Chapter 29

2603 Words
"Reign, uwi ka ulit dito kapag may time ka." Inabot sakin ang bag ko. "Sa bakasyon." Abala kong isinasara ang zipper ng isang bag. "Kaya mo na ba yan? Hindi kana ba magpapahatid sa terminal?" "Hindi na.Malaking abala na 'tong ginawa ko.Ang dami nyong pinadala saking mga gulay at bigas.Mabubuhay na ko ng ilang buwan nito." Parehas kaming tumawa. "Dapat healthy, lalo sayo na working student.Madalas,wala kang tulog.Atleast makabawi ka man lang sa kinakain mo." "Salamat. Pakisabi nalang kay Tita Margarita mauuna na ko.Hindi pa rin kasi ako pinapansin." "Wag mong intindihin ang isang yun.Mahirap paliwanagan yan.Sige na,baka tanghaliin ka sa byahe mo." "Anak,Annie. Nakalimutan mo pala itong lambanog." Habol ni Mama sa'min. "Sabi ko hindi na ko mag-uuwi nyan." "Ibigay mo nga kay Cedric, hindi naman sayo." Si hambog na naman ang bukambibig. Kahapon pa sya naka-uwi.Dumating daw ang Mommy nya from states.Akala ni Mama at Papa,magkakasabay kami pero tumanggi akong sumabay baka kasi sungitan ako ng Mommy nya,mahirap na. "Annie,dalawang linggo kana nakapagpahinga pero wag mo kakalimutan na maghinay-hinay sa trabaho ah?" Paalala nito. "Opo Ma,mag-iingat kayo rito.Iiwan ko na itong cellphone." Inaabot ko pero tumanggi siya. "Mas kailangan mo yan." "Salamat Ma,naisip ko lang uuwi na naman ako sa bahay na mag-isa.Hindi na nasanay ang sarili ko." Malungkot kong wika. "May panahon na kailangan mo mapag-isa para matuto sa lahat ng bagay.Alam mo anak, nakaka-proud ka dahil kinakaya mo para sa'min ng Papa mo.Kami ang lubos na nagpapasalamat sa pagiging mabuting anak mo." Niyakap nya ko ng napaka higpit. "Tama na po ang drama.Mauubos ang mga bus sa terminal nyan." Natatawa satsat ni Maria. May isang kotse huminto sa tapat namin.Matagal bago bumaba ang nasa loob nito. "Tita,may inaasahan pa ba kayong bisita?" Usisa ni Maria kay Mama. "Aba,wala naman.Annie,kilala mo ba kung sino yan?" Lumapit ako sa kotse.Sinisilip ko ang pinaka loob nito nguni't 'di ko maaninaw dahil madilim ang loob.Masyadong makapal ang pinaka harang. "Baka naliligaw lang at magtatanong sa'tin." Siyang harap ko sa dalawa. "Saan dito natira si Reign?" Tanong ng kung sino,dahilan upang lingunin ko.Nakabukas ang salamin ng kotse.Bumungad sa'kin ang mukha ni Zayn. Isang atras ang ginawa ko,muntik kasi magkapalit kami ng mukha. "A-anong g-ginagawa mo rito?" Lumapit sa'kin ang dalawa. "Pinsan, sino yan? Kilala mo?" "Ngayon ko lang sya nakita." Satsat ni Mama. Bumaba mula sa kotse si Zayn,upang mag-mano kay Mama.Akalain mo yun? May alam pala syang galang sa nakatatanda. "Pinsan ,ang gwapo." Kinikilig na sabi ni Maria.Inirapan ko ito bago tignan si Zayn na nakasimangot. "Anong ginagawa mo rito?" Ulit ko. "Sinusundo ka.Ang ibig kong sabihin,pinapasundo ka sa'kin ni Cedric." Seryoso nitong tugon. "Ay,ang sosyal. May taga-sundo pa,tapos ang gwapo-gwapo.Hihi.Pinsan,ipakilala mo naman ako." Bulong nito. "By the way ,I'm Zayn." Nakipagshake hands kay Maria. "Ikaw yung tumawag samin?" Usisa ni Mama rito. "Kailan tumawag?" Tanong ko.Habang nakatingin pa rin si Mama rito. "O-po." "Kailan ka tumawag,at bakit?" Iwas na iwas ang Zayn,dahilan para mag-isip ako ng hindi maganda. "Heto ba mga dadalhin mo,ilalagay ko na sa likod ng sasakyan." Nagmamadali nyang inilagay ang mga gulay sa kotse.Maging ang mga gamit ko ay ipinasok sa gitna. Mahigit sampung baranggay nadaanan namin nguni't kakaiba ang nararamdaman ko.Hindi ko magawang maging normal ang paghinga ko,hindi ko magawang maging normal ang pagkilos.Parang may atmosphere na kakaiba akong