Habang yakap ni Jade ang hubad na katawan ni Ted, unti-unti rin n'yang naramdaman ang pagkalma nang panginginig nito hanggang sa bumalik ang normal at banayad na paghinga nito. Hindi n'ya mapigilan ang sariling titigan ang gwapong mukha nito. Ang lalaking kay tagal niyang umasam ng atensyon na para sa kanya ngunit bigo s'ya. Mas higit ang ibinibigay nitong atensyon sa mga babaeng nakakasama nito na labis na nakapagpapasakit sa damdamin n'ya. Hangad n'yang kahit ngayon lang, sa mga sandaling ito, maranasan n'yang manatili sa mga bisig nito, dahil pagsapit ng bukas hindi s'ya sigurado kung kasama pa n'ya itong muli. Mali man at hindi dapat kung sa tingin ng iba, ngunit nais lang n'yang pagbigyan ang sariling kagustuhan. Wala sa loob na inilapit n'ya ang kanyang mukha sa mukha nitong nak

