Parang tumatakbong sasakyan sa bilis ang takbo ko upang maabutan sina Mama at France.May pinag-uusapan sila ngunit hindi ko maunawaan dahil ibang lengwahe ang ginagamit nila. Nanatili lamang akong tahimik nang marating namin ang bukid,kung saan may mga pananim na gulay.Halos nandito na yata ang mga gulay sa Bahay Kubo.
"Sitaw ,bataw --- patani." Awit ng isang kasama namin na nagpipitas ng gulay.
"Nay, Ilan ba ang kapit-bahay nila Tita rito?" Bulong ko.
"Mga sampung pamilya lang ang nandito sa isang compound,at halos mga kamag-anak natin."
"Ibig sabihin ,kamag-anak natin ang lalakeng 'yon?" Turo ko ng nguso sa lalakeng naka-upo kasama nila Tatay sa ilalim ng puno.
Nakasuot ito ng puting T-shirt,maputi at talaga naman mahahalata mong gwapo.
"Ah-- hindi, kaibigan 'yan ni France." Tugon nito habang abalang pumipitas ng gulay.
"Kailan pa dumating 'yan? Hindi ko napansin kahapon na kasama ni France."
"Ngayong umaga lang dumating." Lumapit si France,rito sa kaibigan. Napansin ko pa pareho silang tumingin sa'kin.
"Magkamukha sila." Mahina kong sambit.
"Puno na nang gulay ang isang basket,dalhin mo ito sa Tito Castor mo." Utos ni Mama.
Binitbit ko ito.Habang naglalakad palapit kina Tito Castor, at Papa ay hindi ko naiwasan pagfiestahan ng tingin nang magkaibigan.
Nagtatawanan sina Papa,nung papalapit ako.
"Reign,kinu-kwento ng Papa mo sa Kingdom University ka raw nag-aaral. Alam mo ba kilalang-kilala ang University na 'yon dito sa lugar natin?" Si Tito Castor habang inaayos ang mga gulay.
Naghihintay naman ang dalawang magkaibigan sa sagot ko.
"Si Papa naman,naikwento pa 'yong KU." nahihiya kong sabi.
"Proud lang ang Papa mo,dahil ikaw lang ang nakatungtong sa sikat na University." Sabi ni Tito.
Nailang ako sa mga tingin nilang lahat kung kaya't nagpaalam nalang muna ako na babalik kay Mama.
"Anak,kunin mo 'to." Inabot ang bilao.
"Ano po gagawin ko rito?"
"Bigas,maglagay ka ng bigas para tanggalin ang mga maliliit na bato."
"Ah okay po." Muli kong binalikan ang pwesto nila Papa, doon ako uupo.
"Nakakatuwa makitang sanay ka sa ganyang gawain.Alam mo ba madalas ganyan ang ginagawa namin ni Annie?" Alam ko, ito lang naman ang libangan ng pinsan ko.
"Oo nga." Sabi ko na hindi man lang nililingon.Naramdaman kong sumandal sya sa puno.
"Nakaka-miss si Annie." Narinig ko pa ang pagbuntunghininga nya.
"Nakaka-miss ang pagiging maasikaso nya." Dugtong ko.
"Miss ko na boses nya."
"Ang mga birit nya tuwing umaawit sya." Dugtong ko.
"Miss ko na mga yakap at halik nya." Natigilan ako sa ginagawa,tinignan ko sya na kanina pa pala nakatingin sa'kin.
"H-indi mo maiiwasan ma-miss ang tulad nya dahil kakaiba sya." Sana hindi nya mahalatang masyado akong naiilang sa ganitong topic.
Natural lang sa mag-syota 'yon.Maghalikan at yakapan,kahit hindi ko pa nararanasan ang ganitong sitwasyon,alam kong mahirap mag-move-on.
"Ikaw ba Annie,may boyfriend kana ba?" Bigay atesyon nya sa'kin.
"W-wala." Bakit ba ko nautal.
"Ibig sabihin, No boyfriend since birth kapa rin.Tama nga si Annie,hindi ka basta-basta nagpapa-sagot."
"Ayoko lang talaga, magka-boyfriend." Paglilinaw ko.
"Sino 'yon?" Nahagip ng aking paningin ang tinatanaw ni France.Hindi ako maaaring magkamali.
Lumapit sila kasama ni Mama,habang ngiting-ngiti may dalang pagkain.
