"Ganito nalang,total ayaw mo pumayag na ikaw ang mauna at ganoon din ako.Bakit hindi natin gawin na sabay maligo?"
Umatras ako,"Bakit ka lumalayo? Natatakot ka ba?" Muli niyang lapit sakin,ako naman ay umatras.
"Bakit kita katatakutan? Lumayo ka sa'kin, if you don't want to hurt."
"Ang sweet mo talaga." He grabbe my hand to hug me tight.
"Bumitaw ka nga! Isa Cedric! Ano ba ?! Lumayo ja nga! Nakaka pikon kana."
Gigil ko syang itinulak palayo.
"HAHAHA ANG SARAP MONG ASARIN."
"Buwisit ka!" Inirapan ko sabay layas na rin.Kinuha ko ang tuwalyang nasa upuan at diretso sa ilog malapit sa kinatatayuan ng bahay nila Tita.
"Abnormal na gangster yun.Iisahan na naman ako.Pwes,hinding-hindi na mauulit yung dati.Aba,talagang swerte nya kung gawin nyang--- Ugh! Kainis talaga! Bakit kasi pumunta-punta pa yung hambog na yun.Panira ng bakasyon grande ko.Hmp."
Inis akong naghubad ng chinelas,pants,at T-shirt.Tanging sando, shorts nalang ang suot kong lumusong sa ilog.Mababa ngayon ang tubig dito kaya hindi naging mahirap sakin lalo't hindi pa naman ako gaano marunong lumangoy.Naalala ko noong tinuturuan ako ni Annie lumangoy pero naiinis lang ako dahil hindi ko makuha ang technique.Ah,basta--- mas madali pa yata pag-aralan ang pagluluto kaysa ang lumangoy.Hindi na bale,baka yung magiging future husband ko sanay lumangoy.
Connect?
Kung anu-ano pumapasok sa isip ko.Baka gutom lang ako kaya pati itong sarili ko kinakausap ko na.
"Ay! Badtrip!" Sa inis ko,naiwan yung sabon at shampoo. Ano 'to? Kailangan ko pangbumalik? Ay, ano ba naman 'to.
"Malas talagang Cedric na yun." Inis akong tumayo nguni't sa gulat ko sa taong nasa likod ay nawalan ako nang balanse.
Dalawang boses ng lalake ang tumatawa habang pinapanuod akong nagtatampisaw sa tubig.Inis akong tumayo.
"Ano bang problema nyo!"
"Bakit ka nag-iisa?" Usisa ni France.
"Obvious ba? Malamang wala akong kasama." Cross arm kong sagot. Nagkatinginan sila ng kaibigan nito.
"Pwede ba tayo mag-usap?" Seryoso nyang tanong.
"At ano ang pag-uusapan natin?"
"Tungkol sa kasal nyo." Satsat ng kaibigan niya.
"KASAL?!"
"Oo,kasal. Pinag-uusapan nila Tito at Tita kung kailan tayo ikakasal." Cross arm na sagot ni France.
"Itutuloy nyo lang yung naudlot na kasal ng pinsan mo." Satsat pa rin ng isa.
"At bakit naman ako magpapakasal?! Woow,sineswerte ka nga naman ah."
"Ayaw mo? Mapupunta sayo lahat ng yaman ni France, maging ang mga ari-arian dito sa probinsiya."
"Umalis na nga kayo.Nakikita nyo naman naliligo ako 'di ba?"
Sumenyas si France sa kaibigan. Kaagad itong lumayo sa'min, habang si France ay naghubad ng damit at tanging boxer nalang ang natira.
"Hoy, a-anong gagawin mo?" Paatras kong tanong.
"Sasamahan kitang maligo.Marami pa naman mambubuso rito sa lugar natin."
"Hindi kaya ikaw yun?" Basag ko,dahilan para mawala ang ngiti nya sa labi.
"Subukan mo makilala kung sino ako.Susubukan ko rin kilalanin ka.Annie,please kung galit ka sabihin mo."
"Reign, reign ang mas nakasanayan kong pangalan. Isa pa,may dahilan ba para magalit ako? pero kung ipipilit mo yang gusto mo baka nga mainis na ko nang tuluyan sayo."
"Hindi ko ito ginusto.Ang pinsan mo naki-usap sa'min."
"Wala na pinsan ko,patay na sya.Bakit susundin mo pa ang gusto nya para satin? Naisip mo ba kung pareho natin tinupad ang huling paki-usap nya magiging masaya ba tayo?"
"Why not. Pareho lang naman kayo ni Annie na mabait."
