Tinanghali nang gumising kinaumagahan sina Jade. Mataas na ang araw bukod pa sa malamig ang klima ng panahon sa syudad. Katamtamang inom lang naman ng grupo nang nakalipas na gabi. Ito ang unang araw nila sa Bagiou, dahil hanggang tatlong araw lang at muli na naman silang babalik sa lungsod. Napaka-peace ng lugar at napakabango pa ng hangin, may mga masasamyo ka ring amoy ng mga bulaklak. Tulog pa ang mga kasama n'ya kanina kaya pinasya n'yang lumabas muna ng hotel at naglakad-lakad sa paligid. Napakaganda ng paligid, maraming orchids at flowering plants na halos lahat namumukadkad. Ito siguro ang isang dahilan kung bakit tuwing ganitong season nila idinadaos ang flower festival, hindi ka nga naman magsisisi sa tuwing iikot ang iyong mga mata, halos puro bulaklak ang makikita mo sa

