Chapter 26

1832 Words
"Reign, ingat sa byahe." paalala nya sa akin,bago sumakay ng bus. "Salamat, Ikaw na muna bahala sa Shop. Tawagan mo nalang ako kapag may tanong ka." "Okay! Ingat ka raw sabi ni Boss, bumalik ka kaagad daw ,hehe." "Oo naman." Nakipag-apir. Sumigaw ang konduktor ,hudyat nitong aalis na ang bus. "Ano Shien? Kita-kits nalang pag-uwi ko." Yumakap ako ng mahigpit ,sabay akyat sa bus. Sa gitnang pwesto ako umupo. Mahabang byahe ito kaya need ko na rin matulog ng maigi dahil nung ihatid kami sa bahay ni Cedric ay hindi kaagad ako nakatulog. Nagpaalam na rin ako panandalian sa Viper Berus,naka-uwi na pala sina Roselle galing kung saan  kaya kahit paano may aagapay sakanila. Naka-idlip ako ng panandalian,pagkatapos nun hindi na ulit nakatulog dahil may tumabi sa akin isang lalake. Sa tingin ko nasa 50's na sya pero hindi mo mahahalata na nasa kaidaran na.Naalala ko tuloy si Papa,marahil hindi naman pinapabayaan ni Mama pagdating sa mga gamot. Mahal na mahal nila ang isa't-isa kaya never kong inisip na isa sakanila ang magloloko. Hinihiling ko ,kung dumating man ang lalake na para sa akin ,sana katulad lang din ni Papa,iyong stick to one,never mananakit ng babae. Ilang oras din akong tulala sa labas ng bintana. Kinakabahan ako kapag nakita ko muli ang probinsiya namin. Ang tagal na rin,kailan ba ang huling punta ko roon? Hindi ko na matandaan. Una ko nga palang pupuntahan ang punto ni Annie, sigurado akong may tampo sa akin 'yon dahil hindi man lang ako nakarating sa burol niya at maging sa huling lamay. Natanaw ko na ang arko ng aming Baranggay, bumaba ako sa tapat ng isang sementeryo. Hindi 'yon kalakihan pero sapat na para masabi mong private ito. Tulad na sabi ni Mama sa akin,katabi raw ni Annie ang kanyang Ama sa puntod. May sariling lapida na kaagad ang pinsan ko,bagong tanim din ng bermuda grass. Napaka ganda ng kanyang tirahan ngayon pero mas maganda sana kung kasama ko sya habang nagkukuwentuhan. Nakakamiss ang pinsan kong ito, sana lang masaya na sya kung nasaan man sya ngayon. Hindi ko namalayan na tumutulo na ang mga luha sa aking pisngi. Biglaan naman kasi, inaasahan kong may ilan taon pa syang mamamalagi rito sa mundong pero.... Hindi na, wala na sya, nakakalungkot. "Sino ka?" tanong ng kung sino. Pinunasan ko kaagad ang luha bago sya tignan. "Kamag-anak ka ba ni Annie?" Muli nyang tanong sa akin. Kung hindi ako nagkakamali, sya ang boyfriend ng Pinsan ko. Sa picture ko lang naman sya nakikita,tuwing binabanggit nya ang pangalan nito. "Pinsan nya." Mahina kong sagot. Ngumiti ito,"Ikaw si Annie? Madalas ka nyang ikwento sa akin. Uhm, ngayon ka lang ba naka-dalaw?" Ang amo ng mukha nya. "Oo, natapat kasi may pasok pa sa school." "Masaya si Annie dahil nandito kana." ibinababa nya ang bulaklak sa lapida ,sabay upo nito sa bermuda."Magkasama kami sa mga huling araw nya. Lagi ka nya hinahanap sa akin, wala naman akong magawa dahil hindi naman kita kilala. Tanging litrato lang ang pinapakita nya." Tumingin sya sakin na may luha sa pisngi. Kaagad nyang itinago ang sakit na nadarama ,maaaring iniisip nyang kababaan 'yon sa pagiging lalake. "A-ano p-pa ba ang mga sinabi nya tungkol sa akin bago sya mawala?" Nilapitan ko sya,sabay abot ng tissue. Kinuha naman nya ito at agad nagpunas sa mata. "Mahal na mahal ka raw niya. Simula ng magka-sakit sya, lagi mo raw syang inaalagaan. Doon ko rin na realize na wala akong kwentang boyfriend. Mas pinili ko pa magtrabaho sa  malayo para isipin ang kinabukasan namin---- ngayon, wala ng kinabukasan ang naghihintay sa amin." Sa mga oras na ito ,ang iniisip ko lang ay ang mga nakaraan namin ginawa na magkasama. Tama nga ang sinabi nya, kahit na kailan hindi ko sya iniwan. Kung bakit ngayon pa,kung kailan kailangan na kailangan nya ko ay doon pa ko nawala. Napaka-sakit sa dibdib,dala-dala ko ito hanggang ngayon. "Hindi na sya pahihirapan nang sakit nya. Hindi na sya iiyak sa harap ko habang sinasabi ang sakit na nararamdaman." Sumisinghot itong tumayo. "Hinintay ka nya," tumitig sa mga mata ko."May isa syang pakiusap sa akin. Alagaan daw kita ,tulad nang ginawa mong pag-aalaga sa kanya." Nagsalubong ang kilay ko. "Nakiusap syang ligawan daw kita." Napa-atras ako ng bahagya. "S-sinabi nya iyon?" Nauutal kong tanong. Nag-nod."Yes," maikling tugon. "Wag mong gawin 'yan." Paalala ko."Alam naman ni Annie na hindi pa ko handa pagdating sa ganyang usapan. Alam din nyang hindi kaagad ako nagtitiwala na kahit kanino." "Sinabi na rin nya sa akin ang tungkol dyan. Hintayin daw kita, mas magiging panatag daw sya kung mapupunta ako sa taong malapit sa kanya." Ano ba 'tong pinsan ko, mamamatay na nga lang,nag bilin pa. Alam naman nyang ayoko ng ganoong sitwasyon. "Iniisip mo ba? Wag kang mag-alala. Hindi kita pipilitin sa gusto ni Annie." Napa-lunok ako. "Mas maganda siguro kung uuwi na muna ako sa bahay nila." Iwas kong tingin. "Sumabay kana,doon din ang punta ko." Tatanggi pa sana ako pero sayang din ang pang-tricycle papunta sa bahay ng pinsan ko. Akala ko kotse ang dala nya, motor pala. Pinasuot nya sa akin ang helmet na madalas isuot daw ni Annie. Sa pakiramdam ko parang kasama ko na sya ngayon. Masaya na ko dahil kasama ko ang kanyang boyfriend na mahal na mahal. "Annie!" Bati ni mama,pababa pa lamang ako ng motor."Bakit magkasama kayo?" "Nagkita po kami Tita sa sementeryo." Tugon ni ---- ano nga pala ulit pangalan nun? "Ah! Oo nga pala, kanina kapa hinihintay ng kapatid ko." Tumingin sya sa akin pagkatapos sya kausapin ni Mama. "See you around," paalam sa akin.Nang makalayo ay siniko ako ni Mama. "Uy, kamamatay lang ng pinsan mo." "Ma! Ano bang iniisip mo?" "Baka kako na love at first sight ka." "Hindi 'yan totoo." Naka-pout kong sabi. "Kamusta ba ang byahe?" Pagbabago nito ng usapan. "Nakakapagod po." "Tara na rito sa loob para makita mo ang ibang pinsan mo." Hila hila nya ko papasok sa loob ng bahay. Bahay ito nila Annie, ang ilan kamag-anak namin hindi pa umuuwi sa kani-kanilang lugar. Marahil ay hihintay pa nila ang forty days ni Annie bago magsi-uwi. Sinalubong ako ng mga Tito,Tita at mga pinsan ko. Himihingi ng pasalubong ,mabuti nalang marami akong binili na cassava cake. "Ma, si Papa? Hindi ko pa nakikita." Tanong ko ,habang may kinakain dito sa kusina. "Kasama ng Tito mo sa bukid." "Bukid? Bakit nandoon?" "Araw-araw nilang binibisita ang mga panananim na palay doon. Marami kasing mga peste ang sumisira. Kapag napabayaan 'yon siguradong kaonti lang ang aanihin." "Kamusta si Papa? Baka naman bigla syang mahimatay sa init ng panahon ngayon." "Tuwing umaga lang naman siya nagpupunta hanggang alas diyes ng umaga, tapos babalik nalang ng alas kwatro ng hapon. Hindi na mainit 'yon." "Eh iyon nga po, okay na ba talaga si Papa? Baka mamaya----" "Okay na Papa mo Anak, kung hindi naman nya kaya sigurado naman na nandito lang 'yon. Mas nagiging mainam nga ang paggaling nya simula ng umuwi kami rito." "Ay, baka naman dito na kayo tumira." Biro ko. "Why not?" Nawala naman ang ngiti sa aking labi."Mas masarap ang buhay dito Anak. Hindi mo proproblemahin ang iuulam dahil nasa bakuran na nila ang mga pananim." "Gusto nyo na rito?" Nakasimangot kong tanong. "Kung may pagkakataon. Nakikita ko gumaganda ang katawan ng Papa mo,baka heto ang tamang panahon para alagaan ko sya hangga't nag-aaral kapa." "Paano ako?" "Sa bakasyon, dito tayong lahat." May kung anong lungkot akong naramdaman nung sabihin ni Mama ang ganong bagay. Tuwing bakasyon, totoo nga't dito kami nagbabakasyon pero yong dahilan ng pagpunta ko naman dito ay wala na. Close ako sa lahat ng pinsan ko pero mas close kami ni Annie ,parang ang hirap mag-adjust. Maghapon lang kami nasa bahay, kwentuhan, kamustahan. Meron pa nga nagkwento tungkol sa talambuhay nya kahit hindi naman