Chapter Nine

2256 Words
Nine Laine's POV "Maraming salamat, Draight." pagpapasalamat ko sa kaniya dahil niligtas niya ako kanina at ngayon ay hinatid pa ako sa condo. "Hatid narin kita sa unit mo." Sabi niya at akmang aalisin na yung seatbelt nang kaagad ko siyang pigilan. "No, wag na. Salamat nalang, Draight." ngiting sabi ko sa kaniya. "No, I'm taking you to your unit. I want you to be safe," I was taken aback by his sudden words. I don't know what has gotten to him but it brought shivers down my spine. Sheesh, kinikilig pa ata ako. Ano ba naman kasi 'tong si veve Draight ko, nilalandi na naman ako. Ayiieet. "Oh my, nahihiya na ako." sabay hawi ko pa sa buhok ko. He flashed a beautiful and warming smile, sheesh, pogi talaga niya, "Don't be, when in fact you can even come over to my place again." Napatulala naman ako sa sinabi niya. Ano daw? Inaaya ba ako nito sa bahay niya? Bakit? Sheesh. "Ehem, aminin. Gusto mo na ata ako, Mister President!" pagtutukso ko pa sa kaniya sabay kurot sa tagiliran niya habang tinatanggal niya yung seatbelt niya. "Who knows," yan lang ang sinabi niya at binuksan niya na ang pinto ng car niya saka siya lumabas. Maya-maya ay pinagbuksan naman ako nito ng pinto. Hay nako mga veve, perfect boyfriend talaga ang isang 'to. Mabait na, gentlemen pa. At isa pa, protective. Hanggang ngayon nga ay kinikilig parin ako sa pagligtas niya sa'kin kanina. "Sabi ko naman sayong kaya ko ng pumunta ng unit ko e." Nahihiya ko paring sabi sa kaniya pero nginitian lang ako ng lolo niyo. Kaya wala na akong nagawa kundi ang hayaan nalang siyang ihatid ako sa unit ko. Sumakay na kami ng elevator at pinindot ko na ang floor ng unit ko. "How long have you lived alone?" he asked. Napatingin naman ako sa gawi niya, sheesh, tangkad talaga niya kaya tumingala pa ako para lang magtagpo ang mga mata naming dalawa. "Matagal na rin e." Simpleng sagot ko lang dahil ayaw kong pahabain pa yung usapan. Ayaw ko kasi talagang napag-uusapan yung past ko. "How did you changed?" pabulong niyang sabi pero narinig ko naman kaso hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. "Yes, Mister President? Lakasan mo naman yung boses mo!" sabi ko sa kaniya. "Wala," Ngiting sabi niya habang umiiling. "By the way, Mister President, bakit ka nando'n sa bar kanina?" nagtataka kong tanong sa kaniya. Kasi nga, isa kasi siyang clean figure, yung tipong hindi nagawi sa mga ganoong lugar. Kaya nagtataka ako kung bakit nasa bar siya kanina. "I was looking out for... someone special." Bigla siyang lumingon sa pinto pagkasabi ng huling salita dahil bumukas na yung pinto ng elevator kaya lumabas narin kaming dalawa. "Woah, may special someone ka? As in?" hindi makapaniwala kong tanong sa kaniya. "Nahh, I don't think she remembers me." malungkot niyang sagot sa'kin habang naka-focus lang sa hallway ang kaniyang tingin. "Ay, hindi pwede yun, dapat i-push mo na yan. Nako, madami pa namang nang-aagaw ngayon, baka mahuli ka pa." sabi ko pa sa kaniya, trying to lift him up kasi mukhang malungkot siya. "Thanks, Miss Ellaine Salazar." sagot niya na ngayon na may matamis na ngiti kaya ginantihan ko rin siya ng ngiti. "Pwede namang Laine nalang, we're friends naman na.. siguro?" Sabi ko habang confident sa mga unang salita pero hindi