TED'S POV Busy s'ya sa pag-aayos ng ibang mga papeles na iiwanan n'ya para sa kanyang bakasyon nang biglang may isang hindi s'ya inaasahang bisita. Nasorpresa s'ya sa biglang pagsulpot ng anak ni Mr. Bright, na si Chesca, at may bitbit itong isang supot na hindi n'ya alam kung anong laman. "Hi!" "Ah, hi, upo ka," Mabilis itong pumasok at umupo sa isang bakanteng sopa. Inikot pa muna nito ng tingin ang buong paligid ng kanyang opisina. "Nice place and the color is cool," puri nito sa kanyang opisina. Color gray kasi ang napili n'ya para rito. Wala ring ibang ayos ang mga wall maliban sa parang mga shapes and garphics na ipinalagay n'ya. "Ikaw ba ang nag-design?" "Thank's, no, ayaw ko lang kasi talaga nang masyadong maraming design. I want a simple one," saglit muna n'yang iniwan ang k

