Eight
Jyren's POV
Kasalukuyan akong nakikipaghalikan sa babaeng nakilala ko sa isang bar. Dinala ko siya dito sa condo ko upang makascore ako. Alam niyo na siguro ang tinutukoy ko, maalam naman kayo sa ganitong bagay.
"Damn. You're turning me on." sabi ko ng kinapa niya ang nasa pagitan ng binti ko. Kaagad akong tinigasan, sheet masyado siyang wild and I liked it. Ayaw ko ng babaeng masyadong Maria Clara.
Naudlot ang kababalaghang ginagawa namin ng biglang tumunog ang cp ko. Bwiset naman 'to, panira ng mukbang moment. Kakainin ko na sana perlas ng isang 'to e. Shete.
Wala sa sarili ko itong sinagot, kahit na ayaw ko sanang sagutin ay wala akong magawa dahil alam ko na kung sino ito. Si Yzece. Wala namang ibang taong umiistorbo ng buhay ko kundi siya lang. Tss.
"Background check. Ellaine Salazar." Tipid niyang sabi sabay call end.
"Who's that, baby?" Malanding tanong ng kasama ko.
"Later baby, may gagawin lang ako." Kagat labi kong sagot at pinasadahan ko ang kaniyang malulusog na dibdib pati ang kaniyang perlas na kanina niya pa binubuka. Ugh, shiit. Sarap ng lantakan ng isang 'to. My tongue longed to taste her wet p***y.
Pero, dahil isa akong masunuring kaibigan ay sinunod ko nalang ang inutos ng kumag kong kaibigan. Kaagad akong nagtungo sa computer ko at nag background check sa pangalan na kaniyang binanggit.
"Woah, seems like this one is a gold fish." Napasabi ko nalang nang may mahagap akong impormasyon mula sa babaeng ito. Ellaine Salazar. Sounds like delecious to me. Ganitong babae ang mga tipo ko. Hindi rin nagtagal ang pagpapantasya ko sa babae dahil baka makalimutan ko pa na inutusan pala ako ng magaling kong kaibigan kaya kinuha ko ang aking phone at kaagad siyang tinawagan.
"Pare. Anak siya ni Krystina Ramirez Salazar. Ang dean ng Santo Thomas University."
"I see. How about the owner of the phone??" Lagot na.
"Hindi ko pa nahahanap eh." kumakamot sa batok kong sabi. "Naka turn off yung phone niya."
"Then find her! Locate her! You're more than that Jy, don't make me f*****g mad." May halong galit na niyang saad sa kabilang linya kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang sundin ang iniutos niya. Edi, hanapin. Psh.
Laine's POV
Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang maikumpara ako sa iba. Lalong lalo na sa nanay ko. I am not like her. And I will never be. Yzece. I will make sure to make your life miserable the second time I'll get to see your face.
Nandito kami ngayon sa bar. Kasama ko ang mga kaibigan ko. Gusto ko munang makalimot. Gusto kong malunod sa alak. Gusto kong makalimutan ang sinabi ni Yzece pero bakit para itong sirang-plaka na paulit-ulit na bumabalik sa isip ko? Masakit? Sobra. Dahil kahit kailan ay hindi ko pinangarap ang maging katulad ni mama. Ibang-iba ako sa kaniya. Magkaiba kaming dalawa. Kahit kailan hindi ko matatanggap na pareho kaming dalawa. Dahil hindi. Hinding hindi.
"Hoy! Dahan-dahan lang sa pag-inom, girl. Malalasing ka niyan kaagad eh." Yena.
"Edi, mabuti!" Sagot ko lang sabay inom ulit.
"What's your problem ba kasi?" Jaine.
"Someone compared me to my mom." nakangisi kong sabi. Lahat sila ay natigilan. Mapakla akong tumawa. Mukha na akong baliw pero wala na akong paki-alam.
"Sino ang nagsabi niyan?" Trexy na seryoso na tila ba'y susulong sa gyera.
Nginisihan ko siya, "Yzece."
"Aysheet. Tiklop ka diyan Trex. Kita mo naman ginawa no'n kay Laine. Muntikan pa sirain ang face." Yena.
"Yeah, if it's Yzece. Nako, we don't stand a chance." Jaine while hugging the left arm of Dwayne.
"Resbakan natin?" Pagmamayabang ni Trex habang inaaya ang mga boys. Pero bigla lang sila nagsiyukuan lahat.
"Ano ba naman kayo, ambabakla niyo naman!" Maktol ni Trexy sabay hampas pa sa mesa.
"Give up, Trex. That's the badboy, walang maka-defeat of him." Maarteng wika na naman ni Jaine.
"Ediwow nalang. Teka nga," saka siya mulang bumaling ng tingin sa akin, "Sinabihan ka ng gano'n tas hinayaan mo lang?" May halong inis ang kaniyang boses.
"Hello, I don't want my face to handle another destruction." Sabay irap ko pa sa kaniya saka ako uminom ulit ng alak. Wala namab kasi akong ibang magagawa pa kundi ang ilabas ng hinanakit sa bawat likido ng alak na aking tinutungga.
Habang nag-uusap-usap kami ay may biglang lumapit na lalaki sa table namin. Mukhang alam ko na kaagad kung ano ang sadya nito rito, kaya kaagad akong ngumisi.
"Yes, baby voy? Sup?" Lasing ko ng saad sa lalaki. Kaagad na sumilay ang galak sa kaniyang mga mata.
"Miss. Can you come with me for a moment?" Nakangiti niyang tanong. Sasagot na sana ako ng,
"Sur--" Nang biglang pumagitna ang mga kaibigan ko.
"As you can see? She's drunk! Iuuwi na namin siya." Trex.
"Ano ba naman kayo?! Hindi pa ako lasing!" sigaw ko. Tumayo ako at tila parang bigla akong nahilo. Hindi pa naman gaano kadami ang nainom ko kaya bakit ang sama na ng pakiramdam ko?
"Narinig niyo na? Hindi pa daw siya lasing. Tara na?" pag-aaya pa ng lalaki sa'kin. Ngumiti ako at lumapit sa lalaki, kahit hindi na tuwid ang aking pagkakatayo at aking paglalakad. Pinipigilan ako ng mga kaibigan ko pero hindi ako nagpapigil.
Nginitian ko lang sila at sinabihan ng, "Ano ba naman kayo guys?! Magkatulad na magkatulad nga kasi kami ni mama. Hahahaha!" sabay tawa ko pa ng malakas.
I was really hurt. Pero anong magagawa ko? Nasabi na niya ang mga katagang nabitawan niya. Alam ko sa sarili ko na hindi ko mababago ang tingin at opinion sa'kin ng mga tao. Actually, kung hindi lang ako ni-link sa babaeng yun, ay okay pa sana e. Matatanggap ko pa yung slut na word e. Pero ang ihalin-tulad ako sa makating higad kong ina? Yun ang hindi ko talaga tanggap.
"Ow, easy there babe." Malanding wika ng lalaki habang inaalalayan ako sa paglalakad. My vision is getting blurry and my feet won't just walk straight! Nakailang shots ba ako kanina?
Dinala ako ng lalaki sa may sulok at kaagad ako nitong hinalikan. Gosh.
It was a rough, rush and hard kiss. Ramdam ko ang pananabik at ang excitement ng lalaki. His hands were now roaming my curves as he was dancing and pressing his manhood in my bellybutton.
Hindi ko halos makita ang mukha niya dahil sa labis na kalasingan at pagkahilo. Feeling ko ay parang gusto ko munang sumuka. Kaya napabitaw ako sa halikan naming dalawa.
"Sandali." Saka ako lumayo sa kaniya ng ilang hakbang. "Need to go to the restroom." paalam ko pero hindi pa ako nakakaalis nang hinawakan niya ako sa braso ng mahigpit.
"Hindi pwede! Tatakasan mo lang ako." sabi niya at inilapit niya ako sa kaniya. Mapusok niya akong hinalikan sa labi hanggang sa dumapo ang mga labi niya sa leeg ko. Hindi ko gusto ang patutunguhan nito.
I was feeling assaulted kaya mabilis akong sumigaw at hinampas siya sa kaniyang dibdib ng makailang ulit. "Ano ba! Bitawan moko!" Pero mas lalo niya lang akong inilapit sa kaniya. Nagpupumiglas ako pero sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa beywang ko.
"Tu--" sisigaw na sana ako ng muli na naman niya akong hinalikan sa labi. Pilit ko siyang tinutulak pero hinihigpitan niya pa lalo ang pagkakayakap niya sa beywang ko.
"Ano ba?! Bitawan mo nga sabi ako eh!" maluha-luha ko ng sabi. Takte. Mare-r**e pa yata ako nito. Bwiset! Panay parin akong nagpupumiglas sa pagkakahawak niya pero di hamak talagang mas malakas siya.
Mawawalan na sana ako ng pag-asa hanggang sa,
"Let her go." Malamig na sabi ng nasa likuran ko. Napalingon ako sa nagsalita at tuluyan ng tumulo ang kanina pang namumuo kong luha.
"Wag ka ngang mangialam dito?!" sagot ng lalaki, saka ako nito hinawakan sa braso ng sobrang higpit. Pakiramdam ko'y madudurog niya pa yata ang buto ko roon.
"Draight...." yan lang ang tanging lumabas na salita sa bibig ko. Ang pangalan ng lalaking magliligtas sa'kin ngayon. Hindi ko alam kung paano siya napunta dito, at hindi ko na muna iisipin yun, ang mahalaga, nandito siya ngayon sa harap ko para iligtas ako sa manyak na kasama ko.
"Bitawan mo...." Halata sa kaniyang titig na naka-direkta sa lalaki ang labis na galit, inis, at pagka-dismaya. Natigil siya ng ilang segundo bago muling nagsalita, saka naman niya ako tinapunan ng tingin, "Ang girlfriend ko." malamig na boses niyang saad.