nararamdaman. Hindi ito katulad sa pakiramdam kapag kasama si Cedric. Siguro dahil mas madalas kong makita ang hambog na yun,medyo napalapit na ko sakanya kumapara rito sa bestfriend nyang never kong nakasama ng matagal. "Kumain muna tayo bago maka-uwi.Saan mo ba gusto?" "H-ha? Ahh--ahh a-ano ,kahit wag na.Matutulog nalang ako." Umayos ka nga Reign,wag ka magpahalatang hindi ka komportable. Walang kibo itong nagpatuloy sa pagmamaneho.Dumaan kami sa Drive thru.Napakarami inorder nitong burger,fries at coke.Sino naman kaya uubos nito? "Hindi ba sobrang dami nito?" "Ubusin mo.Mahabang byahe pa naman ang pagdaraanan natin." Kaya nga,mahaba ang byahe natin pero hindi ko ma-Feel na makasama ka ,tapos kakain na kasama ka.Ugh, kung pwede lang titiisin ko itong gutom.Wag lamang ako maiilang sayo. "Hindi mo pa kainin yan." "B-busog pa ko." "Ako kasi hindi.Maaga akong bumiyahe para sunduin ka." Geh,konsensiya pa more! "K-kumain kana." Nag-smirk, "Paano ko makakakain kung nagmamaneho ako." "Stop over muna tayo." "Hindi pwede." "Bakit?" Sinulyapan ako saglit. "May hinahabol akong meeting." "Meeting??" "Meeting ,pulong." Pagtutuwid nya. "Alam ko,pero saan naman ang meeting mo? Nagtra-trabaho kana ba?" Sa labas ako tumingin dahil kumakalam ang sikmura ko. "Magkasama kami ni Cedric sa isang business, mas kailangan nga lang sya 'ron kaya naki-usap syang ako ang sumundo sayo." "Hindi nyo na kailangan gawin yun.Wala kayong pananagutan sa'kin." Mahinang sabi ko. "Kung sa'kin wala,pero kay Cedric baka meron." "Paanong meron?" Lumapit ako upang intindihin kung ano isasagot. Nagtama ang mga mata namin.Marahil nasa kalagitnan kami ng isang kwento kung saan malapit ng halikan ng bidang lalake ang bidang babae pero dahil nananaginip lang ako ay hindi ganon ang nangyari.Kahit yata sa panaginip ay hindi mangyayari iyon, what for true to life na? "Nagugutom ako,subuan mo ko." inabot sa'kin ang isang burger. "Ah?" "Hindi ko kayang kumain na nagmamaneho." Kahit sobrang ilang ako ay ginawa ko syang subuan ng burger at Fries. Mabuti pa sya hindi nahihiyang kumain na kasama ako.Habang ako,heto ni paglunok yata 'di ko magawa.Sa lalim ng iniisip nakagat ko ang burger na kinakain nya.Huminto ito sa pag-nguya bago ko sya tignan. "Sorry, maselan ka yata.Kukuha nalang ako ng ibang burger----" kumuha ako sa plastic ng burger nguni't kusa nyang kinagat ang burger na hawak ko. "Pasalamat ka gutom ako.Hindi ko magawang mandiri sa laway mo." Sambit nya habang gumunguya. "Soft drink?" alok ko.Nag-nod nalang bago ko itapat sa bibig nya ang straw.Ang nipis lamang ng labi nito,bahagyang mamula-mula at may--- ketchup ang ibabang labi nya. "Okay na." lumayo na ko at buntunghininga sumipsip din sa soft drink na inuman nya. "M-may ketchup ka sa labi mo." Nahihiya kong banggit. "Saan?" "Sa labi mo." Iwas na iwas kong sagot.Tumingin sa rear mirror.Humingi sakin ng tissue upang punasan ang ketchup. Mga gangster sila pero  bakit feeling ko hindi naman ganoon masama ang pag-uugali nila? Ang huli kong nakitang galit sila nung may away sa kabilang panig ni Wesley. Ilang buwan ko na silang nakakasama at nakikita pero sobrang limit ng iba dahil si Cedric at Joseph  lang naman ang madalas kong makita.Siguro, may itinatago rin kabutihan itong si Zayn hindi ko lang alam kung ano.Kung makakasama ko pa sya ng matagal baka malaman ko. Nakaramdam ako ng antok.Naki-usap akong lilipat sa likod.Nung una ay ayaw pumayag pero sinabi kong hindi ako kompotable sa inuupuan ko ay pumayag na rin. Pumikit ako,nasa kalagitnaan na ko ng panaginip nang biglang huminto ang kotse.Napababaw