TED'S POV Maaga pa lang nakagayak na si Ted upang bisitahin ang site ng project nila sa may Aurora Hill at maging sa Benguet. Halos ito pa lang ang pangatlong beses n'yang pumunta rito mula nang simulan ang ginagawang building may ilang buwan na rin ang lumipas. Madalas ang assistant n'ya ang palagiang bumisita sa site. Una n'yang pinuntahan ang Benguet site na halos nasa kalahati na porsyento ng project nila. Nakausap n'ya ang ilang mga tao na s'yang humahawak sa buong proseso ng project sa field. Nagbigay ng ilang instruction at nag-check ng mga gamit. Inikot rin n'ya ang kabuuan ng field. Matapos na masigurong maayos na ang lahat, saka pa lamang s'ya bumalik sa hotel at bumisita sa Aurora Hill site. Ang natitira n'yang oras ay ginugol muna n'ya sa pamamasyal sa Burnham. Halata

