Chapter 5

1200 Words
Pagpasok ni Efrim ay nakita niya ang babaeng nanginginig sa takot sa isang sulok na naka-tungo at yakap ang sariling binti. “Miss...” aniya at hinawakan ito sa balikat habang nakaluhod sa tapat nito. “Maawa ka po sa ‘kin” palahaw nito. “Miss—. huminahon ka... nakaalis na sila, ano bang ang nangyari?” tanong niya dito. Nang magtaas ito ng tingin ay kaagad naman itong gumapang at bigla siyang niyakap, napa-salampak naman siya ng upo at hinawakan ito sa beywang upang hindi sila tuluyang mabuwal. “Paki-usap tulungan mo ako! Pakiusap!” anito na patuloy na nagmamakaawa sa kanya. “Ssshh... ssshh... huminahon ka, ano ba ang nangayari?” aniya at pinaharap ito sa kanya. Nakayuko lang ito at patuloy ang pag-iyak, “Hindi ko alam, hindi ko sila kilala, matagal na akong nagtatago sa kanila pero na sundan pa rin nila ako dito,” anito na patuloy pa rin sa paghikbi, napatingin naman siya sa maamo nitong mukha na basang-basa na nang luha. “Tulungan mo ako, ‘yung mga kapatid ko naiwan ko sa bahay!” anito na mas lalong nagpaiyak dito. “Ssshh... tahan na anong pangalan mo?” tanong niya dito habang inaalalayan sa pagtayo. “Yang-yang,” anito na hindi pa rin nawawala ang paghikbi nito . “Saan ang mga kapatid mo?” tanong niya. “Nasa kabilang kanto lang sila,” anito na humawak sa dulo ng kaniyang damit. Napabuntong hininga na lang siya ng tingnan ito, saka niya tinawagan si Tam upang puntahan ang mga kapatid nito matapos niyang makuha ang address sa dalaga. Sinundo sila ni Tam at dumiretso sa bahay nito, nagmamadaling lumabas ng sasakyang ang dalaga at patakbong pumasok sa loob ng kanilang barong-barong, bumaba na rin siya ng sasakyan at sinundan ito. “Ate!” sigaw at patakbong lumapit ito at sumalubong sa kanilang ate. “Ate saan ka nagpunta? kanina ka pa namin hinihintay e, wala kang dalang pasalubong?” ani ng isang bata na naghahanap kung may dala ang dalaga. “Pasensya na walang dala ang ate e,” saka ubod ng tamis itong ngumiti na kanina lang ay nangingig dahil sa takot. “Ayos lang ‘yon ate, ang importante e, umuwi ka na marasap ka namang magluto kaya ayos lang sa amin kung wala kang pasalubong,” saka ito yumakap sa mga dalaga nang magawi ang tingin nito sa kanya. Kumindat pa ang bata sa kanya nakinatawa niya, napalingon naman sa kanya ang dalaga. “Ate sino pala s’ya?” sabay turo ng isa pang bata. Dalawang batang lalaki at isang babae na halos hindi nagkakalayo ang mga edad nito, na siguro ay nasa lima hanggang walong taon ang edad ng mga ito. Tumayo ang dalaga at lumapit ito sa kanya, bahagya itong yumuko, “Salamat sa pagtulong mo sa akin kanina, pasok po muna kayo!” yaya nito sa kanila. Sumunod lang sila ni Tam sa mga ito, nilibot niya ang kanyang paningin sa loob ng bahay ng mga ito, puro ito tagpi-tagping sako may ilan din na kahoy ang tagpi, nahabag naman siya sa kalagayan ng mga ito. “Nasaan ang mga magulang n’yo?” wala sa loob niyang na-itanong. Napatingin naman ito sa kanya, “Wala kameng mga magulang,” anito at tumingin sa mga naglalarong kapatid at ngumiti. Napakunot-noo naman siya sa sinabi nito, “Paanong wala kayong magulang?” takang tanong niya, yumuko ito at hindi sumagot. Naiiling siyang napatingin na rin kay Tam na kasalukuyang nakikipag laro na din sa mga bata. Napatingin siya sa dalaga nang magsalita ito, “Hindi