Chapter 9

1929 Words
Napatulala na lang ako dahil sa dami ng mga ginagawa. Umalis siya kahapon. "I know your capabilities— but don't disappoint me.." seryosong usal niya. Hindi naman na ito bago sa'kin. Minsan umaalis din siya ng ilang buwan, at wala kaming ideya kung anong ginagawa niya. I've been his secretary for 6 years. For a lot of the company, I've applied to. Ito lang ang kaisa-isang company na tumanggap sa'kin ng maayos. Pero hindi ito ang una ko trabaho. May una akong kompanya na pinagtrabahuhan, at nagkaroon ng problema doon. Dahil wala akong kamalay malay na nagugustuhan na pala ako ng boss ko. He was mid 60s. I didn't even give any malice his kindness. Kasi hindi niya ako binibigyan ng madaming trabaho. At napansin ko din na may paminsan minsan niya paghawak sa likuran ko o sa balikat ko. I thought it was nothing at all. Pero mali ako. I knew he already had family. And I never imagined that he had something on me. But he is desperate old and ugly man, was so maniac. Nagkaroon ako ng kaba sa puso ko ng hawakan niya ang hita ko.. Hindi isang beses, at bigla niya itong pinipisil. We were caught by his wife. My heart was pumping so fast, and I almost lost my breath. Akala niya gumagawa kami ng kababalaghan sa office ng asawa niya. Nakatanggap ako ng dalawang sampal sa kanya. At gumawa pa ng istorya ang dati kong boss na, inaakit ko siya. Kaya gusto ng asawa niyang idemanda ako. I was betrayed. Alam niya siya ang gumagawa ng pambabastos sa'kin, pero ako ang ginagawa niyang mali. Kahit gusto kong ipatanggol ang sarili ko. Alam kong wala akong laban sa kanila. Kaya nagmakaawa na lang akong huwag nilang ituloy. They fired me, and judge me by the things I've never did. Nakarinig ako ng masasakit na salita sa mga tao sa company. Halos hindi ko kayanin ang mga bagay na iyon. Pero Serine— slapped me about the reality. Madaming company ang umayaw sa'kin dahil sa kagagawan ng asawa ng dati kong bosss, but not until my feet came here. Kahit sobrang sungit niya. At hindi ko kaylanman nakita ang tunay na ngiti sa kanyang mga labi. I stayed here. Kasi ang daming benefits at mataas ang sweldo dito. "Miss, ikaw na susunod?" usal sa'kin ng babae lumabas sa office. Ilang beses kong pinapakalma ang sarili ko pero nilalamon ako ng takot at kaba. Kasi sa lahat ng pumasok sa office matapos ang interview, parang dismayado sila. Kinakabahan tuloy ako dahil pang-ilang company na ito. At walang sinuman ang gustong tanggapin ako dahil sa dati kong boss. Mauubusan na ata ako ng hininga dahil pag-inhale at exhale ko. Pagkapasok ko, iniwanan na din kami agad nung babae. Parang gusto ko siyang hatakin at samahan ako sa loob. Kasi kinakabahan talaga ko. Iyong puso ko parang gustong makawala sa dibdib ko. Bumungad sa'kin ang lalaki nakaupo sa swivel chair. Hindi ko masyadong makita ang kabuuan ng mukha niya. Kaya humugot ako ng lakas ng loob para bumati. "G-good morning po." Halos maubusan ako ng boses dahil doon. Umayos naman ito ng upo. At doon umawang ang mga labi ko. Unang bumungad sa'kin ay ang mga mata niyang walang emosyon. Hindi ito kumibo, at inabot ko resume ko. He just gave me sign to sit. My eyes can't take off. Hindi ko sinadyang suriin siya. Though his eyes were emotionless— it had beauty that seduce you. He had thick eyebrows— and perfect crafted. A pointed nose with nice lips. His jaw that formed well— and suited hairstyles. How he had these kinds of beautiful features. He's not black— but tanned skin. Can't say perfect, but almost there. "I thought you were here to apply— not to scanning me..." tinakasan yata ako ng kaluluwa dahil sa biglaan pananalita nito. My heart that slowly calming getting experiences so fast