pa rin ng tulog ko dahil naramdaman ko pa yun.Pagmulat ko may sumakay sa harap.Pinaandar muli ni Zayn ang kotse dahil wala pa naman kami sa Manila.Dahil ang lakas ng curiosity ko kung sino nga ba ang sumakay ,simpleng silip ako.Halos lumundag ako sa gulat nang mukha ni Joseph ang bumungad. "Hello!" "H-hi." Napansin kong nakatingin sa Rear mirror si Zayn. "Wow! Pagkain! Gusto ko yan!" Parang batang gutom na gutom nyang tignan ang nasa tabi kong pagkain. Bigla siyang tumayo at pilit sumiksik sa pagitan ng upuan. "Hoy,Joseph! Anong ginagawa mo!" Bulyaw ni Zayn. "Nagutom ako sa pagkain.Salamat ah!"  Sabi nang maka-upo sa tabi ko.Nasa likuran na ngayon sya ni Zayn. Nakangiti si Joseph sa'kin habang hawak ang kamay ko.Taas baba nyang ginalaw ang kilay. "Namiss kita Reign,ako ba?" Yung tingin at banat nya,ito yung nagiging dahilan para mabilis mamula ang pisngi ko.Ganito sya kung maka-astang walang iniintindi kahit may isang kasama sya sa Lucifer kingdom.Hindi nya iniintindi kung malalagot ba sya o hindi sa maaaring kapahangasan nyang ginagawa. Pinaharurot ni Zayn ang kotse dahilan para masubsob ako.Tinignan ko sya ng masama,iyong tingin nya parang sinasabing: 'Umayos kayo,kung ayaw nyong dalhin ko kayo sa impyerno.' Dinig kong tumawa ang katabi ko,hinila nya ko palapit sakanya, as in malapit na malapit.Di sinasadyang naduling ako sa ginawa nyang paninitig. "Hay,Naku!" Reklamo ng driver namin,may hampas-hampas pa nalalaman sa manibela. "Wag mong intindihin yan." Bulong ng katabi ko. "Hindi mo kasi ko katulad.Lumayo ka nga,mamaya lang makakarating ito kay Cedric." Bulong ko. "Hindi lang mamaya ,baka ngayon malaman na niya." Sabat ni Zayn. "Hindi niya malalaman kung walang magsasalita. Wala kaming ginagawang masama." Depensa ni Joseph. "Paano kung ako ang magsumbong? May magagawa ba kayo?" Hamon sa'min. Kagat labi kong tinignan si Joseph. "Alam kong bestfriend kayo ni Young master,pero alalahanin mo ang mga pinagsamahan natin." "Wala kong papanigan sainyo. Umayos lang kayo,baka magkasundo pa tayo." "Ikaw kasi." Malakas kong siniko ang tagiliran. "Namiss lang kita.Sana, Okay na tayo?" "Oo ,okay na tayo pero sana wag mo nang ulitin sya ang papanigan mo." "Tatanungin kita,tingin mo ba nasa mali ang kaibigan mo si Nicole? Alam mo na rin wala syang kinalaman doon,baka naman----pwede bumalik na kayo sa dati." "Sino nagbabantay sakanya?" Taliwas kong sabi. "Si Frankie,dalawin natin sya?" Sa labas ako tumingin. "Marami pa kong gagawin pagka-uwi, sa susunod nalang siguro." "Lalabas na yun bukas." "Mas mainam." Pinili ko nalang manahimik habang sa nasa byahe kami.Habang si Joseph na ito ay walang humpay na kumakanta. Maganda ang boses nya,naging dahilan upang makatulog ako.Naramdaman kong may kumakalabit sa'kin. Bumangon ang likuran ko habang nakatingin sa labas. "Nandito na tayo sa bahay nyo." Mahinang wika ni Joseph. Kinuha ko ang bag ko.Sabay kaming bumaba sa kotse at kinuha ang dala ko mula sa likod ng kotse. "Pakilapag nalang dyan.Pwede na kayong umalis.Salamat ulit." Sabi ko,habang nagbubukas ng doorknob. "Hindi kana magpapatulong?" Zayn asked me. I smiled,"Kaya ko na ito.Hindi ba may meeting kapang pupuntahan?" Nag-nod ito bago akbayan si Joseph. "Tara na." "Wala naman akong gagawin.Sabay nalang kami papasok mamaya." Pilit nyang layo sa kaibigan. "Bahala ka." Walang buhay umalis si Zayn.Binuhat ni Joseph ang mga dala ko papasok sa loob ng bahay. "Saan ref nyo?" Kunot noo ko syang tinignan. "Wala." Abala kong nilalabas ang mga gulay sa plastic at inilalagay sa malaking basket. "Ganyan lang 'yan?" "Oo." "Yung mga isdang dala mo,saan mo ilalagay?" "Ah.Siguro luluto ko kaagad tapos yung iba ibibigay ko kay Shien." "Ah." Tumulong din sa'kin. "Kung sasabay ka sa'kin pumasok,asan ang pangpasok mong damit?" "Itong suot ko." Sabay kindat. Napapabuga ako ng hangin dahil sa ginagawa nya. Nakaka-ilang kasi ng sobra. Natapos ang lahat nang ligpitin.Sabay kami pumasok na nakasakay sa motor ko.Ako ngayon ang back ride dahil sanay naman daw sya at ayaw nyang isipin ng mga tao na babae pa ang nagdra-Drive. "Unang araw ng pasukan.Ughhhh--- sarap mag-focus ng husto." Siwalat nito habang hinihintay namin ang ilang estudyante pero nandito na ang professor namin. "Nakakakapagtaka,mga tamad pa rin ba sila pumasok? Halos dalawang linggo nga ang bakasyon." Seryoso itong tumingin sa'kin. "Maaga pa naman." Tumingin sa Relo nya. "Nandito na ang professor natin.Papapasukin pa ba sila?" "Oo naman," ngumiti nang makahulugan."Wag kana mag-alala, papasok ang mga yun." "Class,dahil dalawang linggo kayong pahinga.Marami rin ang nabago sa scheduled natin," bulungan ang lahat. "Kung napapansin nyo may iilan dito ay hindi pa dumarating, wag nyo nang asahan na papasok sila dahil nasa ibang course na mga ito." Tumingin ako sa buong paligid. Halos mga nasa sampu ang nawala.Bakit kaya sila nagsilipat ng course? Kung kailan malapit na matapos ang pasukan. "But do not worry. Other students take them from other courses." Ha? Ano raw? May ibang estudyante pumalit sakanila at ibang kurso pa.Sino naman ang mga yun? Dentistry ang pinasok nila rito,sa tingin ba nila ay makakahabol pa sila sa mga studies namin? Tumingin ako kay Joseph mukhang wala rin syang alam sa nangyayari. "Oh,Nandiyan na pala sila." Inalis ko ang tingin dito para tignan ang mga paparating na estudyante sa loob ng room. Yung kaninang simpleng bulungan ng mga classmates ko ay napalitan ng malalakas na usapan.Maski ako ay hindi makapaniwala sa nakikita.Tinignan ko si Joseph upang tanungin kung may alam sya rito ngunit pagtaas lang ng balikat ang sinagot. "Ang Lucifer Kingdom ang bago nyong makakasama for a whole year." Ha? Whole year? Wait---- whole year talaga? Anong----- bakit---- mga baliw---- "Sorry ,class but this is New Policy ng Kingdom University. Sundin nalang natin ang patakaran na ito.Gaya nang sabi ko ay marami ang mababago." Siniko ko ang katabi. "Huwag mo sabihin may alam ka rito," Todo iling."Ano na naman pumasok sa utak ng Young Master nyo?" Pinaglalaruan ko ang ballpen, habang naghihintay sa isasagot ng kausap ko. "Wala akong alam." Sabay kami tumingin kay Cedric,alam kong nakatingin sya sakin pero mas pinagtuunan nya ng tingin si Joseph habang naka-smirk. "May plano silang bantayan ka." Mahina kong bulong na nakatingin sa Leader nila. Lumingon sakin."Mukhang may problema tayo." "Wala tayong ginagawang masama." Depensa ko. "Meron o wala,si Cedric Lee Kasilag lang naman ang kalaban natin.Hindi sya basta-basta lalake na kapag kinalaban mo wala lang sakanya." "Baliw sya." I looked at him in a bad way.Nakatingin na rin sakin habang papalapit sa upuan namin. "Pumili nalang kayo dyan ng mauupuan." Utos ni Prof. Ang walang hiyang hambog,naupo malapit sa kinauupuan ni Joseph. "Tol," Nag-apir ang dalawa pagkatapos nyang sabihin yun."Happy to see you." Naka-smirk niyang banggit. Pilit sa ngiti itong si Joseph,inilabas nito ang notebook at seryosong may sinusulat. Nagtama ang mga mata namin.Inirapan ko nalang bago ko tumingin kay Prof.Hindi ko inaasahan ang ganitong sitwasyon.Hindi ko alam kung ano pumasok sa utak ng Hambog na yun kung bakit pumasok sya sa Course