sigurado sa huling salita. Bigla siyang nag-chuckle, ewan, happiness na ata ako. "Ang cute mo pag tumatawa promise, alam mo kapag palagi kang ganyan, marami ang--" hindi natuloy ang sinasabi ko dahil may nakita akong hindi maganda sa may unit ko mismo. "Ano namang ginagawa mo dito?" tanong ko sa walang hiya na badboy na'to. Si Yzece, nandito siya sa tapat ng unit ko at nakasandal sa pader habang nakapamulsa, parang kanina pa ata ako hinihintay. Tumingala siya sa direksyon ko at palipat-lipat na tumingin sa'min ni Draight. "Nothing," simpleng sagot niya lang at kaagad ng umalis. Is he here to say sorry? Aish, ewan, hindi naman ako assuming pero parang hihingi ata ng tawad yun e. Pero hindi ako sigurado. I mean, yung badboy, marunong ba yun humingi ng sorry? I think not. Lumingon napang ako kay Draight kahit puno ng katanungan yung utak ko dahil sa paghintay sa'kin ni Yzece, pero ngumiti nalang ako kay Draight, trying to erase Yzece in my mind. "Thank you so much, Mister President. Sana friends na tayo nito, at wag mo na akong ipapakulong sa detention or ipapalinis ng banyo." sabi ko naman sa kaniya habang may kaunteng paawa effect. "Let's see about that." sagot niya lang at kinurot ng marahan yung pisnge ko, "Bye, Laine." huling sabi niya bago siya tumalikod at umalis. Nakatunganga lang akong nakatingin sa papalayo niyang pigura. Sheesh, tinawag niya akong Laine. Para akong nasa cloud nine. Ang sarap pala pakinggan ng nickname ko? Lalo pa't kapag galing sa bibig ni Draight. Aysheeshh. Kinikilig namab akong pumasok na ng unit ko at kaagad ng naligo at naghandang matulog. Masyadong nakakapagod ang araw na'to. Nang matapos akong maligo at magbihis ay nahiga na ako sa kama. My thoughts are circling with Yzece and Draight. //////////////////////// "Waaaaaaaaa~" ngawa ni Jaine. May naglalandi kasi kay Dwayne kaya nagdadrama ngayon ang babaitang ito. "Pwede ba?! Ang sakit kaya sa tainga niyang boses mo!" singhal sa kaniya ni Trex na kumakain ng chips. Ewan ko ba sa mga gagang ito at nagbakasyon pa yata dito sa condo ko. "Movie mara tayo, guys." Yena nang matapos siyang maligo sa bathroom ko. Feel na feel at home sila sa bahay ko 'no? Nahiya tuloy ang may ari, parang ako pa yata ang bisita rito e. "Later na yan. Would you please makinig nga muna sakin huhuhu." Jaine na nagdadrama pa rin. "Jaine ah! Kapag nakita kong may uhog mo yang unan ko. Malalagot ka talaga sakin!!" pagbabanta ko nang makita ko siyang kayakap ang unan ko. "Eh kasi naman eh. Si Dwayne. May nanglalandi kay Dwayne! Huhuhu!" Napairap ako habang pilit na tinatakpan ang tenga ko. Kanina pa siya paulit-ulit niyan, nakakairita na. "Bakuran mo kasi, simple as that!" Trex. "How ano? When she's matangkad than me. When she's maganda than me. And when she's makapal ang mukha than me??" "Then you need a b***h!" Trex. Lahat sila ay napatingin sakin. Napairap lang ako dahil alam ko na kung saan mapupunta ang usapang ito. "Please, Ellaine?" Jaine. "Whatever." sabi ko nalang. Alam na nila ang ibig kong sabihin niyan kaya tumatalon sa tuwa yung gaga kong kaibigan na si Jaine. Tsk! \\ Nandito kami ngayon sa canteen at hinahanap yung babaeng haliparot na kasing kati ng higad na siyang lumalandi kay Dwayne. "Found them." sabi ko nalang ng makita kung saan nakaupo