"Pero hindi kasing bait ni Annie. Kung siya sobrang lambing ,ako naman hindi.Marami kaming pagkaka-iba.Please France,palayain mo na yang puso mo sa pinsan ko.Humanap ka ng mas gaya ni Annie,yung kaya ka nyang panindigan hanggang sa huli."
"Sayo ko lang nakikita ang future ko.Baka kaya tayo iniwan ni Annie dahil baka nga tayong dalawa ang para sa isa't-isa." Nagtayuan lahat ng balahibo ko sa braso at batok. Paano kaya nya nasasabi yun gayong wala pa isang buwan namatay si Annie heto sya at nakiki-usap sa'kin na ituloy ang naudlot nilang pag-iibigan.
"Paano mo naman nasabi?" Sabi ng kung sino mula sa likuran ni France.Pareho kaming nawalan ng kibo ng lumapit ito pwesto ni France.
Nakapamulsa itong nakatingin sa'kin."Paano ka nakakasiguro na ikaw ang future ni Reign? Kamag-anak mo ba si Madam auring?" Tutok na tutok syang nakatingin sakin habang ang kausap nya ay inis na nakatingin sakanya.
"Wag ka nga makisali sa usapan namin ng magiging asawa ko."
"Magiging asawa? Hindi mo pa nga sya girlfriend ,asawa kaagad? Isa pa,sino nagsabi na ikaw ang magiging boyfriend nya?" Kupo, mukhang alam ko na kung saan punta nito. Lumapit ako at pumalagitna sa dalawa.
"Umuwi na nga kayo.Istorbo kayo masyado sa ginagawa kong pagligo." Salitan ko silang tinitignan at hawak ang mga dibdib. Inalis ni Cedric ang kamay ko sa dibdib ni France.
"At ikaw naman.Sinabi ko sayong sabay tayong maliligo bakit hinayaan mong dito ka maligo at panuorin ng mga mambubuso?"
May nambubuso sa'kin kanina? Saan,sino? Paano nya nalaman?
"Kung maka-asta akala mo Boyfriend." Bulong ni France.Sabay kami lumingon sakanya ni Cedric.
"Sino ba nagsabi hindi nya ko boyfriend? Hoy, ilugar mo kung saan ka ba nararapat. Hindi mo pa yata alam na may boyfriend itong nilalandi mo." Mariin sabi ni Cedric.
"Ako?" Tinuro ko ang sarili.
"Ganoon? Porket may kaharap ka ibang lalake ,itatanggi mo ko? Reign naman,umayos ka nga! Tara na sa bahay!"
Sakit sa braso ang paghila nya sa'kin. Ginawa na naman akong aso.
"Baka pwede wag mo kong hilahin ng ganyan kaya kong maglakad."
"Wag na wag kana lalapit sa France na yun ah!" Hinagis nya ko palayo sa kinatatayuan niya.
"Problema mo?" Taas kilay at cross arm ko syang hinarap.
"Basa ka." iniiwasan nya ko ng tingin.
"Ha?"
"Umuwi na tayo." Tinignan nya ko mula ulo hanggang paa.
"Bilisan mo!" Bulyaw niya sa 'di kalayuan.
"Oo na!" Nyemas ang lalakeng 'to. Ang sarap-sarap talaga lamutakin ang mukha.
Matapos ang lahat.Nakapagpahinga na rin ako.Mula sa pananghalian hanggang gabi ay ayaw ako tantanan ng Cedric na yun.ang dami sinasabi, hindi ko maunawaan kung ano ba ibig nyang sabihin.Hating gabi na nguni't 'di ako dalawin ng antok. Nagtimpla ako ng kape,at lumabas sa kubo namin.Maaga natutulog ang mga tao rito kaya asahan na ako nalang ang gising ngayon.Inopen ko ang cellphone,nagback-read sa inbox.May iilan ka-Text si Mama mga kumare nya sa Manila.Meron din iilan tungkol sa kumpare ni Papa.Nagtungo ako sa f*******:,halos two hundred plus ang notifications ko,may ilan message mula sa Viper Berus.
May chance raw na bumalik si Marnelie upang kamustahin ang grupo nguni't wala pa nakaka-alam kung kailan ito,dapat ay maging handa kami dahil may iaannounce syang mahalaga.Kung ano man yun? Wala akong ideya.Isa pa,iniisip ko lang ang adyendang sinasabi ni Tina,wala pa ko maisip dahil wala akong alam pagdating dyan.Sa totoo lang,malaking question mark pa rin sa'kin kung bakit nya ko ginawang leader ng Berus.Maybe dahil gusto nila makatulong dahil mahirap lang kami pero feeling ko may iba pang dahilan.
"Bakit gising kapa?" Si Cedric,papasok sa kubo namin.Nagawa kong mag-sip ng kape.
"Hindi pa ko inaantok."