beat. At hindi ko magawang kumalma dahil sa matinding kaba. "S-sorry po.." mahinang usal ko. Napayuko naman ako dahil sa kahihiyan na nagawa ko. I heard his smirks.. "You need this job? Why?" seryosong usal nito. "Y-yes, Sir.. I need money.. Kaya kailangan ko itong trabaho na ito para sa pamilya ko." Usal ko rito. Inangat ko ang tingin ko rito. Bigla itong sumandal sa swivel chair niya, at deretsong nakatingin sa'kin. Kaya nanatili nagwawala ang sistema ko. Fuck! Anong klase ba ang mga mata niya? It wasn't just something strange— but have deepen inside. "If I will hire you today— would you do everything for me?" deretsong usal nito. Napalunok na lamang ako. At pakiramdam ko bumabara ang laway ko sa lalamunan ko. I don't have choice— kailangan ko na ito. Desperada na ko. "Y-yes, Sir.." piyok kong usal. Kaya napaiwas ako ng tingin. I heard another smirks.. "You are hired.." That's I really need right now. Kahit natutuwa ako, pakiramdam ko may kasakit ito. I once gaze him. At wala kahit anong emosyon ang meron siya. Ang hirap niyang basahin. Pero ang mahalaga ngayon.. May trabaho na ko. Kaya kahit madalas madami akong reklamo. Kailangan ko ang trabaho ito. Hindi lang para sa'kin, kundi sa taong gusto kong ibalik ang kabutihan na ginawa nila sa'kin. "I'm impressed... I cannot imagine how River good at choosing his secretary.." usal ni Mr. Chua. I can't help not to smile. "Thank you, Sir.. We are looking forward for good relationship with you and to your company.." malumanay kong usal sa kanya. Malapad itong ngumiti sa'kin. "It will be bearing a good outcome..." usal nito sa'kin. "By the way... are you single?" deretsong usal nito. Natigilan naman ako saglit. Hindi ko maiwasan makaramdam ng kunting kaba. "Pardon.. But why are you asking, Sir?" saad ko rito. Natawa naman ito bigla. "I'm sorry for making uncomfortable by my question.. I like you for being smart.. So, in my vision, you and my son can be suitable.." saad nito. Unti unting nawala ang bigat sa puso ko dahil sa sinabi niya. Ngumiti naman ako rito. Dahil wala ang boss ko, ako ang uma-attend sa ibang meetings niya. "Sir, I'm not suitable for your son..." magalang ngunit deretsang saad ko rito Umiling naman ito. "No, Iha.. Hindi naman ako matapobre sa iniisip mo.. Gusto ko ang ugali mo na kikita ko." Seryosong saad nito. Kita ko na hindi siya nagbibiro. Gusto kong ibaling sa iba ang atensyon niya. Pero mukhang malabo iyon. He kept telling me about his son. I'm just telling him— that I have priorities that I need to do that having a boyfriend. Pero pinilit niyang i-meet ko ang anak niya kahit isang beses. Dahil sa pagiging makulit niya. Hindi ko namalayan na pumayag na ako sa gusto niya. "If I have vacant hours, Sir." Sabi ko na lang rito. Tuwang tuwa naman siya sinabi ko. "You won't ever regret it, Iha.." masayang usal nito. I hope I will never regret it. Pero nagdadasal pa din ako na sa hindi matuloy iyon. Kasi naman— natatakot ako, baka mapano ang anak niya. Pero nakahinga ako ng maluwag ng magpirmahan na kami. Tuwang tuwa ito dahil sa partnership at pagpayag ko. Mukhang wala na akong magagawa, sumang-ayon na ko. Nang umalis siya, parang naramdaman ko na ang pagod ko. Lalo nasa pangungulit niya. Mas naging mahaba pa ang naging usapan naming dalawa about sa anak niya— kaysa sa tunay na pakay niya. Pero hindi ako makapaniwala na gusto niya ako para sa anak niya. Hindi iyong usual sa'kin kasi parang may something. Napabuga na lang ako ng hangin dahil sa pagod. He was the third person I've talked to this day, and he was the last. Kaya ubos na ang social battery ko, tapos hindi niya pa ako tinantanan kagabi. Kaya pag-uwi ko, binagsak ko kaagad ang katawan