Hindi malaman ni Ted kung ano ang sasabihin sa narinig mula sa kanyang assistant. 'Di nga ba't natipuhan pa yata nito si Jade? Hangga't maaari hindi n'ya gustong may napapalapit dito ngunit magiging halata naman s'ya kung pipigilan din n'ya ito. Napabuntonghininga muna s'ya bago nakuhang sumagot. "Bahala ka!" sagot n'yang hindi lumilingon dito. Nagtagis ang mga bagang n'ya nang lingid sa kaalaman nito. "But I'm warning you, oras na malaman kong lolokohin mo lang s'ya, pasensyahan tayo," sinasabi n'ya iyon habang nakaharap sa ginagawa. He chuckled, "Don't worry, iingatan ko naman ang princess n'yo. And wala akong balak na lokohin s'ya. Saka hindi naman s'ya ang tipong dapat lokohin. Mas bagay yata sa kanyang maging reyna, ang tanong lang, hindi ba s'ya maselan pagdating sa guy?" lumapit