sina Dwayne, Jin at Liam, kasama pa yung higad na pilit pang nilalapit ang dede niya kay Dwayne. Si Dwayne naman ay abala sa pagsagot sa assignment yata nila. Psh ewan. "Excuse me." sabi ko sabay tulak sa babae. Napatawa naman ang mga kaibigan ko nang mapahalik si Higad sa table. "Aray! Who did that?" napatingin siya sakin kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Me. Any problem?" "Oo may problema talaga. Kasi wala naman akong ginagawa sayo!" sabay tulak niya pa sa balikat ko. Inilahad ko ang kamay ko kina Trex at may ibinigay naman sila sakin. Agad kong binuksan ang plastic at tinapon sa kaniya ang laman no'n. "Ayan! Hinahanap ka kasi ng mga kalahi mo!" sabi ko sa kaniya ng nakangisi. Sumigaw siya ng makita niya kung ano ang mga yun. Mga higad lang naman. Nagwawala niya itong pinapaalis sa kaniyang balat habang tumitili. Tili siya ng tili habang pinapaalis sa suot niyang damit yung mga higad. Pero panigurado, Sobrang makati na yung katawan ng babaitang ito. Tsk. Yan tuloy ang napala mo. Ang landi kasi ng balat mo beshy. "Layuan mo si Dwayne. Do you get me?!" simpleng sabi ko nang nakacrossed arms at nakataas ang isang kilay. \\\ Natapos ang klase ko ngayong araw kaya agad akong umuwi sa condo. Binuksan ang cp at nag sss. Matagal-tagal na pala mula no'ng huli kong pag change ng profile. Kaya naghanap ako ng bagong bikini sa closet ko at sinuot ito. Nagpicture-picture lang ako at nang matapos ay pumili ako kung alin doon ang gagawin kong dp. "Ay gusto ko 'to!" sabi ko ng nakangiti. Nakatalikod ako sa pic at kitang-kita doon ang malaki kong pwet. Nakatagilid naman ang mukha ko kaya mas nabigyan ng pansin ang matangos kong ilong. Kitang-kita rin sa picture ang napakaganda kong figure. Kaya mabilis ko itong inu-upload sa sss at ginawang profile pic. 5 minutes pa lang ang nakalipas ay naka abot na ako kaagad ng 400 likes. At halos karamihan sa naglike ay mga kalalakihan. Napapailing lang ako habang nakangiti. Nag c-cp lang ako nang may biglang mag-doorbell. Kaagad akong nagpunta sa pinto at pinagbuksan ang nagdoorbell. Kumunot ang noo ko nang makita ang isang lalaking naka maskara na parang abu sayaff ang hitsura ng kumatok. Pansin ko na napatingin siya sa katawan ko. Tumaas lang ang kilay ko. Nakatwo piece pa rin kasi ako. Kaya alam ko na kung bakit nakanganga itong lalaking ito habang nakatingin sa katawan ko. "Yes?? Do you need anything??" simpleng tanong ko lang. Pero napalaki ang mata ko nang bigla niya akong hinila.. Gossh.. Kidnapper... Heeeelp me mge veveee... Kinikidnap ako... Waaaaaaa.... /////////////// Hinihila niya ako palabas ng condo unit. Sa stairs kami dumaan dahil kunti lang ang dumadaan dito. Minsan wala nga eh. Sino ba naman kasi ang gugustuhin maglakad sa stairs?? Duuuh wala yata. Panay ang sigaw ko pero parang wala talagang tao hanggang sa narating namin ang parking lot. Agad kaming sinalubong ng itim na van. Pinapasok niya ako doon at tumabi naman siya sakin. Nakita ko na hawak ko pa rin yung cp ko kaya nang sss live na ako. Upang makahingi ng tulong. "Mga veve!!" sigaw ko sa camera. "As of this moment ay kinikidnap po ako! As you can see, nakasakay po ako sa van at nandito naman sa tabi ko yung kumidnap sakin. Heto siya oh!" sabi ko at itinutok sa kidnapper ang camera ng