ko sa sofa. I need to take a snap. Gusto ko ng pahinga. Hinila agad ako ng antok, kaya nakatulog ako kaagad. Ang tagal ng naging tulog ko, at gabi na din pala. Nakaramdam ako ng panunuyot ng lalamunan ko. Kaya naman nagtungo ako sa may kusina, at naabutan ko siyang nagluluto. Napalingon siya sa'kin. Narinig niya siguro ang yapak ko. "Kanina ka pa?" tanong ko rito. Dere-deretso akong kumuha ng tubig sa may ref. "Hindi naman.." simpleng sagot nito sa'kin. When I'm done drinking water. Hinarap ko ito. Pero nanatili itong nakatuon ang atensyon sa may niluluto niya. "Ngayon ka lang umuwi, bakit?" curious kong saad rito. Hindi naman kasi niya ugali na hindi umuwi ng ilang araw. Kaya nagtataka ako. "Basta.." simpleng sagot niya. Hindi ko na siya muling tinanong ng kung ano. Alam kong ayaw niyang pag-usapan pa. Kaya nanatili akong tahimik, at nagpaalam din na aakyat na ako. Tatawagin na niya na lang ako kung kakain na. Serine and I, totally opposite. Pero tumagal ang friendship namin. We met in college— and our story begins. Takot na takot ako sa presence niya dati, kasi naman hindi siya marunong magfilter.. Whatever is in her mind— she will tell it, whether you like it or not. Pero mali lang pala ako. We became partners in one of our school activities at doon ko siya nakikilala. Kaya ganoon siya dahil sa strong personality na meron siya. Kaya nami-misinterpret ng ibang tao. Beyond those flaws— I love that, Girl. Sa katunayan bahay niya itong pinagtutuluyan ako. Since na nagw-work ako kay Sir River dito na ako tumira. Kahit tumanggi ako, makulit lang talaga siya. We live in the same roof. I respect her rules. I'm grateful to have her. At siya ang nagpapamukha sa'kin madalas ng realidad. "Take a leave next week." Sabi nito sa'kin. Napahinto naman ako sa pagkain dahil doon. "Bakit?" saad ko kaagad rito. "We have a reunion in Tagaytay next week." Walang buhay nitong usal sa'kin. "Hindi ko sure.." lalo na at wala ang boss ko. Walang maiiwan para sa company. "Bakit?" mataray nitong saad. "Wala ang boss ko.." sabi niyo sa'kin. Napailing pa ito. "Porket wala diyan— bawal na.." sabi nito. Tumahimik lang ako saglit para isipin, kung anong tamang salita para sa kanya. "Per—" hindi na niya ko pinatapos magsalita. "Ewan ko sayo, Miah... You can't leave the company for 3 days because of your boss.. That's bullshit! Aba'y halos ialay mo na buhay mo sa kanya.." inis nito saad sa'kin. "Hindi naman sa ganoon—" nauubusan ako ng salita ngayon. "Just take a leave next week." Utos nito sa'kin. Umalis na agad ito habang dala dala ang pinagkainan niya. At alam kong galit siya. She hates reunion of her family. Pero dahil sa parents niya, wala siyang palag na tuparin iyon. Since we became friends. She always brought me At their reunion. Dahil laging niyang sinabi, that's boring celebration for her. Kaya sinasama niya ako para may kausap siya, at makaiwas sa mga kamag-anak niyang kakaiba magsalita. I just sigh. "Bahala na nga.." usal ko sa sarili ko. Kinabukasan, balik sa pagtatrabaho. Pero iniisip ko kung paano ako magpapaalam sa kanya. Kabado ako. It is hard to talk to him. Kung hindi naman ganoon ka importante na email hinayaan niya lang. Pero maglalakas pa din akong tawagan siya. Mahirap kung magtatampo si Serine sa'kin. Kabado ako habang nagr-ring ang tawag. "Kalma, Miah.." bulong ko sa sarili ko. Nagulat ako ng bigla nitong sinagot. Pero hindi ko inaasahan ang sumunod na pangyayari. "Hello, what do you need to River?" woman's voice. Imbes na sumagot ako. Bigla kong pinatay, at sinapo ko ang dibdib ko kumakabog sa kaba. _______________________________________ Happy Reading, people 💐
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD