TWO DAYS AGO, dalawang lalaki ang na dagdag sa schedule for nightshift. For good na raw ito para sa securities. Natuloy na rin ang pagpapakabit ng CCTV mula sa loob at labas ng store. Bahagya na rin nilaparan ang loob at dahil may na dagdag pang gamit. May bago na rin dalawang security guard para sa umaga at gabi. Kinalabit ako ni Shien at may itinuro mula sa labas ng store. Kakaway-kaway si Nicole, pagkatapos pumasok din. "Frenny!" yakap sa'kin at siyang apir kay Shien. "Kumusta na?" "Parang isang buwan na tayo hindi nagkikita,ah?" "Marami lang nangyari kaya feeling ko sobrang na miss kita," "Sus, eh bakit ako, kahit gabi-gabi kami nagkita ng Frenny mo miss ko pa rin siya?" sabat sa usapan ni Shien. "Iba naman kasi yong sayo at sa'kin!" nakangusong dahilan. "Kahit na, mas swert