kami interesado sa sinasabi nya. Kapit-bahay nila Tita ito na medyo naka-inom na rin kaya sobrang daming daldal. "Anak, dito kana lang mahiga sa papag. Kami ng Papa mo sa kabilang kwarto nalang." "Tabi-tabi nalang tayo rito." "Hindi pwede, dalaga kana. Kailangan mo syempre na may sariling higaan." "Pero Ma," "Natatakot ka ba sa Pinsan mo?" Naka ngisi nyang tanong. "Ba't naman ako matatakot? Gusto ko lang naman makatabi kayo." Tinitigan nya ko kaya iwas ako ng tingin dito. "Ano 'yan? Anong nangyari dyan?" Usisa nito habang tinitignan ang mukha ko. "Ah--ehhh-- A-ano-- Ahm ..." hindi ko napaghandaan ang isasagot dito. "Nakipag-away ka ba?" Matatalim ang tingin sa akin ng magulang ko. "Sumasali ka ba sa gulo Annie?". Si Papa na ngayon ang nagtanong. "Hin--hindi po." "Kung hindi, eh ano mga 'yan ha? May pasa ka malapit sa mata at labi mo. Malamang, nakipag-away ka." Sabi ni Mama. "Nakikipag-away kana ba ngayon sa University nyo?" Si Papa naman ang galit na nagtanong. "Wala lang po ito." Maiiyak na ko. Mabait sina Mama at Papa pero kung magalit sobra naman. Iyong tipo ayaw mo silang makitang nagagalit sayo dahil titig palang pamatay na. Nilabas ni Mama ang cellphone ko tsaka may tinawagan palabas ng kwarto. "Malaman ko lang na nakipag-away ka,hindi kana namin pababalikin sa Manila." Banta ni Papa,habang  duro ako ng daliri. Buntunghininga nalang akong umiwas ng tingin.Akala ko ba dalaga na ko? Bakit parang bata lang ako kung pagalitan. Pumasok muli si Mama,kabababa lang ng cellphone. "Pasalamat ka," sabay turo ni Mama. "Oh ano raw?" Naghihintay na sagot ni Papa kay Mama. "Napa-away daw sila,nadamay daw itong anak mo. Mabuti nalang nandoon si Cedric." Cedric? Si Cedric ang tinawagan ni Mama. "Magpasalamat ka dahil pinaubaya kita Kay Cedric na 'yon, paano nalang kung pinagtulungan ka ng mga gagung kaaway nila? Ikaw Annie ha, pinalaki ka namin na hindi pinasali sa mga Frat--frat na 'yan,kaya umayos ka." "Opo." Paano nalang kung malaman ni Mama at Papa na ako ang leader ng isang Mafia group? Ede patay na ko nito. "Matulog kana." Maotoridad na utos ni Papa sa akin bago nila ako iwan. Nahiga na ko, iniisip ko kung paano nga kung malaman nila ang tungkol dito sa pinasok ko? Sigurado magagalit sila,at sigurado rin akong ililipat nila ako ng University kung saan makaka-iwas ako sa gulo. Ginawa ko lang naman ito dahil para sakanila,lalo kay Papa, kailangan namin every month may mga gamot syang iiinumin. Iyon din ang dahilan kung bakit pumasok ako sa Viper Berus kahit wala naman akong alam pagdating sa ganitong gang. Matinding ginaw ang naramdaman ko mula madaling araw hanggang sa magliwanag. Malakas din ang hangin sa labas dahil tanaw ko mula sa bintana ang mga punong gumagalaw na tila may bagyong paparating. "Bumangon kana Annie, samahan natin ang mga Tita,at pinsan mo sa bukid magha-harvest tayo ng mga gulay malapit doon." "Opo ma," bumangon ako at naghilamos. Nagpalit ako ng damit,habang sina Mama naman ay naka-suot ng mahabang manggas. Inabot nya sa akin ang isang basket na walang laman. Habang sya ay may hawak na isa pang basket pero may laman na tubig,at pagkain. Naglakad na kami patungo sa likuran ng bahay, napansin ko palapit si-- "Ma, ano nga pala pangalan ng boyfriend ni Annie?" "Si France." Maikling sagot. "Dito rin ba sya natulog?" "Oo, hanggang 40 days sya rito. Nag-leave sa trabaho." "Ah kaya pala." Papalapit sa amin si France. "Hi Tita, Good morning." Pagkatapos sa akin naman tumingin."Good Morning, Annie." "Good morning din." Tugon ko. "Tara na Annie, baka tanghaliin tayo." Nauna naglakad si Mama ,habang si France ay sinabayan ako sa paglalakad. "Kamusta naman ang tulog mo?" "Maayos naman,ikaw?" "Mabuti rin, mas naging masaya ng makita kita." Nangilabot ako sa kanyang sinabi bago ako iwan mag-isa upang sabayan sa paglalakad si Mama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD