Matapos maipark ni Ted ang kanyang sasakyan, mabilis itong umikot sa gawi ni Jade upang pagbuksan ito ng pinto. Lihim namang kinilig si Jade sa simpleng gesture nito. "Salamat!" aniya sabay ngiti sa binata. Pinapungay n'ya ang mga mata na parang sine-seduce ito. Napansin n'ya ang paggalaw ng adams apple ng binata at mabilis na pag-iwas ng tingin sa kanya. Mabilis rin s'yang bumaba ng sasakyan habang kinukuha nito ang kanyang mga dala bago mabibilis ang mga hakbang na nagpati-una na sa kanya sa paglalakad patungo sa elevator. Habang nasa loob ng elevator wala silang imikan. Inilabas n'ya ang dila upang basain ang kanyang labi. Napansin ni Jade na natuon ang mga mata nito sa kanyang labi. Muling tumaas baba ang adams apple ng binata at bahagyang namula ang earlobe nito sa hindi n'ya