"Ah girlfriend mo pala to? Edi masaya! Pa share naman ako!" Mabastos niyang sabi kaya hindi na nakapagpigil si Draight at nasuntok na niya ang lalaki sa panga nito.
Iyak lang ako ng iyak sa sulok habang nagsusuntukan si Draight at yung lalaki. Ilang sandali pa ay nakahandusay na yung lalaki sa sahig.
"Shhhh... Don't cry.." Sabi ni Draight at niyakap niya ako. Pero imbes na tumigil ay mas bumuhos lang ang aking emosyon at niyakap ko rin siya pabalik. It's my way of saying thank you, dahil nandito siya at niligtas niya ako. Labis na pasasalamat dahil kung wala siya, baka virginity ko ang nakuha. Oo, b***h ako. Pero I won't scoop that low by giving my body to just anybody. Someday, I will give this as a gift to someone. Someone who will accept me completely, for who I was, and for who I will become.
\\
"Here. Uminom ka muna ng tubig." tinanggap ko yung tubig na inilahad niya sakin at kaagad ko itong ininom.
Dinala ako ni Draight sa bahay niya dahil ayaw ko pang magpahatid sa condo ko. Ayaw kong makita o makasalubong man lang si Yzece. Oo, Galit ako sa kaniya. Pero hindi ko naman kayang ipagtanggol ang sarili ko mula sa kaniya. Kaya heto ako't parang tanga na umiiwas sa kaniya, kahit siya naman itong may kasalanan sa'ming dalawa.
"Tell me." biglang sabi niya sabay upo sa sofa na kaharap ng inuupuan ko.
"Hmm?" sabi ko lang dahil umiinom pa ako ng tubig.
"I can tell that you have a problem. Now, what is it?" Kitang-kita ko ang kuryusidad sa expression ng mukha niya kaya natawa lang ako. Tinatawa ko nalang ang sakit ng salitang isinaksak sa akin ni Yzece na tumagos sa aking dibdib.
"Ano ka ba! Wala naman akong problema. Ha ha ha." Halatang-halata ang peke kong tawa kaya kumunot lang yung noo niya.
"You can't fool me, Miss Ellaine Salazar." Seryosong saad niya kaya napa-pout lang ako. Ayaw ko kasing pag-usapan. Kaagad ko namang napansin ang sunod sunod niyang paglunok ng kaniyang laway, habang nakatitig sakin ng seryoso. Ehh? Bakit?
"Don't pout." Seryoso niyang sabi. Napairap naman ako. Hay naku, mister president, alam kong naaakit ka lang na halikan ako. Aweee. Napayhahalataan ang isang 'to e.
"Mister President. What do you think of me??" biglang tanong ko sa kaniya, kaya he was taken aback.
"What do you mean?" He asked curiosity, sheets ang cute naman ng isang 'to. Honestly speaking, I really can't deny his charms nor ignore it. He's just too good to be true. Minsan naiisip ko, kung sa lalaking ito ko kaya ipagkalaloob ang puso ko, aalagaan niya kaya ito?
"Ang sabi ko... Anong tingin mo sa'kin??" curious kong tanong sa kaniya. Tinuturo ko pa ang sarili ko para hindi siya mag-mukhang ewan na clueless sa harap ko.
"A girl?" kunot-noo niyang tanong kaya napatawa ako ng malakas. Takteng to!! Sheeet! Medyo slow ang ating pareng Draight, baka naiwan niya ang kaniyang braincells sa SSG office.
"Hindi yun! Tignan mo ako from head to foot. Anong masasabi mo??"
Gusto ko lang naman malaman. Kung pareho ba sila ng tingin ni Yzece tungkol sakin. Kung sa tingin niya ba ay isa din akong slut? And worse, kung nagiging katulad ko nga ba ang p*ta kong ina.
"Maganshahsks nilalang" hindi ko narinig ng maayos yung sinabi niya, para kasi nitong kinain ang mga letra sa unang salita, kaya kumunot ang noo ko.
"Ano?! Isa akong nilalang?! Nilalang na ano? Paki-ulit di ko narinig~" sabi ko pero tinawanan niya lang ako. Dahil sa napaka-angel niyang pagtawa ay napatawa na rin ako.
Third person's POV
Kanina pa nakatingin si Yzece sa nababaliw na si Ellaine. Inom ito ng inom habang mapaklang tumatawa. Hanggang sa may lumapit nang lalaki dito. Pinipigilan ito ng mga kaibigan pero sumigaw lang ito ng,
"Ano ba naman kayo guys?! Magkatulad na magkatulad nga kasi kami ni mama. hahahaha!"
Dinala si Ellaine ng lalaki kaya tumayo na rin si Yzece at sinundan ang dalawa. Kumunot ang noo niya nang pilit na tinutulak ni Ellaine ang lalaki. Lalapit na sana siya doon nang may biglang nagsalita,
"Let her go."