Masigla kong pinaikot ang kabuuan ng katawan sa harap ng salamin. Ngayon araw dadalo kami sa Birthday Party ni Erdem. Hindi literal na kainan lang dahil sa isang Hotel gaganapin 'yon. Lahat pwede namin i-try. Like mag-swimming, hot spring at kahit na ano basta belong sa invitation card na ibinigay. "Frenny!" maligaya kong bati sa kanya ng makarating sa bahay matapos tiklopin ang payong. Maulan kasi ngayong araw. "Sorry, late. Ang traffic kasi, saka hindi ako makakasama." "Ano? Bakit?" "May party ngayon sa Angelic University. Sayang na tapat pa sa Birthday ni Erdem." "Sayang naman, minsan lang tayo makakadalo sa Birthday party ng mayayaman,eh." Biro ko pa. "Actually," may nilalabas sa bag na isang invitation card. "Pinabibigay ni Dexter. Birthday niya sa susunod na linggo. Invited ka,