"Ako rin eh,naninibago siguro.Ang tagal ko na rin hindi nakaka-uwi rito."
"Talaga ba? Talaga bang taga rito ka rin? Saan dito?"
"Ibang baranggay."
"Bakit hindi mo subukan umuwi doon? Bakit andito ka?" Nahuli kong nakatingin sya.
"Wala lang.Halatang ayaw na ayaw mo kong makita."
"Hindi naman,pero parang ganoon na nga."
Nag-smirk. "Ibang klase."
"Ikaw din naman 'di ba?"
"Oo."
"Bakit nandito kapa kung ayaw mo kong makita? Wag mo sabihin nakikinig ka na naman kay Mama."
Buntunghininga syang tumanaw sa labas ng kubo.
"Yung kulit ng Mama mo sakanya ko lang nakita."
"Paano?" Naguguluhan kong tanong.Saglit tumingin sakin agad naman din umiwas.
"Matulog kana." Walang gana itong lumabas ng kubo.Sinundan ko ang kanyang kilos hanggang sa makapasok ito sa loob ng bahay.
Ngayon ko lang sya nakitang ganyan kawalang gana sa lahat.Iyong tipong walang galang syang tao pero nakakaramdam din pala ng ganoon? Ano kaya problema ng isang yun?Pumasok na rin ako sa loob.Kahit 'di ko pa kaya makatulog ay pinilit ko nalang din.
Kina-umagahan ay nagising akong walang tao sa bahay.Maaaring nasa bukid silang lahat upang maghanap buhay.Napaka simple lang ng buhay dito noh? Iyong tipong wala kang iintindihing traffic tuwing papasok sa trabaho,iyong walang usok,walang mga tambay sa kalye,walang mga galang aso,walang hagdanan na aakyatin para mapuntahan ang isang lugar.Isang mapayapang lugar ang probinsiya. Walang stress ,walang iintindihing problema.
"Goooood Mooorninnnngggg...."
"Aba,ang ganda yata ng gising ng pamangkin ko ah?" Pansin ni Tita.
"Syempre naman po.Kung ganito ba lagi ang bubungad sa'kin sa umaga.Buong buwan,at taon magiging happy na ko." Umikot-ikot ako upang tignan ang buong paligid. May isang tao akong nakitang 'di kaaya-aya.
"Kaya lang kung ganito ang bubungad sa'kin parang ayoko nang magising." Sumilip kaagad ang mga tao sa tinitignan ko.
"Ganyan ka-Gwapo pinsan? Seriously? Kung sya lang naman baka pwede na kong magpakasal." Bulaslas ng isa kong pinsan na si Maria.
Inirapan ko nga, "Wag mo sabihin,tanga kana ngayon?"
"Ay,ako talaga? Hindi ba ikaw? Alam mo, kaya walang nagkakamaling jowain ka kasi ang dami mong sinasabi.Kesyo gusto mo yung perfect. Helllloooo ?! Perfect na si Cedric."
Bumungad sa harap ko si Cedric, may hawak na tasa ng kape.
"Coffee?" Aba,ang ganda yata ng ngiti nang isang 'to.
"Salamat." Sabi ko.
"Ay, ang manhid." Satsat ni Maria.
"Maria, pwede mo ba ko ipagtimpla ng kape?" kaagad naman itong tumayo upang ipagtimpla ako ng kape.
"Sabay na ko sayo,matabang ang pagkakatimpla ko." Tumabi si Cedric dito sa paglalakad.
"Anak,nagka-usap na ba kayo ni France?" Si Papa.
"Kahapon po.Kaya lang,Mama,Papa.Hindi ko maunawaan kung bakit kailangan ko syang pakasalan." Inis kong sabi.
"Kung ayaw mo,hindi ka namin pipilitin." Sabay sabi ni Tita.
"Marami pa po ibang babae na nararapat sakanya."
"Ang gusto lang naman kasi ng pinsan mo para hindi na sya malayo sa'tin." Dugtong nya.
"Pero Tita saan nga ba kayo bumabase? Sa nararamdaman o sa kagustuhan ng ilan? Para sa'kin hindi maganda kung ako ang pakakasalan nya.Magkaiba kami ni Annie."
"Alam ko."
"Tita."Malungkot kong tawag.
"Si Cedric ba ang dahilan kung bakit ayaw mo?"
"Walang Cedric na kinalaman dito." Pagtatama ko.
"Bakit? Bakit ayaw mo? Mayaman sina France,malaking bagay din kung sakanya ka mapupunta dahil aahon kayo sa hirap.Lalo yang Papa mo,mapapagaling mo sya ng husto.Hindi na nya kakailanganin magtrabaho kapag kinasal kayo ni France."
