Halos kulang apat na oras rin ang biniyahe ni Ted bago nakarating sa Bagiou. Mabuti at hindi gaanong matrapik at hindi rin mahaba ang mga pila sa toll. Pasado alas-diyes na nang makarating s'ya sa Bagiou. Nag-check-in na lang muna s'ya sa Bagiou country club. Maaga rin s'yang nagpahinga upang alisin ang pagod matapos ang ilang oras na byahe. Bukas na n'ya bibisitahin ang site. Dahil na rin sa pagod sa byahe at pag-da-drive mabilis s'yang nakatulog. JADE'S POV. Tinatamad si Jade bumangon nang sumunod na araw. Naiinis s'ya at wala rin sa paligid ang Kuya Ted n'ya. Nakadapa pa s'ya sa kama habang nakatakip ang isang unan sa mukha n'ya nang may marinig na boses sa pinto ng silid n'ya. Ang mommy n'ya. "Bangon na, at tanghali na. Akala ko ba plano mong lumabas ngayon?" Nagpaalam kasi s'y

