Chapter 6

1383 Words
“Tam, magpadala ka ng isang tao dito para bantayan sila!” utos niya sa binata. “Yes master,” masiglang sagot nito at sumaludo pa sa kanya habang nagmamaneho ng sasakyan. Naiiling at bahagya niya itong sinuntok sa balikat, natawa naman ito. “Kuya Efrim, naalala ko tuloy sa babae na iyon ang nangyari sa akin dati,” nakangiti itong nakatingin sa kalsada. “Huh? Paanong nangyari sayo e, magkaiba naman kayo ng sitwasyon?” nagtataka naman siya sa sinabi nito. “Ibig kong sabihin kung paano mo ako tinulungan at siya ngayon. Ang swerte n’ya dahil ikaw ang nakabangga n’ya paano kung ibang tao ‘yon, sa tingin mo tutulungan siya? Hindi, dahil hindi mo sila katulad, dahil mabuti ka.” Masayang turan nito. Napapa-iling na lang siya na nakatingin sa binata, “Itigil mo na nga ang panood mo ng drama, at hindi bagay sa trabaho natin,” aniya na napangiti na rin sa kadramahan ng binata. Pagdating sa mansyon ay nakita niya ang kanyang mga gamit na nakaayos na, nagtaka naman siya kaya nagtungo siya sa opisina na ama. “Pa,” tawag niya sa kan’yang ama upang makuha ang atensyon nito na sobrang busy sa ginagawa, dahil hindi man lang siya nito na pansin na dumating. “Efrim, buti dumating ka na.” pagkasabi nito ay agad itong tumayo at lumapit sa kanya. “Bakit po nasa labas ang mga gamit ko?” tanong niya dito nang makaupo sa tabi niya. “Na-isip namin na mas mabuting sa mansyon ng mga Dixon ka na muna manatili, nang sa ganoon ay mas mabantayan mo si Ms. Dixon,” “Pero akala ko ba next week ko pa sisimulan?” paglilinaw niya sa sitwasyon. “Mas maganda din kasi na maging malapit ang loob ni Ms. Dixon sa’yo, bata pa lang kayo noong una kayong magkasama, pero sa kaso niya ngayon dahil hindi ka niya maalala, mas mabuting kunin mo muna ang kanyang loob. “Mahirap kung hindi natin alam kung sino talaga ang kalaban natin dito, kung ang mga sindikato ba o ang mismong kamag-anak n’ya.” Paliwanag nito. May punto ang kanyang ama, mas mabuti nga siguro na matyagan niya ang mga taong nakapaligid sa dalaga, dahil wala silang ideya kung sino talaga ang tunay na may banta sa buhay ng kababata. “Makakasama mo dito si Sgt. Santos, siya ang tutulong at magbibigay sa ‘yo ng mga information na dapat mo pang malaman tungkol sa mga sindikatong posibleng nasa likod ng pagbabanta.” Hindi malaman ni Efrim kung ano ang kanyang mararamdaman, kung matatakot o mae-excite?, Ma-e-exicte dahil muli niyang makikita ang babaeng matagal na niyang hinahanap, ang babaeng pinangakuan ng bata niyang puso na sasamahan ito hanggang sa kanilang pagtanda at sabay natatakas sa mga kamay ng kanilang kidnappers, o matatakot dahil sa muling banta sa buhay ng dalaga, matatakot dahil baka hindi na siya nito muling makilala! Pagdating sa mansyon ng mga Dixon ay agad siyang nakaramdam ng kaba, pagkababa ng sasakyan ay agad na din siyang pumasok. Napahinto siya sapaglalakad nang mapansin ang isang dalaga na nakatayo malapit sa bintana at nakatanaw sa labas. Lumapit dito ang isang lalaking naka-unipormeng na black at may binulong dito nang mapatingin naman ‘to sa gawi niya, ngumiti ito at bahagyang yumuko bilang pagbati sa kan’ya, saka ito umakyat at pumasok sa silid nito. Biglang bumilis ang t***k ng puso niya ng makita ang dalaga, napaka mabini ng pagkilos nito, masaya siya dahil maayos na ang kalagayan nito maliban sa tangka sa buhay nito. May kaunting lungkot din siyang nadama dahil mukhang hindi nga siya nito kilala, kung sabagay malaki na din ang pinagbago niya, at ganon din ang dalaga dahil bukod sa maganda ito at dalagang-dalaga na maging ang pagkilos nito, at ibang-iba na talaga ito sa Nami na nakasama niya. Ang Nami na matapang at handang lumaban, kumpara sa Nami ngayon na mahinhin kung kumilos. “Sir, sumunod na po kayo sa akin at ituturo ko pa ang magiging kwarto n’yo,” pukaw ng lalaking kasambahay sa kanyang pagmumuni-muni. “Sige, salamat.” Saka sumunod sa