"Anong ginagawa mo rito?!" Inis kong tanong,kaagad nagsalubong ang kilay nya.
"Annie! Ganyan ka ba bumati sa bisita natin?" Inis na tanong ni Mama.
"Bisita? Ma,ikaw na naman ang may pakana nito noh!" Hindi nya ko maloloko,ngiti pa lang nya alam ko na ang sagot.
"Bisita naman talaga ako,hindi lang naman ikaw ang maaaring mag-bakasyon 'di ba?" Pang-iinis ni Hambog.
"Sa dinami-rami na Probinsiya bakit, dito pa sa'min? Alam nyo halata na kayo.Don't me." Inirapan ko.
"Tanong ko lang,ikaw lang ba may kamag-anak dito?" Seryosong tanong nya.
Napa-isip ako. Tama nga,hindi lang naman siguro ako ang may kamag-anak dito. Ang alam ko lang,kami ang magkakamag-anak pero--- may mayayaman ba rito? Ang pagkaka-alam ko lang talaga ay mahirap ang buhay dito sa probinsiya, kaya imposible 'yang sinasabi nya na may kamag-anak ito.
"Ahh-- mas mainam kung ipakilala muna kita sa mga Tito at Tita ni Annie,Tara ,tara." Nagmadaling hinila ni Mama si Cedric palayo sa'min.
Binalingan ko ng tingin si France,patuloy ang kanyang pagtitig kay Cedric na para bang hindi mapakali nang lapitan din sya ng kanyang kaibigan.May binulong ang kaibigan nya rito,pareho na silang nakatingin kay Cedric. Ewan,pero may something akong nararamdaman ngayon.Nagiging negatibo na lagi ang isipan ko tuwing kasama si Cedric.
"Gangster 'yon." Mabilis kong sabi.Naka-smirk ang dalawa habang nakatingin sa'kin.
Lahat ng kamag-anak namin nilapitan nila Mama,ipinakilala nya si Hari ng Gangster.Matapos ay binalikan kami.
"Mag-almusal na tayo,mabuti nakahabol ka." Galak na sabi ni Mama kay Cedric.
"Wala po traffic dito sa lugar natin kaya mabilis lang ang byahe." Hindi ko feel marinig sa kanya na taga-rito rin sya.
"Reign,tulungan mo ang Tita mo." Utos sa'kin.Tumayo ako ,iniwan ang bilao.
Mahabang lamesa,naglatag nang dahon ng saging, nilagyan ng mga kanin at ulam ang gitna ng dahon.Boodle fight ,its get it on!
"Oh Cedric, dito kana sa tabi ng Papa mo."
"France, sa tabi kana ni Annie."
"Uy! Pengeng toyo!"
"Psst! Hindi pa tayo nananalangin kumain ka kaagad!"
"Pwede manahimik kayo?"
"Dito ako,dito ako!"
Ang ingay ng buong kamag-anak ko.Dinaig pa sa palengke kung magsigawan.Super happy dahil sama-sama kaming muli,iyon nga lang,mayroon kulang.
Naalala ko na naman sya.Sumalangit nawa.
May namumuong sama ng panahon, este ng tinginan dito.May kung anong hindi ko maunawaan kung bakit feeling ko magkakilala sina Cedric at France.Pinauna kami umalis ni Mama para raw ipasyal ko itong si Cedric sa kabuuan ng aming pag-aari.Binabaybay namin ang pilapil,nang magtanong sya.
"Yong France, sino sya?"
"Boyfriend ng pinsan ko."
"Bakit nandito pa rin sya?"
"Syempre." nakakatamad mag-explain.
"Ayos din 'yang pinsan mo noh? Namatay na nga,naki-usap pa. Ano ba akala nya sayo? Bagay na basta nalang pwede ipamigay?" Kunot noo ko syang sinulyapan bago huminto at harapin sya.
"Paano mo nala---- pati ba naman 'yon,sinabi pa ni Mama?" Natampal ko nalang ang sarili kong noo.
"Of course! Ganito kami ng Mama mo oh," pinaglapit ang dalawang hintuturo nito.
"Pwede,tigilan mo na kakatext at tawag kay Mama? Walang dahilan para mag-text kayo.Kukunin ko na ang cellphone."
"May utang kapa nga sa'kin."
"Utang? Anong utang??" Nilapitan nya ko.
