Masayang magkaharap habang magka-usap si Ted at ang anak ni Mr. Bright. Hindi rin ito boring kausap dahil marami itong kwento. At s'ya naman bilang magiging new supplier nila, kailangan n'yang i-entertain ito at siguruhing maayos na mai-ko-close ang deal. Maayos at successful na naka-close s'ya ng bagong deal at syempre hindi naman n'ya maiiwasang may kaunting celebration kaya kailangan n'ya pang mag-stay ng may ilang minuto kasama nito. Natural na bahagi na iyon nang pagiging gentleman n'ya sa mga kliyente nila. Hindi tuloy n'ya napansin na madilim na pala sa labas. Sinipat n'ya ang kanyang relo sa bisig, it's already 7 pm. Ngayon lang s'ya napatagal sa pakikipag-negotiate. Maganda rin naman kausap ang babaeng kasama n'ya at maraming alam tungkol sa bussines at talagang bussines minde