"Margarita." Saway ni Papa rito.
"Hindi namin pinalaki si Annie para lang humuthot ng pera sa ibang tao.Hindi namin tinurong magpakasal sya dahil lamang sa pera." Sabi naman ni Mama.
"Hay,bahala kayo." Tinuloy nalang ni Tita ang pagpili ng mga ipa sa bilao.
"Here's your coffee Ma'am Reign." Naka-akbay si Cedric sa pinsan ko,may hawak na tasa.
"Salamat." Kinuha ko ito sabay higop.Tumabi sa'kin si Maria at may binulong.
"Sarap ba?" Nag-nod lang ako habang nilalasap ang lasa ng kape.
"Cedric, ang sarap ng pagkakatimpla mo sa kape." Masayang sabi ni Maria rito habang nakataas ang hawak nitong tasa ng kape. Naibuga ko ang iniinom kong kape sa sobrang bigla.
"Ginagawa na pala ngayong pang-mumog ang kape?" Nakangising tanong ni Mama sa'kin.
Tumingin ako kina Cedric at Maria na pareho na ngayon nakangiti sa'kin. Pinagkaisahan ako ng mga ito wah,pero masarap naman ang kape parang timpla ni Joseph.
Speaking of .... nasaan kaya ang isang yun? Kailan nga ba kami huling nag-usap? Matawagan nga.
[ Hello ,Reign. ] mahinang bati nito.
[ Hi, kamusta? ]
[ Okay naman,may problema ba? ]
[ Ah,wala bigla lang kasi kitang naisip.Uhm ,nasa bakasyon ka ngayon.]
[ Oo, natuloy ka ba umuwi sa Probinsiya nyo? ]
[ Yes....] Tumahimik ang kabilang linya.Nahihiya akong makipag-usap sakanya dahil alam kong may tampuhan pa kami.
[ Gusto mo sunduin kita kapag uuwi kana? ] Napasulyap ako kay Cedric,abala itong makikipag-usap kay Mama ,pero napansin nyang nakatingin ako.Lumayo ako sa pwesto nila.
[ Matagal pa naman,kahit wag na.Kaya ko naman bumiyahe mag-isa. ]
[ Sigurado ka? May gusto sana akong sabihin sayo. ]
[ Ano? Sina Marco, inabangan si Frenny mo sa kabilang kanto nang lugar nila. ]
[ Anoooo!? ] napalakas ang sigaw ko dahilan para tumingin si Cedric sa'kin.
[ Nandito kami ngayon sa Hospital. Walang magbabantay sakanya kaya ako na ang gumawa. ] hinihilot ko ang sintido.
[ Kailan pa nangyari sakanya yan? ]
[ Nung isang araw pa. Gusto na sana kita Tawagan kaya lang, nagmamakaawang huwag ko nalang daw ipaalam sayo. ]
[ Akala ko ba kakampi sya nila Marco para manmanan kayo? ]
[ Sinabi lang ni Marco yun para hindi kami magduda at para na rin makaganti sayo.]
[ALAM NA BA NI CEDRIC ANG TUNGKOL DYAN?]
[ Oo naman, sya mismo nakaalam sa lahat.Nung gabing nakipag-away kami kina Wesley ,may gulo rin kaming tinapos kina Marco.]
Kaya pala grabe ang mga pasa ni Cedric nung gabing hinatid kami pauwi ng bahay.Papalapit sa'kin si Cedric.
"Sino kausap mo,bakit kailangan mo pa lumayo?" Ma-otoridad nyang usisa.Magsasalita palang ako ng kunin nya ang cellphone at tinapat sa tenga nya.
"Hello! Sino 'to?!" Salubong ang kilay nitong tinigna ang cellphone. "Sino 'tong kausap mo?" Sabay abot sa'kin ang cellphone.
Mabuti hindi naka-save pangalan ni Joseph dito,kundi malalagot na naman sya sa Hambog nilang leader.
"Sino kako yang kausap mo,bakit pinatayan ako ng cellphone." Ulit nya.
"Sa trabaho lang yan." Ako na umiwas baka mahalata nyang nagsisinungaling ako.
"Sigurado ka?" Dilat na dilat ang mata.
"Oo,bakit?" Nakipagtagisan ako ng tingin dito.Marahil may mainit na sagupaan mangyayari kung hindi pumalagitna sa'min si Maria.
"Tumulong nalang kayo rito." Utos sa'min.
Naunang umalis si Cedric na masama ang mukha,kinuha kong muli ang cellphone sa bulsa dahil may message si Joseph sa'kin. Hindi ko naiwasan mangiti sa message na yun.Konting kilig lang 'to.HAHAHA.
Ako'y kinikilig