lalaki. Habang paakyat ay tumunog ang kan’yang cellphone, si Sgt. Santos ang tumatawag. Huminto siya sa tapat ng kanyang magiging kwarto bago sagutin ang tawag. Pumasok naman ang lalaking may dala ng kayang mga maleta. “Hello! Sgt. Santos,” aniya. “Hello Efrim, may kailangan lang muna akong ayusin bago ako sumunod sa’yo d’yan, ikaw na muna ang bahala tawagan mo na lang ako kung mayroon kang napansin na kakaiba.” Lumakad siya sa dingding ng malapit sa kan’yang kwarto habang pinakikinggan ang sinasabi ng kausap. “Makakaasa ka, Sgt. Santos.” Tugon niya dito at saka napatingin sa isang kwarto dahil pakiramdam niya ay may nakatingin sa kan’ya. Paglingon niya ay nakita niya ang dalaga na nakatingin din sa kan’ya na agad ding sinara ang pinto. Napangiti naman siya saka nagpaalam sa kausap. “Sir, nilagay ko na po sa loob ang mga gamit n’yo, may iba pa po ba kayong kailangan?” tanong nito. “Wala naman na, ako nang bahalang mag-ayos doon, salamat.” “Kung ganoon sir e bababa na ako, tatawagin ko na lang po kayo mamaya kapag nakahanda na ang pagkain.” Paalam nito na pinigil niya saglit. “Ang kwartong iyon?” sabay turo kung saan nakasilip kanina ang dalaga, gusto lang niyang makumpirma. “Ah, iyan mo ang kwarto ni Ms. Naiomi, gusto n’yo po bang puntahan s’ya?” tanong nito. “Hindi, gusto ko lang kumpirmahin kung d’yan ang kwarto n’ya, salamat.” Aniya na ang gaan lang sa pakiramdam, dahil makakasama na niya ang dalaga. Hindi man siya nito maalala ngayon sigurado siya na makikila din siya nito sa huli, dahil lagi na silang magkasama. Pagka-alis nito ay pumasok na din siya sa kanyang silid, inayos niya ang kanyang gamit. Napatingin siya sa maliit na kahon kinuha niya ito at binuksan. Nilabas niya ang isang kwintas, saka muling napangiti sa bumalik niyang alaala “Kuya Efrim, paano kung sa pagtakas natin dito, magkahiwalay tayo?” tanong ng batang babae na nasa tabi niya. “Hindi ko hahayan na mangyari iyon, Nami,” sabi naman niya sa bata na nakatingin sa kanya. “Hanggang sa pagtandan natin ay mananatili tayong magkasama, tandaan mo ‘yan!” ngiti niya dito at hinaplos ang buhok nito na nanlalagkit na dahil sa dumi. “Paano nga, kung magkahiwalay tayo, tapos pareho na tayong malaki, tapos hindi na natin makilala ang isa’t isa kasi matanda na tayo, paano ko malalaman na ikaw ‘yon?” ang inosenteng bata na katulad nito naiisip ang ganong tanong. Dimukot siya sa kanya bulsa at nilabas ang isang singsing, singsing iyong ng kanyang ina, iyon na lang ang alala ito sa kan’ya. Dahil matapos itong barilin ng mga taong dumukot sa kan’ya ay nagawa pa niyang lapitan ang ina at nakuha ang suot nitong singsing bago siya muling ibalik sa hide-out ng mga ito. Humanap siya ng tali at doon kinabit ang singsing saka isinuot sa leeg ng batang babae. “Ito ang magiging palatandaan ko, para makilala kita. Ingatan mo ‘yan dahil sa mama ko ang singsing na iyan.” Nakangiti niyang sab. “Bakit mo sa akin ito ibibigay?” anito at saka tinanggal nito ang suot nitong kwintas na may pinture sa loob ng pendant. “Ito, kuya Efrim, ingatan mo din yan kasi ‘yan na lang ang picture kasama ko ang mga magulang ko, ibibigay ko din yan sa iyo,” saka sabay nitong inabot ng bato sa kanya. Natawa naman siya, “Para saan naman itong bato?” tanong niya dito na seryoso ang mukha. “Gamitin mo ‘yan ‘pag sinubukang kuhanin ng mga lalaking iyon ang kwintas na ‘yan, ‘wag mong ibibigay.” Babala nito. Natatawa naman siya sa seryong mukha nito, saka binulsa ang bato at sinuot ang kwintas nito. “Iingatan ko ito, dahil ito ang magiging tanda natin sa isa’t-isa.” Saka ginulo ang buhok nito, tuwang-tuwa naman ito. Iniisip ni Efrim kung paano niya ito itatanong sa dalaga kung kilala pa siya nito, o kung paaano niya ipapaalam dito, “bahala na ang importante ngayon ay kasama na kita.” Bulong niya saka muling binalik ang kwintas sa lagayan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD