang maka-usap tungkol Kay Tita."
"Bakit na naman ba?!" inis kong sigaw.
"Huwag mo kong sigawan!" patol sa akin.
"Gustong ibenta ni Mommy ang lupain niya sa probinsiya. Sawa na raw siyang mamuhay doon. Ang gusto niya dito naman sa Manila. Ngayon, hinihingi nila ang approval nyo para maibenta rin ang lupain ni Tita na natitira pa."
"Nawawala na naman sa katinuan ang Mommy, alam mo naman 'di ba na iyon lang ang pamana ni Lolo sa mga MAGULANG natin bakit inip na inip siyang mawala 'to? Isa pa, huwag na siyang magpagod,dahil hindi rin papayag si Mama sa gusto niya. May sentimental value ang lugar na 'yun kay Mama."
"Paano gagawin ko? Galit na naman 'yun kapag tumawag sa'kin."
"Ako kakausap kapag tumawag."
"Huwag mo na lang sabihin na ako ang nakiusap sayo,ha. Lalo magagalit sa akin 'yun eh."
"Bahala na," nakasimangot kong tugon. Hindi na ito nagsalita pa. Binabasa ko kung ano iniisip nito pero hindi ko makuha kung ano.
"Huwag mo ipagkakalat na mag-pinsan tayo." Muli kong paalala.
"Oo, papasok na ko sa loob. Ako na lang bahala magpaliwanag kung bakit nandito." tahimik kong sinundan ng tingin si Vangie. Mula sa loob rinig ko ang ingayan nilang lahat.
"Bakit ka kinausap?"
"Lagot ka, Vangie!"
"Baka naman, binigyan mo na naman ng sulat kaya sumugod dito?"
"Hibang ka rin noh? Asa kapa na pansinin ka ni Cedric ,hindi pumapatol 'yun sa mahirap na gaya mo. At huwag kang umasa na kaya ka pinuntahan dito dahil binigyan ka niya ng importansya."
Sa gigil ko tinawagan ko ang buong LK. Inutos kong bigyan ng white stub ang mga Classmates ni Vangie. Wala silang karapatan para pagsalitaan ang pinsan ko. Isa pa, wala rin dapat makaalam na kamag-anak ko siya dahil sigurado akong pag-iinitan siya ng ibang gangster dahil sa akin, and fyi lang, hindi mahirap ang pinsan ko. Pinalabas lang namin ganyan ang katayuan niya para hindi masyadong halata.
Bumalik na ko sa room, nandoon na rin si Prof.Tolits pero hindi ako pinansin. Siguro pagbibigyan niya ko dahil birthday ko.
Wala na sa tabing upuan ko si Reign. Balik siya sa dating tabi ni Joseph. Pansin kong panay ito hikab at sasandal sa upuan. Kung bakit kasi sinamahan niya kong wag matulog gayong gusto ko na siyang ihatid kanina sa bahay nila.
Nang maupo ako rinig kong nagsalita si Calvin.
"Ay,shit...libre nga pala ngayong araw ang canteen. Makakakain ako ng marami nito dahil libre."
"Libre?" tugon ko kahit hindi niya kausap.
"Oo, tumawag ang Mama mo. Libre ngayong araw ang menu sa Canteen."
"Kahit sa Cafeteria ni Joseph libre rin." Pag-amin ni Peps.
"Masaya 'to." Erdem.
"Sana buong araw din walang klase para mas masaya." Frankie.
"Pwede naman, kung ipag-uutos ni Cedric sa Principal na i-cancel ang klase ngayong araw." tugon ni Axel.
"Oo nga,Ced ipa-cancel mo na ngayon para makapag-inuman tayo nila Joseph." Suggestion ni Zayn.
Tiningnan ko si Joseph. Mukhang hindi siya pabor sa naiisip ng kasama namin. Masipag kasi 'tong mag-aral.
"Pag-iisipan ko." Mahinang tugon niya. Pansin kong natutulog si Reign sa pwesto niya.
