Matapos ang lunch ng apat muli silang bumalik sa office building ni Ted dahil naroon rin ang kani-kanilang mga sasakyan. Kaagad na nagpa-alam si Cheska sa kanila at nauna nang umalis. "Ayaw mo ba talagang ihatid kita?" si Ivan kausap si Jade. "Hindi na nga, 'di ka rin naman makulit, noh? 'Pag hinatid mo pa ako, maiiwan na naman ang kotse ko rito. Sino naman mag-uuwi?" "Pwede naman 'yan ipahatid na lang," "Sinabi na ngang hindi na, 'di ba?" kunot noong sabat ni Ted sa kanilang usapan. "May gagawin ka pa, remember?" baling nito kay Ivan na naguluhan dahil hindi naman alam kung ano ang tinutukoy nitong gagawin n'ya. "Sige na nga! Maiwan ko na kayo d'yan, una na ako," Kakamot-kamot sa batok na nagpaalam ito sa kanila at tumalikod nang bumalik sa opisina. Naiwan silang dalawa sa parking