namin kahit alam nilang fourth year college na sila at Engineering ang course.Ganyan ba ang Policy ng mga may-ari ng KU? Oras ng klase.Feeling ko may malaking pagbabago sa buhay estudyante ko bukod nitong nakilala ko sila.Bukod kasi rito ay araw-araw ko silang makikita,huwag lang sana maka-usap dahil tingin ko hindi magiging maganda ang mangyayari araw-araw. Isang classmate kong babae ang tumabi kay Cedric.Deadma lang si Hambog habang nakikinig sa sinasabi ni Prof. "Noon ko pa sayo sinasabi, mas maganda ang Dentistry," Ngunit parang kumaka-usap lamang sya sa hangin."Wala kapa katabi pwede ba tayo nalang?" Malumanay binaba ni Cedric ang ballpen na hawak.Kasunod nun,hindi ko inaasahan ang ginawa nya. Tinulak lang  nya classmate ko,dahilan upang mahulog sya sa upuan at pagtawanan ng mga classmates namin. "Alam nyo naman na ayoko sa babaeng papansin." Matalim na nakatingin sakin.Napahawak ako sa notebook dahil nakakatakot ang ginagawa nyang pagtitig sakin. "Tama na yan.Break-time muna." Wika ni Prof. Nagmamadali syang lumabas ng room,marahil ay takot din itong madamay sa gulo ng LK kaya kahit ayaw man nyang ipasok ang LK sa klase nya ay wala syang magagawa. "Sabay na tayo lumabas," Naunang tumayo si Joseph ,sumunod ako rito."Naiilang kana ba kasama ang Lucifer Kingdom?" "Sobra,okay sana kung ikaw lang dahil kilala ko na ugali mo,pero paano yung iba? Iniisip ko palang parang ang hirap na." "Masasanay ka rin.Tara sa cafeteria." "Ano ba kasi ang dahilan kung bakit lumipat sila?" "Binabantayan tayo." "Yun lang?" "Alam mo naman bawal samin ang malink sa mga babae, kaya para walang pangamba pumasok sila sa kurso natin." "Pero kahit na,kami rin naman ng Viper Berus ganyan ang rules pero hindi nila ako binabantayan." "Yun ang inaakala mo." Natigilan kami pareho sa sinabi nito sa'kin. "Anong ibig mo sabihin?" Tumingin sya sa paligid. "Binabantayan ng bawat miyembro ang isa't-isa, marahil hindi pa nila ito sinasabi sayo dahil gusto ka nila mahuli sa akto." "Sino sa kanila?" "Lahat sila." "Kahit si Roselle?" "Kahit si Roselle pa na mas malapit sayo.Don't get me wrong,pero lahat sila ay binabantayan ang kilos mo.Lalo ngayon ay iniisip nilang may relasyon tayo dahil sa nalaman nilang--- gusto kita." "Ikaw lang naman ang may gusto sakin." Pagtama ko. "Advance mag-isip ang Viper. Sa kilos palang ng isang tao alam na nila kung nagsasabi ito ng totoo o hindi." "So, sinasabi nila na gusto rin kita,ganoon?" Iniwasan ko ang paninitig nya. "Parang ganoon na nga," He sigh."Pero,ako pa rin ang makakasagot sa tamang hinala nila,na wala kang gusto sakin." Nag-init ang pisngi ko.Parang may kung anong dumaloy sa dibdib ko dahilan upang lumakas ang kalabog nito.May kung anong hinahabol na due date sa sobrang bilis. Nawala lang ang lahat ng dumating si Peps sa kinatatayuan namin. "Pwede ka ba maka-usap?" Tanong niya. "Maiwan ko muna kayo." Kusang paalam ng kasama ko.Nang ramdam nyang malayo na si Joseph ay nagsalita sya. "Nagkita na ba kayo ni Shien?" Umiling ako."Tingin mo,pumasok sya ngayon?" "Hindi ko pa sya nakikita pero ang huling usapan namin ay pupuntahan nya ko sa bahay after ng school." "Ganoon ba?" "Oo, bakit? May problema ba? Inaway ka ba?" "Malabo," He smiled at me." Pwede ba na ako nalang ang maghahatid sayo?" "Ha? Eh, bakit?" "Gusto ko syang maka-usap." "Nakamotor ako." "Ako rin," nakangiti pa rin. "Okay." No choice naman eh,wala akong makitang dahilan para sumama sya pero tingin ko si Shien ang habol nya. ^^, Don't forget to vote,comment ,and share my story
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD