Madilim pa ang paligid sa labas nang bumangon si Jade. Sobrang sakit ng katawan n'ya lalo na ng kanyang ibabang ibahagi. Mabilis s'yang naglinis ng sarili at naligo. Agad na sinuot ang kanyang jeans at t- shirt na binili pa ni Ted para sa kanya kahapon. Saglit n'yang nilingon muna ito bago nagpatuloy sa kusina para maghanda ng makakain nila. Tamang magliliwanag na ang paligid nang matapos s'ya sa pagluluto. Saglit n'yang iniwan ang kusina at sinilip si Ted. Saglit pa s'yang napahinto nang mapansin n'ya itong nakaupo sa gilid ng kama, habang sapo ang sariling ulo. Kinakabahan na marahan siyang lumapit dito. Hindi s'ya sigurado sa nararamdaman n'ya matapos ang nangyari kagabi sa kanila. "Ahem!" Gulat itong napalingon sa kanya na tila nakakita ng multo. 'Grabe sya? Ano bang nakakag