phone ko. "Mag hi ka naman!" sabi ko dito. Kumaway naman sa camera yung lalaki. "So ayun guys. Sa tingin niyo? Mabubuhay pa kaya ako after this?? Gosh imma is so scared to the core right now. What if kasi diba, patayin nila ako? Oh di kaya, ipa r**e sa isang libong lalaki? O kaya naman, ipa chop-chop ang napakasexy kong body?? Like Goshh ano? Nakakatakot kaya yun. Ano nalang ang sasabihin ng mga libo-libo kong fans diyan... Aweee~ hi po sa inyo mga veve voys and veve girls... And wish ko lang na sana ay mabubuhay pa ako after this... Huhuhuhu... Mga veve voys ko diyan, magpapa-alam na yata ang napakaganda, napakasexy, napaka... Hmm... Basta! Napaka! dito sa mundo ng earth... Ahuhuhuhu.." sabi ko sa camera. Napansin ko naman na napapailing yung lalaking kumidnap sakin. Biglang huminto yung sasakyan kaya nasubsob ang mukha ko sa likod ng driver's seat. Gosh! Inayos ko yung sarili at muling humarap sa camera. "Ito na guys... Tumigil na po yung van... At teka... Ipapakita ko po sa inyo kung nasaan kami.." Inilahad nong lalaki yung kamay niya upang alalayan ako pababa pero tinanggihan ko lang ito dahil abala ako sa pagkakausap sa camera ng cp ko. "OMG mga veve." sabi ko ng makababa na ako. Pinakita ko sa camera ang lumang building na pinagdalhan sakin. "Nandito po ako ngayon sa lumang building na ito. Sinusundan ko lang yung kumidnap sakin. Heto po siya ulit oh~ kuya mag hi ka ulit!" tawag ko dito. Nag wave ulit sa camera yung lalaki. Pansin ko na madalas itong napapatingin sa katawan ko kaya nagsalita ulit ako sa camera. "Ito mga veve ah, tatanongin ko si kuya if bet niya ba ang katawan ko. Kasi kanina pa siya tingin ng tingin dito eh... Kaya ito na, kuya!! Bet mo yung katawan ko no??? Siguro naglalaway ka na behind your mask ano?" "Oo gurl~ Bet na bet ko ang hubog ng katawan mo. How I wish na ganyan rin ang katawan ko. Kaloka kasi gurlalish eh. I'm trapped in this boy's body.. Huhuhu!" sabi nito na nakapagpatigil ng mundo ko. Takte? Bakla? Humarap ulit ako sa camera at sinabing, "Emeged mge veve.... Yung kumidnap sekin, VEKLAVOSH~~ WAAAA~" tili ko sa camera. "Oh halika na gurl. Hurry up na. The pogi and machong boss is waiting na for you." sabi pa nito na may papitik-pitik ng kamay kaya napachuckle lang ako at nagmadali sa paglalakad. "Wait ka lang here, vakla ah. Tatawagin ko laang si vosh na shobrang fogi at shobrang machoo," Sabi nito ng kumikinang pa ang mga mata. Napapailing lang akong pumasok sa isang bodega. Muli akong humarap sa camera. "Mga veve. Here is the place." sabi ko at nilibot ang camera sa paligid ng bodega. "I think, dito yata ako matutulog mamaya. So goodluck to me. And O MY gosh!" sabi ko na nanlalaki ang mata, "veke nge detey ako mamamatay mamaya... So goodluck talaga to me." Maluha-luha kong dagdag. "So heto mga veve ah. Ifo-focus ko ang camera sa door para makita niyo ang leader ng kumidnap sakin. Na sabi ng veklavosh kanina na supper pogi daw at supper macho... So yeah~" sabi ko at itinutok ang camera sa pinto. Nang may marinig akong footstep ay nagsalita akong muli, "Emeged, I think he's coming na....." Naghintay ako ng ilang minuto bago bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang lalaki. Laglag panga ko mga vesh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD