Reign's POV
Ilan beses nyang ginawa 'yon. Nakakawala ng dignidad, buti sana kung boyfriend ko sya,pero hindi. Nagkaroon tuloy sya ng black eye, kasalanan nya 'yan eh, wag nya kong sisihin.
"Kawawang Cedric Kasilag , gusto mo pantayin natin?" sabi ni Peps.
"Lubayan mo ko, Pwede ba Reign, sa susunod na mananapak ka paki sabi naman." inis nyang ipinisil ang yelo sa mata ngunit kaagad din naman nasaktan.
"Wow. Ako pa ba dapat ang sisihin dito? Sino ba saatin ang nauna? Lakas din ng sapak mo,tamang halik? Feeling boyfriend?" Inirapan ako.
"Ginusto mo naman 'di ba? Wag mo sabihin hindi?" ang yabang talaga ng Hambog na 'to.
"Kadiri ka!"
"Nasarapan ka naman." Nag-smirk.
"Asa kapa!"
"Umamin kana. Uulitin ko naman kung nagustuhan mo."
"Tigilan mo ko Cedric ha!"
"Arte mo ,Ann-Ann-----"
"A-anong--- anong Ann-Ann??!"
"Ann-Ann ---- Alipunga , hadhad ,"
"Meron ba ganun si Reign?"
Dinig kong usapan ng dalawa sa likuran namin habang naglalakad kami. Ano na naman ba pumasok sa isip nitong hambog na 'to? Trip na naman ako.
"Annie 'di ba pangalan mo? Ann-Ann ,ang pang-asar ko sayo," kagat labi ko syang tinignan ng nakakalusaw.
Naalala ko si Annie, yong pinsan ko. Hintayin mo ko Annie ,Pauwi na ko bukas.
"Isip-bata ," maiiyak ko nang sabi.
"Pikon." Naka nguso nitong titig sakin.
"Wala akong panahon para makipag-asaran sayo, pwede ba iuwi mo na ko. Gusto ko na magpahinga." Binilisan ko ang lakad papasok sa kotse nya.
Wala kaming kibuan sa loob ng kotse, habang ako ay nakatanaw sa labas. Pilit ko iniinda ang sakit sa katawan, feeling ko kasi hindi ako makakatulog ng maayos nito, maaga pa naman ang alis ko bukas.
"Ihahatid na ba kita sa bahay nyo?" Balik ko nang tanaw sakanya.
"Obvious ba? Pagod na ko, gusto ko na magpahinga." pinisil ko ang braso ko.
Tumingin sya sa braso ko na parang hindi mapakali sa kinauupuan.
"Ang likot mo!" Iritable kong bulyaw.
"M-may betadine naman sa bahay nyo 'di ba? Gamutin mo 'yang mga sugat mo. Uminom kana rin ng pain reliever." hindi ko naiwasan na naman titigan sya ng matagal. Hindi na naman sya mapakali.
"Ano ba problema mo?"
Tumingin sya sa Rear Mirror, at Side mirror."May sumusunod sa atin." Hinampas ang manibela.
Tumingin ako sa likuran."Sino? Nasaan na nga pala sina Shien, at Peps?" Sa kanya na ngayon ang buong atensyon ko.
Nag-ring ang cellphone nya,at inabot sa akin."Sagutin mo ,si Peps ang tumatawag. " kinuha ko naman at sinagot.
"Nasundan kayo ni Wesley!" Bungad saakin ni Peps.
"N-nasaan kayo?" Usisa ko.
"Natakasan namin sya, ano na naman ba pinag-aawayan nyo,at hindi nyo napansin nasundan kayo?!" Away? Alam na alam nyang nag-aaway kami?
"Lilituhin namin si Wesley, tawagan sina Zayn, reresbakan natin 'to. Ayaw magsitigil!" Iritable naman utos ni Cedric ,nang itapat ko sa bibig nya ang cellphone, dahil naka-loudspeak naman.
"Noted ,hintayin nyo tawag ko." Pinatay ko ang cellphone ,sabay liko ni Cedric ng kotse.
"Anong gagawin mo?" Hindi sya nakatingin ,bagkus ay seryoso lamang syang nagda-drive.
May pinasukan kami isang subdivision, halata mo mayayaman ang nakatira dahil ang lalawak, at tataas ng bahay nakatirik sa bawat block. Wala isang minuto ,may hinintuan kaming malawak na bahay, ay hindi.... Palasyo yata itong hinintuan namin. Bago kami bumaba,may isang tawag mula kay Peps, pero si Cedric na sumagot.
"Nandiyan na sina Zayn sa bahay nyo. Papunta na rin kami dyan." Kusang namatay ang cellphone.
"Bumaba kana." Utos sakin habang pababa rin ng kotse.
Sumunod naman ako,"Sainyo itong bahay?" Tanong ko habang binubuksan ang gate.
"Pumasok kana rito," sumunod nalang ako kahit wala akong nakuhang sagot mula sa kanya.
Dinaanan namin ang napaka lawak na Hardin,hindi ko mawaksi sa aking isipan na mayaman nga talaga sina Cedric, Hardin palang yayamanin na.Nasisinagan nang malalaking ilaw ang ibat-ibang bulaklak sa mga plant box,at sa mga gilid nito. Huminto kami sa napaka laking pinto. Kusa itong nagbukas,akala ko automatic, may tao pala sa loob,ang maid nila,ay ---hindi maid's pala.
May malawak na Living room kaming dinaanan, bago makarating pa sa pinaka-malawak na Living room. Nandoon ang ibang Lucifer Kingdom,habang nagsi-sip ng Juice. Bumungad ang itsura ni Zayn sa akin na nakasimangot, habang ang ilan ay parang wala lang. Pansin ko rin ng pagka-ilang ni Joseph sa akin habang nakatingin sa amin ni Cedric.
"Maglabas kayo ng medicine kit." Utos nya sa mga Maids. Kaagad naman nagsi-kilos upang sumunod sa pinag-uutos.
Naupo sya sa tapat ng mga Lucifer Kingdom ,habang seryosong naka-cross arm,at naka-dekwatro.
"Hintayin natin sina Peps." turan nya.
"Bakit may away yata kayo ng Wesley na 'yon?" Usisa ni Axel.
"Ex-boyfriend ng kaibigan ni Reign 'yon." Walang gana nyang paliwanag.
"Akala ko tungkol na naman 'yan sa issue natin." Si Calvin naman ang tumuran.
Tumingin sa akin si Cedric, tapos sumunod kay Joseph. Bago pa sya magsalita,dumating ang mga maid dala ang medicine kits. Lumapit sa akin ang isang maid.
"Ako nalang po." Kinuha ko ang kit pero inilayo nya.
"Hindi po madam, magagalit sa akin ang Young Master." nakayuko lamang ito.
"Kaya ko naman gamutin ang sarili ko, magpahinga kana lang." pilit ko rito.
"Ang young master po ang may gusto nito, wag na po kayo makulit." Sinimulan nyang gamutin ang sugat sa noo ko.
Mahapdi ang alcohol pero wala na yata mas hahapdi sa titig sa amin ng Lucifer Kingdom, na para bang maling galaw lang malalagot ka. Nasa kalahati na kami,tsaka dumating sina Peps.
"Friend," tawag ni Shien sa akin. Lumapit siya upang tumabi.
"Kamusta ka? Nasaktan ka ba?" alala kong tanong habang tinitignan ang kanyang katawan.
"Wag kang mag-alala, wala naman masakit sa akin, ikaw nga itong maraming sugat at pasa. Baka kaya mapansin bukas 'yan nila Tita."
Oo nga pala, baka magtanong sa akin ang mga iyon. Debale,mag-iisip nalang ako ng ibang dahilan.
Pagkatapos akong gamutin ng maid,pinasunod nila kami ni Shien sa Kusina. Ang lawak nito at sobrang linis. Ang sarap lang magluto kapag ganito ang palagi mong makikita. Naghanda ng makakain ang isang kusinera,habang ang mga maid naman ay ginagayakan ang isang table.
"Kumain na po kayo Madam.Pagkatapos,inumin nyo ang pain reliever. Tawagin nyo nalang po kami kung may kailangan pa kayo." Sabay-sabay yumuko bago kami iwan ni Shien.
"Friend, ang dami nilang niluto." Tila takam na takam nagsasandok ng kanin at ulam.
"Parang wala akong gana kumain ,ang sakit ng sikmura at tagiliran ko." Huminto sya pagkatapos ko 'yon sabihin.
"Gusto mo ba padala na kita sa Hospital?"
"Hindi, baka kailangan lang nito ng gamot."
"Kumain kana nga para maka-inom." Nilagyan nya ng pagkain ang Plato ko.
"Pero friend, ang yaman nga talaga ni Cedric noh? Kung kayo ang magkatuluyan ,grabe ang yaman mo na rin."
"Iyon talaga ang inisip mo?"
"Oo naman,bakit ayaw mo ba sakanya?"
"Ang hambog na 'yon." Nag-uusok ang ilong ko sa inis.
"Oh mas gusto mo si Zayn?" Nagsalubong ang kilay ko.
"Zayn? Paano mo naman nasabi na sya ang gusto ko?"
"Ahhhh ,sa tingin nya lang sayo,parang may something eh,"
"Pwes ,mali ka ng akala. Ang sama kaya ng ugali nun," naka-nguso kong sabi.
"Ah alam ko na, si Joseph! Tama si Joseph! Haha , gustong-gusto ka tulungan kaya lang ang sama ng tingin ni Cedric sa kanya." Malamang, talagang pipigilan nya si Joseph dahil may rules sila na dapat sundin.
"Kumain ka nalang 'dyan." Utos ko.
Natapos kami kumain,bumalik kami sa Living room ngunit wala roon ang Lucifer Kingdom. Nadatnan ko ang isang babae,sa tingin ko sya ang mayora rito. Nakatitig sya sa akin habang papalapit samin.
"Maghintay nalang po kayo rito,may pinuntahan lang sina Young master."
"Saan po?"
"Hindi sila nagsasabi pero binilin nya maghintay kayo sa isang guest room.Sumunod kayo," umakyat kami ng hagdanan, napaka lawak at kinig ng bawat haligi,pwede kana nga magsalamin dahil sa kintab.
Pinapasok kami sa isang kwarto. Kompleto ang nasa loob nito, may Television, Cr at Aircon.
"Tatawagin ko nalang po kayo kapag dumating sina Young master." Yumuko Saamin bago kami iwan.
Inihagis ni Shien ang katawan sa kama,habang nakangiti sa akin.
"Ang yaman talaga, kasing lawak lang ito ng kwarto ko pero hindi ganito kaganda."
"Kasilag kasi kaya mayaman. Sila rin ang may-ari ng Kingdom University." paliwanag ko habang papasok sa banyo.
"Wow, akala ko nung ikinukuwento mo saakin dati simpleng yaman lang meron sila. Grabe, wala sa isip ko ang ganitong kaganda." Dinig kong sabi nya.
"Kaya nga mahirap silang kasama. Alam mo naman ang mayayaman, lahat ng kilos dapat maayos sa paningin nila." Tugon ko habang naghihilamos.
"May girlfriend na ba si Cedric?" Dinig kong muli.
Ginamit ko ang toothbrush na halata naman hindi pa gamit.
"Ang yaman din siguro ng girlfriend nya kung meron man." Pumasok sa banyo."Ay! Ba't mo ginamit 'yan?" Natigilan ako sa pag-toothbrush.
"Anong problema?" Nagmumog na kom
"Ba't mo ginamit 'yan?"
"Heto?" Itinaas ko."Eh bakit? Bisita naman tayo, libre naman lahat dito kaya sulitin mo na." Lumabas na ako sa banyo ,bago sya sumunod.
"Buksan natin ang TV?" Tanong nito.
"Bahala ka." Nahiga ako ng dahan-dahan sa kama.
Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakahiga sa ganitong kalambot na higaan. Ang bango pa ng punda at kumot.
"Pipikit lang ako,gisingin mo ko kapag dumating na ang hambog na 'yon." Sabi ko habang humihikab.
Hindi ko na narinig ang sinabi ni Shien. Ang bilis ko nakatulog. Wala na rin ako maalala kundi ng magising ako dahil sobrang ginaw kahit ang kapal ng kumot. Hinagilap ko si Shien,dahil madilim ang buong paligid. Kinapa ko ang katabing higaan ngunit wala sya. Dahan-dahan akong tumayo,hinagilap ang switch ng ilaw. Wala nga rito si Shien,baka kaya nasa labas na. Baka kaya, anong oras na rin.