ko sila tunay na kapatid, si Rap at Alen sila ang magkapatid at itong si Jona ay nakita ko lang din sa bangketa na umiiyak, dinala ko na sila sa barangay pero tumakas lang sila at bumalik sa akin, kaya ako na ang nagalaga sa kanila,” anito na nakangiting bumaing sa kanya. “Hindi mo sila kaano-ano pero ikaw ang bumubuhay sa kanila?” manghang tanong niya dito. “Naawa kasi ako sa kanila kung papabayan ko sila sa lansangan baka magamit pa sila ng masasamang tao para sa pansarili nilang kapakanan, ayokong matulad sila sa akin.” “Sino nga pala yung mga humahabol sa iyo?” tanong niya, hindi na siya umaasa na sasagutin nito ang tanong niya. Lumapit ito dala ang juice na ginawa nito at tinawag ang mga kapatid. “Pasensya na ‘yan lang ang kaya ko,” anito. Ngumiti siya at tinanggap ang bigay nito, sumalo na rin si Tam sa kanila. “Hindi ko kilala yung mga humahabol sa akin pero may hinala na ako kung sino sila, mukhang tauhan sila ng isang bar na pinagtabahuhan ko dati, tumakas ako dahil hindi ako pumayag na sumama sa malupit nilang kliyente,” nahihiya itong yumuko. “GRO ka?” nagulat siya sa tanong ni Tam. “Hindi janitor lang ako doon, kahit naman wala akong pinag-aralan ay hindi ko papasukin ang ganoon trabaho,” nakangiti nitong sagot kay Tam na parang napahiya sa sariling tanong. “Kung gano’n, bakit ka nila hinahabol?” muli niyang tanong. “Suguro ay gusto akong gantihan dahil sa nagalit sa kanila ang kostumer nila,” malungkot itong yumuko at tumingin muli sa mga kapatid. Naawa siya sa dalaga, hindi niya maintindihan kung bakit gano’n na lang ang awa niya dito, hindi niya alam kung paano niya ito tutulungan. “Kuya, kailangan na nating bumalik,” anito at nagpaalam na sa dalaga, nanatili lang siyang nakaupo na parang ayaw pa niya iwan ito. Napabuntong hininga na lang siya ng tawagin siyang muli ni Tam. “Ano nga ulit ang pangalan mo?” muli niyang tanong dito. “Yang-yang!” saka ito ngumiti. “Yang-yang, paano ka na n’yan, baka bumalik ang mga ‘yon?” aniya sa mga laalaking huma-habol dito. “Hindi ko din alam, bahala na,” malungkot nitong sagot. “Bigay mo sa akin ang cellphone mo,” aniya sabay lahad ng kamay niya dito na kinabigla nito. “Ah... e... wala kasi akong cellphone,” nahihiyang yumuko ito. Napabuntong hininga na lang siya at nakamot ang sariling ulo, “Ano pa nga ba ang iniisip ko, hindi pa ba halata” aniya sa sarili na muling sinuri ang bahay ng mga ito. Saka niya dinukot ang sariling cellphone at inabot iyon sa dalaga, nagulat naman ito sa kanya. “Naku hindi— nakakahiya, hindi ko matatanggap ‘yan,” tanggi nito na patuloy ang pag-iling ng ulo. “Kunin mo na para matawagan mo ako kung sakaling bumalik ang mga lalaking iyon, at para na rin sa kanila, tatawagan kita jan, hintayin mo.” Aniya saka pinilit na ibigay dito ang kanyang cellphone. “Salamat ha, napaka buti mo kanina lang tayo nagkita pero ang bait mo na agad sa ‘kin at nagawa mo pang ibigay ito cellphone mo,” nahihiyang tanggap nito. Kahit din naman siya, ay hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit sobrang nag-aalala siya sa dalaga, hindi nagtagal ay umalis na rin sila at binilinan ang dalaga na ‘wag na munang lumabas ng bahay dahil baka makasalubong niya ang mga lalaki na humabahol dito at hintayin ang kanyang tawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD