Nanlaki ang mga mata ni Jade, kahit pa nga medyo humihikbi pa s'ya dala ng pag-iyak n'ya kanina. Hindi s'ya makapaniwalang hinalikan s'ya nito. As in, halik na totoo na talaga. This is her first kiss, a gentle kiss from the man, na simula pa man kinababaliwan na ng puso n'ya. Ang lalaking masungit man at malamig hindi pa rin n'ya pinagsasawaang habulin at mahalin. 'Totoo na talaga ito!' piping bulong n'ya sa sarili. Biglang lumukso sa sobrang tuwa ang kanyang puso. Parang idinuduyan sa alapaap ang kanyang pakiramdam. Kay tagal na inasam ng kanyang puso na makuha ang atensyon nito. Ngayon kahit saglit lang masasabi niyang naangkin rin n'ya kahit ang isang halik lang. Nabuhayan s'ya ng pag-asang hindi malayong magustuhan at mahalin rin s'ya nito na kagaya nang nararamdaman n'ya. Kahit halik

