Maginaw ngunit hindi ganito ang temperatura ng kwarto namin sa bahay. Malinawag ang kabuuan ng paligid. May kakaibang halimuyak akong na aamoy. Hindi basta perfume kundi parang amoy OFF LOTION FOR KIDS COLOR VIOLET. Of course gumagamit ako nun kahit hindi na ko KID. May nakapa ako sa gilid ng beywang ko. Mula sa itaas pababa ng paanan ko. Hindi ako maaari magkamali dahil tao ang pakiramdam ko habang pinipisil-pisil ang balat nito. Pansin ko rin malambot ang kama pero mas ikinabahala ko ang mga ala-alang na numbalik sa akin. May sumundo sa'min ni Zayn mula sa KTV bar. Isinakay kami sa Kotse at pagkaraan ay inaalalayan kami pero pareho kaming malikot kaya pinagtutulak namin ni Zayn ang mga taong makakasalubong namin sa Condominium. Tama, condo ni Zayn kami napadpad matapos ang inuman kagabi

