"Okey!" sa huli'y sagot nito at tumayo. "I'll just get my phone." At tumalikod na ito patungo sa mesa. Ma aliwalas ang mukha ni Jade habang sinusundan ito ng tingin. Tila nalimutan na yata nya ang dahilan kung bakit sya naroon at may panibago na namang namumuong bagong idea. 'Bakit nga ba hindi?' nangi- ngiting sabi nya. Sininop naman ni Cheska ang pagkaing dala kanina. "Maybe I should left it here." tukoy nito sa dalang cake. "Oh, that's my favorite you know?" mabilis naman na sabi ni Jade. At lumapit rito. "Sayang naman ito kung itatapon lang naman, halos hindi pa nababawasan at mukhang masarap, ha?" naka taas kilay na sabi nya, sa napa- tangang babae sa kanya. "Akin na lang ito, sayang naman." sabi nya at mabilis na inabot ang box ng cake. Hindi naman sya patay gutom, kung iyon

