Unang pinuntahan ng grupo nina Jade ang Mt. Pulag. Hiking muna bago sila tutulak patungo sa Tekip falls. "Yay! So, excited na ako!" sabi ni Cindy. "Yap, naman! This is my first time to go hiking," sabi naman ng isa pa. "Mukhang mataas na ang araw. Sa bagay, malamig naman kahit ma-araw," sabi naman ni Jade. "May dala ba kayong pampaligo para mamaya sa falls?" tanong ni Cindy. "Syempre naman! Excited kaya ako, no? Kaya hindi dapat 'yon mawala. Kaunahan ko pa 'yon iginayak, ah!" sabi muli ng isa pa sa kanila. "Tiyak ta-tanghaliin na tayo rito." "Ready na, guys?" tanong ng tour guide nila. Sabay-sabay silang tumango at nagsimula ng umakyat ng bundok. Lahat sila maingay habang papataas. Syempre, hindi naman iyon pinalampas ni Jade at nag-live talaga na s'ya namang ipinag-pasalama

