Mabilis at sobrang excited na naghanda ng kanyang gamit si Jade. Mamayang gabi pa ang byahe nila. Nagdala rin s'ya ng swimsuit na gagamitin n'ya sa paliligo nila sa Bolinao. Kahit anong pilit n'ya kay Cindy para mauna nilang puntahan ang Bagiou, hindi pa rin ito pumayag. Parang atat na atat na s'yang makatapak sa city of pines. Ngayon pa lang naman n'ya first time na makakarating sa lugar bukod pa sa alam n'yang naroon si Ted. Dito pa rin lang n'ya personal na mapapanood ang festival na noo'y laging sa tv lang n'ya nakikita. Sana pumayag na s'ya noon na sumama sa daddy n'ya nang minsan s'yang ayain nito para sa bakasyon, ngunit hindi pumayag ang mommy n'ya kaya nawalan na s'ya nang pagkakataon na personal itong pasyalan. Maayos na ang lahat ng kanyang mga gamit, kagaya ng dati na n'ya