Binuksan ko ang pinto. Ang dami palang pintuan dito,kaya parang mahihirapan ako kung nasaan dito ang tamang daan. Binaybay ko ang isang daanan,hanggang makita ko ang hagdanan na inakyatan namin kanina. May nauligan akong nag-uusap,habang pababa ako.
Sa Living room kaagad ang tungo ko. Sabay akong sinulyapan ni Cedric at Shien, habang nagsi-sip ng kape. Nag-cross arm nalang ako.
"Bakit 'di mo ko ginising?" Kay Shien ako tumingin.
"Sarap ng tulog mo eh,"
"Umuwi na tayo. Maaayos pa ko ng mga gamit. Anong oras na ba?"
"Alas dose,"Si Cedric naman ang sumagot, napansin kong dumami ang pasa nya sa mukha.
"Salamat nga pala. Mauna na kami umuwi." Hinatak ko si Shien.
"Ihahatid ko na kayo." Tumayo ito.
"Mukhang kailangan mo na ng pahinga. Kaya na namin umuwi."
"Private Subdivision ito ,walang dumaraan na Taxi, o Grab."
Nagkatitigan kami ni Shien, bago nag-nod sa kaharap namin. Sa center sumakay ang kaibigan ko habang ako ay pinaupo sa tabi ni Cedric. Sobrang tahimik ang loob ng kotse,tila walang nagsasalita. Nilingon ko nalang si Shien na natutulog na pala. May pinihit si Cedric sa pagitan namin ,sabay bumukas ang radio.
Good morning mga kaBaranggay! Sobrang lamig na ngayon, tingin mo partner marami kaya magiging SMB ngayong darating na pasko?
Sa palagay ko partner ,marami rito lalo 'yong mga nakikinig sa atin ngayon. Until now gising pa rin sila dahil kakahintay sa chat ng mahal nila ,na hindi sila mahal. Haha.
Napa-ismid ako sa usapan 'yon. Nakita ko rin ngumiti si Cedric, aba! Talaga naman marunong na ngumiti ang hambog na gangster. Tumingin nalang ako sa bintana,nang bigla namin narinig ang pamilyar na intro nang isang kanta. Nagkatinginan kami ni Cedric, I don't know if alam nya ang kantang ito pero para saakin favorite ko kasi ito. Sinabayan ko ang kanta,ngunit mahina lamang habang niyuyogyog ang ulo ng mahina lamang.
"It's turning out just another day. I took a shower and I went on my way. I stopped there as usual Had a coffee and pie.When i turned to leave. I couldn't believe my eyes,Standing there i didn't know what to say ,Without one touch We stood there face to face."
Falm face nya kong tinignan ng bahagya ko naialakas ang boses.
And i was dying inside to hold you
I couldn't believe what i felt for you
Dying inside i was dying inside
But i couldn't bring myself to touch you
Wafakels, kakanta ako kahit panget boses ko. wahaha.,
You said hello then u asked my name
I didn't know if i should go all the way
Inside i felt my life have really changed
I knew that it would never be the same
Standing there i didn't know what to say
First time looked away when i whispered your name
Binagalan nya ang pagdrive nang bigla syang sumayaw nung chorus na. Tawa ako ng tawa sa itsura nya habang sumasayaw. Hinahampas ko pa ang kamay nito kapag itinataas ang kamay.
And i was dying inside to hold you
I couldn't believe what i felt for you
Dying inside i was dying inside
But i couldn't bring myself to touch you
Nakalimutan yata niyang nagdra-drive sya, aba! Ang matindi nito inagawan pa ko ng kakantahin, s**t nga eh, ang ganda ng boses nya.
One hello changed my life
I didn't believe in love at first sight
But you've shown me what is life
And I now i know my love (i know it's coming right)
And i was dying indside to hold you
I couldn't believe what i felt for you
Dying inside i was dying inside
But i couldn't bring myself to touch you
Sabay kami tumawa, sumayaw at kumanta habang binabaybay namin pauwi sa bahay. Hindi ko maunawaan kung bakit ang saya ko ngayon, ngayon ko lang naranasan na makasama sya na hindi nakikipagtalo.