Panay ang sulyap ni Professor Tolits sa pwesto nila. Nag-aalala ako baka pagalitan ito. Mahigpit pa namn ito pagdating sa mga estusyante na hawak niya dati.
"I think we need to cancel class today. Minsan lang naman 'to kaya pumayag ka na Professor Tolits." Tumayo ako para mapakinggan ng lahat. Nagising si Reign, sa ingay ng ibang classmates namin.
"Okay,okay,okay, pwede naman,basta bukas may exam kayo kailangan maipasa nyo ito dahil malaking attached yan sa grades nyo."
Sigawan ang lahat dahilan para maalarma si Reign.
"Bakit? Bakit daw?"
"Tutulog-tulog ka kasi, hindi ba maaga kitang hinatid sainyo?" reklamong sabi ni Joseph dito
"Ha, oo nga pero hindi kaagad ako nakatulog kasi may ginawa si Mama tinulungan ko na."
"Makakapasok ka ba niyan sa trabaho na ganyan ka?"
"Oo, itutulog ko na lang ito sa rooftop,since wala tayong klase." Kinuha ang bag at tumayo.
"Kumain muna tayo."
"Mas gusto ko na lang matulog kaysa kumain. Tawagan na lang kita kapag nakaramdam na ko ng gutom." kahit nakangiti bakas sa mukha nito na kailangan ng tulog.
"Samahan kita,"
"Kumain ka muna." tinapik nito ang balikat ng Boyfriend. Hindi kasi sila pwede pahalata lalo ngayon baka makarating ito sa Viper Berus.
Bakas sa pagkilos nito palabas ng room ang antok. Abalang nakipag-usap si Joseph kina Peps kaya nagkaroon ako ng pagkakataon sundan si Reign. Baka kasi mapano 'yun.
Narating namin ang rooftop. May mahabang upuan dito at doon siya nahiga gamit ang bag para gawing unan. Malakas din ang hangin kaya natitiyak kong mapapasarap ang tulog niya.
"Cedric, heto na." sumenyas ako kay Peps na huwag maingay ng iabot sa'kin ang pagkain.
"Ano ba ginagawa mo diyan?" Sisilip sana pero isinara ko bahagya ang pintuan.
"Basta, kapag hinanap ako ng iba sabihin mo may pinuntahan lang pero huwag mo sabihin dito sa rooftop ha? Hintayin nyo na lang ako sa Cafeteria hanggang hapon." Paalala ko.
"Okay, mukhang naloloko ka na naman,eh"
"Gagu!" kinutusan ko.
"Ouch!"
"Manahimik. Pababa kana, basta paalala ko huwag kang maingay sa iba. Sige na," sabay sarado ng pintuan.
Nakapuwesto ako sa di kalayuan pero hindi niya mapapansin. Naupo ako sa lapag at sinimulan kumain. Bawat nguya ko titingin sa kanya. Daig ko pa nagbabantay nito ng isang sanggol na ingat na ingat bantayan habang natutulog. Sana ganito na lang palagi, kahit man lang sa tanaw maging akin siya.
Naubos na lahat ang kinain ko. Sumandal ako para umidlip kahit sandali. Ginising lang ako ng mga malalaking patak ng ulan. Wala na sa upuan si Reign,marahil nagising ito at bumaba na. Madali akong bumaba pero nasa stairs pa lang naririnig kong nagsasalita siya at parang may kausap.
"Naabutan ka ba ng ulan?" Boses ni Joseph.
"Hindi. Nagising din agad ako ng maramdaman kong may pumapatak."
"Gutom kana ba?"
"Oo, nakabawi na rin ako ng tulog."
Nagtataka akong tumingin ng relo. Apat na oras pala akong nakatulog. Hindi ko man lang namalayan 'yun.
Hinintay ko muna silang makalayo bago ako magpatuloy sa paglalakad. Kahit malayo sila sa akin ay dinig ko ang echo ng kanilang boses.
"Napansin mo ba si Cedric?" tanong ni Joseph.
"Hindi,bakit?"
"Kanina pa wala 'yun. Sinosolo ang birthday niya."
"Baka mayamaya magpakita na 'yun."
"Oo nga, nasa cafeteria ang LK sabay kana samin?"
"Gusto ko sana kaya lang may text sa'kin si Roselle. Gusto niya makipag-usap."
"Hindi kapa kumakain."
"Okay lang, nasa Jungle house sila ngayon."
"Akala ko pa naman makakasama kita ng matagal."
"Mamayang gabi,pupunta ako sainyo. May niluto si Mama para raw sayo."
"Seryoso?"
"Oo, na banggit ko kasing birthday mo rin, at na i-kwento kong tayo na."
"Okay na sa kanya?"
"Hmm, hindi pa pero kahit paano nagiging okay na kami hindi tulad nung nakaraan. Thankful tayo kay Cedric dahil kinausap niya si Mama tungkol samin dalawa."
"Pasasalamatan ko talaga si Young Master."
Malungkot akong huminto. Umupo,at isinandal ang likod sa pinaka pader. Masakit pala marinig sa kanila ang ganoong salita na pasalamatan ka dahil sa ginawa mo kahit labag na labag yun sa kalooban mo.
Kalahating oras, matapos nun ay sumunod na ko sa cafeteria. Nandon pa rin ang buong LK. Masayang-masaya ng makita akong pumasok.
"Pre, akala ko magsosolo ka sa birthday mo." Biro ni Frankie.
"Pwede ba 'yun?" Nakangiti kong tugon.
"Marami na kami napag-usapan sa kasal nyo ni Marnelie." Si Peps,sabay tingin kay Axel na ngayon ay masama ang tingin sa akin.
"Ganoon ba? Okay na ba mga isusuot nyo?"
"Kami pa ba?" Calvin.
"Axel, punta ka ha."
"Sige." ininom niya ang wine.
"Bakit may ganyan? Sino nagsabi mag-inuman kayo rito sa cafeteria na nakikita ng maraming tao?" Inis kong tanong.
"Si Joseph naglabas nyan." Erdem said.
Nag-peace sign itong si Joseph. Pero kaagad umaliwalas ang mukha ng may mapansin bandang likuran ko.
"Marnelie!" sigaw ni Erdem.
Si Marnelie nga, mukhang babaeng babae ang pustura nito kaysa dati. Sinulyapan ko si Axel na ngayon ay parang nawawasak ang puso. Lumapit ako kay Marnelie para yakapin.
"Welcome back," sabi ko.
"Salamat, parang ang tagal natin hindi nagkita,ah?"
"Syempre, na miss kita. Teka, heto na ba yung pagbabalik mo?"
"Oo."
"Naka-usap mo na ba si Reign?"
"Si Roselle pa lang kausap. Hindi niya alam na nandito na ko."
"Huwag muna ngayon,"
"Bakit?"
"Wala siya sa kundisyon. Puyat baka hindi maganda ang kalalabasan ng pag-uusap nyo."
"May dahilan ba para hindi gumanda?" Tumikhim ako. Baka madulas ako at umamin sa nalalaman.
Ngumiti siya sa akin bago lumapit sa buong LK.
Naisip ko lang, paano kung malaman kagad ni Marnelie na break ni Reign ang rules na ginawa nito? Magagalit kaya siya at paaalisin sa VB?
"Nalaman kong aalis na si Reign sa Viper. Noon pa niya sinasabing hindi na niya kaya pero hindi ba maganda ang usapan natin na dapat siya ang mamuno kahit bumalik na ko? Hindi ko ba siya pinagsasabihan tungkol doon?" sabi ni Marnelie matapos makipag-usap sa LK.
"Tingin ko wala akong pagkukulang. Kung ikaw ba,papayag sa magiging desisyon niya?"
"HINDI, DAHIL AYOKONG MATULOY ANG GUSTO NG MAMA MO TUNGKOL SA MAPAPANGASAWA MO."
Simula ng magkasama kami palagi niyang sinasabi na siya ang dapat mawala sa pagiging gangster gayong alam naman niya kung sino ba ang dapat nasa katayuan niya.