"Nakita nila mga sugat at pasa mo,ginawan ko nalang ng paraan para hindi ka pagalitan." Tila nais nitong may idugtong pa."Bilang kapalit-- pwede mo naman akong iKiss." Todo iwas ako ng tingin sa mga mata nya.Pinili kong umatras at talikuran sya kahit may sinasabi pa sa'kin
"Bukirin ito nila Tita." Sabay turo ko sa kalawakan ng bukid.
"Iyon naman ang gulayan." Tinuro ko ang gulayan sa badang kanan.
"Ang manggahan namin." Mabilis kong tinuro ang mga puno ng mangga sa gitna ng bukirin.
"Akala ko ba mahirap lang kayo? May malawak na lupain pala kayo." Patuloy ako sa paglalakad.
"Kina Tito at Tita ito, iyong sa'min pinamana nila Lolo,wala na.Nabenta na dati.Kaya nakuha namin mamuhay sa Manila para makipagsapalaran."
"Nakakatawa,akala nyo siguro masarap mamuhay sa Manila.Mas mainam nga rito,malayo sa maingay,mausok,at magulong lugar."
Hindi ko inintindi ang sinabi nya.Nagtuloy lang sa paglakad hanggang sa mahinto.
"Ba't ikaw? Mayaman ka 'di ba? Bakit nagkaroon ka ng kamag-anak dito sa probinsiya?"
"Hindi ko priority sagutin 'yang tanong mo." Kingina nito.Nakuha pang magsungit.
"Ah ganoon ba?" Sarkastik kong tanong.
"Ituloy mo nalang 'yan mga ituturo mo sa'kin."
"Wala na.Bumalik kana lang ulit sakanila.Uuwi lang ako." Tinalikuran ko na ito para iwan sya sa gitna ng bukid.Hindi pa naman gaano mainit ang sikat ng araw,Hindi sya mabibilad doon.
Hahakbang pa sana ako nang hilahin nya ang braso ko pabalik sa kanyang pwesto.Kung minamalas ka nga naman,nawalan kami pareho ng balanse.Ang labas nito?
Nalaglag kami sa putikan!
Ang galing noh? Ang galing kasama ng isang 'to! Isinusumpa ko sya!
"UUurgGghhh!!" Pareho namin reklamo.
"Kadiri!" Dinig kong Sigaw nya.Sinamaan ko sya ng tingin.
"Malas ka, isa kang malas kapag nadidikit sa'kin." Iritable kong sabi.
"Hoy! Baka nakakalimutan mo kung sino ang kaharap mo!Matuto kang gumalang." Banta nya.
"Young master ,Hambog na Gangster. Ikaw, ikaw lang sa lahat nang nakilala ko ang pinaka mayabang at malas.Dumistansya ka naman,nawawalan ako ng gana sa taong panay ang dikit."
"Dikit? Hahahahaha! Ako,dumidikit sayo? Luh,paano mo na sabi?"
"Ba't hindi mo itanong 'yan sa sarili mo? Akala mo ba hindi ako nakakahalata? Gusto mo ko 'di ba?"
Nawalan sa awra nya ang pagka-inis at napalitan 'yon ng hindi maunawaan na pakiramdam. Tulala nya kong iniwan,muling itinulak sa putikan.Matitinding mura ang inabot nya,nang iwan kong naka-salampak.Mabuti may dumaan na kapit-bahay namin,para TULUNGAN akong makatayo.
"Oh! Mauna kana." Hinagis ko sa kanya ang tuwalya, sinakto ko sa mukha.Nakakabanas kasi ang pagmumukha.
"Mauna kana."
"Hindi, ikaw na ang mauna."
"Lady's first."
"Aba,talaga ba? May paniniwala ka pala sa ganoon? Ang alam ko lang sa tulad mo ay manakit at mang-bully."
"You don't know me."
"Kilala na kita,Cedric.Hindi sa imahe mo magpakita ng kabutihan sa ibang tao." Nagsalubong ang kilay nito.
"Mauna kana nga kasi maligo." Pilit sa'kin.
"Sa labas na ko." Dampot ang isang tuwalya.
"Ganito nalang,total ayaw mo pumayag na ikaw ang mauna at ganoon din ako.Bakit hindi natin gawin na sabay maligo?" Iyong dugo ko,feeling ko tumaas na naman sa ulo ko.Pinipigilan ko lang,huwag magalit pero--- iba 'to eh.